Buod ng El Filibusterismo PDF

Title Buod ng El Filibusterismo
Author Clover prim Gnoz
Course Bachelor of Science in Agricultural and Biosystem Engineering
Institution Mindanao State University
Pages 2
File Size 59.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 96
Total Views 312

Summary

Buod ng El FilibusterismoAng Fili ay nagsisismula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa  mga pasahero ang mag-aalahas at nagbabalatkayong&...


Description

Buod ng El Filibusterismo Ang Fili ay nagsisismula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas at nagbabalatkayong si Simounna dili iba't si Ibarra, ang makatang si Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at siSisa.Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa loob nglibingan ng mga Ibarra. Nkilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayisi Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dli siya at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. SiBasilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.Habang ang Kapitan Henereal ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang Kamahalan upang magtatag ngisang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante, sapagka't napag-alamang ang mamamanihala saakademyang ito ay mga prayle (samahan ng pananampalataya), samantalang ang mga estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon, sila'y di magkakaroonng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isangpulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'ynamatay na nang hapong yaon.Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng akademya ng Wikang Kastila, aynagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habnag sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mgaprayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskinna ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante.Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na walangmakapamagitan ng kanyang karukhaan at pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upangmapalaya si Basilio nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ngkumbento.Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraanay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upangdumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik nanauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may hugis Granada atkasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sagitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampungminuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog atkasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas napagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.Nagbabalik si Crisostomo Ibarra bilang si Simoun- isang Amerikanong hilaw na mag-aalahas. Gamit ang kanyang taglay na yaman at pagiging malapit saGobernador Heneral ng Espanya, unti-unti niyang isinagawa ang kanyang paghihiganti sa mga prayle

kasabay ng kanyang pagbabalak na itakas ang kanyangpinakamamahal na si Maria Clara mula sa kumbento ng Sta. Clara.Bilang kanyang paghahanda sa binabalak na pag-aalsa, tahimik siyang kumuha ng mga tauhang kanyang magiging kasangkapan. Ang isa sa mga ito ay si KabesangTales. Ginamit ni Simoun ang pagiging marahas at palaban nito upang himukin na ipaghiganti ang sariling pamilya. Di nagtagal ay sumanib din ang kanyang amang siTandang Selo sa pagrerebelde bilang tanda ng kanyang galit sa mga Kastila partikular sa mga prayle. Ang sumunod naman ay si Quiroga. Siya ay isangnegosyanteng Intsik na binigyang tulong-pinansyal ni Simoun kapalit ang kanyang pagpahintulot na ilagak ang mga baril na gagamitin sa binabalak na pag-aalsa sakanyang tahanan. Hindi nagtagal ay nahimok din ni Simoun si Placido Penitente. Siya ay isang mag-aaral na nakipagtalo sa kanyang guro dahilan sa baluktot nitongpamamalakad. Hindi naging mahirap para kay Simoun na manghimok ng kakampi sa dahilang tulad niya rin ang mga ito na napag-alab ang galit sa kagagawan ng mgakastila. Naiiba sa kanila si Basilio. Sa kabila ng kapaitan ng kahapon, pinili pa rin niyang mamuhay ng walang bahid ng paghihiganti sa puso. Lubos niyangpinagpapasalamat ang pagpapaaral sa kanya ni Kapitan Tiyago at ang magandang buhay na kanyang tinatamasa kasama ang kanyang kasintahan na si Huli kaya'twala na siyang mahihiling pa. Ngunit naging mapaglaro sa kanya ang tadhana. Dahil sa pagkakamali ng kanyang mga kamag-aral ,sila'y napagbintangang mga utak ngpagbabadya ng paghihimagsik sa pamamalakad ng mga Kastila. Siya'y nakulong at binawian ng lahat ng kasaganahan sa buhay. Kasabay ng kanyang pagkakakulongay ang misteryosong pagkamatay ni Huli matapos makipagkita kay Padre Camorra upang humingi ng tulong para sa kanyang paglaya. Tuluyan naman siyang nagipitng pumanaw si Kapitan Tiyago at nang hindi siya nito pinamanahan ni isang kusing. Ang mga paghihirap ng kahapon ay unti-unting bumabalik. Ito ang naging dahilanupang sumama siya sa nanghihinang si Simoun. Lubos ang pagkalumbay nito matapos na malaman na pumanaw na ang kanyang pinakamamahal. Ngunit nangmagdesisyon si Basilio na makipagtulungan sa kanya, agad na sumibol muli ang kanyang diwa ng paghihiganti. Dahil sa mapagbigay na pagmamahal ni Isagani kayPaulita Gomez, hindi naging matagumpay ang balak ni Simoun na pasabugin ang tahanan ni Kapitan Tiyago na kung saan nagaganap ang magarbong salu-salo ng pag-iisang dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit ang isang mamahaling lampara. Bagkus, ito pa ang nagsilbing patunay para kay Padre Salvi na siya at siCrisostomo Ibarra ay iisa. Siya'y agad na ipinahanap upang dakipin. Upang magtago siya'y pumunta kay Padre Florentino sa pag-aakalang siya'y maiintindihannito. Sinalungat ng pari ang lahat ng kanyang paniniwala. Nang makatanggap si Padre Florentino ng liham na nag-uutos na isuko si Simoun ay agad na nabuo sakanyang isipan na mas mabuti pang siya'y magpatiwakal kaysa mapasakamay ng mga kastila. Namatay siyang hindi yumuyukod sa relihiyon at pamamalakad ng mga

dayuhang nagpahirap sa kanya. Ang kanyang mga kayamanan at labi ay pinaagos ni Padre Florentino sa dagat at ito'y lumubog sa kalaliman. Ito'y mananatili sapagkakasilid hanggang ito'y matuklasan ng hinaharap....


Similar Free PDFs