ANO ANG Panitikan PDF

Title ANO ANG Panitikan
Course Accountancy
Institution Bulacan State University
Pages 6
File Size 120.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 106
Total Views 263

Summary

Robles, Marianne A.BSA-1C1. Ano ang paniikan? Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an, kung saan ikinabitang unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. Literatura pa ang isang katawagan para sa larangan ng panitikan. Nagsimula naman ang salitang ito sa salitang Latin na “lite...


Description

Robles, Marianne A. BSA-1C

1. Ano ang panitikan? 

   

Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an, kung saan ikinabitang unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. Literatura pa ang isang katawagan para sa larangan ng panitikan. Nagsimula naman ang salitang ito sa salitang Latin na “litera” na nangangahulugang “titik” (mula sa https://www.scribd.com/ doc/33306673/Ano-Ang-Panitikan-HANDOUT) Ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao (mula sa academia.edu) Ito rin ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakakasanhi ng matagal na pagkawili at gana (mula sa academia.edu) Ito ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng tao (mula sa panitikankarunungangbayan.blogspot.com) Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,pagkasuklam, sindak at pangamba. (mula sa https://www.scribd.com/ doc/33306673/Ano-Ang-Panitikan-HANDOUT)

2. Ano ang uri at mga uri ng panitikan? 

tuluyan o prosa – tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mgasalita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ngpangungusap o pagpapahayag. Isinusulat ng patalata (mula sa https://philnews.ph/2019/06/22/panitikan-kahulugan-uri-anyo-akda/ ) o Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mgabagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggilsa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamatng mga mito at kuwentong-bayan. o Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwangpangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawanguri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanagsa mga ginagawa ng mga tao. o Nobela o kathambuhay - isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literarygenre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maramingtiyak na istilo. o Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mgabagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong atmatsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula,sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag dinitong kathang kuwentong nagbibigay-aral. o Parabula - ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimitnangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan angisang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok natauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos atnagsasalita gaya ng tao. o maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at mayiisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ngnobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momentolamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. o Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kurukuro ng may-akda. o Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon. o Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Itoay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa nabinibigkas sa harap ng mga tagapakinig. o Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong nalalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isangtiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito. o Balita - mga iba’t -ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang lugar o bansa. (mula sa https://www.academia.edu/36790153/Ang_dalawang_uri_o_anyo_ng_ Panitikan_ay_ang_tinatawag_na_Tuluyan_at_Prosa) tula o panulaan – ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma. (mula sa https://philnews. ph/2019/06/22/panitikan-kahulugan-uri-anyo-akda/ ) o 1. TULANG PASALAYSAY - naglalarawan ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay tulad ng kabiguan sa pag-ibig, mga suliranin sa buhay at panganib sa pakikipagdigma o kagitingan ng mga bayani.  A. EPIKO - nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao na hindi kapani-paniwala at puno ng kababalaghan. (halimbawa: Indarapatra at Sulayman, Biag ni Lamang)  AWIT at KURIDO- tungkol sa mga paksang may kinalaman sa mga dugong bughaw na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo na dala ng mga Kastila. (halimbawa: Ibong Adarna)  BALAD- tulang inaawit habang may nagsasayaw . Ginagawa ito noong matagal na panahon. o TULA NG DAMDAMIN O LERIKO - ito'y tulang inaawit.  AWITING BAYAN - awitin na inialay sa bayan. (halimbawa; Bayan Ko, Magkaisa, Bahay- Kubo)  SONETO - nagtataglay ng mga aral sa buhay. May labing - apat na taludtod. Ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan.  ELEHIYA - tulang may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan.  DALIT - ito ay tulang pagbibigay pugay sa dakilang lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay; nagsisimula bilang awit tungkol sa relihiyon.  PASTORAL- tula na tungkol sa buhay sa bukid.  ODA- ito ay pagbibigay pugay sa nagawa ng isang tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. (mula sa http://dcdnhsfilipinosv.blogspot.com/2012/06/panitikan-akdang-tuluyan-atakdang.html) o TULANG DULA o PANTANGHALAN - tula na itinatanghal sa entablado.  KOMEDYA - ang mga elementong,makaparsa,gaya ng pagbobobo(clowning)pagbibigay ng mga biro,mga nakakatawang kilos o iba pang sangkap ng maraming komedya.Ang komedya ay nakakahigit sa parsa,higit na seryoso at kapanipaniwala.Ang mga tauhan ay nakikita sa lipunan ng mga indibidwal.Maaari silang pagtawanan o makitawa sa kanila ng may pansin sa kanilang kalagayan o suliranin.  MELODRAMA - isang dulang may malungkot na sangkap ngunit nagtatapos nang kasiya-siya para sa mga pangunahing tauhan.Humihikayat ito ng pagkaawa para sa protagonista at pakamuhi sa antagonista.  TRAHEDYA - Ang tema ng trahedya ay mabigat o nakasasama ng loob at kadalasa’y nakakaiyak. Karaniwang nasasadlak sa kamalasan, kabiguan ang mga tauhan. o



o

 PARSA - isang dulang pangunahing layunin ay mag- dulot ng katatawanan sa mga tagapanood.Ito'y gumagamit ng eksaheradong pantomina,pagbobobo(clowning) mga nakakatawa,nakakatawang komikong pagsasalita ng karaniwang isinasagawa sa mabilisan at di-akmang layunin at di pakaunawaan.  SAYNETE - isang yugtong nakakatawa diwa na nauukol sa mga popular na tauhan (mula sa https://www.slideshare.net/GregAeronDelmundo/mga-uri-ngdulang-patnigan-ayon-sa-anyo) TULANG PATNIGAN - palipahan ng husay sa pagbigkas ng tula.  KARAGATAN - ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing mayroongnamatay. Kunwari ay may matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro. Taposay paiikutin ang isang tabong may tanda. Kapag huminto ang tabo sa pagikot,ang matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga salitang matatalinhaga omakahulugan. Ang larong ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesangnaghulog ng singsing sa karagatan. Ang sinumang binatang makakuha ngsingsing ay siya niyang pakakasalan.  DUPLO - ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkasat pagbibigay katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mgakasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay.  BALAGTASAN - ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate nabinibigkas nang patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na siFrancisco "Balagtas" Baltazar. Pinatanyag ito ng "Hari ng Balagtasan" na siJose Corazon de Jesus (Huseng Batute). (mula sa https://www.slideshare.net/cuteepieme/ 106302360-uringtulangpatnigan)

3. Ano ang nakaimpluwensiya sa panitikan? 

 

 



   

Banal na kasulatan ( Bibliya) – isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo. Ang salitang “Bibliya” ay nanggaling sa salitang Latin at Griego na nangangahulugang “libro,” isang angkop na pangalan dahil ang Bibliya ay ang Aklat para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon. Ito ay Aklat na walang katulad at natatangi sa lahat ng aklat. Koran – banal na kasulatan para sa mga Muslim. o Uncle Tom’s Cabin – tungkol sa pang-aapi sa mga lahing itim Illiad at Odyssey ni Homer – ito ay isang tulang epiko na tungkol sa salaysay ng pagsakop ng mga Griyego sa lungsod ng Troy. Mula ito sa Greysa, na isinulat ni Homer, at tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga bayaning Griyego noong kanilang kapanahunan. Ito ang pinakamaaga at pinakatanyag na akda mula sa panitikan ng Gresya. Itinuturing din ang akdang ito bilang Bibliya ng mga Griyego. Odyssey – tungkol sa mahabang paglalakbay ni Oddyseous pabalik sa kanilang kaharian Divina Comedia ni Dante Aleghieri – tinatalakay dito ang paglalakbay ni Dante sa impyerno, purgatory, paraiso, at langit. o Mahabharata – pinakamahabng epiko. Aklat ng mga patay – tungkol sa kulto ni Osiris. o Canterburry Tales – koleksiyon ng mga kwento at nagging basehan ng pananampalataya ng mga Ingles. El Cid Compeador ng Espanya – nagpapayahag ng katangiang panlahi at kasaysayang Pambansa ng Kastila Ang Awit ni Rolando – kinapapalooban ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya; nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya. Aklat ng mga Araw – akda ni Confucius ng Tsina; nagging batayan ng pananampalataya Isang Libo’t Isang Gabi – mula sa Arabia at Persya; kuwentong isinalaysay ni Sharazad sa loob ng 1,001 na gabi upang maligtas ang kanyang sarili mula sa kamatayan. o Inilahad ito ng prinsesang nagging reyna at asawa ni Shahryar, isang haring nahumaling sa pagoatay ng asawa at susundan pagkatapos ng pagpapakasal sa ibang babae. o Mga tradisyunal ang mga kwento at nagmula sa maraming bahagi ng Gitnang Silangan at Dulong Silangan....


Similar Free PDFs