Mala Masusing Banghay Aralin Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo PDF

Title Mala Masusing Banghay Aralin Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo
Author Marycar Jane Asuncion
Course Bsed Filipino
Institution Pangasinan State University
Pages 10
File Size 328.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 41
Total Views 1,052

Summary

PANGASINAN STATE UNIVERSITYKampus ng BayambangPINAG-ISANG MGA PAARALANG LABORATORYO – HAY-ISKULBayambang, Pangasinan T. 2021-MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10Gurong Nagsasanay Segundo, Albert Anchiboy, Camille D.OrasGurong Tagapagsanay Gng. Grace Cayabyab Araw March 2022 Kurso/Seksiyon BSE...


Description

PANGASINAN STATE UNIVERSITY Kampus ng Bayambang PINAG-ISANG MGA PAARALANG LABORATORYO – HAY-ISKUL Bayambang, Pangasinan T.P. 2021-2022 MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10 Gurong Nagsasanay

Segundo, Albert Oras Anchiboy, Camille D. Gurong Tagapagsanay Gng. Grace Cayabyab Araw March 2022 Kuwarter 4 Kurso/Seksiyon BSE – FILIPINO IV-1BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10 I. Batayang Kasanayan Sa pagtatapos ng pagtalakay sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo, inaasahang ang mga magaaral ay nakapagpapamalas ng kasanayang a. nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo; F10PN-IVa-b-83 b. naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo; F10PSIVa-b-85 at c. naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo batay sa ginawang timeline F10PU-IVa-b-85 Pagpapahalaga:

II.

Pagsasabuhay sa mga gunita ng kasaysayan tungo sa Pilipinong makabansa

Paksang-Aralin

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo MGA KAGAMITAN Sanggunian: https://www.scribd.com/doc/239682291/Kaligirang-Pangkasaysayan-Ng-El-Filibusterismo https://prezi.com/7pykxcct5mxn/kaligirang-pangkasaysayan-ng-el-filibusterismo/ https://www.youtube.com/watch?v=pW1I3y2G740&feature=share

Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop at Google Form III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati 3. Pagtala ng Lumiban B. Pagbabalik-tanaw/Aral Mungkahing Estratehiya: #HALOLETRA Bago tayo magtungo sa ating magiging paksa sa umagang ito, magkakaroon muna tayo ng maikling balik-aral sa inyong mga nagdaang talakayan. Ito ay sa pamamagitan ng isang aktibiti na pinamagatang “HALOLETRA”. Magbibigay ako ng mga letrang kailangang ayusin upang makabuo ng isang salita o grupo ng mga salita at ibabahagi ninyo ang inyong kaalaman patungkol dito. 1. LOBENA - NOBELA 2. DR OSEJ LRZAI – DR JOSE RIZAL 3. KAYANSAYSA – KASAYSAYAN 4. NILO EM TEANGRE – NOLI ME TANGERE 5. LE IFIL MORISTEBUS – EL FILIBUSTERISMO

Mahusay! Natutuwa ako at pamilyar pa rin kayo sa mga ito. Ngayon naman ay dumako na tayo sa ating susunod na gawain.

C. Pagganyak Mungkahing Estratehiya: #HULARAWAN

1. Sino o ano ang nais ipahiwatig ng mga larawan? 2. Maliban sa pagiging isang doctor, bayani at manunulat ano pa ang nalalaman niyo patungkol kay Dr.Jose Rizal?

1. Ano ang nais ipahiwatig ng mga larawan? 2. Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan?

1. Ano ang naman ang nais ipahiwatig nitong mga larawan?

D. Paglalahad ng Paksa Sa puntong ito, tayo ay dadako sa ating magiging talakayan. Ang paksa na ating tatalakayin sa umagang ito ay ang “Kaligirang Pangkasaysayan ng El Feilibusterismo” (Gagamit ang guro ng powerpoint presentation bilang kasangkapan sa pagbabahagi ng mga impormasyon) Mungkahing Estratehiya: #KILALANINNATIN

Kilalanin muna natin ang nagsulat ng nobelang, “El Filibusterismo”. Mga Pamprosesong Tanong: 1. Sino ang nasa larawan? 2. Ano ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal? 3. Saan ipinanganak si Dr. Jose Rizal? (Tatalakayin ng guro ang Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal) ANG TALAMBUHAY NI DR. JOSE P. RIZAL Pangalan: Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Y Realonda Kapanganakan (Petsa): Hunyo 19, 1861 (Lugar): Calamba, Laguna Kamatayan: (Petsa): Disyembre 30, 1986 (Lugar): Bagumbayan Rizal Park, Maynila KAHULUGAN NG BUONG PANGALAN DR. – nagmula sa kanyang pagtatapos ng kursong medisina sa Universidad Central de Madrid JOSE – pinili ng kanyang in ana isang deboto ni San Jose PROTACIO – nagmula kay Gervacio y Protacio na galling sa isang kristiyanong kalendaryo MERCADO – apelyidong ginamit ng kaniyang ninuno na si Domingo Lamco. Ang Mercado ay hango sa salitang Ingles na market o pamilihan RIZAL – hango sa salitang ‘ricial’ na ang ibig sabihin ay luntian na bukirin ALONZO – dating apelyido ng kanyang ina REALONDA – ginamit ni Donya Teodora na nagmula sa kanyang lola Pagkatapos ng pagbabahagi ng kaalaman sa Talambuhay ni Dr. Jose Rizal, dumako naman tayo sa “Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo” sa pamamagitan ng inihandang timeline.

1885 Sa taong ito, binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo habang isinusulat niya rin ang Noli Me Tangere.

1887    

Nagtagumpay na lumabas noong Marso 1887 ang Noli Me Tangere Agosto 1887 muli niyang nakasama ni Rizal ang kaniyang pamilya. Ginamot ang mata ng kaniyang ina, nakipag-usap kay Leonor Rivera, at inalam ang pagtanggap ng mga Pilipino sa nobelang Noli Me Tangere Ngunit bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasukat niya ng Noli Me Tangere. Napasabay pa ang pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamilya ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit. Sinimulan ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.

1888  

Pebrero 1888, nilisan ni Rizal ang Pilipinas dahil na rin sa udyok ni Gob.Hen. Emilio Terrero at dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Nagtungo siya sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa Amerika, at sa Europa.

1890 Sa taong ito, sinimulan ni Rizal isulat ang El Filibusterismo sa London.

1891       

Nang matapos ni Rizal ang nobela noong Marso 29, 1981 at makahanap ng palimbagan sa Ghent, Belgium. Ang manuskrito ay ipinadala niya sa kanyang kaibigan na si Jose Alejandrino. Ika-6 ng Agosto, tinigilan ang pagpapalimbag; inisip ni Rizal na sunugin na lang ang libro subalit dumating ang tulong ni Valentin Ventura Sa tulong ni Valentin Ventura, naipalimbag ang nobela noong Setyembre 1891 Pinalimbag ni Rizal ito kaso kinulang sa pera kaya’t binawasan ang mga kabanata mula sa 44 naging 39 na lamang. Ipinalimbag niya ito sa F. Meyer Van Loo Press at naging hulugan ang bayad Ipinadala ni Rial ang kopya ng El Fili sa Hong Kong ngunit ito ay nasamsam ng mga Kastila Sa Pilipinas, ipinuslit at naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang nobela.

1896 

Malaki ang naging tulong ng El Filibusterismo kina Andres Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid sa paghihimagsik.  Ang El Filibusterismo ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 1872

     

Kondisyon ni Rizal Habang Sinusulat ang Nobela Nagdanas ng mga paghihirap Nagtipid nang mabuti (2 beses kumain) Nagsanla ng mga alahas Nilayuan ng mga kasamahan sa La Solidaridad Pinag-uusig ang kanyang mga magulang at mga kapatid Pagpapakasal sa iba ni Leonor Rivera na dahilan ng pagbabago sa mga tauhang Paulita Gomez at Juanito Pelaez

Gabay na Tanong: 1. Sa lahat ng mga pinagdaanan ni Dr. Jose Rizal, ano ang mas umantig sa inyong puso? Ipaliwanag. 2. Kung kayo ang nasa kalagayan o posisyon ni Rizal, ipagpapatuloy niyo rin ba kung ano ang inyong nasimulan? Mga Taong Tumulong Kay Rizal 1. Jose Alejandro – kahati niya sa upa sa Ghent; kahati rin siya sa pagkain. 2. Jose Maria Basa – nagpadala si Rizal ng sulat kay Jose Maria Basa (na nasa Hongkong noon) upang makakuha ng kaunting pera mula sa Messagevies Maritimes 3. Valentin Ventura – nagpadala ng pera kay Rizal upang maipalimbag ang El Fili; unang may hawak ng orihinal na manuskrito ng El Fili Pinagmulan ng Tema ng Nobela   

Pangyayari sa Calamba – Pinahihirapan ang kanyang pamilya Calamba; hinuli ang kanyang ina, hinihigpitan ang kanyang pamilya at kinumpiska ng mga prayle ang kanilang lupain. Dahil kay Leonor Rivera – Dati niyang kasintahan. Ayaw ng ina ni Leonor pakasalan ng anak si Rizal dahil sila’y magpinsan at erehe si Rizal kaya’t pinakasalan na lamang ni Leonor si Henry Kipping subalit namatay rin si Leonormatapos ang dalawang taon. Dahil sa Kawalan ng Pagkakaisa ng mga Pilipino (na tumuligsa at lumaban sa kalupitan ng pamahalaan ng mga Kastila)

Ang GOMBURZA – ang tatlong paring martir na pinag-alayan ni Jose Rizal ng kanyang nobela.  Mariano Gomez  Jose Burgos  Jacinto Zamora  Pinaratangan silang kasama sa aklasan sa Cavity noong 1872

 

Isinangkot sila sapagkat sila ay mga paring maka-Pilipino Ang inspirasyon idinulot ng tatlong paring martir sa buhay ni Rizal ay mula sa kwentong ibinahagi sa kanya ng kapatid na si Paciano E. Paglalahat Mungkahing Estratehiya #TANONG AT SAGOT Tanong at sagot bilang paglalagom sa talakayan sa araw na ito.

A.“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” Isa sa sikat na katagang iniwan ng ating pambasang bayani na si Dr.Jose Rizal. Kayo bilang kabataan ano ang iniwang aral ng ating talakayan sa araw na ito mas mapahalagahan niyo ang inyong bayan?

B.Sa lahat ng nakasalamuha ni Dr. Jose Rizal, sino sa kanila ang may malaking naitulong upang mapagtagumpayan ni Rizal ang paglilimbag ng kaniyang ikalawang nobela?

C. Sa kasalukuyang panahon, sino ang mga taong nakakaimpluwensiya sa inyo upang gawin ang mga bagay na gusto niyong gawin?

F.

Paglalapat Mungkahing Estratehiya: #PINIPILINAKITA Magpapakita ang guro ng iba’t ibang briefcase kalapit ang mga taon ng mga pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Pipili ang mga mag-aaral ng napupusuang taon at magbabahagi ng kaalaman sa nasabing taon/panahon.

1872

1888

1887

1885

1890

1891

1896

IV. Pagtataya Panuto: I. Tama o Mali. Tukuyin ang sumusunod na katanungan kapag ito ay tama o mali. 1. Ang El Filibusterismo ay pangalawang nobela na sinulat ni Dr. Jose Rizal. a.) Tama b.) Mali

2. Ang nobelang El Filibusterismo ni Dr.Jose P. Rizal ay tumatalakay sa usaping pampulitikal. a.) Tama b.) Mali

3. Inalay ni Dr. Jose Rizal sa kaniyang ina ang El Filibusterismo. a.) Tama b.) Mali 4. Maraming pagsubok na naranasan si Dr. Jose Rizal bago nailimbag ang El Filibusterismo a.) Tama b.) Mali 5. Si Maximo Viola ang kaibigan ni Rizal na nagpahiram ng pera upang maipalimbag ang aklat ng nobelang El Filibusterismo a.)Tama

b.) Mali II. Maramihang Pagpipilian. Piliin ang pinakaangkop na letra sa sumusunod na mga katanungan. 1) Inilahad ang nobelang El Filibusterismo ang mga suliranin sa mga sumusunod maliban sa a. problema sa lupa b. sistema ng pamahalaan c. pamamalakad sa relihiyon d. pag-unlad ng bansa sa panahon ng mga Kastila 2) a. b. c. d.

Ang kasintahan ni Rizal noong na isa pinagmulan ng tema ng El Filibusterismo Suzanne Jacoby Leonor Rivera Josephine Bracken Maria Clara

3) a. b. c. d.

Taong sinimulan isulat ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo 1885 1886 1890 1888

4) Isang kilalang unibersidad sa Belgium na tinungo ni Rizal upang doon ipalimbag ang nobela dahil higit na mababa ang pagpapalimbag dito. a. Ghent b. UST c. Nord Anglia d. Cathloic Louvain 5) a. b. c. d.

Para kanino iniaalay ni Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo? Leonor Rivera GOMBURZA Alejandrino Espanya

6) a. b. c. d.

Ilan ang orihinal na kabanata ng El Filibusterismo? 43 44 45 46

7) a. b. c. d.

Kung ang NOLI ME TANGERE ay nobelang panlipunan, ano naman ang sa EL FILIBUSTERISMO? nobelang pag-ibig nobelang rebolusyunaryo nobelang politikal nobelang pang-aapi

8) Ano ang isinanla ni Rizal bilang paunang bayad sa pagsisimula ng pagpapalimbag ng kanyang nobelang” El Filibusterismo”? a. Mga aklat b. mga relos c. mga alahas

d. mga kuwintas 9) a. b. c. d.

Ano ang nakapaloob sa nobelang El Fili? problema sa lupain pamamahala sa gobyerno katiwalian lahat ng nabanggit

10) a. b. c. d.

Saan natapos ni Rizal ang paggawa ng nobelang El FIlibusterismo? England Pilipinas Italy Belgium

SUSI SA KAWASTUHAN I.Tama o Mali 1) Tama 2) Tama 3) Mali 4) Tama 5) Mali II.Multiple Choice/Maramihang Pagpipilian 1) d 2) b 3) c 4) a 5) b 6) b 7) c 8) c 9) d 10) d V. Kasunduan Panuto: Bumuo o Gumawa ng isang timeline na nagpapakita ng panahon o pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Maging malikhain sa paggawa ng timeline sa pamamagitan ng iba’t ibang editing apps na maaaring gamitin tulad ng MS Word, Canva atbp. Ang inyong awtput ay ipapasa sa google form link na ibibigay. Ang awtput ay maaaring sukatin sa pamamagitan ng rubrik na ito:

Mga Pamantayan Nilalaman Pagkakasunod-sunod Pagkamalikhain Kabuoang Puntos

Puntos 15 10 5 30

Iyong Puntos...


Similar Free PDFs