Activity 2 PANITIKAN FILIPINO PDF

Title Activity 2 PANITIKAN FILIPINO
Author Rodillas, Chrizelda, T.
Course civil engineering
Institution University of the Cordilleras
Pages 10
File Size 517 KB
File Type PDF
Total Downloads 46
Total Views 647

Summary

LUNSARANHuman Rights Watch ADBOKASIYACommission on Human Rights ADBOKASIYAChild Rights Network ADBOKASIYAASEAN SOGIE Caucus ADBOKASIYAAmnesty International ADBOKASIYAABSTRAKSYONIto ay pandaigdigang kilusan na binubuo ng mahigit 10 milyong katao mula sa 150 na bansa na ang layunin ay ang wakasan ang ...


Description

LUNSARAN

ABSTRAKSYON Human Rights Watch Ang HRW ay isangBOKA independent at pang-internasyunal na organisasyon na naglalayong protektahan ang karapatan ng mga tao saan mang panig ng mundo. Iniimbistigahan nila ang mga pang-aabuso; inilalantad ang mga katotohanan ukol dito; at ineenganyo ang mga nasa kinauukulan na gawin ang kanilang parte para maisabuhay ang hustisya para sa mga naaapi

Child Rights Network ADBOKASIYA Ang CRN ay nagsusulong para sa batas at polisiya na siyang tutugon at magbibigay laya sa mga bata para ma-enjoy ang kanilang karapatan

Commission on Human Rights ADBOKASIYA Ang CHR ay kinikilala bilang National Human Rights Institution ng bansa at nilikha sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution. Ang tungkulin ng komisyong ito ay ang siyasatin ang lahat ng uri ng pang-aabuso o lahat ng uri ng paglabag sa ating karapatang pantao at isulong ang proteksyon mula sa mga paglabang sa mga ito

ASEAN SOGIE Caucus ADBOKASIYA Ito ay network ng mga aktibista ng karapatang pantao mula Southeast Asia na nagsusulong para sa promosyon at proteksyon ng karapatang pantao ng lahat ng mamamayan mula Southeast Asian Nation kahit ano man ang kanilang kasarian (SOGIEC)

Amnesty International ADBOKASIYA Ito ay pandaigdigang kilusan na binubuo ng mahigit 10 milyong katao mula sa 150 na bansa na ang layunin ay ang wakasan ang pang-aabuso sa karapatang pantao. Sila ang nagsasagawa ng pananaliksik at pangangampanya laban sa anumang paglabag sa karapatang pantao sa buong daigdig at pinaglalaban ang pagkamit ng katarungan ng mga biktima ng pang-aabuso

SURING-BASA I.

Pagpapaliwanag sa Pamagat

May mabubuo bang kahulugan o simbolismo sa pamagat ng kuwento? Ipaliwanag. Ang kalupi na siyang pamagat ng kuwento ay may mabubuong simbolismo. Ang kalupi ay sumisimbolo sa yaman ng tao sa lipunan sapagkat naglalaman ito ng pera. Ibig nitong sabihin, ang kalupi ay nagpapakita ng magkakaibang estado ng buhay ng tao sa lipunan. Nakabatay kasi ang yaman ng tao sa laman ng kaniyang kalupi. Kung mas maraming lamang pera ang kalupi ay mahihinuha natin na ang tao ay kabilang sa mataas na antas ng lipunan habang ang mga wala namang kalupi o iyong mga kunti ang laman ng kalupi ay mahihinuha natin na kabilang ito sa mas mababang antas ng lipunan. Dagdag pa rito, kung tinitignan natin ang pamagat ng kuwento ay magkakaroon na tayo kaagad ng ideya na ang kuwento ay iikot sa usaping pera. Batay sa pamagat ng kuwento ay mahihinuha na natin kung ano ang nagagawa ng magkakaibang estado ng buhay ng tao sa lipunan at kung hanggang saan hahantong ang suliraning nagagawa ng pera o kalupi.

Iugnay ang kalupi o pitaka sa karapatang-pantao. Anu-ano ang mga nakikita mong pagkakatulad ng dalawa? Para sa akin ang kalupi at karapatang pantao ay may malaking kaugnayan sa isa’t isa. Ang kalupi na siyang sumisimbolo ng sa estado ng buhay ng tao ay siya ring magdidikta ng karapatan mo bilang isang tao. Isang malungkot na katotohanan na ang karapatang pantao ay naaabuso buhat ng kalagayang panlipunan mayroon tayo. Ang mga mas malakas o mas nakatataas ang siyang tunay na nakakatamasa lamang ng kanilang karapatang pantao nang walang nag-aabuso. Kaya masasabi natin na ang pagkakatulad ng kalupi at karapatang pantao ay ang pagpapakita ng hindi pagiging pantay. Kahit lahat ng tao ay may kalupi ay hindi natin matatanggal ang katotohanan na ang laman ng bawat kalupi ay iba-iba batay na rin sa kakayahan ng tao. Sa kabilang banda, masasabi rin natin na lahat ng tao ay likas nang mayroong karapatang pantao ngunit hindi natin maikakaila na ang karapatang pantao ay naaubuso at naipagkakait sa iba at iilan lamang ang talagang nakakaranas o nakakakamit ng katarungan.

II. Pagpapahalagang Ginampanan ng mga Tauhan Sino o ano ang nirerepresenta ng mga tauhan sa lipunang ating ginagalawan? Ipaliwanag

Aling Martha Inirerepresenta ni Aling Martha ang mga taong mapanghusga. Kinakatawan niya ang mga taong tumitingin lamang sa panlabas na itsura ng tao na siya ng pinagbabatayan nila kung anong paguugali meron ang tao. Batay nga sa kunweto, dahil ang bata ay madungis ay sa kaniya na agad ibinuntong ni Aling Martha ang lahat ng sisi kung bakit nagkakaproblema siya sa araw ng pagtatapos ng kaniyang anak. Bukod dito, siya rin ang representasyon ng mga taong bayolente. Batay nga sa pangyayari sa kunweto ay hindi na niya inisip na batang walang kamuwang-muwang ang kaniyang sinasaktan. Masasabi rin natin na iniirerepresenta niya ang mga taong hindi malawak ang pagtingin sa mga bagay-bagay sapagkat nakakulong lamang ang kanilang paniniwala sa kung ano ang bugso ng kanilang damdamin at sa kung ano lang ang kaniyang

Bata

Inirerepresenta ng bata ang mga taong walang kalaban laban at walang tinig. Kaya masasabi natin na sila iyong mga taong napagkakaitan ng karapatang pantao at sila rin iyong mga taong hirap makamtan ang katarungan buhat ng kawalan nila ng tinig. Batay nga sa pangyayari sa kunweto, kahit ilang ulit na sabihin ng bata na wala siyang kinalaman sa nangyari ay ipinagpipilitan pa rin ni Aling Martha na siya ang may kasalanan kaya sinaktan niya ang bata para mapaamin ito. Siya rin ang kumakatawan sa mga taong nasa laylayan na karaniwang nauugnay sa mga problemang nangyayari sa lipunan. Batay nga sa kunwento walang permanenteng tahanan at walang maayos na kasuotan ang bata.

III. Mga Karapatang Pantao Anu-ano ang mga karapatang-pantao sa akda na sa tingin mo ay nilabag? . Nangyayari pa ba ito sa kasalukuyan? Anu-ano ang mga maaari mong/nating gawin upang masolusyunan ito? Gamitin ang talahanayan sa ibaba sa pagsagot. Pag-uugnay sa Karapatang Pangyayari sa Akda na Mungkahing Kasalukuyan o sa Pantao Nagpapakita ng Solusyon/Ahensiyang Lipunang Paglabag sa maaaring makatulong Ginagalawan Karapatang-pantao Bilang isang Sa kasalukuyang Ang pisikal na pananakit Karapatang panahon ay kapansin- mamamayan ay maging malaya sa mga bata ay isang matutulungan natin ang pansin pa rin ang malinaw na paglabag sa mula sa iba’t mga batang naabuso sa ganitong uri ng pagkanilang karapatangibang uri ng aabuso. Ito na kasi ang pamamagitan ng pantao. Ang paglabag na pamamahiya naging paraan ng mga pagsusumbong sa ito ay malinaw na at pisikal na pag-aabuso ahensyang naipakita sa pangyayaring magulang, kamagmakakatulong upang anak, o iba pang mga sinaktan ni aling Martha makamit ng mga bata tao para madisiplina ang bata para lamang ang mga bata. Marami ang katarungan gaya na mapaamin ito sa lamang ng Commision pa ring mga pagkasalanang hindi naman on Human Rights at aabuso sa mga bata niya ginawa. Child Rights Network. ang naiuulat. Ayon Napakaraming uri ng Maaari ding pisikal na pag-aabuso ang nga kay Maria magsumbong sa Kristine Josefin sinapit ng bata sa kamay DSWD upang Balmes, ang Deputy ni aling Martha gaya na mabigyan ng sapat na lamang ng pagpisil nito sa Director for tulong ang bata sa Operations ng kaniyang liig. Ang aspetong sikolohikal pananakit ng bata sa harap Philippine Commissioner on ng maraming tao ay isa Women; nasa 4,747 ring uri ng pamamahiya na masasabi ring paglabag ang bilang ng mga naaabusong bata sa karapatan ng bata simula pandemya Ang magagawa natin Ang karapatang makapag- Sa kasalukuyang Karapatang panahon ay marami pa bilang mga aral ay nilabag sa makapag-aral nakakatanda sa kanila pangyayaring binaggit ng ring mga bata ang at matuto ay maaari nating bata na hindi niya kayang napagkakaitan ng gamitin ang ating mga basahin ang mga nakikita karapatang matuto nalalaman upang turuan dahil sa hirap ng niya sa kalye. Hindi niya buhay. Mas ginugusto sila sa mga simpleng kayang unawain ang pagbasa, pagbilang at nilang pumasok kaniyang nakikita marami pang iba. sapagkat hindi naman niya nalang sa trabaho Matutulungan rin natin kaysa pumasok sa ito nababasa. Ang hindi

pagkatuto sa kakayahang makabasa ay marahil bunga ng pagkakait sa kaniyang makapag-aral buhat na din ng kanilang kalagayang panlipunan

Kalayaan sa pagsasalita at karapatang mapakinggan

Isa sa ating karapatan ay ang pagkakaroong ng laya sa pagpapahayag ng ating saloobin at opiniyon ngunit ang karapatang ito ay nalabag sa pangyayaring nainis si aling Martha sa ginagawang pagtatanong ng pulis sa bata upang maipahayag din ng bata ang kaniyang saloobin ukol sa isyung kaniyang kinasangkutan “Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay makabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanyang paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyangsiya sa kanyang

paaralan para matuto. Ayon nga sa mga datos na inilabas ng DepEd, mahigit kumulang 2 Milyong mag-aaral ang hindi nakapa-enroll ngayong taon dahil sa krisis na ibinunga ng pandemya. Dahil sa pandemya ay lalong naghirap ang mga tao kaya naman bilang resulta ay marami na ring mga bata ang nagsitigil sa kanilang pag-aaral Nangyayari pa rin ang ganitong uri ng paglabang sa ating karapatan lalo na sa administrasyon ngayon. Maraming mga tao ang naglalabas ng kanilang mga saloobin sa social media tungkol sa mga isyung nangyayari sa lipunan lalo na sa larangan ng politika ngunit nagkakaroon ng red-tagging sa mga taong naghahayag lamang ng kanilang saloobin. Kung taliwas na o kontra na sa gobyerno ang kanilang inilalahad ay nagkakaroon ng redtagging na malinaw na nagpapakita ng pagbabawal sa tao na ilahad ang kanilang opiniyon sa mga

sila sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa DSWD at DepEd. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensiyang ito ay matutulungan nila ang mga bata sa kanilang pagkatuto sapagkat ang DSWD ang may kakayahang magpasok sa pamilya ng mahihirap na bata sa 4P’s at ang DepEd naman ang may hawak ng mga datos ng batang hindi na nag-enroll Ang karapatang ito ay nasa ilalim at prinoprotektahan ng ating constitution. Bilang solusyon sa paglabag na ito ay maaaring hingan ng tulong ang PNP

Karapatang mamuhay ng walang diskriminasyo n

Karapatang nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights Artikulo 5, “Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng

pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis” Ang karapatang ito ay nalabag sa pangyayaring ibinase ni aling Martha ang hatol ng bata sa kaniyang kalagayang panlipunan at sa kaniyang pisikal na kaanyuan. Kay Andres, ang batang walang maayos na damit at madungis ang siyang unang pumasok sa isip ni Aling Martha na kumuha ng kaniyang kalupi

bagay-bagay

Ang karapatang ito ay nalabag sa pangayayaring sinaktan ni aling Martha ang bata bilang parusa sa kasalanang ibinibintang sa kaniya. Ang sinapit ng bata sa kamay ni aling Martha ay isang malinaw na nagpapakita ng malupit na pagpaparusa

Sa kasalukuyang panahon ay nangyayari pa rin ang ganitong uri ng paglabag sa ating karapatang-pantao. Napapansin ko ito mismo sa lipunanang aking kinabibilangan. Maraming opisyales

Ang diskriminasyon sa kalagayang panlipunan at pisikal na kaanyuan ay nangyayari pa rin sa kasalukuyan. Hindi natin maikakaila ang katotohanang mas lalong hinihila o pinapahirapan ang mga taong hindi kaaya-aya sa paningin ng iba

Ang magagawa natin bilang mga tao para matigil na ang pagaabuso sa karapatang ito ay ang pageeducate natin sa ating sarili na maging mas mabuti, mas marespetong tao. Malaki rin ang gampanin ng Commission on Human Rights sa ganitong usapin. Ang diskriminayon ay isang seryosong paglabag sa karapatan ng tao sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Sa pamamagitan ng pagdulog sa Commision on Human Rights ay magkakaroon sila ng pagkakataong mabigyang kaliwanagan sa mga paglabag na ito na siyang magbubukas ng oportunidad sa pagpasa ng batas na siyang proprotekta sa tao Sa ganitong uri ng paglabag ay maaaring hingan ng tulong ang DSWD kung minordeedad ang naabuso. Maaari ring hingan ng tulong ang Comission on Human Rights at ang kapulisan

malupit,dimakatao o nakalalait na pakikitungo sa parusa”

Karapatang nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights Artikulo 25 “Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at kagalingan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, kasama na ang pagkain, pananamit, paninirahan at pagpapagamot at kinakailangan g mga paglilingkod panlipunan, at ng karapatan sa kapanatagan sa panahong walang gawain,

Ang karapatang ito ay nalabag batay sa naging pahayag ng bata sa kaniyang kalagayang panlipunan. Ang bata ay walang maayos na damit, walang permanenteng tahanan o walang komportableng buhay

ng aming barangay ang nananakit sa mga taong lumalabag sa batas ng aming barangay gaya ng pagpapakita ng pagiging parayaw sa kalsada Sa kasalukuyang panahon, halos lahat ng mga Pilipino ay napagkaitan ng karapatang ito. Hindi nagkakaroon ng maginhawang buhay ang ilan dahil sa napakaraming salik na siyang pumipigil sap ag-unlad nila gaya ng kawalan ng maayos na pasahod, walang magandang oportunidad, at mga buwaya sa gobyerno

Bilang solusyon sa isyung ito ay kailangang patuloy sa pagsusumikap ang tao na mapaunlad ang kanikanilang buhay

pagkakasakit, pagkabalda, pagkabalo, katandaan at iba pang kakapusan sa ikabubuhay sa mga dimaiiwasang pangyayari”

IV. MGA KARAGDAGANG TANONG Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Makatwiran ba ang mga ikinilos ni Aling Martha sa pagresolba sa kanyang kinaharap na suliranin? Bakit? Ang naging aksyon ni aling Martha sa pagresolba sa kaniyang kinaharap na suliranin ay hindi kalian man magiging makatwiran. Napakarami niyang maling ginawa sa pagresolba ng kaniyang suliranin. Una, ang pagpaparatang sa bata na siya ang kumuha sa kaniyang nawawalang kalupi. Pangalawa, ang pananakit sa bata upang mapaamin ito sa kasalang hindi niya ginawa. Pangatlo, ang pagbibitaw ng masasakit na salita sa bata. Pang-apat, ang hindi pagrespeto sa pulis na tumutulong na maresulba ang kaso. Panglima, ang pagtatangkang pagsisinungaling sa kaniyang asawa para mapagtakpan ang mga pagkakamaling nagawa niya sa araw na yaon. Ang mga nasabing hakbang ni Aling Martha sa pagresulba ng kaniyang suliranin ay malinaw na hindi makatwiran. Ang nakakalungkot pa ay ang mga mali niyang ikinilos ay nagdulot ng pagkamatay ng isang batang walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa kaniyang kapaligiran. Masasabi rin natin na ang kaniyang naging kilos ay hindi lamang nagdulot ng masama sa bata kundi nagdulot din ito ng matinding epekto sa kaniyang pagkatao mismo. Ang resulta ng kaniyang naging hakbang ay tiyak na magdudulot ng masama sa kaniyang sikolohikal na aspeto.

2. Nangyayari pa ba sa kasalukuyang panahon ang maling pagpaparatang ng tao sa kapwa tao dahil lamang sa katayuan sa buhay o sa pisikal na kaanyuan? Magbigay ng halimbawa. Para sa akin, ang pagpaparatang sa tao dahil sa katayuan nito sa buhay o sa pisikal na kaanyuan nito ay nangyayari pa rin sa kasalukuyang panahon. Nangyayari pa rin ang ganitong uri ng pagpaparatang dahil iniisip ng tao na ang mga mahihirap ay ang mga taong kayang kumuha ng mga bagay-bagay dahil sa matinding pangangailangan at ang nagiging basehan nila sa paghusga ng katayuan ng tao ay ang paraan ng kaniyang pananamit o ang kaniyang pisikal na anyo. Ang tao kasi ay laging nilalahat o laging isinasali ang pagpaparatang base sa kung saang grupo nabibilang ang tao gaya ng kung nakagawa ng pagkakamali ang isang pulis ay iisipin na agad ng tao na lahat ng pulis ay ganoon. Ganito rin ang nangyayari kung bakit may pagpaparatang sa mga tao base sa katayuan at pisikal nitong kaanyuan. Ito na kasi marahil ang nagiging konotasyon ng tao buhat ng mga pangyayaring may kaugnayan dito. Ang ganitong uri ng pagpaparatang ay napapansin ko mismo sa komunidad na aking kinabibilangan. Mayroong isang pulubi na laging umiikot ikot sa aming barangay at noong may nawawalang gamit sa barangay health center ay siya na agad ang napabalitang kumuha sa bagay na yaon ngunit ang totoo ay hiniram lang pala ng isang public official.

3. Kung ikaw ang may-akda ng kuwento, paano mo ito wawakasan? Ang kuwento ay winakasan ng may akda sa pamamagitan ng pagkatuklas ni aling Martha kung nasaan talaga ang kalupi at paglitaw ng mga malulungkot na sandali ng bata sa isipan ni aling Martha na nagdulot ng pagkawalan niya ng malay. Napakaganda ng paraan ng kaniyang pagwawakas sa kuwento ngunit tila ba nakakabitin at mapapaisip ka kung ano na ang naging kinahinatnan ni aling Martha noong nagising na siya. Ngunit kung ako man ang may-akda ng kuwentong ito, wawakasan ko ito sa pamamagitan ng pagbibigay kaliwanagan sa mga puslisya, sa pamilya ng bata at sa pamilya ni aling Martha sa tunay na nangyari nang sa gayon ay mapairal pa rin ang pagkamit ng katarungan at hustisya sa pagkamatay ng walang kamuwang-muwang na bata dahil lamang sa maling paghusga ni aling Martha. Hindi man siya ang nakabangga ng bata ngunit hindi maikakaila na siya ang naging puno’t dulo ng pagkabunggo ng bata....


Similar Free PDFs