El Filibusterismo script DOCX

Title El Filibusterismo script
Author Norie Bautista
Pages 13
File Size 35.2 KB
File Type DOCX
Total Downloads 273
Total Views 474

Summary

El Filibusterismo script El Filibusterismo  Jose Rizal writing El filibusterismo scene  Scene 1 Narrator: Kinabukasan ay kumalat at nagkaroon ng maraming usap-usapan tungkol sa pagkatalo at sa kakulangan ng mga bandido laban sa mga Kastila at sa buhay ni Crisostomo Ibarra na akala ng iba ay…… PATA...


Description

El Filibusterismo script El Filibusterismo Jose Rizal writing El filibusterismo scene Scene 1 Narrator: Kinabukasan ay kumalat at nagkaroon ng maraming usap-usapan tungkol sa pagkatalo at sa kakulangan ng mga bandido laban sa mga Kastila at sa buhay ni Crisostomo Ibarra na akala ng iba ay…… PATAY na. Sa Bapor Tabo Narrator: Samantala, sa kubyerta ng isang bapor na nagngangalang Bapor Tabo na inahintulad sa pamamahala ng Kastila ay nagsasakay ng mga Indiyo at maharlika…. Donya Victorina: (palakad-lakad, natatawa ang mga pasahero) Nakikita niyo ang suot ko? Walang-wala ito sa mga suot niyo! (walang nakikinig at umalis na padali-daling pumunta sa kapitan) Pambihira talaga yang asawa ko. Nilayasan pa naman ako! hmph! Hoy Kapitan! pakibilisan pa nga ang pagpapatakbo niyo sa barko. Ang hina! Kapitan: Patawad pero hanggang dito lang ang kaya ng bapor. Donya Victorina: Ang babaw talaga ng ilog na ito! Ang bagal tuloy ng takbo ng makina. (nagtipon-tipon) Simoun: Ang lunas ay napakadali at walang magugugol na anuman. (lahat ay tumingin at lumapit para makinig) Walang dapat gawin kundi isang kanal mula sa pagpasok ng ilog hanggang sa paglabas na maglalagos sa Maynila. Makakatipid pa ng lupa, mapaiikli ang dinaraanan at maiiwasan ang pagtaas ng buhangin sa ilog. Don Custodio: Hinid ako makakasang-ayon sa panukala mo Ginoong Simoun. Napakalaking pera ang magugol at masisira pa ang ibang kabahayanan. SImoun: Puwes, hanyaang masira ang dapat masira. Don Custodio: At saan naming kukunin ang salaping ibabayad sa mga mangangawa? Baka magdulot iyan ng isang himagsikan? Simoun: EH wag silang bayaran! Mga bilanggo ang gagawa ng kanal. At kung hindi sapat ay samahan pa ng mga mamamayan. Himagsikan? Kabaliwan! Naghimagsikan ba ang mga Hudyo o mga taga-Ehipto? Don Custodio: Ngunit wala tayo sa Ehipto ni mga Hudyo, Ginoong Simoun. Ikinalulungkot ko pero hindi ako sang-ayon sa gusto mo. (hindi nakatagal ang ginoo kaya't tinalikuran si Simoun. 2nd scene Narrator: Sa kabilang dako ng barko, may dalawang estudyanteng nakikipagtalo sa isang matanda. Kapitan Basilio: Akademya ng wikang Kastila? Hmmm… Tiyak akong hindi yan maisasakatuparan....


Similar Free PDFs