Panitikan SA Panahon NG MGA Hapon pre final PDF

Title Panitikan SA Panahon NG MGA Hapon pre final
Course BS Accountancy
Institution University of Antique
Pages 41
File Size 413.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 410
Total Views 545

Summary

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPONKaligirang KasaysayanAng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kalian nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangy...


Description

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON

Kaligirang Kasaysayan Ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kalian nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos. Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbour sa Hawaii. Pagkaraaan ng mga lingo, umatras sina Heneral Douglas McArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng military ng Hapon ang Maynila noong Enero 2, 1942. Sa pagdating ng mga Hapones sa ating bansa, dala nila ang kanilang propaganda na ang mga hapon ay dumating sa Pilipinas bilang kapatid na siyang magpapalaya sa mga Pilipino. Ngunit taliwas ang propagandang kanilang pinangangalandakan sapagkat laganap noon ang pagmamaltratong inabot ng mga Pilipino sa kamay ng mga hapon. Pinatunayan ito ng mga salaysay ng mga dumanas ng karahasan--- pagmamaltrato, pambubugbog, pagpatay ng mga kaanak at panggagahasa. Mayroong pinaniniwalaang tatlong pangunahing dahilan para sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas. Una, para maprotektahan ang imperyo ng mga hapon mula sa mga US military bases. Kinailangan nilang pigilin ito sa pamamgitan ng pagsakop sa Pilipinas na lumalabas na isang teritoryo ng Amerika sa panahong iyon. Ikalawa, ang Pilipinas ay nasa tugmang posisyon sa Timog-Silangang Asya na kinakailangan ng mga Hapon sa kanilang pag-abante sa katimugan. Makakatulong din ng malaki ito sa pagprotekta ng kanilang mga supply lines at para palakasin ang depensa ng hukbong hapon. At ikatlo, sa Pilipinas matatgpuan ang mga hilaw na materyales na kailangan ng bansang hapon para sa digmaan. Ang lahat ng ito ay para sa itatagauyod ng depensang pangmilitar ng mga haon at siyang kumukontrol sa pamamahala ng Pilipinas. Ninais din ng mga hapon na makuha ang respeto nga Pilipino gaya ng respetong binigay ng mga ito sa mga Amerikano. Ngunit nahirapan silang makuha ang simpatya ng mga Pilipino. Sinasabing gawa ng mahabang panahon ng

pagkababad sa kulturang kanluranin ang mga Pilipino ay nakalimot na sa kanyang pagiging Asyano. Gayundin, ang pagiging highly literate ng mga Pilipino ay nagsilbing sagabal sa pagsakop ng hindi lamang bansa gayundin ng kamalayan ng mga Pilipino. Ang problemang ito ang nagbunsod sa pagkabuo ng isang cultural policy sa panahon ng pananakop ng Japanese Invasion Army. Nakapaloob sa cultural policy na ito ang paglalatag ng mga programa na makakatulong sa ikabubuti ng pagsasamahang Pilipino-Hapon. Kabilang sa mga polisiyang ito ang pagpapatuloy ng pamahahala ng mga Pilipino ng sariling gobyerno ngunit kumikilala sa hapon bilang bagong mananakop. At bilang pampalubag-loob ay idineklara ni Prime Minister Hideki Tojo na ibabalik ang kasarinlang hinihiling ng mga Pilipino kung makikipagtulungan na ng lubusan ang mga Pilipino sa mga Hapon. Kabilang din sa polisiyang ito ang pagtatatag ng Bagong Pilipinas o New Philippines . Ang unang hakbang na kinakailangan ay ang paglalatag ng mga pundasyong ispirituwal na siyang sentro ng kultura at siyang tanging sandigan ng politika, ekonomiya, industriya at edukasyon ng bansa. Upang mapabilis ang pagpapasunod sa mga Pilipino sa mga polisiyang ito, ninais ng mga Hapon na makontrol ang kaisipan ng mga Pilipino at ito’y sa pamamagitan ng pagmanipula sa edukasyon. Ang Ang Administrasyong Pangmilitar ay nag-isyu ng Order No. 2 noong 1942 na naglalayong na baguhin ang edukasyon sa Pilipinas para sa kanilang kapakinabangan. Kasama sa mga kautusang ito ang pagtuturo ng wikang Hapon sa Pilipinas sa pag-asang maaari pang mabura sa isipan ng mga Pilipino ang Ingles. Nais ng mga Hapon na madebelop sa mga Pilipino ang ideyang ang mga Hapon ang siyang makapangyarihang lider sa Asya. Noong panahong iyon ay idineklarang opisyal na wika ang Niponggo kasama ng Tagalog at idinagdag sa mga curriculum sa mga paaralan. Malaki ang ipinakitang suporta ng mga Hapon sa pagdebelop ng mga Pilipino ng kaisipang maka-Pilipino at maka-Asyano. Nagagawa ng mga kampanya na sumusuporta sa paggamit ng Tagalog bilang pamansang wika. Ang wikang Ingles ay tinanggal bilang opisyal na wika at ang mga aklat o anumang nagpapakita ng suporta sa Amerika ay sinesensor. Napakalaki rin ng epektong idinulot ng sensurang Hapon sa panitikan sa panahong iyon. Sa sobrang higpit nito ay maraming mga literary periodicals ang napahinto sa paglalathala. Dahil sa pagliit ng bilang ng mga peryodiko ay nagkaroon ng kakulangan sa espasyo para sa mga akdang pampanitikan sa Ingles. Taliwas naman ito sa lubos na pagyabong ng mga akdang pampanitikang Tagalog. Mas lamang ang mga akdang pampanitikan sa Tagalog sapagkat suportado ito ng mga Hapon. Walang puwang sa paglalathala ang mga akdang pampanitikan sa

Ingles kung kaya’t maraming mga manunulat sa Ingles ang lumipat sa pagsusulat sa Tagalog para lamang makapagpalathala. Ipinagbawal ng mga Hapon ang pagpasok ng mga Hollywood movies sa Pilipinas. Tanging mga lumang pelikulang Ingles at Tagalog lamang ang paulit-ulit na ipinapalabas. Nagpalabas din ng mga Pelikulang Hapon. Samantala ang industriya ng pelikula sa panahong iyon ay baldado mula sa paggawa ng mga bagong pelikula. Ang kakulangang ito ng mga pelikula ang nagbigay-daan sa pagyabong ng Dulaang Pilipino. Ang okupasyon ito ng mga Hapon ay nagbunsod sa masiglang panahon ng Tanghalang Pilipino.

Ang Sangguniang Bansa At Ang Pamahalang Tagapagpalaganap Ng Pilipinas Ang Hapon ay matagal na nagbalak na sakupin ang Pilipinas. Umaasang magtatagumpay sa pakikidigma sa mga Amerikano. Tatlong araw pagkatapos ng talumpati ni Primyer Hadeki Tojo noong ika-21 ng Enero, 1942 na ang mga Pilipino raw ay makiisa sa pagtatag ng “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere,” ang Pamahalaang Tagapagpalaganap ng Pilipinas ay itinatag. Ito ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Punong Komandante ng Imperial Japanese Forces (IJF). Bawat komisyoner ay inatasang tagapayo ng Hapon. Ang komisyon ay lagging nagbabago. Hinirang sa tungkulin ang mga gobernador at alkalde sa halip na ihalal ng taongbayan. Sa payo ng Kempetai (lihim na Hapong pulis), ang mga tao ay pinapatay kahit walang paglilitis. Isinilang din ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas. Inlikha ito ng Bilang 109, at si Benigno Aquino ang hinirang na direktor nito. Ilan sa mga mahalagang layunin nito ay: 1. 2. 3. 4.

Madaling pagtatayo at pagbabagong tatag ng Pilipinas. Pagsulong ng mga tao sa kultura, mabubuting asal, at pangkaluluwa. Pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pakikipag-ugnayan sa simulain ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.

ANG KABUHAYAN SA PANAHON NG HAPON Lumasap ang mg Pilipino ng gutom sa tatlong taong pananakop ng mga Hapon. Kinumpiska ang mga ani, mga minahan, pabrika at mga lagak sa bangko. Ang mga

tao, babae man at bata, ay pinipilit gumawa para sa mga sundalong Hapon. Kaya maramingtao ang nagutom at namatay sa labis na parusa ng mga sundalong Hapon. Lahat ngmga bagay na may halaga ay ipinagpapalit sa pagkain. Nawala lahat ng produktong Amerikano, at napalitan ang karamihan nito ng mga gawang Pilipino. Ang kasapi ng kilusang Hapon ay nagdulot ng takot sa mga tao. Lahat ng mapaghinalaan ay dinadakip. Walang nakaalam kung kalian darakpin. Ginawa nilang kulungan ang mga unibersidad at eskuwelahan. Ipinagbawal din ang pagtatalumpati at pagbasa ng aklat at magasin. Ang wikang hapon ay itinuro sa mga tao. Ang mga guro at kawani ng pamahalaan ay tinuturuang bumasa ng Hanasi, Kotoba, at panimulang aklat ng Hapon. Tinuruan din silang sumulat sa Niponggo na tinatawag na Hiragana. Ang mga gurong Pili[ino ay tinuturang umawit ng awiting Hapon, at tumugtong ng himigHapon.

Kalagayan Ng Panitikan

Namahingang tuluyan ang Panitikang Filipino at Kastila sa Panahon ng Hapon. Sa kabila nito, nagpatuloy ang pagsulat sa mga wikang Tagalog at ingles na taglay ang diwang makabansa, bagama’t hindi nakararating lahat sa mga mambabasang Pilipino. Masasabing iilang akda lamang sa loob ng mahigit na taltlong taon ang naisulat mula 1945 hanggang 1944. Tahasang ipinagamit ang Filipino sa mga paaralan bilang Wikang Pambansa, at ang Ingles na wikang panturo sa mga batang nag-aaral. Ngunit nagkaroon ng kautusan na bawal ang pagturo ng mga bagay na may kinalaman sa Demokrasya at Estados Unidos. Upang maiwasan ang hinggil dito ay pinilas o tinakpan ang mga aklat pampaaralan na kababasahan ng mga bahaging ipinagbabawal ng mga Hapones. Kung maituturing na may buting nagawa ang Hapon sa Pilipinas, iyon ay ang pagpapahalaga sa wikang sarili. Nailagay sa mataas na anta sang wikang Filipino na gawin itong wikang opisyal. Dahilan sa pinamamahalaan ng Hapon ang

paglalathala ng mga babasahing nasusulat sa wikang katutubo o Ingles, hindi na gaanong nabigyang-pansin ng mga publisista ang pagkita ng salapi, at kinalimutan na pansamantala ang patakarang pampanitikan. Ang ilang kwentong nakilala sa panahon ng pananakop ng Hapon ay isinulat sa wikang Ingles na kababakasan ng kabihasnang pamana ng Amerikano, lalo na ang ilang mahilig sa pagsulat sa wikang Ingles. Nakilala sa larangan ng sanaysay sina Juan Cabreros Laya, Maria Luna Lopez, at Maria Kalaw Katigbak, na pawing sa Ingles unang nagsisulat. Si Laya ay sumulat ng isang dula na batay sa nobelang Ingles na His Native Soil (Sa Sariling Lupa). Sa bahaging pampanitikan, walang gaanong pag-unlad sa dulang Tagalog, ngunit maituturing na ang pagsasalin sa wikang sariling dulang banyaga, tulad ng Cyrano de Bergerac ni Edmond Rostand na isinalin ni Francisco ‘’Soc’’ Rodrigo, ay isang pasimula ng tunay na pagkaunawa sa sa pamaraang pandulaan pinangunahan nina Francisco ‘’Soc’’ Rodrigo, Epifanio G. Matute, at ilan pa ang pagsasalin sa wikang Tagalog ng mga dula sa wikang Ingles. Dahilan sa kahirapan ng buhay dulot ng digmaan, ang tao ay nahilig sa panonood ng dula upang mapagkalibangan. Natigil ang pagsasapelikula dahilan sa giyera, kaya’t ang malalaki’t maliliit na teatro ay nakilala at kinalugdan ng tao. Ang Dramatic Philippines na isang samahan ng mga mandudulang Pilipino ay itinatag nina Narciso Pimentel, Jr., Francisco “Soc” Rodrigo, Alberto Canio, at iba pa. Sa pagkatatag nito, isa sa nakilala ang dulang Sa Pula, Sa Puti ni Francisco “Soc” Rodrigo na tunay na kinagiliwan ng marami. Ang ilang dulang natanghal sa Metropolitan Theatre at sa ilang tanghalan ay ang sumusunod: Ang Palabas ni Suwan, Dahil sa Anak, Higanti ng Patay, Sino ba Kayo, at Libingan ng mga Bayani, na pawang sinulat ni Julian Cruz Balmaceda. Bukod sa mga tula at sanaysay, ang maikling kathang Tagalog ay nakilala rin at napalathala sa Liwayway at Haligi. Ang Philippine Publication ay naglabas ng Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943. Ang ilan sa mga ito ay Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes; Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo at Lunsod, at Nayon at Dagat-Dagatan ni N.V.M Gonzalez. Sina Reyes at Gonzalez ay dating manunulat sa Ingles na nakilala ring may kakayahan sa pagsulat sa wikang Tagalog.

Sa mga nobelang nasulat sa wikang sarili noong panahon ng Hapon, nakilala ang mga sumusunod na akda: Dalisay ni Gervasio Santiago; Pamela ni Adriano P. Laudico at A.E. Litiaco; Tatlong Maria ni Jose Esperanza; Zenaida ni Adriano P. Laudico; Ako’y Maghihintay ni Gervasio Santiago; at Lumubog ang Bituin ni Isidra Zarraga-Castillo.

Maikling Katha Naging maunlad ang maikling kuwento sa panahon ng Hapon. Hindi makapagmalaki ang mga mambabasa na di bibili ng magasin sapagkat iilan lamang ang ganitong uri ng babasahin. Nakilala sa pamagat na Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943 ang pinakamahusay na kathang Pilipino. Ito ay naipalimbag sa panlukbutang laki ng papel, at peryodikong malutong at marupok. Nagkaroon ng kakapusan ng mapaglilimbagan sa panahong ito kaya ginamitan ng tipong maliliit ang limbag sa mga magasin upang maging marami ang mapasama sa babasahin. Tama lamang tawaging “Panahon ng Pamumulaklak” ang Panahon ng Hapon sa panitikang Filipino. Ayon sa mga istoryador at kritiko ay tumpak tawagin itong “Gintong Panahon.” Maraming manunulat na Pilipino ang nahikayat sumulat sa panahong ito dahil sa mahigpit ang mga Hapones sa paglalathala sa Ingles. Ito ang panahong nagpataas sa uri ng mga pamumunang pampanitikan, mga sanaysay, at mga maikling kuwento. Utang sa maawaing pamumuno ni Kinichi Isakawa ang pamumulaklak ng sariling panitikan sa panahong ito. Naging popular ang Liwayway, at mga babasahing Pilipino. Napiling pinakamahusay ang maikling katha ang mga akda ni Macario Pineda, Brigido Batungbakal, Serafin Guinigundo, at iba pa. Ang mga itinaguyod ng mga pasanayang pangwika sa panahong ito sa larangan ng panulatan ay nakatulong nang Malaki sa mga manunulat sa pangunguna ni Lope K. Santos.

Naging bunga ng mga pasanayang ito ang mga kakilalang manunulat tulad nina Liwayway A. Arceo, Alicia Lopez-Lim, Ligaya D. Perez at Gloria VillarazaGuzman. Pinatunayan ng panitikan na sa panahon ng kaligayahan ay maaring sumilang ang lalong matatayog na gunam-gunam, pagkaapi, pagkabusabos, at pagsikil sa gipit na kalagayan ng mga tao. Sa gayon ding panahon isinulat ang mapaghimagsik na akda nina Francisco Baltazar, Jose Rizal at Marcelo H. Del Pilar. Sa Panahon ng Hapon isinilang ang mga manunulat na ngayon ay matibay na haligi sa sariling panitikan.

Mga Katangian ng Maikling Katha: 1. 2. 3. 4. 5.

Matimpi ang pagpapahayag ng paksa Nagsasalaysay ng madudulang pangyayari Walang balangkas ang kuwento Ang paksa ay nauukol sa iba’t ibang karanasan sa buhay ng tao Gumagamit ng mga payak na pangungusap kaya madaling maunawaan

Tatlong Pinakamahusay na Kuwento sa Panahon ng Hapon

Lupang Tinubuan Ni Narciso G. Reyes

Ang tren ay tumulak sa gitna ng Sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama, Tribune, Taliba? Ubos nap o. Liwayway, bagong labas. Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal Na Araw na kami uuwi. Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulta ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli.

Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-s-Tsug. Tsug. Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga. Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, ‘Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.’ Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan. Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na’t tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiay Juana, ‘Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.’ Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ate ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik. Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa Kallagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at ditto, nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit. ‘Walang maganda rito kundi ang langit,’ ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. ’ Hindi po naman,’ ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa

mga Kastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid. Kay rami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas. Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa nagasaloob ay pawang kamag-anak ni Danding. ’Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,’ ang naisaloob niya. ’ Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.’ Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Balana ang nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa pagkamaramdamin ng kanyang pamangkin, at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon sai Danding, na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala. Isang manipis na dingding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas na lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtina salo ng pinagbuhol na lasong itim, ay walang tigil ang pagyayaut-yaot dito ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan, nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot. ’Hindi mo nababati ang Nana Marya mo,’ ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana. ’At ang pinsan mong si Bining,’ ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay

umabot siya ng isang album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao. Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at namandala ana ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa init ng araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid. Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ang unang nag...


Similar Free PDFs