Wika ng mga Patalastas sa Lungsod ng Naga DOCX

Title Wika ng mga Patalastas sa Lungsod ng Naga
Author Gen Magalona
Pages 2
File Size 17.7 KB
File Type DOCX
Total Downloads 11
Total Views 68

Summary

Wika ng mga Patalastas sa Lungsod ng Naga I. Panimula Araw-araw tayong dinagdagsa ng iba’t ibang ideya at pananaw na pinag-aagawan ang atensyon ng madla. Tayo ay binabaha ng ano-anong impormasyon at opinion sa telebisyon, radio, pahayagan at internet. Sa mga lansangan ay ating nakikita ang mga paski...


Description

Wika ng mga Patalastas sa Lungsod ng Naga I. Panimula Araw-araw tayong dinagdagsa ng iba't ibang ideya at pananaw na pinag-aagawan ang atensyon ng madla. Tayo ay binabaha ng ano-anong impormasyon at opinion sa telebisyon, radio, pahayagan at internet. Sa mga lansangan ay ating nakikita ang mga paskil, malaki o maliit man na hindi lamang tungkol sa pagbebenta ng mga produkto maging mga impormasyon sa trabaho at marami pang ideya. Ang wika ay kaakibat na ng midya. Ang midya ay pangunahing daluyan ng wika tulad ng kolokyal na wikang Filipino at Ingles. May iba't ibang mga format ang media at halos wala itong hangganan. Mapapanood, maririnig at mababasa o makikita ang iba't ibang uri ng patalastas na nagpapakita ng iba't ibang produkto, impormasyon at kung ano-ano pa. Pinapagana ng mga advertising company ang kanilang pagiging malikhain para pumatok sa madla. Nilalagyan ng sari-saring elemento ang advertisement tulad ng narrative, endorsers, jingle, animations, at marami pang iba. .Ang mga advertisers ay sumusunod sa tatlong hakbang upang bumuo ng malikhang diskarte: message generation, message evaluation and selection, at message execution [1]. Gamit ang mga estratehiya na ito, naakit o nakukuha nila ang atensyon ng madla. Ang mga patalastas ngayon ay lumilikha ng mga salita at terminolohiyang ang konsepto'y bumabalong at nakatali sa dikta ng mga kapitalistang interest ng pagkakamal ng kita o ganansiya [2]. Naapektuhan ng mga patalastas ang mga mamamayan, partikular sa pag-iisip at paggawa. Kadalasan, ang mga termino o salita sa isang patalatas ay click sa madla sa kabila ng katotohanan na mali ang gramatika nito. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pag-alam kung ano-anon wika ang ginagamit sa mga patalastas partikular sa mga paskil. Layunin ng isasagawang pananaliksik na makalikom ng mga patalastas na may pagkakamali sa gramatika ng wika, upang mabigyan ng kaalaman ang mga mambabasa tungkol sa wikang ginagamit sa mga patalastas. II. Paglalahad ng Suliranin Pangunahing Suliranin: 1. Ano-ano ang mga wikang ginagamit sa mga patalastas sa Lungsod ng Naga? Mga Tiyak na Suliranin: 1. Ano-ano ang madalas na pagkakamali sa gramatika ng Wikang Filipino? 2. Ano-ano ang madalas na pagkakamali sa gramatika ng Wikang Ingles? 3. Ano-ano ang madalas na pagkakamali sa gramatika ng Wikang Bikol? III. Mga Kaugnay na Literatura Wika ng Telebisyon Ayon kina Tadle, Perez, at iba pa (2012), ang wika ng telebisyon ay may epekto at kahalagahan sa Wikang Filipino. Sa kabila ng pagbabago sa panahon, sa teknolohiya hindi parin napapalitan ang telebisyon bilang isang pangunahing paraan ng telekominikasyon. Naimpluwensiyahan ng telebisyon ang paaraan ng pamumuhay ng masa, lalong-lalo na ang wika. Mababakas natin ito sa pang-araw- araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang mga salita, termino, parirala o kataga na pinasikat ng mga...


Similar Free PDFs