Panahon ng Katutubo PDF

Title Panahon ng Katutubo
Course Bachelor of Arts in Filipinology
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 6
File Size 411.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 87
Total Views 192

Summary

Maikling impormasyon patungkol sa katutubo...


Description

  PANAHON NG KATUTUBO 



Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang sariling pamahalaan, may sariling batas, pananampalataya, sining, panitikan at wika. Ang bagay na ito’y pinatutunayan ng mga mananalaysaysay na kastilang nakarating sa kapuluan. Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas. Ito ang kabangyaman ng ating panitikan. Dito nasasalamin ang naging buhay ng ating mga ninuno.Ang panahon ng kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga: (a) kuwentong- bayan (b) kantahing- bayan (c)karunungang bayan (d) bulong.

Mga Katanungan: 1.Sino ang nagpatunay sa kalinangan ng Pilipinas? -Si Padre Pedro sa kaniyang Relacion de las Islas Filipinas  (1604). Sinabi niyang may sariling wika sa Pilipinas at ang mga naninirahan dito’y may sistema ng pagsulat na tinatawag na alibata.

 2.Ano ang teorya ng pandarayuhan mula sa relihiyosong Austronesyano?   -Ayon dito ang mga pilipino daw ay nagmula sa lahi ng mga Austronesian na hango sa salitang latin na Auster na ibigsabihin ay “southwind” at Nesos na ngangahulugang isla.

3.Ano ang ginagamit na pinaka papel noon? -Ang ginagamit na pinakapapel noon ay ang mga biyas ng kawayan, mga dahon ng palaspas o balat ng punongkahoy at ang pinakapanulat nila’y ang mga dulo ng matutulis na bakal o iyong tinatawag sa ngayong lanseta.

4.Ano ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga katutubo?  - Baybayin ang tawag sa paran ng pagsulat ng mga katutubo.Binubuo ng labingpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labingapat (14) na katinig.

           5. Ano ang kalagayan ng kanilang pagsulat (baybayin) sa panahon noon at ngayon? -Masasabing nakapahalaga at natatangi ang baybayin noon para sa ating mga katutubong Pilipino dahil ito ay sumisimbolo sa naabot na antas ng kanilang pagkatuto sa ating kultura ngunit ngayon ay unti-unti ng nawawala ang baybayin o sistema ng pagsulat ng mga Filipino na kanilang iniambag sa ating kultura.

  KASALUKUYANG PANAHON   Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng

kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Sa pagbabago ng henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya lalong-lalo na patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas maraming barayti ng wika at nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe. Marami nang nadulot na impluwensya ang mga pagbabagong ito lalong-lalo na sa mga kabataan.

Mga Katanungan: 1. Saan nagsimula ang Wika sa Kasalukuyang Panahon? -Naganap sa Pilipinas ang isang pagbabagong historikal na resulta ng rebolusyong EDSA noong Pebrero 1986 na nagresulta sa pagpapawalang bisa sa 1973 konstitusyon at napalitan ng 1987 konstitusyon at pagkakaroon ng bagong sistema at batas tungkol sa wika ng kasalukuyang panahon.

 2. Ano ang pinagkaiba ng 1973 konstitusyon sa 1987 konstitusyon? -Ang 1973 konstitusyon o Saligang-Batas ng 1973 ay nagsasabing ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon o integrasyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino; samantalang Ang 1987 konstitusyon o Saligang-Batas ng 1987 ay nagsasabing ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. At dapat nililinang; ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

3. Ano ang SWP at ang layunin nito tungkol sa ating pambansang wika? -Ang SWP o Surian ng Wikang Pambansa ay itinatag alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.

  4. Ano ang ginagamit sa kasalukuyan bilang wikang panturo? -Noong 1987 pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports ang Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.

5. Ang wikang panturo - Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Sa pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. Ang mga wika at dayalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan: A)Bilang hiwalay na asignatura B) Bilang wikang panturo

6.Ano ang tawag sa paraan ng pagsulat sa panahon ngayon? -Ang tawag sa paraan ng pagsulat sa kasalukuyang panahon ay Modernong Alpabeto.

  

Paglalahat (Panahon ng Katutubo-Kasalukuyang Panahon) -Noon pa man ay may sarili nang alpabeto ang ating mga ninuno, ito ay ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig, 3 patinig at 17 titik. -Kaugnay ng pagbago ay nagkaroon ng tinatawag na modernong alpabeto kung saan ang dating alpabeto (baybayin) na mayroon lamang 17 titik ay naging 28 titik, ito ay: a b c d e f g h i j k l m n ñ ng o p q r s t u v w x y z Ang wika at mga letrang bumubuo sa alpabeto natin ay may mga pagkakaiba ngunit halos magkaparehas sa pagkakahayag kapag bumuo ng salita. Ang wika noon sa panahon ng katutubo ay may masistemang pagsulat nito. Samantalang ang wika sa kasalukuyan ay may hango ng modernong alpabeto at mga wika na syang halos araw araw ginagamit ng lahat.

  Konklusyon Sa aming konklusyon ay nalaman namin ang pagkakaiba ng wika noon at ngayon,na dati ay hindi ganon kadali gamitin ang baybayin at mas madali gamitin ang ating wika ngayon.Natutunan rin namin kung ano ang ginagamit ng mga sinaunang tao sa sinaunang panahon at ito ay ang baybayin o alibata.Kaya naman ngayon ay dapat nating pahalagahan ang ating wika dahil ito ay mahalaga at pinaghirapang makamit ng ating mga ninuno.

SOURCES: https://www.scribd.com/document/357733428/Wika-Sa-Kasalukuyang-Panahon https://www.slideshare.net/RainierAmparado/ang-pambansang-wika-sa-kasalukuyang-panahon http://wika.pbworks.com/w/page/8021671/Kasaysayan http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/04/Baybayin.pdf...


Similar Free PDFs