Masusing Banghay Aralin PDF

Title Masusing Banghay Aralin
Course BSEDEn
Institution Samar State University
Pages 6
File Size 136.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 14
Total Views 752

Summary

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7I**. Mga layunin:**Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang; Naipaliliwanag kung ano ang pandiwa. Makikilala ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa; Napag iiba ang tatlong aspekto ng pandiwa II**. Paksang Aralin**Paksa: Aspekto ng PandiwaSanggunian: G...


Description

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Mga layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang; 1. Naipaliliwanag kung ano ang pandiwa. 2. Makikilala ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa; 3. Napag iiba ang tatlong aspekto ng pandiwa II. Paksang Aralin Paksa: Aspekto ng Pandiwa Sanggunian: Google, aklat Kagamitan: chalk at chalkboard, visual aids III. Pamamaraan Gawain ng Guro A. Panimulang Gawain

Gawain ng Mag-aaral

a. Panalangin Magsitayo ang lahat para sa panalangin *Magtatawag ang guro ng isang mag aaral upang pangunahan ang panalangin* “Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito na ipinagkaloob niyo sa amin, nawa’y gabayan mo po kami sa mga gawain na aming gagawin sa araw na ito. Sana po gabayan niyo rin ang aming guro na siyang magtuturo sa amin. Amen.” b. Pagbati Magandang Araw sa Lahat! c. Pagtala ng lumiban Mayroon bang lumiban ngayon sa klase? d. Pagbabalik aral Bilang pagbabalik aral, diba

“Magandang Araw din po Guro”

“Wala po “

tinalakay natin noong nakaraan ang kahulugan ng pandiwa? ngayon, sino ang makakapagbigay sakin ng kahulugan ng pandiwa? *Nagtawag ng studyante* Ang pandiwa ay mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw. Tama! Maraming salamat sa pagsagot. Maaari bang magbigay kayo ng halimbawa ng pandiwa?

Si Juan ay naglalakad. Naglaba ng mga damit si Magdalena.

Magagaling! ang inyong mga binigay na halimbawa ay tama lahat. Talaga namang natuto kayo sa ating tinalakay kahapon. 1. Pagganyak Araw araw ay gumagamit tayo ng pandiwa tama ba? Pero alam niyo ba na may mga iba’t ibang aspekto ito? Para lubos na maging kaaya aya at angkop sa pandinig ng ating mga kausap ang pandiwang ating gagamitin ay ating aalamin kung ano ba ang mga aspekto ng pandiwa. Bago tayo tumungo sa ating pagtalakay ng aralin, meron ako ditong inihandang pangungusap na inyong babasahin at sasabihin kung ano ang inyong pagkakaintindi sa inyong binasa. *linagay sa pisara ang inihandang pangungusap* *nagtawag ng mag aaral para

‘opo’

‘hindi po’

basahin at ipaliwanag ang naintindihan. 2. Paglalahad ng Aralin Sa araw araw nating ginagawa, at sa pakikisalamuha sa ating kapwa ay may mga kilos tayong sumasaklaw sa tatlong aspektong o panahunan ng pandiwa. Ito ay ang mga kilos na Aspektong naganap, nagaganap at magaganap. 3. Pagtatalakay ng Aralin May tatlong aspekto ng pandiwa. 1. Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito ay nagsasaad ng isang kilos na kung saan na ito ay tapos na, o naganap na. Ito ay tinatawag din na panahunang pangnagdaan na aspekto ng pandiwa o aspektong katatapos. Kadalasan itong ginagamitan ng mga salitang kahapon, kanina, noong isang taon, nakaraan at iba pa. Ginagamitan din ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.

Umawit, naglaba, nakabili

Ano ang mga kilos na nagawa na? Magbigay ng halimbawa.

Tama! 2. Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan- Ito ay naglalarawan ng isang kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Ito ay pandiwa na nasa panahunang pangkasalukuyan o aspektong nagaganap. Ito ay ginagamitan ng mga salita na habang, kasalukuyan, at ngayon.

Sumasayaw si liza sa plaza.

Magbigay ng halimbawang pangungusap na ginagawa pa.

Tama! 3. Kontemplatibo (Magaganap o Panghinaharap) - Ang kilos ay hindi pa nagagawa, nagaganap, o gagawin pa lamang. Ginagamitan ito ng mga panlaping ma at magMaaari bang magbigay kayo ng sarili niyong halimbawa na pangungusap.

Tama! 4. Paglalahat Ang tatlong aspekto ng pandiwa ay ginawa na, ginagawa na at gagawin pa. Ang pandiwang nagawa na ay nagpapahayag ng kilos na nagawa na, samantalang ang pandiwang ginagawa pa ay nagpapahayag ng kilos na nasimulan na at patuloy pang nagaganap. At ang pandiwang gagawin pa ay nagpapahayag ng kilos na hindi pa nasisimulan at gagawin pa lamang. 5. Paglalapat Para lubos na maunawaan ang tatlong aspekto ng pandiwa, tayo ay magkakaroon ng pangkatang gawain na tinatawag na message relay. *Ipinaliwanag ang panuto ng gagawing pangkatang gawain*

Maglalaba ako bukas ng umaga.

IV. Ebalwasyon Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang pandiwa at kung ano ang aspekto nito. 1. Nagdidilig ng halaman si aling nena. 2. Maghahandog ng tulong ang mga kapulisan. 3. Mamimili kami sa palengke bukas 4. Namitas si carlo ng matatamis na manga kahapon. 5. Naglaro ng ML si juan noong lunes.

V. Takdang-Aralin Panuto: Isulat ang tamang banghay ng pandiwa sa mga sumusunod na aspekto. Salitang ugat

Perpektibo/Nagana p

Imperpektibo/ Nagaganap

Kontemplatibo/ Magaganap

1. Awit 2. Salita 3. Tayo 4. Lakad 5. Bihis

Inihanda ni:

JESSA MAE A. GABON BSED 3-FILIPINO...


Similar Free PDFs