Banghay Aralin SA Aralin Panlipunan IV PDF

Title Banghay Aralin SA Aralin Panlipunan IV
Author Arnalyn Pascual
Course Literacy Development
Institution Gordon College (Philippines)
Pages 8
File Size 411.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 137
Total Views 328

Summary

BANGHAY ARALIN SA ARALIN PANLIPUNAN IVI. LAYUNINA. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay nasusuri ang mga iba’t-ibang mga gawaing pangkabuhayan batay sa heograpiya at mga oportunidad at among kaakibat nito tungo sa likas kayang pag-unlad. B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagpapaki...


Description

Republic of the Philippines Olongapo City GORDON COLLEGE College of Education, Arts and Sciences

BANGHAY ARALIN SA ARALIN PANLIPUNAN IV I.

LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay nasusuri ang mga iba’t-ibang mga gawaing pangkabuhayan batay sa heograpiya at mga oportunidad at among kaakibat nito tungo sa likas kayang pag-unlad. B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t-ibang hanapbuhay at gawaing pangkabuhayan na nakatutulong sa pagkakakilanlang Pilipino at likas kayang pag-unlad ng bansa. C. Pamantayan sa Pagkatuto 1. Nailalarwan ang mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t-ibang lokasyon ng bansa D. Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng 60 minutos, ang mga mag-aarl ay inaasahang; 1. Natutukoy ang tatlong pangunahing likas na yaman ng bansa, 2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga likas na yaman 3. Nakabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga sa mga likas na yaman.

II.

MGA NILALAMAN A. Paksa: Mga Pangunahing Likas na Yaman ng Bansa B. Sanggunian: Learners’ Module in Araling Panlipunan IV C. Mga Kagamitan: mga tsart D. Mga Kasanayan: Pagkamalikhain at Kakayahang Makapaglarawan E. Estratehiya: entry pass,recitation log, agree-disagree, deck of cards, exit pass F. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa

III.

PAMAMARAAN

Gawain ng Guro A. Panimulang Gawain Entry pass (bago pumasok sa klase, sa pintuan) Kamusta ka ngayon?

Gawain ng mga Mag-aaral (ang mga bata ay nakapila ng maayos sa pintuan at isa isang papasok pagkatapos sumagot sa tanong ng guro) Ako ay _______________ ngayon.

1. Pagbati Magandang hapon rin po Magandang hapon mga bata!

Republic of the Philippines Olongapo City GORDON COLLEGE College of Education, Arts and Sciences

2. Pagtatala ng Liban (Roll call sa pamamagitan ng isang index card)

Kung gayon, ang mga narito sa ating silid ay magkakaroon na naman ang panibagong kaalaman. Gusto nyo bang magkaroon ng bagong kaalaman? Mahusay,

Ang mga mag-aral ay sasabihing ‘present’ kapag natawag ang kanikanilang mga mga grupo)

Opo.

3. Pag-aayos ng Silid Opo. Nakapaglinis na ba ng silid ang mga cleaners sa araw na ito? Mabuti, ayusin na pala ang mga upuan at ilinya ng maayos ang mga ito. Bumalik na sa kanya kanyang upuan, ang maingay at magulo, sa harapan umupo.

(Ang mga mag-aaral ay inayos at inilinya nag maayos ang mga upuan) (Ang mga mag-aaral ay babalik sa kani-kanilang mga upuan, tatahimik at makikinig sa guro)

4. Balik-Aral Opo. Kahapon ay pinag-aralan natin ang mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng bansa, tama ba?

Opo.

Naaalala niyo pa ba ang mga pangunahing anyong lupa at anyong tubig natin? Mahusay kung gayon, bibigyan ko kayo ng isang baliktaran na palkard na may nakalagay na sang ayon at di sang-ayon. Ako ay maglalahad ng ilang mga pahayag at inyong itataas ang placard na sang-ayon kung kayo ay sumasang-ayon at di sangayon naman kung hindi. Ang makakakuha ng tamang sagot ay magkakaroon ng dalawang puntos na inyong ilalagaysa inyong recitation log card maliwanag ba? Okay, magsimula na tayo. Ang anyong lupa ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa

Opo.

Sang-ayon

Republic of the Philippines Olongapo City GORDON COLLEGE College of Education, Arts and Sciences

kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin Sang-ayon Mahusay! Bigyan ng 2 points yan! Ang Bundok, kapatagan, at burola ya mga halimbawa ng anyong lupa.

Di sang-ayon

Aba mahusay! 2 points Ang anyong lupa ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig.

Sang-ayon (pumalakpak)

Ang Dagat, ilog, at sapa ay mga halimbawa nga nyong tubig. Mahusay! Palakpakan natin ang bawat isa! 5. Pagganyak Ngayon naman mayroon akong inihandang awitin para sa inyo. (Inilagay ng guro ang tsart sa pisara) Ngunit basahin una natin, okay? Handa na bang magbasa ang lahat?

(Binasa ng mga mag-aaral ang nasa pisara)

Basahin; Likas na yaman May tatlong yaman ang Pilipinas Tubig, lupa at tsaka mineral Lahat sila ay mahalaga, Sila ang tinatawag na likas na yaman Likas na yaman, likas na yaman, Sila ang tinatawag na likas na yaman

Ano ang napansin nyo sa ating inawit?

Tama. Mahusay. B. Panlinang na Gawain 1. Pagtatalakay Ngayon magkakaroon tayo ng tatlong pangkat. Tumayo dito sa harapan ang mga mag-aaral na

Tungkol po sa likas na yaman ng pilipinas

Republic of the Philippines Olongapo City GORDON COLLEGE College of Education, Arts and Sciences

tatawagin ko. (tumawag ng tatlong mahuhusay na mag-aaral ang guro) Ngayon, hahayaan kong mamili kayo ng inyong mga kagrupo. Ang bawat grupo ay pipili ng kani-kanilang paksa at may pagkakataong magpahayag o magpaliwanag ng kanilang mga opinyon o pagkaunawa ng paksang napili. Bibigyan ko kayo ng 5 minutos upang maghanda. Magsimula na tayo. (matapos ang pagpapahayag at pagbabahagi ng mga kaisipan) Mahusay! Kung inyong napansin ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa mga pangunahing likas na yaman ng ating bansa. Tingnan natin ang graphic organizer dito sa ating tsart. Mga pangunahing likas na yaman ng bansa

yamang lupa

yamang mineral

yamang tubig

Ayon sa graphic organizer, ilan ang ating pangunahing likas na yaman ng bansa?

Tatlo po

Tama, anu-ano ang mga yon?

Yamang lupa, yamang mineral at yamang tubig

Tama. Ang likas na yaman ay ang mga bagay na nagmumula sa kalikasan na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng tao. Naintindihan? Ano nga ulit ang likas na yaman?

Tama!

Opo. Ang likas na yaman ay ang mga bagay na nagmumula sa kalikasan na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng tao.

Bundok

Republic of the Philippines Olongapo City GORDON COLLEGE College of Education, Arts and Sciences

Kung gayon, magbigay nga ng mga halimbawa ng likas na yaman.

Lupa Gubat Ilog Dagat Lawa etc

Tama ang lahat ng yan, mahusay. Mapalad ang bansang pilipinas dahil ang lupain at katubigan nito ay maraming biyaya. Pero ang likas na yaman ay mayroong tatlong uri. Ano nga ulit ang tatlong iyon?

Yamang lupa Yamang tubig Yamang mineral

Opo. Tama. Unahin muna natin ang yamang lupa. Ang lupa ay pwedeng taniman, tama ba? Kung gayon mula sa lupa, itinatanim at nakapag-aani tayo ng palay at sari-saring mga gulay at prutas.

Opo.

Kayo ba ay nagtatanim sa inyong mga bakuran? Mabuti yan na nagtatanim tayo ng ating sariling mga gulay at prutas para hindi na natin pang kailangang bumili sa palengke, makakatipid pa tayo.

Sa ilalim po ng lupa. Sa bundok

Ang yamang mineral naman ay isang mahalagang sangkap sa paggawa ng kailangan ng mga pabrika at industriya. Saan ba kadalasang nakukuha ang mga yamang mineral? Tama, sa ilalim ng lupa. May mga mineral na metal, tulad ng ginto, bakal at tanso. Mayroon din naming mga mineral na di-metal tulad ng marmol at mineral na panggatong gaya ng langis at petrolyo.

Paliguan Transportasyon Pangingisda

Ang anyong tubig naman ay ang ating dagat, golpo at lawa na pinagkukunan ng inumin, at ano pa? Ano pa ang pwedeng gamitan ng tubig? Opo.

Republic of the Philippines Olongapo City GORDON COLLEGE College of Education, Arts and Sciences

Tama, planta ng pagproseso ng ilang industriya at pinagkukunan din ito ng enerhiya. Ang Ilog Pasig na ating pinag-usapan kanina ay isang uri ng yamang tubig. Tama ba ako?

Bilang batang Piliino, kailangan ang inyong tulong upang mapagyaman at masagip ang mga likas na yaman ng Bansang Pilipinas. Kaya’t pangalagaan natin ang mga ito at huwag sisirain. C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Naunawaan ba ang ating aralin ngayong araw? Talaga? Tingnan nga natin, mayroon akong deck of cards dito, bawat isa sa inyo ay pipili ng isang card at inyong sasagutin ang tanong na nakasulat doon,bawat isang tamang sagot ay katumbas ng tatlong puntos, maliwanag ba?

Opo

Ang likas na yaman ay ang mga bagay na nagmumula sa kalikasan na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao. Yamang lupa Yamang mineral Yamang tubig Ang yamang lupa ay tinataniman ang sari-saring gulay at prutas na maaring makain, pati na rin ng palay.

“ano ang likas na yaman”

“Ano ang tatlong uri ng likas na yaman?”

“Ano ang yamang lupa?”

“ano naman ang yamang mineral?”

Ang yamang mineral ay mahalagang sangkap sa paggawa na kailangan ng mga pabrika at industriya.

Ang yamang tubig naman ay ang mga dagat, ilog, golpo at lawa na ginagawang pangisdaan, pinagkukunan ng inumin, paliguan, planta ng ilang industriya at pinagkukunan din ng enerhiya.

Republic of the Philippines Olongapo City GORDON COLLEGE College of Education, Arts and Sciences

“Ano ang yamang tubig?” Ang mga batayan: 1. Pag-unawa sa paksa (5pts) 2. Pagpapayahag (5pts) 3. Paraan ng pagresolba(5pts) Mahusay, bigyan natin ng tatlong palakpak ang bawat isa. 2. Paglalapat Ngayon naman may inihanda kaming mga sitwasyon na inyong susulusyunan sa pamamagitan ng isang dula-dulaan. Mayron kayong sampung minutos upang maghanda. Maliwanag ba? Okay magsimula na tayo. Ang batayan para sa inyong dula-dulaan ay naapaskil sa pisara. Maaari bang pakibasa?

Okay, maraming salamat. 3. Pagpapahalaga Mga bata, mahalaga ba ang ating mga likas na yaman? Ano ang kahalagahan ng mga ito?

Tama. Mahalaga nga ang ating mga likas na yaman. Kaya’t ano ang ating dapat gawin?

Opo Nakatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay. Nakapagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.

Pangalagaan ang likas na yaman ng bansa. Huwag sirain ang mga likas na yaman.

Republic of the Philippines Olongapo City GORDON COLLEGE College of Education, Arts and Sciences

Mahusay.

IV.

PAGTATAYA (Exit pass) Panuto: Sa isang malinis na papel, isulat ang natutunan sa araw na ito. Kopayin ng template sa ibaba, ipasa sa guro bago lumabas. Sa araw na ito, natutunan ko ang ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ .

V.

TAKDANG-ARALIN Panuto: Magbigay ng 3 kasalukuyang isyu tungkol sa ating mga likas na yaman ng bansa....


Similar Free PDFs