Wikakul Kritikal na Papel Hello Love Goodbye PDF

Title Wikakul Kritikal na Papel Hello Love Goodbye
Course Accountancy
Institution Baliuag University
Pages 4
File Size 70.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 172
Total Views 719

Summary

GROUP 4Boaquina, Hanie Mae Manalastas, Jimbo Mendoza, Antonio Rigor Moscare, Roanne Beatriz Ramos, Alexandra“HELLO, LOVE, GOODBYE”Kritikal na papelA. INTRODUKSYONHindi lamang kwentong Pag-ibig. Ang pelikula ay pinagbibidahan ni Joy, isang domestic helper sa Hong Kong na breadwinner ng kanyang pamily...


Description

GROUP 4 Boaquina, Hanie Mae Manalastas, Jimbo Mendoza, Antonio Rigor Moscare, Roanne Beatriz Ramos, Alexandra

“HELLO, LOVE, GOODBYE” Kritikal na papel

A. INTRODUKSYON Hindi lamang kwentong Pag-ibig. Ang pelikula ay pinagbibidahan ni Joy, isang domestic helper sa Hong Kong na breadwinner ng kanyang pamilya. Pangarap niyang makalipad papuntang Canada para maging isang nurse alinsunod sa kanyang orihinal na kurso. Sa kadahilanang kailangan niya ng pondong tutustos hindi lamang sa pamilya niya, kundi maging sa kanyang pangarap, nag trabaho siya sa isang bar bilang part-time kung saan nakilala niya si Ethan; Isang bartender na kalauna’y kanyang nakapalagayang loob. Sa huli, naharap si Joy sa isang kritikal na sitwasyon kung saan kailangan nyang mamili sa pagitan ng pananatili para sa pag-ibig, o ang pag-alis para sa pagsunod sa kanyang mga pangarap. Ang palabas ay maaaring unawain sa tatlong aspeto. Una, bilang isang palabas na tumutungkol sa romansang namamagitan sa mga bidang sina Joy at Ethan. Pangalawa, sumasalaysay sa araw-araw na buhay at pagsugal sa kapalaran ng mga ordinaryong OFW. Pangatlo, ito’y isang pelikulang naglalahad ng mga hindi maiiwasang problema ng isang pang-karaniwang pamilya sa harap ng kahirapan.

B. PAGSUSURI SA PINANUOD SA ASPETO NG WIKA, KULTURA, AT LIPUNAN 

WIKA Dahil ang pelikula ay kuwento ng mga Pilipinong namumuhay sa ibang bansa, binigyang halaga ng direktor ang elemento ng Wika sa paraan ng paglalarawan sa kanilang araw-araw na buhay gamit ang Wikang Filipino. Kung iisipin, maaaring

magsilbing pagsubok sa palabas ang elemento ng wika sa kadahilanang ito ay ginawa sa labas ng bansa, ngunit imbes, nagsilbi itong isa sa mga lakas ng pelikula. Ipinakikitang nagiging sanhi ng pagkakabuklod-buklod ng mga OFW sa Hong Kong ang araw-araw nilang diskurso gamit ang lengguwaheng Tagalog. 

KULTURA Ang mga Pilipino ay kilala na may taglay na malasakit sa pamilya. Sa katunayan, maituturing na parte na ng ating kultura ang pagiging lubusang malapit sa ating mga kamag-anak. Malinaw na may puso ang direktor sa kalagayan ng mga OFWs partikular sa mga domestic helpers, na ipininta sa kanyang pelikula gamit ang melodramatik na atake. Isinalarawan ang mga sakripisyo na kailangang tiisin ng mga pagod na kababaihan sa ngalan ng malasakit sa kanilang pamilya. Bukod dito, ipinakita din ng pelikula ang pagiging positibo ng mga Pilipino sa kabila ng kanilang pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Makikita sa palabas ang pagsisikap ng mga domestic helpers na mapanatili ang kanilang sangkatauhan at kaligayahan sa gitna ng pait ng kanilang trabaho.



LIPUNAN Sa kabila ng pagtaguyod ng romantikong pag-igting sa pagitan nina Joy at Ethan, dinadala ng pelikula ang mga manunuod sa mundo ng mga OFW sa Hong Kong, na naglalarawan ng kanilang regular na pagtatapos ng araw tuwing Linggo sa Hong Kong Central, isang parke kung saan nagtitipon-tipon ang mga Pilipinong domestic helpers at nakikipag-konekta sa kanilang mga kapwa kababayan. Dito, inilalarawan ng pelikula ang mukha ng ordinaryong lipunan ng mga Pilipino kung saan nagagawa nilang kumonekta, makipag-usap sa Tagalog, naghahanda at nagbabahagi ng pagkaing Pilipino. Sa pangkalahatan, binibigyang diin ang kanilang pagiging isa at paglayo mula sa pagkabalisa mula sa tinubuang-bayan at pamilya. Naging instrumento ang parke upang mapreserba nila ang kanilang pagsasama-sama sa komunidad ng Hong Kong na pinag iisa ng parehong kaugalian at pagpapahalaga sa kanilang samahan, korelasyon, at maging kultura.

C. EBIDENSYANG SUPORTA 

WIKA Ito ang ilan sa mga bahagi ng pelikulang sumusuporta sa aspeto ng Wika sa Palabas: 1. Sa ganap na oras sa pelikula sa markang: 00:20:40, ipinakita ang diskusyon ni Joy at ng kaniyang inaalagaang matanda tungkol sa salitang “susi”. Joy: “Kiss, ah.. susi! In tagalog, keys is susi” 2. Sa markang 1:03:20 naman sa pelikula, mapapanuod ang pagsali ni Joy sa isang paligsahan kung saan ipinakilala niya ang sarili sa harap ng parehong kapwapilipino at mga Hong Kong residents gamit ang Wikang Tagalog. Joy: “MA-ganda! MA-talino! MA-sipag! Pero higit sa lahat, MA-pagmahal! Ako ang ‘MA’ na kukumpleto sa MIMAROPA. Masaya ba kayong Makita ako ngayon? Ako si Joy ng MA-rinduque. MA-gandang buhay!”



KULTURA Ito ang ilan sa mga bahagi ng pelikulang sumusuporta sa aspeto ng Kultura sa Palabas: 1. Sa markang 00:56:35 ng pelikula, ipinapakita ang kultura ng Pilipino bilang malapit sa pamilya. Sa eksenang ito, mapapanuod ang pag alalay nila Ethan sa kanilang Tatay sa pagpalit ng damit bilang ang babang katawan nito ay paralisado dahil sa sakit. 2. Sa markang 01:40:03 naman, makikita ang sama-samang pagnuod ng mga DH sa Hong Kong Central ng palabas ni Vilma Santos na naglalarawan ng kanilang patuloy na pagtangkilik sa mga panuoring lokal at galling sa tinubuang-bayan.



LIPUNAN Ito ang ilan sa mga bahagi ng pelikulang sumusuporta sa aspeto ng Lipunan sa Palabas: 1. Sa markang 04:45 sa palabas, makikita ang tradisyong pagtitipon-tipon ng mga Pilipino sa Hong Kong Central kung saan lingo-linggo silang nagsasama upang magpahinga at magsaya sa pamamagitan ng pagsayaw, pagnuod ng pelikula, pagkain at simpleng pag-uusap-usap.

D. KONKLUSYON Ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ay isang mahusay na libangan – na hindi ibinababa ang ang mga isyung tinatalakay para lamang sumunod sa pamantayan ng maligayang pagtatapos. Hindi bago ang mga elementong taglay ng pelikula ngunit ito ay nangibabaw kumpara sa iba pang mga palabas sa pagsusumikap nitong dalhin sa unahan ang mga kumplikadong istrukturang panlipunan at mga personal na pagdurusa na tumutukoy sa mga karanasan ng domestic helpers. Maraming mga kemikang taglay ang palabas. Kasama ang pagsadula sa pagtiwalag ng mga bidang karakter sa mga stereotypes ng lipunan. Binubuo ng mga eksena at diyalogong tumutukoy sa kaganapang pamilyar ang pang araw-araw na buhay ng ordinaryong domestic helpers at ang mukha ng pagkalayo sa kanilang mga pamilya. Dahil sa kalagayan ng mga OFW sa Hong Kong, ang kwentong ito ng pag-ibig ay tumatakas mula sa ordinaryo at nakasanayang mga bagay na maiuugnay sa mga Pilipino. Ito ay kwento ng dalawang nagmamahalan, na ang bawat isa ay nagtatangkang makatakas mula sa emosyonal na kadena ng mga nakaraang pagkakamali, gaya ng nawalang pag-ibig ni Ethan noon, ang kanilang determinasyong makatulong na suportahan ang kanilang mga pamilya, at ang sarili nilang mga pantasya sa pagsunod sa kanilang mga pangarap. Kung ang isa ay hahamaking manuod lamang ng isang pelikula ngayong taon, -ito na iyon. Paglalaruan ng pelikula ang mga emosyong marahil iyong tinatago sa ordinaryong mga araw. Mumulatin ka sa mga perspektibong madalas nating isinasantabi at kukurutin ang iyong puso upang mapagtanto ang kagandahan ng paghamak ng lahat sa ngalan ng pinakamahalagang uri ng pagmamahal; Ang pagmamahal sa sarili....


Similar Free PDFs