BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO BAITANG 9 DOC

Title BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO BAITANG 9
Author M. Pacquiao, Jr. Lpt
Pages 1
File Size 35 KB
File Type DOC
Total Downloads 540
Total Views 908

Summary

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO BAITANG IX KOMPETENSI: Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa parabula sa tulong ng pagpapakahulugang semantika upang maisasabuhay ang mga aral at mahalagang kaisipang nakapaloob dito. I. LAYUNIN A. Nabibigyang-kahulugan ang mga matatalin...


Description

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO BAITANG IX KOMPETENSI: Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa parabula sa tulong ng pagpapakahulugang semantika upang maisasabuhay ang mga aral at mahalagang kaisipang nakapaloob dito. I. LAYUNIN A. Nabibigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang pahayag na ginagamit sa parabula; B. Nailalahad ang iba't-ibang bisang pandamdamin, at pangkaisipan mula sa napakinggang pahayag; C. Napahahalagahan ang paggawa ng isang desisyon at ang mga kaakibat na responsibilidad sa buhay; at D. Napapatunayan na ang mga pangyayari sa parabula ay maaaring maganap sa kasalukuyan at sa tunay na buhay sa pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay. II. PAKSANG-ARALIN PAKSA: Panitikan : Parabula : Ang Alibughang Anak (Lucas 15:11-32) SANGGUNIAN: KAGAMITAN: Pantulong Biswal, Yeso, Teyp, Mga Larawan, Speaker at Laptop. III. PAMAMARAAN A. PAUNANG GAWAIN a) Panalangin b) Pagbati c) Pagsasaayos ng silid d) Attendans e) Pagbabalik-aral SUBUKIN NATIN: a.) Ano ang PARABULA? b.) Anu-ano ang mga katangian nito? f) Pagganyak Gawain I. (PAGHAHAWAN NG SAGABAL) PANUTO: Gamitin ang mga hindi nakaayos na salita sa Hanay A para maunawaan ang ibig kahulugan ng mga nakasalungguhit na mga salita sa Hanay B. Matapos itong mabuo ididikit ang tamang ayos na salita sa mga kahong nakalaan sa pisara. HANAY A 1. BOSINU 2. HIPARGAN 3. KALONGTU 4. SOBRAMUSU 5. KITAMA 6. AWANA 7. ALO-ALUIN HANAY B PABABA 1. Nilustay niya ang lahat-lahat ng kaniyang kayamanang minana sa walang kabuluhang bagay. 2. Dahil sa kaniyang ginawang desisyon ay lubha siyang nagdalita. 4. Sa kanilang tahanan ay lumalabis ang pagkaing inilalaan para sa mga katulong....


Similar Free PDFs