Ang Panitikan ng Cordillera Administrative Region DOCX

Title Ang Panitikan ng Cordillera Administrative Region
Author Maica Talaver
Pages 16
File Size 847.2 KB
File Type DOCX
Total Downloads 130
Total Views 338

Summary

Ang Panitikan ng Cordillera Administrative Region Likas ang kagalingan ng bansa sa panitikan. Halos lahat ng lugar sa Pilipinas ay may panitikang maipagmamalaki. Ang panitikan ng Pilipinas ay ang kabuuan ng mga gawa na pasalita o nakasulat. Maiuugat ang panitikan ng bansa sa pangkat etnikong tradisy...


Description

Ang Panitikan ng Cordillera Administrative Region Likas ang kagalingan ng bansa sa panitikan. Halos lahat ng lugar sa Pilipinas ay may panitikang maipagmamalaki. Ang panitikan ng Pilipinas ay ang kabuuan ng mga gawa na pasalita o nakasulat. Maiuugat ang panitikan ng bansa sa pangkat etnikong tradisyon, na binubuo ng mga pasalitang panitikan. Ang panitikang ito ay kakikitaan ng purong kultura ng mga katutubo at wala pang bahid ng lahing dayuhan. Ang kagalingan nating mga etnikong grupong ito ay naingatan at naitago sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga ito sa sa bawat henerasyon. Isa na nga dito ang panitikan ng Cordillera. Matatagpuan sa mga matatayog na mga kabundukan ay ang mayaman na kultura ng mga katutubo kahit na hirap pa rin ang mga dalubhasa na tukuyin ang pinagmulan ng mga ito. May mga nagsabi na ang mga taong ito ay nagmula sa mga karatig bansa ng Pilipinas, ang iba naman ay naniniwalang dating sa kapatagan nakatira ang mga katutubo at dahil na lamang sa panankop ng mga Espanol kaya't napilitan silang lumipat sa mga bundok ngunit may ibang paniniwala ang mga taong naninirahan dito. Ngunit ganun pa man ay mayaman pa rin sa panitikan ang mga taga-Kordilyera. Malimit na binabansagan ang mga ito na Igorot, na bansag lamang ng mga dayuhan. Kakabit nito ang pagkilala sa kanila bilang sanggano at walang pinagaralan. Sa ganitong kadahilanan ay hindi matanggap ng mga tao sa Kordilyera ang bansag sa kanila bilang mga Igorot. Kagaya nga ng inilahad sa unang bahagi ng papel na ito, maraming klase ng tao ang naninirahan dito. Ang mga Bontok, Ibaloy, Ifugao, Isneg, Kalinga, Kankanay at Tinguian and mga katutubong nakatira sa Kordilyera. Ang mga grupong ito ay may kanya-kanyang natatanging lugar kung saan sila matatagpuan. Ngayon ay malalaman na ang mga ito ay naghalu-halo na sa Kordilyera dahil sa migrasyon ng mga ito. Ang pagkakahalo ng mga ito ay nagpahiwatig ng pagkakaparehas nila sa paniniwala at gawain. Parehas ng ikinabubuhay ang mga tao ditto gawa ng paligid nila, ang lipunan ay binubuo ng angkan o mga kamag- anakan, mga pagdiriwang na ang mga nagsasagawa ay ang mga makapangyarihaan sa lipunan upang mapanatili ang kanilang katayuan sa lipunan at pati sa iba't ibang ritwal ay halos magkaparehas ang mga grupong ito. Makikita ang matinding pagpapahalaga ng mga katutubo sa mga ritual at gawain para sa diyos. Sa ganitong kadahilanan din mauugat ang pagkahango ng panitikan nila sa ritual. Malimit na gamitin ng mga katutubo ang panitikan sa mga gawaing pangritwal. Ang Panitikang Cordillera ay panitikan na nasa pasalita. Ito ay maaring mahati sa dalawang uri ang pangritawal o di-pangritwal. Ang mga pangritwal na panitikan ay ang mga awit at epiko. Ang mga ito ay maaari lamang gamitin sa ritwal at sagradong kaparaanan lamang. Sa kabilang banda, ang mga di- pangritwal na panitikan naman ay kinabibilangan ng mga may pormang sekular na maaaring gamitin sa maraming iba't ibang okasyon gaya ng mga pagdiriwang, gawaing panlibang at pagpapadama ng mga...


Similar Free PDFs