Masusing Banghay-aralin sa Ikalabing-isang baitang PDF

Title Masusing Banghay-aralin sa Ikalabing-isang baitang
Author herin narvas
Course Panimulang Linggwistika
Institution Mindanao State University
Pages 6
File Size 178.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 350
Total Views 806

Summary

Masusing Banghay-aralin sa Ikalabing-isang baitangI. Paksang-aralin: Tekstong Deskriptibo/Deskriptiv II. Mga Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:  Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong deskriptibo.  Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong ...


Description

Masusing Banghay-aralin sa Ikalabing-isang baitang

I. II. 

Paksang-aralin: Tekstong Deskriptibo/Deskriptiv Mga Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong deskriptibo.



Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo



Naiuugnay sa sarili, pamilya, komunidad at bansa ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong deskriptibo.

III.

Kagamitang Pampagtuturo A. Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Ikatlong Kwarter – Modyul 2, Scribd, B. Kagamitan: Laptop, Powerpoint presentation, Larawan, Visual Aids

IV. Pamamaraan 1. Paghahanda Gawain ng Guro Bago tayo magsimula sa panibagong aralin, tumayo muna ang lahat para sa panalangin. Ana, pangunahan mo ang panalangin.

Gawain ng Mag-aaral “Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo…Amen.”

Magandang umaga Grade 11!

Magandang umaga po Ma’am Herin.

Maaari na kayong umupo. Sino ba ang lumiban ngayon sa ating klase?

Wala po Ma’am.

Mahusay at kumpleto tayo ngayon. Tandaan, huwag kayong makipag-usap sa katabi. Makinig nang mabuti sa ating talakayan. Itago ang mga bagay na walang kinalaman sa klase at itaas lamang ang kanang kamay kapag gustong sasagot. Maliwanag ba?

Opo Ma’am

Noong nakaraang pagkikita, ano ang tinalakay natin? John.

Tinalakay po natin ang katuturan ng Tekstong Impormatibo.

Magaling. Sino ang makapaglalahad kung ano ang Tekstong Impormatibo? Mary.

Ang tekstong impormatib ay ang tawag sa mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Pawang impormasyon at katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi naglalaman ng anumang opinyon o saloobin.

Mahusay, Mary.

1|Page

2. Aktibiti/Pagganyak Gawain ng Guro Mayroon tayong gagawin ngayon, pamilyar ba kayo sa Sinetch Itey?

Sige bago tayo dumako doon ay kumuha muna kayo ng kalahating papel at ilarawan ang pisikal na kaanyuan ng iyong katabi sa upuan mula ulo hanggang paa. Mayroon lamang kayong walang minuto. Handa na ba kayo?

Gawain ng Mag-aaral Opo Ma’am

Opo Ma’am

Tapos na ba ang lahat? Pakipasa na sa akin ang lahat ng papel. Ngayon ay bubunot ako ng papel at huhulaan ninyo kung sino ang inilalarawan dito. Itaas lamang ang kamay kung alam ang sagot.

Okay po Ma’am

Sinetch Itey? Siya ay matangkad mayroong mahabang buhok at palaging may suot na pulang pantali. Matangos ang ilong at marikit ang mga mata. Ako po Ma’am

Sige Thalia, Sinetch Itey?

Base po sa inyong paglalarawan siya po ay si Danica. Magaling Thalia inilalarawan.

nahulaan

mo

ang

Base sa ating ginawang activity ano ang napansin ninyo sa inyong ginawa?

Magaling Peter

Ang mga paglalarawan na iyon ay may kaugnayan sa talakayan natin ngayon. Pero bago ang lahat, basahin muna nang sabay-sabay ang mga layunin sa araw na ito.

Detalyadong inilarawan po namin ang aming kaklase base sa kanilang pisikal na kaanyuan. Pagkatapos po ay hinulaan kung sino ito.

Mga Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga magaaral ay inaasahang: •Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong deskriptibo. •Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo •Naiuugnay sa sarili, pamilya, komunidad at bansa ang mga kaisipang nakapaloob 2|Page

sa tekstong deskriptibo. 3. Analisis Ano nga ba ang tekstong naglalarawan o Tekstong Deskriptibo?

Mahusay Joy

Paano mo naman naglalarawan?

masasabi

na

Ang isang Deskriptibo teksto po ay ang pagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao. Layunin po nitong maglarawan ng mga katangian.

ito

Masasabi po natin na naglalarawan ito dahil sinasaad natin kung ano ang mga obserbasyon o nadadama natin. Nakakatulong ito lalo na kapag tayo ay gagawa ng mga sulatin.

Paano ito nakakatulong sa paggawa ng sulatin?

Nakakatulong po ang paglalarawan upang maging epektibo ang ating sulatin dahil binabanggit natin ang mga detalyadong katangian o impormasyon na maaaring makatulong sa pagpapahusay ng isang sulatin. Kailangang alam na alam ng din ng manunulat ang paksang kaniyang ilalarawan

Magaling Sarah

Mahusay Alice Ano ano ang magandang naidudulot ng paglalarawan sa isang sulatin?

Magaling Betty

Ang mga magagandang naidudulot ng paglalarawan sa mga sulatin ay mas malawak na maintindihan ng mambabasa ang mga imahe na nais ipa-isip o iparating ng manunulat.

4. Abstraksyon/Pagtatalakay sa mga paksa Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan. Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay, pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari. Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, 3|Page...


Similar Free PDFs