Pagsusuri sa Awit na Magdalena na Isinulat at Inawit ni Freddie Aguilar noong 1983 DOCX

Title Pagsusuri sa Awit na Magdalena na Isinulat at Inawit ni Freddie Aguilar noong 1983
Author Marc Angelo Parumog
Pages 10
File Size 36.5 KB
File Type DOCX
Total Downloads 136
Total Views 305

Summary

Pagsusuring Pormalistiko sa Isang Awiting Kinilala at Pumukaw sa Puso ng Madla – Magdalena na Isinulat at Inawit ni Freddie Aguilar noong 1983 Nina: Cortez, Charlene Rianne L. Joson, Joy Ann B. Laureano, Marc Philippe M. Castrro, Darwin M. Victoria, Sheila Marie M. Salvador, Eugene C. I.Panimula Ang...


Description

I.Panimula Ang musika ay may malaking bahagi sa buhay ng bawat Pilipino. Sumasalamin ito sa buhay, kinagisnan, kultura, pakikibaka, inspirasyon, pangyayari sa kapaligiran maging sa nararamdaman natin bilang mga tao (Canabangon,2009). Ayon kay Mangusad (2009), ito ay repleksyon ng ating kultura at ng ating pagkatao. Ayon naman kay Straubhaar, ang isang awitin ay higit na magiging kaaya-aya at makabuluhan kung ito ay tumatalakay sa mga problemang kinahaharap ng bansa. Ang Pilipinas ay higit na kilala sa larangan ng musika dahil sa mga mang-aaawit at manunulat na tunay nga namang pinagkalooban ng kakaibang talento sa ganitong larangan. Ang kanilang pagiging malikhain at totoo sa lahat ng kanilang isinusulat na kanta ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit sila patuloy na tinitingala. Si Freddie Aguilar ay isa sa mga tanyag na mang-aawit at manunulat sa Pilipinas na kilala sa kanyang mga makatotohanan at nakakatindig- balahibong mga awitin. Sa katunayan, ang kanyang angking galing sa larangan ng musika ay hindi lamang nakilala sa buong bansa sa halip ay nakilala rin sa iba't ibang panig ng mundo. Ang kantang "Magdalena" ay isa lamang sa kanyang mga awitin na tumatalakay sa isyung panlipunan. Ang naturang awitin ay isinulat noong 1983 kasabay ng paglobo ng bilang ng mga kababaihang kumakapit sa patalim para lamang matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Ito ay agad na sumikat sa Pilipinas noong 1980s na hanggang sa kasalukuyan ay tinatangkilik pa rin ng maraming Pilipino. Ang angking ganda ng awiting ito ay nakapag-iwan na ng marka sa mga puso ng mga tagapakinig nito. Pagsusuring Pormalistiko sa Isang Awiting Kinilala at Pumukaw sa Puso ng Madla – Magdalena na Isinulat at Inawit ni Freddie Aguilar noong 1983 Nina: Cortez, Charlene Rianne L. Joson, Joy Ann B. Laureano, Marc Philippe M. Castrro, Darwin M. Victoria, Sheila Marie M. Salvador, Eugene C....


Similar Free PDFs