PANIMULANG PAG-AARAL NG PANITIKAN DOCX

Title PANIMULANG PAG-AARAL NG PANITIKAN
Author Sam Pein
Pages 14
File Size 42.7 KB
File Type DOCX
Total Downloads 50
Total Views 458

Summary

KABANATA 1 PANIMULANG PAG-AARAL NG PANITIKAN Maraming pakahulugan ang panitikan ang iba’t ibang manunulat tungkol sa panitikan. May nagsasabing ang tunay na kahulugan daw ay yaong pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at masining na mga ...


Description

KABANATA 1 PANIMULANG PAG-AARAL NG PANITIKAN Maraming pakahulugan ang panitikan ang iba't ibang manunulat tungkol sa panitikan. May nagsasabing ang tunay na kahulugan daw ay yaong pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at masining na mga pahayag. Kasama na sa mga nagbigay pakahulugan sa panitikan ang mga sumusunod: Atienza, Ramos, Salazar at Nazal sa kanilang aklat na "Panitikang Pilipino", Bro. Azarias, Webster, at Maria Ramos. Ang panitikan ay hindi lamang lumlinang ng nasyonalismo kundi ito'y nag-iingat din ng mga karanasan, tradisyon at mga mithiin ng bawat bansa. Ito ay isang ilaw sa walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao. Ang panitkan at kasanayan ay matalik na magkaugnay. Ang kasaysayan ay naisatitik kaya't ito'y makatotohanang panitikan. Samakatuwid, bahagi ng panitkan ang kasaysayan. Subalit, mayroon silang pagkakaiba. Ang panitikan ay maaaring kathang-isip lamang samantalang ang kasaysayan ay pawing mga pangyayaring tunay na naganap. Ang panitikan ay may apat na paraan ng pagpapahayag-pagsasalaysay, paglalahad, paglalarawan, at pangangatwiran. Marahil, minsan ay napagtanto natin kung bakit kailangan nating pag-aralan ang panitikan. Sa kabanatang ito, inilalahad na mayroong limang(5) mahahalagang bagay kung bakit kailangan nating pag- aralan ang panitikan. Isa na dito ay upang makilala natin ang sarili bilang Pilipino at matalos an gating minanang yaman ng isip at angking talino n gating pinanggalingang lahi. Mayroon ding mga mahahalagang bagay na nakapangyayari sa panitikan at ito ay ang sumusunod: (1) ang klima; (2) ang hanapbuhay; (3) pook; (4) lipunan at pulitikan at; (5) edukasyon at pananampalataya. Kung ang limang kalagayan ang nabanggit na nakapangyayari sa panitikan ay may impluwensya sa anyo, hangarin, at laman ng panitikan, ang panitikan naman ay may dalang mahahalagang impluwensya sa buhay, kaisipan, at ugali ng mga tao. Isa na dito ay ito ang dahilan ng nagkalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman sila ng ugali at nagkakatulungan. Marami ring mga akdang pampanitikan ang nagdala ng impluwensya sa buong daigdig tulad ng mga sumusunod: Canterbury Tales, Uncle Tom's Cabin, Ang Divine Comedia, Banal na Kasulatan o Bibliya, Koran, Ang Iliad at Odyssey, Mahabharata, El Cid Compeador, Ang Awit ni Rolando, Aklat ng mga Patay, Aklat ng mga Araw, at Isang Libot Isang Gabi. Ang panitikan ay may dalawang pangkalahatang uri. Ito ay ang patula at tuluyan. Kasama sa tuluyang uri ang mga akdang maikling kwento, nobela, dula, pabula, alamat, anekdota, sanaysay, talambuhay, balita, parabula at talumpati. Samantala, ang mga tula naman ang mga akdang napabilang sa...


Similar Free PDFs