Mga Hamon sa Pagsulat sa Larangan ng Wika, Panitikan at Lipunang Pilipino PDF

Title Mga Hamon sa Pagsulat sa Larangan ng Wika, Panitikan at Lipunang Pilipino
Author D. San Juan
Pages 12
File Size 1.3 MB
File Type PDF
Total Downloads 11
Total Views 110

Summary

Mga Hamon sa Pagsulat sa Larangan ng Wika, Panitikan at Lipunang Pilipino1 David Michael M. San Juan Associate Professor, De La Salle University-Manila Public Information Officer, Alliance of Concerned Teachers-Private Schools Direktor, Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PS...


Description

Accelerat ing t he world's research.

Mga Hamon sa Pagsulat sa Larangan ng Wika, Panitikan at Lipunang Pilipino David Michael San Juan

Related papers

Download a PDF Pack of t he best relat ed papers 

Mga Hamon sa Pagsulat sa Larangan ng Wika, Panitikan at Lipunang Pilipino1 David Michael M. San Juan Associate Professor, De La Salle University-Manila Public Information Officer, Alliance of Concerned Teachers-Private Schools Direktor, Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) Convenor, Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA)

A luta o ti ua2! Tuloy ang laban! Tuloy ang laban! Laban saan? Saan dapat magpatuloy ang laban? Laban sa rehiyonalismo! Laban sa kamangmangan! Laban sa kawalan ng edukasyon! Laban sa pagsasamantala! Laban sa pamahiin! Laban sa pagdurusa! Laban sa gutom! Laban sa kawalan ng maisusuot! Tuloy ang laban upang balang araw tayong lahat ay maging pantay-pa ta ! A g kolo alis o’ krimen sa sangkatauhan. Walang makataong kolonyalismo. Walang demokratikong kolonyalismo. Walang hindi mapagsamantalang kolo alis o. 3 1

Samora Moisés Machel4

Lektu a g i asa sa Talaban 2015: Seminar Sa Malikhain at Akademikong Pagsulat Normal University-Manila. 2

a isi aga a sa Philippine

Na ga gahuluga g Tulo a g la a !

3

Transcript ng pahayag ni Machel na masisipat sa: https://www.youtube.com/watch?v=bvj0Feq5vpI. Ang salin ay ata sa E glish a su titles sa asa i g ideo: The st uggle o ti ues! The st uggle o ti ues! The st uggle continues! Against what? Against what must the struggle continue? Against tribalism! Against ignorance! Against illiteracy! Against exploitation! Against superstition! Against misery! Against famine! Against lack of clothing! A luta continua so that someday we will all be equal! Colonialism is a crime against humanity. There is no humane colonialism. There is no democratic colonialism. There is no non-e ploitati e olo ialis . Isi ali ila g ehi o alis o a g t i alis sapagkat i o a g as lita a suli a i sa Pilipi as. 4

Si Machel ang unang pangulo ng Mozambique (1975-1986) at lider ng Frente de Libertação de Moçambique/FRELIMO (Mozambique Liberation Front) na nanguna sa pakikibakang antikolonyal ng mga tagaMozambique laban sa Portugal. Namatay si Machel noong 1986 nang bumagsak ang kanyang eroplanong sinasakyan. May mga naniniwalang pinaslang si Machel ng mga ahente ng imperyalismo (sistema ng direkta o hindi direktang pangingibabaw sa ekonomya, politika, at kultura, ng isang bansa sa iba pang bansang mas mahina sa kanila sa mga aspektong ito) dahil sa kanyang matibay na paninindigang antikolonyal at anti-imperyalista.

Panimula: Mito ng Globalisasyon Ilang dekada mula nang unang lumaganap mula Mozambique ang panawagang antikolonyal ni Samora Moisés Machel, hindi pa rin ganap na malaya sa aspektong kultural, politikal, at ekonomiko ang nakararaming bansang saklaw ng Ikatlong Daigdig o Third World. Deka-dekada pagkatapos ilako g ga tagasupo ta g glo alisas o a g utop a g daigdig a ala g ha ggaha o o de less o ld, a a atili g ataas a g ga lite al at pigu ati o g mga bakod na naghihiwalay sa mga bansa, at sa mga mamamayan sa loob ng mga bansa. Ang pangakong kaunlaran para sa lahat ay napatunayang isa lamang mito. Ilang halimbawa ang magpapatunay sa kahungkagan ng mga pangakong napako ng globalisasyon: kailangan pa rin ng visa sa pamamasyal sa maraming bansa; lumalaganap ang karahasan at/o rasismo laban sa mga migranteng manggagawa nasa First World, mula sa Third World; sa halos bawat bansa, maunlad man o mahirap, lalong lumalawak ang agwat ng mayayaman at mahihirap; mas malaking porsyento ng mga umiiral na trabaho ang kontraktwal at/o baratilyo ang pasweldo; tumitindi ang karerang pabaratan ng sahod o race to the bottom ng mga bansa upang maakit ang mga korporasyong transnasyunal na mas mabilis pa sa kisapmatang nakapaglilipat-lipat ng operasyon batay sa kung saan pinakamakapipiga ng pinakamalaking tubo; walang habas ang pagpapatupad ng komodipikasyon ng edukasyon at komodipikasyon mismo ng mga estudyante at mga manggagawa sa ilalim ng mga iskemang naglalayong mabilis na makapagmanupaktura ng mga semi-skillled na manggagawa o propesyunal na madaling mapipilit na magtrabaho sa kondisyong kontraktwal at baratilyong pasahod sapagkat marami rin namang nagsipagtapos ng kolehi o a g ala g t a aho, lalo pa t hi di pa a e esol a a g k isis a agsi ula oo g sa mga mauunlad na bansa sa Kanluran. Teknikalisasyon at Dehumanisasyon sa Ilalim ng K to 12 Sa Pilipinas, patuloy ang paglalako sa mga mito ng globalisasyon sa pamamagitan ng bulag na pagkopya sa sistemang pang-edukasyon ng nakararaming bansa. Mabilis na ipinasa sa Kongreso at Senado ang Batas Republika 10533 o batas na nagpapatupad sa sistemang Kindergarten to 12 Years of Basic Education (K to 12), sa kabila ng kawalan ng malawakan at demokratikong konsultasyon sa mga apektadong sektor, lalo na sa humigit-kumulang 100,000 propesor, janitor, klerk at iba pang manggagawa sa antas tersyarya. Hindi kataka-takang pitong petisyon na sa Korte Suprema ang isinampa ng mga grupong gaya ng Suspend K to 12 Coalition, Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA), Magdalo Partylist, Suspend K to 12 Alliance, Koalisyong Makabayan5, Natio al U io of People s La e s NUPL , at Parents-Tea he s Asso iatio g Ma ila “ ie e High “ hool, upa g k est u i a g legalidad at ko stitus o alidad g K to , o ka a g ila g aspekto ito. Sa halip na pagsagot sa mga argumento ng mga anti-K to 12, tila sirang plaka ang mga tagapagsalita ng panig na maka-K to 12 sa pag-uulit-ulit ng mga pariralang regio al i tegratio ; glo alizatio ; glo al o petiti e ess ; e h arki g ; jo arket ; technical- o atio al at iba pa, kasabay ng pagbanggit sa K to 12 ngunit walang inilalaang espasyo ang Estado para sa debate hinggil sa mga konseptong ito. Hindi kataka-takang bumaha ng ayudang pinansyal mula sa United States Agency for International Development (USAID), 5

Binubuo ng mga sumusunod na partylist sa Kongreso: Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataan, at ACT Teachers.

World Bank, Australian Agency for International Development (AusAID), at iba pang dayuhang entidad, para sa mabilisang pagpapatupad ng K to 12, sapagkat malinaw ang layunin ng K to 12: iakma ang sistemang pang-edukasyon ng bansa sa mga pangangailangan ng mga mauunlad na bansa at pangangailangan ng mga malalaking negosyong lokal at transnasyunal. Mapait na pildoras ang pilit ipinaiinom sa mga estudyanteng inaalok ng K to 12 na kumuha ng mga kursong technical- o atio al a i -de a d sa i a g ansa tulad ng Caregiving, Housekeeping, Household Services, Wellness Massage, Slaughtering Operation, Welding, Food & Beverage Services, Cookery at iba pa. Bansa ng mga serbidor, alila, alipin, kaipala, ang layunin ng K to 12. Sa kabila ng pagbaha ng bagong utang na ipinaketeng ayuda para sa K to 12, lantad na lantad na sa buong bansa ang kawalan ng sapat na kahandaan ng gobyerno sa pagpapatupad nito – mula sa kulang na pondo at pasilidad, hanggang sa kulang na personnel at materyales na panturo, sukdulang marami-raming eskwelahan pa rin ang walang kuryente, daan-daan ang sa ilalim ng puno nagkaklase, walang aklat sa ilang aklatan, isa lamang ang CR para sa isandaang estudyante, isang guro sa bawat klaseng may 40 hanggang 80 estudyante na bagsak sa pamantayang global mula sa 1:9 ng Cuba at Sweden (na kapwa mas maunlad sa Pilipinas) hanggang sa 1:31 ng Timor Leste (na mas anak-dalita pa kay Luzviminda) Pinakamasaklap, ayon mismo sa Departamento ng Edukasyon, 500,000 estudyanteng magtatapos sa publikong junior high school ang palilipatin nila sa pribadong senior high school at bibigyan lamang ng subsidyong 8,750 hanggang 22,500 piso kada taon na kapos na kapos sa matrikula sa mga paa ala g p i ado a ka a i a , ha gga g , piso kada tao , ukod pa sa karagdagang gastusin sa iba pang bayarin, uniporme, teksbuk atbp. Sa gitna ng kaguluhan, ni hindi naging bahagi ng opisyal na diskurso ng gobyerno ang pagtalakay sa mga pagbabago sa nilalaman ng kurikulum sa ilalim ng K to 12. Ipinagpatuloy ang imposisyon ng mga kompetensi sa a at asig atu a a ilikha g ga ekspe to a ala a a g sapat a koo di as o at konsultasyon sa mga guro sa buong bansa. Sa ganitong konteksto, walang habas na pinungusan g ga ekspe to a g Ge e al Edu atio Cu i ulu sa kolehiyo at arbitraryong nagdagdag naman ng dalawang taon sa antas sekundarya – dalawang taon ng senior high school – sa kabila ng katotohanan na walang pananaliksik na isinagawa ang magpapatunay na kailangan nga nito. Sa aktwal, isang pag-aaral na kantitatibo nina Porio at Felipe ang nagbigay-babala laban sa pagda agdag g dala a g tao sa ha skul. A u t a u a , sapat a sa a sa ga a se tido komun ang pariralang if ai ’t roke, do ’t fi it ku g hi di a a si a, ag pakiala a . Lumilitaw tuloy na pagwasak nga yata ang layunin ng K to 12: pagwasak sa progresibo at makabayang edukasyong mag-aambag sa pag-unlad ng bansa at ng mga mamamayan nito. Manggagawang robotiko at dehumanisado ang imamanupaktura ng K to 12 at isa lamang sa mga hakbang ng establisimyento sa pagsasakatuparan nito ang pagbura sa Filipino sa kolehiyo. Pakikibaka Laban sa Pagbura sa Filipino, Literatura, Kasaysayan at Iba Pang Asignatura Sa pamamagitan ng Commission on Higher Education Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, binura ng ikalawang administrasyong Aquino ang asignaturang Filipino, Lite atu a, at Philippi e Go e e t & Co stitutio . Pi asla g g ga ekspe to a g ika g pambansa sa kurikulum ng kolehiyo, alinsunod sa hungkag na pag-alingawngaw ng panawagang glo al o petiti e ess a ag-a o g aso a le g pagtalikod sa sa ili upa g diu a o harapin ang daigdig, pagpatay sa kakayahang makipag-usap at makipagdiskurso sa kababayan upa g diu a o higit a agi g ahusa sa pakikipagt a saks o sa ga asasalapi g

dayuhan, tuon sa kakayahang teknikal at trabaho lamang habang isinasantabi ang pangkalahatang paghubog sa pagkatao at pagiging tao ng estudyante. Sa esensya, timplang i Geo ge O ell + pelikula g The Mat i + pelikula g “u ogates ang niluto ng mga eksperto, sa halip na pedagohiyang mapagpalayang akma sa sitwasyon ng bansa na dati ring kolonya gaya ng Brazil ni Paulo Freire. Bukod dito, binura pa ng Departmento ng Edukasyon ang asignaturang Kasaysayan ng Pilipinas/Philippine History sa junior high school at hindi rin ito isinama sa kurikulum ng senior high school, sa panahong nanggagalaiti ang madla upang isalba a g pa apa g ta a i sa liku a g o u e to i Jose ‘izal sa Lu eta, sa pa a a o g To e de Ma ila. Ki ali uta a g ga ekspe to a g si au a g ka ikaa g A g hi di lu i go sa pi a ggali ga , di aka a ati g sa pa o oo a . Mabuti na lamang at nag-aklas a g ga aka a a . Mula sa ga fo u sa i a t i a g bahagi ng Pilipinas, hanggang sa mga lansangan, nakarating ang pakikibaka upang ipagtanggol ang wikang pambansa, sa Korte Suprema. Noong Abril 15, 2015, humigit-kumulang 100 edukador, manunulat, estudyante, lingkod-bayan, at mga mamamayang may malasakit sa wikang pambansa ang nagsama-sama upang isampa sa Kataas-taasang Hukuman ang kaunaunahang petisyon na nakasulat sa wikang Filipino, na naglalayong ipahinto ang implementasyon ng anti-Filipinong CMO No. 20, Series of 2013. Kinampihan ng Korte Suprema ang TANGGOL WIKA at binuweltahan ang sapakatang TANGGAL WIKA ng Malakanyang at CHED nang maglabas ang korte ng indefinite na Temporary Restraining Order (TRO) laban sa CMO No. 20, Series of 2013 noong Abril 22, 2015. Daan-daang pahina ng dokumento ang isinumite ng TANGGOL WIKA – tulad ng esolus o a HUMIHILING “A COMMI““ION ON HIGHE‘ EDUCATION CHED , AT KONG‘E“O AT SENADO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, NA AGARANG MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG ISAMA SA BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS TERSIYARYA ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG A“IGNATU‘ANG FILIPINO a pinagtibay noong Mayo 23, 2014 ng National Commission on Culture and the Arts-National Committee on Language and Translation (NCCA-NCLT , at g KAPA“IYAHAN NG KALUPUNAN NG MGA KOMI“YONE‘ BLG. 14- “E‘YE NG g Ko is o sa Wika g Filipi o KWF , ga u di a g esolus o a a petsang Mayo 31, 2013 ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) tu gkol sa PAGTIYAK “A KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG A“IGNATU‘A “A ANTA“ TE‘“YA‘YA – upang itaguyod ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at pagiging pangunahing wikang panturo nito sa mataas na antas ng edukasyon. Bukod dito, binigyang-diin din ng petisyon ng TANGGOL WIKA sa Korte Suprema ang makabuluhang paninindigan ng mga guro ng Sining at Mga Wika sa National Center for Teacher Education NCTE , a g Philippi e No al U i e sit PNU a agpapaha ag a: Bukal g ka u u gan ang Filipino bilang larangan na humuhubog ng kabuuan, kaakibat ang pagpapahalaga sa ating pagkamamamayang Pilipino. Gamit ang Filipino bilang isang larangan, itinatampok at binubuo nito ang pagkatao at pagkakakilanlan ng ating lahi na pundasyon ng ating kamalayan at kalinangan. Malinaw na ang wikang Filipino ang pangunahing instrumento upang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aa al tu go sa pa a sa g kau la a . “apagkat Filipino ang wikang ginagamit ng 99% ng populasyon ng bansa, tiyak na ito rin ang wika ng pagbabagong panlipunan at pambansang kaunlaran. Sa kontekstong multilinggwal, multikultural, arkipelahiko, at post/neokolonyal ng Pilipinas, usaping buhay-at-kamatayan ang puspusang paggamit ng wikang pambansa bilang pangunahing wika ng edukasyon,

komunikasyon, at pambansang diskurso. Sa pamamagitan lamang ng isang matibay na wikang pambansa mabubuo ang tagni-tagning piraso ng arkipelago tungo sa mabilis na pagkakaunawaan, mabilis na praxis, mabilis na pagteteorya at aplikasyon ng teorya, mabilis na pananaliksik at aplikasyon ng pananaliksik, tungo sa mabilis na pambansang kaunlaran, tulad ng pinatunayan ng mga bansang industriyalisado sa Asya – gaya ng Tsina, Hapon, Timog Korea, at Taiwan – modelong sinundan ng mga ekonomya sa rehiyon na mas maunlad na sa Pilipinas tulad ng Thailand, Malaysia, Indonesia, at maging Mongolia sa nakalipas na wala pang isang dekada. Ang pagliligtas sa espasyo ng Filipino, kung gayon, ay malinaw na kailangan sa pagbubuo ng mabulas na pambansang diskurso sa mga isyung panlipunan sa loob at labas ng akademya tungo sa pagtataas ng antas ng diskurso at kamalayan ng madla, at sa pagpapatupad ng mga radikal na repormang sosyo-ekonomiko na makapagdudulot ng kaunlarang panlahat. Kasabay ng paghahangad ng materyal na kaunlaran para sa sambayanan, hamon sa mga manunulat na Pilipino ang pag-aambag sa patuloy na pakikibaka laban sa pagbura ng Filipino, Literatura, at Kasaysayan sa kurikulum. Kung walang espasyo para sa Filipino, Literatura, at Kasaysayan sa kurikulum, baka dumating sa punto na mamatay na rin ang pagbasa at mismong paglikha ng panitikan sa bansa. Mahina pa rin ang protesta ng mga naturingang sikat na a lilikha g pa itika sa Pilipi as la a sa CMO No. at K to ka a t dapat pa ring bigyangdii a ito espo si ilidad di ila, lalo pa t ala ila g a g espas o sa ku ikulu a g dahila kung bakit marami-rami pa ring naoobligang magbasa ng kanilang mga sinulat. Kaugnay nito, dapat tiyakin ng mga manunulat na ang kanilang isusulat ay makabuluhan at makahulugan sa konteksto ng bansang Pilipinas. Tungkulin nila na itaas ang lebel ng diskurso sa kanilang mga akda sa halip na magpalunod sa dikta ng merkado at komersyal na mga korporasyong kumokontrol sa produksyon ng panitikan. Sa ganitong diwa, layunin ng lekturang ito na tukuyin ang iba pang kaugnay na hamon sa mga manunulat na inaasahang magmumulat sa sambayanan habang kasama nilang nakikibaka para sa mas maalwang bukas na pinapangarap nating lahat. Protesta Laban sa Komersyalisasyon ng Panitikan Dapat paigtingin ng mga manunulat ang protesta laban sa komersyalisasyon ng panitikan sa pamamagitan ng pag-aambag sa pagpapahina ng mga korporasyong kumokontrol sa produksyon ng panitikan. Samakatwid, dapat itaguyod ang mga indipendyenteng entidad na nag-iimprenta ng mga aklat. Sa madaling sabi, dapat itaguyod ang cooperative/collective, crowd-sourced at/o self-publication. Sa kasalukuyan, mababa ang tingin ng marami sa mga ganitong porma ng publikasyon, lalo na sa mga self-published na akda ngunit nakalimutan ng a a i a a g Noli Me Ta ge e at El Fili uste is o i Jose ‘izal a kap a self-published! Dahil hindi naman tayong lahat ay may mauutangang gaya ni Rizal, maaaring payabungin ang kolektibong publikasyon at crowd-sourcing. A g a i g aklat a ‘izal g Ba a – isang antolohiya ng mga sanaysay tungkol sa kontemporaryong kabuluhan ng mga kaisipan ng ating pambansang bayani – ay isang matagumpay na halimbawa ng kolektibong publikasyon. Tatlo kaming nag-ambagan para sa pagpapalimbag ng 1,000 kopya ng aklat. Maaari ring pasukin ang la a ga g crowd-sourcing o paghi gi g tulo g – online man o offline sa publiko – para makalikom ng perang pampublikasyon. Susubukin ko itong gawin para mailimbag ang a usk ito g A g Ma uti g Balita A o Ka “a Jua . A g mga ganitong uri ng publikasyon ay malaya sa sensura at diktadura ng merkado. Para sa mga manunulat na anti-kapitalista, ang

paglaya sa gintong bilangguan ng mga korporasyong kumukontrol sa produksyon ng mga aklat ay imperatibo. Walang pera sa self-publication at kolekti o g pu likas o dahil ka a i a a i lamang ang puhunan, pero di ba hindi naman pagkita ng pera ang layunin ng mapagmulat na manunulat kaya hindi tayo dapat matakot na mag-imprenta sa labas ng bakod ng mga korporasyon. Tradisyong Muckraker sa Estados Unidos Bilang Inspirasyon Talakayin naman natin ngayon kung ano ang dapat nating pagtangkaang isulat. Batid na nating lahat ang mapait na kolonyal at neokolonyal na karanasan ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng imperyalismong Amerikano ngunit dapat bigyang-diin na may matututuhan din naman tayo sa mga progresibong Amerikano. Halimbawa, maaari nating gawing inspirasyon ang mga u kraker tagakala ka /tagakalkal g du i/ asu a . A o sa E lopædia B ita i a, a g mga muckraker ay tumutukoy sa group of A eri a riters ide tified ith pre-World War I reform and exposé literature. The muckrakers provided detailed, accurate journalistic accounts of the political and economic corruption and social hardships caused by the power of big business i a rapidl i dustrializi g U ited “tates. Isa sa mga pinakasikat na muckraker si Upto “i lai a agsulat g The Ju gle. Dahil sa ga muckraker, ilang batas para sa kapakanan ng nakararami ang naipasa sa Estados Unidos. Korapsyon at kahirapan ang paksa ng mga muckraker: mga dumi at baho ng lipunang agpapa ggap a ali is. Hi di ga a t a g dala a g ito suli a i pa i g ati g a sa ngayon? Pero nasaan ang mga bestseller na akdang tumatalakay sa mga ito? Sa panitikang Pilipino sa Ingles, nariyan a g Blighted i F a k Cha ez, pe o sa Filipi o, asaan ang mga bagong nobelang korapsyon din ang pangunahing tema? Ma aikli g k e to g Mili i as: Tao g pe o akit ala g o ela? Sa halip na pangunahing paksa, naging paningit na lang ang pagbanggit sa ko aps o at/o kahi apa , at atutu a a ta o sa ga akda g agsisi git gayong kitang-kita binahiran lamang nila ng suliraning panlipunan ang kanilang akda upang hindi mapagbintangang sell-out. Kailangang muling kalkalin ang mga basura at ipaamoy sa lahat ang baho, ang sangsang ng mga problemang ito upang masulasok ang madla at mapilitang kumilos para resolbahin ang mga problemang ito. Sa halip na mga alkalde at mababang opisyal, dapat ay mga presidente at senador ang kontrabida sa mga susunod na nobela. Sa halip na mga munting don at donya na nang-aapi ng maliliit na komunidad, dapat mga bangko at korporasyon na nang-aapi sa buong bayan na ang kontrabida. Maaaring natatakot ang iba sa ati a ala g ag asa ku g a g ati g akda muckraker, tahas na sosyo-politikal tulad g El Fili uste is o i Jose ‘izal o g Mga I o g Ma da agit i Ka A ado V. He a dez pe o hi di dapat kalimutang ang nobela ni Ka Amado ay lumabas nang serye o isinerye sa isang magasin o publikasyon, bago pa muling mailathala bilang isang aklat. Ibig sabihin, binabasa ng tao kahit sosyo-politikal at se oso. A g Dalu o g i Laza o F a is o a isi e e i . Progresibong Erotika, Pwede Ba? Marami nang nailathalang erotikang Filipino sa mga nakalipas na taon gaya ng Laglag Pant , Laglag B ief at g Talo g/Taho g a kap a i edit i a Dr. Rolando Tolentino et al. P...


Similar Free PDFs