Pinal na Papel Pangkat 5 ( Arayata) PDF

Title Pinal na Papel Pangkat 5 ( Arayata)
Author Ma Angelica Arayata
Course Human Behavior
Institution First Asia Institute of Technology and Humanities
Pages 33
File Size 681.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 508
Total Views 967

Summary

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPANPananaliksik sa Epekto ng Online Class sa Kalusugang Pangkaisipan ng mga Mag-aaral sa KolehiyoArayata, Ma. Angelica S.First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH Colleges)April 2020PasasalamatEPEKTO NG Ako ay taos-pusong nagpapasalamat sa...


Description

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN

Pananaliksik sa Epekto ng Online Class sa Kalusugang Pangkaisipan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo

Arayata, Ma. Angelica S.

First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH Colleges)

April 2020

Pasasalamat

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN Ako ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta at gumagabay sa akin patungo sa kaunlaran at kahusayan ng aking pananaliksik, kung wala sila maaaring hindi ko maipagpatuloy ang aking sinimulang pag-aaral: Una sa lahat ako'y nagpapasalamat sa Panginoon, hindi niya ako pinabayaan sa mga hamong dumating sa aking buhay. Pinagtibay niya ang aking kalooban upang ako ay hindi sumuko sa mga suliraning aking kinakaharap; Kay Prop. Lowela Peñaranda, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maitama ang mga mali sa aking pananaliksik, nagsilbi siyang gabay upang matahak ko ang tamang landas sa ikauunlad ng aking pananaliksik. Kung wala siya maaaring hindi ko matapos ang sinimulan ko; Sa aking mga magulang, sa patuloy na paggabay at pag-alalay sa tuwing ako ay nahihirapan; Kay Gng. Arayata, Gng. Malolos, Bb. Rosete, at G. Gamatero, sa pagbibigay ng kooperasyon at pananaw sa ginawang pananaliksik; At ang huli ay ang ikalawang taon ng mag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Business Administration (BSBA), sa paglalaan ng oras upang suportahan ang aking isinagawang pananaliksik. Sa muli, maraming salamat!

Ma. Angelica S. Arayata Mananaliksik Paghahandog

Ang pananaliksik na ito ay buong-pusong inihahandog sa mga taong patuloy na sumoporta,

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN gumabay, at nagtiyaga na ako ay tulungan na matapos ng matagumpay ang ginawang pananaliksik na ito. Una, ito ay inihahandog ko sa Poong maykapal, na siyang nagbibigay sakin ng lakas ng loob, gabay, at walang hanggang biyaya upang ipagpatuloy ang nasimulang pananaliksik; Pangalawa, sa aking propesor na si Gng. Lowela C. Peñaranda na nagturo at gumabay sa akin upang maisagawa ko ng maayos ang pananaliksik na aking sinimulan. Nagtuon din sya ng panahon upang malinang ang aking kaalaman. Ikatlo, sa aking pamilya na patuloy na sumusuporta at umiintindi sa tuwing ako ay napapagod at nahihirapan sa aking nagawang pananaliksik. Ikaapat, sa aking mga kamag-aral na nagmula sa Bachelor of Science in Business Administration Major in Operations Management, mga Propesyonal at sa Kolehiyo ng Pagnenegosyo, na naglaan ng oras upang makapagbigay ng impormasyon sa aking nagawang pananaliksik.

Ma. Angelica S. Arayata Mananaliksik

Abstrak Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Epekto ng Online Class sa Kalusugang Pangkaisipan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo. Ito ay naglalayong malaman kung ang online class ay nagdudulot

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN ng positibo o negatibong epekto sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Dagdag pa dito, ito ay naglalayong makapag-lahad ng mga epektibong hakbang na mula sa mga piling experto. Ang respondente ay nagmula sa ikalawang taon ng kolehiyo ng Pagnenegosyo sa FAITH Colleges na may dalawampung (20) respondente bukod dito kumuha din ng 4 na piling experto na nakapaglalahad ng mga hakbang. Ang nasabing pananaliksik ay gumamit ng kwantitatibo at kwalitatibo paraan ng pananaliksik at ginagamitan din ito ng convenience sampling. Ang ginamit na instrumento upang makapangalap ng datos ay dalawang klase ng sarbey isang open-ended at close-ended questionnaires. Mga Susing Salita: Online Class, Kalusugang Pangkaisipan, Convenience Sampling, at openended and close-ended questionnaires.

Ang Suliranin at Pagsusuri sa Literatura Simula noong idineklara ang lockdown dulot ng pandemya sa Pilipinas, maraming suliraning kinaharap na mga, problema ang mga Pilipino, higit sa lahat nakasalalay ang

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN kalusugang pangkaisipan ng mamamayan sapagkat ang mga problemang kinakaharap ay isa pang karagdagan sa kanilang ispin. Maraming kabataan ang namomroblema kung itutuloy pa nila ang kanilang pag-aaral dahil sa kakulangan ng mga pangangailangan sa pagharap sa online class.

Ayon kay Dr. Roland Cortez (2020), Chief ng National Commission on

Macroeconomic and Health (NCMH), ang COVID-19 Pandemic ay nagbunsod ng takot at pagkabalisa sa buong mundo. Tinatayang 54% ng mga kabataan sa bansa, edad 17 ang nagpahayag ng kalungkutan, takot, at pangamba ngayong patuloy na nararanasan ang COVID19 pandemic. Sa kaparehas na sarbey lumabas din na nasa 41% naman ng mga bata ang nagsabing umiiral ang pisikal at sikolohikal na pamamaraan ng parusa sa kanilang mga tahanan. Batay sa sarbey ng Council for the Welfare of Children (CWC) kung saan tinutukoy rin ang epekto ng pandemya hindi lamang sa physical health kundi maging sa mental at psychosocial health ng mga bata. Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari (2020), chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, labis ang epekto naidudulot ng COVID-19 pandemic lalo na sa mahihirap partikular sa mga mag-aaral na sasailalim sa online classes na dagdag gastusin sa mga magulang. Ayon sa World Health Organization-Philippines, umabot sa higit (3) milyong Pilipino ang nakararanas ng mental, neurological at substance use disorder sa unang bahagi pa lang ng taon. Base sa mga nakalap na datos at impormasyon, napagdesisyunan ng mananaliksik na gumawa ng pag-aaral ukol dito; upang malaman at mapag-tibay kung ano ang epekto ng online class sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral sa antas kolehiyo.

Layunin ng Pananaliksik Ang pananaliksik na isinasagawa ay naglalayong malaman ang karanasan at saloobin ng mga mag-aaral na nasa antas kolehiyo, na nagmula sa FAITH Colleges. Layunin ng papel na

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN malaman ang positibo at negatibong epekto ng online class sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Gayundin ang matukoy ang pinakamataas na bahagdan sa positibo at negatibong epekto ng online class sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Sumunod ay malaman ang hamon ng online class sa kanilang kalusugang pangkaisipan. Kahulihulihan ay makapaglahad ng mga hakbang na makatutulong sa mga mag-aaral na patuloy na makapagaral kahit na may pandemyang kinakaharap. Sa katapusan ng pananaliksik, inaasahan na ito ay magiging matagumpay at magkakaroon ng kaiga-igayang resulta upang masugpo ang problemang kinakaharap ng mga mag-aaral. Walang kaugnayang ang epekto ng online class sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Maipapakita rin na ang may pinakamataas na bahagdan ay ang positibong epekto ng online class sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Pagsusuri sa Literatura Ang pagkalat ng COVID-19, na kilala rin bilang novel Coronavirus, ay binago ang itinuturing nating normal. Nagsasanay ang mga tao na dumistansya sa lipunan upang bumagal ang pagkala ng virus, kasama narin dito ang pagsarado sa mga paaral kaya lumipat na sa online class ang mga mag-aaral maaari rin itong gawing mas mahirap para sa mga mag-aaral na mapanatili ang kanilang kalusugan sa isip, (“www.rtor.org”, 2020). Ayon kay Zalaznick, (2020), isang propessor sa Unibersidad ng North Georgia, sa pagitan ng 75% at 85% ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay nakakaranas ng patuloy na stress at pagkabalisa sa panahon ng pagsiklab ng coronavirus at pagsara sa campus, ayon sa dalawang survey ng kalusugan ng isip sa mas mataas na edukasyon. Sa isang survey ng 2,500 mga mag-aaral, 75% ang nagsulat ng pakiramdam ng higit na pagkabalisa. Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Health (DOH), hindi imposible para sa mga magaaral na makaranas ng mga problema sa pisikal at mental na kalusugan habang nag-sasaayos sila

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN sa pagbabago mula sa tradisyonal hanggang sa online na pag-aaral. "Ang mga mag-aaral ay maaaring makaranas ng mga alalahanin sa kalusugan na nauugnay sa tumaas na oras ng pagscreen, tulad ng pagkapagod, sakit ng ulo, kawalan ng pagganyak, pag-iwas / pagpapaliban, bukod sa iba pa," dagdag nito (Sunstar, 2020). Ayon sa mga tagapayo na sina Jessica Oyoque at Courtney Brown sa MSU's Counselling and Psychiatric Services, o CAPS, ang pakiramdam ng paghihiwalay dahil sa kawalan ng pakikipag ugnayan ay isa lamang sa maraming mga bitag ng digital na pag-aaral. "Sa mga klase sa online, ang mga mag-aaral ay maaaring makaranas ng mga hamon na nauugnay sa pagtaas ng oras ng screen," sinabi nila Oyo Que at Brown."Mga mag-aaral ay maaaring makaranas ng mas mataas na pagkapagod, pananakit ng ulo, pagpapaliban, hindi mabisang pamamahala ng oras, pakiramdam ng paghihiwalay dahil sa limitadong pakikisalamuha sa personal, maliit ng kamalayan at pag-unawa sa iba na nilikha ng mga dayalogo." (Wiles, 2020). Sa isang sarbey na isinagawa ng The Boar Features na nakakuha ng 67 mga tugon, malinaw na maraming mag-aaral ang may mga alalahanin tungkol sa kanilang kalusugan sa kaisipan kung ang online na pag-aaral ay dapat na ipatupad. Maraming nakatagpo na lumala ito sa buong pandemya. 61% ng mga kalahok ang nagsabi na ang kanilang kalusugan sa kaisipan ay lumala sa nakaraang anim na buwan bilang resulta ng pandemya, 14% lamang ang nagsabing mas mabuti ito (Martin, 2020). Ang stress ng pag-alis sa campus sa gitna ng isang pandemya ay nagdaragdag din sa kanilang pasanin sa kalusugan ng isip. Ang mga kinalabasan sa pag-aaral mula sa mga malalayong klase ay maaaring hindi pareho sa mga klase ng personal. Ang isang malaking pangkat ng pagsasaliksik mula pa noong 1980 ay natagpuan na ang pag-aaral sa online ay karaniwang katumbas ng personal na pag-aaral, sabi ni Justin Reich, direktor ng MIT Teaching Systems Lab.

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN Ang panitikan na ito ay naging kilala bilang "walang makabuluhang pagkakaiba" na pagsasaliksik, (Hou, 2020). Maraming rason ang nakakapag-dulot ng bagsak na marka sa klase, ngunit ang pinakamahalaga ay ang kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Ito ay maaaring maganap dahil sa sosyal na kondisyon ng isang mag-aaral o dahil meron itong mahinang ekonomikal na kondisyon na pumapalibot sa kanya, na nakakapagdulot ng pagbabago sa kanyang kapaligiran, (Wahba, 2021). Ang problema sa lokasyon o pang-heograpiya ay hindi isang problema kapag may instrumento katulad ng internet makakaya na makapagsagawa ng online class, (“Effects N. P.”, 2017). Ang online class ay maaari humantong sa paghihiwalay sa lipunan, sa huli ay nagreresulta sa pagbawas ng pagganap ng akademiko at maging magbunga sa karamdaman sa pag-iisip tulad ng pagkalungkot. Bukod dito, nakakagambala ito sa mga iskedyul ng pagtulog ng mga nag-aaral. na nagdudulot ng pag-agaw sa pagtulog na humahantong sa maraming mga negatibong kahihinatnan, tulad ng pagpapanatili ng memorya, inaalis nito ang mga kakayahan sa pag-iisip, mga isyu sa memorya, mga pagbabago sa mood, problema sa pag-iisip at konsentrasyon. Ipinapakita ng pananaliksik na ang kawalan ng pagtulog ay may malinaw na ugnayan sa hindi magandang resulta ng marka ng mag-aaral, (Nandy, 2020). Ayon kay Wadhawan, (2016), isang mananaliksik, sa online learning, sinasabing kapag walang mga silid-aralan at mga kagamitan upang matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral, sa gayon ang proseso ng pag-aaral ay maaaring mas maging mahirap. Sa prosesong ito ng pagkatuto, ang mag-aaral ay dapat na self-motivated sa pagsulong. Ang internet ay nagsilbing koneksyon sa mga pangkat ng pagkakaibigan at nagpapagaan ng ilang stress na dinala ng pagkabagot at paghihiwalay. Ang pakiramdam ng pagiging pisikal na naka-disconnect ay isa sa pinakamalaking sikolohikal na mga strain sa lahat ng edad sa panahon

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN ng pandemya. Babaguhin ng mga digital platform kung paano kumokonekta at nakikipagugnayan ang bawat mag-aaral (“eTeach”, 2020). Ayon kay Fayelez, (2020), isang manunulat sa e-learning o online learning ay may ilang mga kahinaan, kung saan maaari nitong mapigilan ang komunikasyon sa pagitan ng mag-aaral at guro, ito ay ang direktang komunikasyon at ugnayan sa iba pang tao online. Sa modal na ito ng edukasyon, may posibilidad na kaharapin na suliraning teknikal ang mga gumagamit nito, na pumipigil at nagpapabagal sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Sinabi ni Dahwan, (2020), isang mananaliksik, sa kanyang artikulo na “Online Learning: A Panacea in the Time of COVID-19 Crisis”, na ang online learning ay may kakayahang umangkop sa oras at lokasyon. Sa datos ng ahensya, nasa 76% na ang nakapagbukas sa 112 pampublikong kolehiyo sa bansa habang ang 21% naman ang nakatakdang magbukas sa Oktubre. Ayon naman sa Ched Chairperson Prospero De Vera, kailangan seryosohin ang pag-aaral sa magiging epekto ng teknolohiya sa asal at ugali ng mga bata bukod pa sa kanilang kalusugan (Endraca E., 2020). Metodolohiya Ang nilalaman ng bahagi ng papel na ito ay mga mahahalagang impormasyon kung paano nabuo at nagawa ang plano para sa pananaliksik. Nakapaloob dito ang: disenyo ng pananaliksik, sakop at limitasyon, instrumento ng pangangalap ng datos, at analisis ng datos. Disenyo ng Pananaliksik Ang isinagawang pag-aaral ay gumamit ng kwantitatibo at kwalitatibong uri ng pananaliksik. Sa kwantitatibong pananaliksik ginamit ang sarbey na ibinigay sa mga magaaral sa antas kolehiyo. Samantala, ang kwalitatibong pananaliksik ay naglalaman ng mga deskriptibong tanong. Ito ay pinasagutan sa ilang eksperto sa larangan ng Edukasyon at

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN Sikolohiya. Ang mga nakalap na datos ay sinuring mabuti upang malaman ang tunay na bunga nito. Sakop at Limitasyon Ang napiling respondente sa isinagawang pananaliksik ay ang mga mag-aaral sa antas kolehiyo na may kursong Business Administration na nagmula sa First Asia Institute od Technology and Humanities (FAITH) Colleges Tanauan. Ang mga napiling kalahok ay nakapagbigay ng ideya kung ano ang kanilang nararanasan sa tuwing sila ay nasa online class, itinanong sa kanila kung ano ang kalagayan ng isipan nila sa tuwing sila ay nahaharap sa online class. Mayroong dalawampung (20) mag-aaral na napili sa ginawang pananaliksik na siyang nagbigay ng datos na nabuo at napagtibay sa ginawang pag-aaral. Ang ginawang pag-aaral ay natapos kasabay ang katapusan ng semestre sa akademikong taong 2020-2021 at hindi na lalampas. Instrumento ng Pangangalap ng Datos Sa pag-aaral na naganap ay gumamit ng sarbey at mga artikulo mula sa internet upang malaman ang epekto at kahalagahan ng pag-aaral na sinuri. Close ended questions ang ginamit na pormat sa binuo na talatanungan. Ang close ended questions ay nakakuha mga tiyak istadistikang datos. Mixed scale naman ang ginamit na sukatan sa mga tanong na ginamit na ibinigay sa mga respondenteng mag-aaral. Ang nilalaman nito ay ang mga katanungan tungkol sa kanilang naranasan sa tuwing sila ay nasa online class, at natukoy kung ito ay may positibo at negatibong epekto. Ang ginamit na metodo sa napiling respondente ay availability sampling na tinatawag ding non-probability sampling. Ito ang ginamit na pamamaraan sapagkat ito’y isang uri ng

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN sampling kung saan wala itong karagdagang mga kinakailangan, nakapagbigay rin ito ng kalayaan sa pagkuha ng mga respondente. Sa kabilang banda naman ay nagsagawa ng kwalitatibong tanong para sa ilang eksperto sa larangan ng kalusugang pangkaisipan at edukasyon na nakapagbigay ng suporta at kredibilidad sa ginawang pag-aaral. Hakbang sa Pangangalap ng Datos Sa pagbuo ng pananaliksik napakahalaga ang pangangalap ng datos. Ngunit bago makahango at makapangalap ng mga mahahalagang datos may mga hakbang na dapat isaalangalang. Sa unang hakbang ay ang pagpili ng paksa. Pangalawa, ang mga pamamaraan na naisip ay isinangguni sa guro upang maipagpatuloy ang sinagawang pag-aaral. Pangatlo, pagpili ng mga respondente na nakapagbigay ng kontribusyon sa pag-aaral. Pang-apat, ang paggawa ng pormal na liham upang makumpirma ang pagtugon ng mga kalahok na napili. Pang-apat ang pagbuo ng mga talatanungan na ipinamamahagi sa pamamagitan ng Google Form. Bago ipamahagi ang liham at mga talatanungan ito ay ipinakonsulta muna sa gurong tagapayo, para sa rekomendayon at pagsasaayos ng nilalaman ng mga talatanungan. At ang huli, ang link ng talatanungan ay ipinamahagi na sa mga piling respondenteng mag-aaral at sa ilang eksperto. Analisis ng Datos Ang mananaliksik ay gumamit ng percentage formula sa pag-analisa ng datos mula sa resulta ng bawat katanungan. Narito ang pormula: P=∑F (100) N Kung saan: P – Bahagdan F – Bilang ng mga tumugon N – Kabuuang bilang ng respondente

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN Resulta at Pagtalakay Ang kabanatang ito ay naglalayong ilahad at talakayin ang kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa, gayundin ang pagpapaliwanag ng konklusyon at rekomendasyon. Inaasahan na ang resulta ay magiging matagumpay at magkakaroon ng kaiga-igayang resulta upang masugpo ang problemang kinakaharap ng mga mag-aaral. Kung saan walang kaugnayan ang epekto ng online class sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Maipapakita rin na ang may pinakamataas na bahagdan ay ang positibong epekto ng online class sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Talahanayan Blg.1 Katanungan

Oo

Hindi

75%

25%

70%

30%

1. Nakakatulong ba ang guro mo upang panatilihing malusog ang kalusugang pangkaisipan sa tuwing may online class sa panahon ng pandemya? 2. Nakakatulong ba ang magulang mo upang panatilihing malusog ang kalusgang pangkaisipan sa tuwing may online class sa panahon ng pandemya? Batay sa talahanayan Blg. 1 mayroong naitutulong ang mga magulang at guro upang mapanatiling malusog ang kalusugang pangkaisipa ng mga mag-aaral. Mayroong pitotpong limang posyento (75%) na nagsabing nakakatulong ang kanilang guro, at sa kabilang banda nama’y mayroong pitumpong porsyento (70%) ang mga magulang. May limang porsyentong diperensa sa pagitan ng mga guro at magulang at masasabing may mas malaking tulong ang mga guro sapagkat sila ang laging kaharap ng mga mag-aaral sa tuwing may online class. Ayon sa “Mental health support tips for teachers,” (n.d.), ang mga guro ay mayroong kakaibang relasyon sa mga mag-aaral kung saan, maari silang magkaroon ng kamalayan kung

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN ano ang kanilang pinagdadaan. Base naman sa McLeen Hospital, (2021), ang mga magulang ay maaring masupportahan ang mental na kalusgan at edukasyon ng isang mag-aaral. Talahanayan Blg.2 Katanungan 3. May malaki bang epekto ang pandemya sa kalusugang pangkaisipan

Oo

Hindi

85%

15%

80%

20%

20%

80%

mo sa tuwing may online class? 4. Nakakaramdam ka ba ng pagkalungkot o pagkabalisa sa tuwing may online class? 5. May kaginhawaan ba na naibibigay ang online class sa iyong kalusugang pangkaisipan? Ayon sa resulta na nakalap may malaking epekto sa kalusugang pangkaisipan ng mga magaaral ang online class sa panhon ng pandemya, sapagkat, may walumpu’t limang porsyento (85%) ang nag sasabi ng “Oo.” Nakakaapekto din ito sa kanilang emosyon sapagkat may walumpong porsyento (80%) ang tumugon na nakakaramdam sila ng pagkalungkot at pagkabalisa. Nagpapatunay ding wala itong kaginhawaang naidudulot sa kanila, may walumpong porsyento (80%) ang nagsasabing hindi. Pagbibigat referensiya kay Martin, (2020), isang mananaliksik sa online class, mula sa animnapu’t pitong tugon, malinaw na maraming mag-aaral ang nagkaroong ng alalahanin sa knilang kalusugang pangkaisipan sa tuwing sila ay nasa online class. Mayroong animnapu’t isa porsyento (61%) ang tumugon na lumala sa nakaraang anim na buwan bilang resulta ng pandemya labing apat na porsyento (14%) lamang ang nagsabing mas mabuti ito. 1. Ano ang pakiramdam mo sa tuwing may online class?

EPEKTO NG ONLINE CLASS SA KALUSUGANG PANGKAISIPAN Grap Blg. 1 Makikita sa grapiko na nakapresenta na mayroon apatnapu’t limang porsyentong (45%) tugon ang nagsasabing sila ay nahihiapan sa tuwing may online class, ito a...


Similar Free PDFs