Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV PDF

Title Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV
Course Criminal Justice System
Institution PLT College, Inc.
Pages 5
File Size 94.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 2
Total Views 182

Summary

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IVI. Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Natatalakay ang konsepto ng pagkamamamayan b. Natutukoy ang batayan ng pagkamamamayang Pilipino c. Nasasabi kung sino ang mga mamamayan ng bansa.II. Paksang Aralin Paksa: Ang Ma...


Description

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV I.

Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Natatalakay ang konsepto ng pagkamamamayan b. Natutukoy ang batayan ng pagkamamamayang Pilipino c. Nasasabi kung sino ang mga mamamayan ng bansa.

II.

Paksang Aralin Paksa: Ang Mamamayang Pilipino Sangunian: Lunday Kagamitan: Laptop (Powerpoint presentation) plaskard, mga larawan. Balyu: Pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng bansa.

III.

Pamamaraan: Gawaing Guro A. Panimulang Gawain 1. Pagbati Magandang umaga mga bata!

Kumusta ang bawat isa? 2. Panalangin Bago natin simulant ang ating pag-aaral sa umagang ito tayo muna ay manalangin. 3. Pagtala ng Liban Mga bata, mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Mga bata, nais kong tignan ninyo ang mga nasa larawan at tukuyin kong ano ang lahi ng mga nasa larawan. Naiintindihan po ba?

Gawain ng Mag aaral

Magandang umaga maestra, magandang umaga mga kamag aral. Mabuti naman po titser!

(pamumunuan ng isang mag-aaral)

Wala po Maestra, ang lahat po ay narito.

Opo Ma’am!

Anong lahi ang nakikita ninyo sa larawan?

Ma’am, Amerikana po!

Mahusay mga bata, sa sumunod na larawan?

Ma’am, Tsino

Tama! Magaling! C. Paglalahad Mga bata, batay sa aktibidadna binigay, ano sa palagay ninyo ang tatalakayin natin ngayon?

Ma’am, ang mamamayang Pilipino

Tama! Magaling! D. Pagtatalakay Mga bata, ngayon tatalakayin natin ang tungkol sa mamamayang Pilipino. Mga nata, sino sa inyo ang Pilipino ang magulang? Mahusay! Sino sa inyo ang masaya dahil siya ay maituturing na mamamayang Pilipino?

Ma’am, kami po!

Ma’am, kami po!

Sino sa inyo ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng salitang pagkamamamayan? Ang pagkamamamayan ay nangangahulugang pagiging kaspi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas. Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito dahil may mga dayuhang nakatira ditto na maaaring hindi kasapi nito. Nakakita na ba kayo ng mga dayuhan dito sa ating lugar?

Opo Ma’am!

Ano sa tingin ninyo ang ginagawa nila dito sa ating lugar?

Ma’am, namamasyal po.

Mahusay mga bata! Ano pa?

Nag-aaral, nakikipagkalakal po.

Tama! Magaling! Halimbawa: Mga dayuhang naninirahan lamang dito sa ating bansa upang mag-aral, mamasyal, o makipagkalakal, ay hindi maituturing na Pilipino dahil sila ay mamamayan ng ibang bansa. Malinaw po ba? Mahusay! Atin namang tukuyin ang pagiging tunay o lehitimong mamamayan ayon sa konstitusyon o saligang batas ng 1987.

Opo Ma’am

Artikulo IV, Seksiyon 1: 1. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sas panahon ng pagkakapatibay ng konstitusyong ito. 2. Yaong mg ama at ina ay mga mamamayan ng Pilipinas. 3. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng karampatang gulang. Mga bata, bakit mahalaga ang pagiging tunay o lehitimong mamamayan ng isang bansa?

Tama! Mahusay! Uri ng Mamamayang Pilipino. 1. Kapanganakan 2. Naturalisasyon Atin munang aaraling ang basehan sa pagkamamamayan ayon sa kapanganakan: 1. Jus Sanguini  Ang pagkamamamayan ayon sa relasyon sa dugo. 2. Jus Soli  Ang pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan. Mga bata, sino sa inyo ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng naturalisasyon? Ang naturalisasyon ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng karapatang tinatanggap ng mga mamamayan. Maaari itong makamit sa pamamagitan ng hatol o hukuman o batas ng kongreso. 1. Edad na 21 taong gulang sa araw ng pagdinig sa kaso. 2. Sampung taon na nakapanirahan sa Pilipinas ng tuloy-tuloy. 3. May mahusay at malinis na record ng pagkatao. 4. Naniniwala sa saligang batas ng bansa. 5. Nagmamay-ari ng lupain o matatag

Ma’am, upang tayo ay mabigyan ng proteksyon at pangangalaga ng pamahalaan.

na trabaho. 6. Nakakapagsalita ng isa sa mga pangunahing wika sa bansa. 7. Nagnanais na matutuhan at tanggapin ang kulturang Pilipino. 8. Nagpapaaral ng mga anak sa paaralang itunuturo ang kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Opo Ma’am! naintindihan ba? Sa palagay ninyo mga bata nawawala ba ang pagkamamamayang Pilipino?

Opo Ma’am!

Pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino: 1. Pagtataksil ng Armed Forces of the Philippines sa oras ng digmaan. 2. Tahasang pagtakwil sa pagkamamamayan. 3. Pagsumpa ng katapatan sa institusyon ng ibang bansa. 4. Pagiging naturalisadang mamamayan ng ibang bansa. Muling Pagkamit ng Pagkamamamayan: 1. Muling naturalisasyon 2. Pagbabalik sa sariling bansa. 3. Pagsumpa at katapatan sa bansa. 4. Tuwirang aksyon ng kongreso. Opo Ma’am! Naiintindihan ba mga bata? Mahusay! E. Paglalahat Mga bata, ano ang ating natalakay sa oras na ito? Tama! Mahusay! Bakit mahalaga ang pagiging tunay o lehitimong mamamayan?

Magaling mga bata! Ano ang uri ng mamamayang Pilipino?

Ma’am, ang pagkamamamayang Pilipino.

Upang magkaroon ng proteksyon at pangangalaga ng pamahalaan.

Ma’am, kapanganakan at naturalisasyon.

Tama, bigyan naman natin siya ng isang bagsak! Ano yung dalawang basehan ng pagkamamamayan ayon sa kapanganakan? Tama! Mahusay!

Jus Saguini at Jus Soli Ma’am!

F. Paglalapat Panuto: Isulat ang TAMA kung ito ay lehitimong mamamayang Pilipino, at MALI kung hindi. 1. Pilipino ang tatay at nanay niya. 2. Pilipino ang nanay at pinanganak siya sa ibang Bansa. 3. Nakatira sa Canada at pinili niyang maging Canadian Citizen. 4. Naglilingkod siya bilang sundalo sa US Navy. 5. Ipinanganak siya noong 1970 at parehong Pilipino ang kanyang magulang.

1. TAMA 2. TAMA 3. MALI 4. MALI 5. TAMA

IV. Pagtataya Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat sa may linya. Mamamayan

Jus soli

Jus Sanguini

______________1. ipinanganak. ______________2. ______________3. ______________4. ______________5.

Banyaga

Naturalisasyon

Sa bias nito nagiging mamamayan ka ng lugar kung saan ka Ang isang dayuhan ay maaaring maging isang mamamayang Pilipino. Isang taong may bansa na kinabibilangan at pagkakakilanlan. Pilipino ka dahil Pilipino ang magulang mo. Mamamayan siya ng ibang BANSA.

V.

Takdang Aralin Sa inyong kuwaderno, isulat ang kabutihang dulot ng pagiging mamamayan ng isang bansa.

Inihanda ni: Annelie E. Oblero BEED - 2...


Similar Free PDFs