Dalumat na/sa Filipino module PDF

Title Dalumat na/sa Filipino module
Author Dinalyn Castillo
Course Secondary Education major in Science
Institution Southern Leyte State University
Pages 49
File Size 1.5 MB
File Type PDF
Total Downloads 743
Total Views 974

Summary

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO ii####### DINALYN O. CASTILLO,LPTFILI 3102DALUMAT NA/ SAFILIPINOGabay sa Pagkatuto 2020ii FILI 3102 DALUMAT NA/ SAThis learning module is developed for instructionalpurposes only. Any form of reproduction ordistribution is strictly prohibited.iv FILI 3102 DALUMAT NA...


Description

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO Gabay sa Pagkatuto 2020

DINALYN O. CASTILLO,LPT

This learning module is developed for instructional purposes only. Any form of reproduction or distribution is strictly prohibited.

ii FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

A high quality corporate University of Science, Technology and Innovation.

SLSU will: a) Develop Science, Technology, and Innovation leaders and professionals; b) Produce high-impact technologies from research and innovations; c) Contribute to sustainable development through responsive community engagement programs; d) Generate revenues to be self-sufficient and financially-viable.

We at Southern Leyte State University commit enthusiastically to satisfy our stakeholders’ needs and expectations by adhering to good governance, relevance and innovations of our instruction, research and development, extension and other support services and to continually improve the effectiveness of our Quality Management System in compliance to ethical standards and applicable statutory, regulatory, industry and stakeholders’ requirements. The management commits to establish, maintain and monitor our quality management system and ensure that adequate resources are available.

iii FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

COURSE OVERVIEW Course No.

FILI 3102

Course Code

SA-3-A-1

Descriptive Title

Dalumat na/sa Filipino

Credit Units

3

School Year/Term

2020 – 2021 / FIRST SEMESTER

Mode of Delivery Name of Instructor

DINALYN O. CASTILLO

Course Description

Ang DALUMATFIL ay isang maagawat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Partikular na nakatuon ng kursong ito sa makrong kasanayan pagbasa at pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga estudyante na malikhain at mapanuring makapagdalumat o “makapag-teorya” sa wikang Filipino, batay sa mga piling lokal at dayuhang konsept at teorya na akma sa konsepto ng komunidad at bansa. Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong ito ang kumukuha ng mga kursong sa larangan Humanities, Social Sciences at Communication/HUSOCOM (gaya ng Bachelor in Secondaray Education/BSE Filipino, BSE English, BSE Chemistry, AB Political Sciene, Communication Arts, Journalism, Legal Management at iba pa.), bukod pa sa 6 yunit ng batayang GEFilipino (KOMFIL at FILDS) na kinukuha rin ng mga mag-aaral na ang kurso ay NON-HUSOCOM.

iv FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

Course Outcomes

Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga magaaral ang mga sumusunod:  



 











   

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pagdadalumat at pananaliksik. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa pagpapaliwanag at pagpapalawak ng piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad at bansa. Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos atbp. mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa iba’t iba ng larangan. Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. na makapag-aambag sa patuloy na intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring pagdadalumat at pananaliksik na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino. Makabuo ng isang sanaysay hinggil sa isang mungkahing rebisyon o ekspansyon ng isang umiiral na konsepto o teorya, o kaya’y isang mungkahing bagong konsepto o teorya na akam sa mga realidad ng lipunang Pilipino. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng teorya at praktika sa pananaliksik. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.

vi

MODULE GUIDE

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

vi

TALAAN NG NILALAMAN PAHINA Cover Page

i

Disclaimer

ii

SLSU Vision, Mission, Quality Policy

iii

Course Overview

iv

Module Guide

v

Table of Contents

vi

YUNIT

I

DALUMAT-SALITA: MGA SALITA NG TAON/ SAWIKAAN, AMBAGAN, MGA SUSING SALITA AT IBA PA

1

SAWIKAIN O IDYOMA

2

MGA SALITA NG TAON

3

MGA SUSING SALITA: INDIE AT DELUBYO

II

MASINSIN AT MAPANURING PAGBASA SA MGA PANGUNAHING SANGGUNIAN SA PAGDADALUMAT/ PAGTETEORYA SA KONTEKSTONG FILIPINO

1

DALUMAT NG WIKA

2

PILOSIPIYA AT TEORYANG SA KONTENSTONG FILIPINO

3

WIKA SA PANAHON NG GLOBALISASYON AT INTERNASYUNALISASYON

ARALIN

YUNIT

ARALIN

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

vii

PRE-TEST Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag o pangungusap at MALI naman kung hindi. Tandaan, kailanma’y hindi magiging tama ang mali. _______1. Ang idyoma ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa ating wika. _______2. Ang mga millennials ay ang mga taong nabibilang sa Net Generation. _______3. Ang pagbaybay ng mga hiram na salita ay nakakiling sa Ingles. _______4. Ang tinatawag na code-switching ng mga dalubwika ay hindi totoo namang di code-switching. _______5. Ang tagalog ay diyalekto. _______6. Ang Pilipino ay nakabatay sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas. _______7. Ang Pilipino at Filipino ay pareho lamang. _______8. Ang Filipino ang kasalukuyang tawag sa wikang pambansa ng Pilipinas. _______9. Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa. ______10. Ang wika natin ay batay sa Filipino. ______11. 21 ang titik sa ABAKADA. ______12. 28 ang letra sa makabagong alpabetong Filipino. ______13. Naglalagay ng gitling kung walang kahulugan ang inuulit na salita tulad ng paruparo. ______14. Hindi gumagamit ng gitling kapag mayroon nang kudlit ang salita tulad ng iba’t iba. _____15. Sa salitang magmahal, ay nakahiwalay ang panlaping mag sapakat ito’y salita rin. ______16. Maituturing na pormal ang isang wika kung ang mga salitang ginagamit ay malawakang kinikilala ng pamayanan, ng bansa, o maging ng mundo. ______17. Maituturing na impormal ang wikain kung hindi payak at ginagamit sa pang-araw-araw na komuniksayon. ______18. Kolokyal ang mga salitang ginagamit sa partikular na lugar. ______19. Ang balbal ang pinakamababang antas ng wika. ______20. Wikaing pampanitikan ang ginagamit sa mga aklat pangwika.

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

viii

YUNIT

I DALUMAT-SALITA: MGA SALITA NG TAON/ SAWIKAAN, AMBAGAN, MGA SUSING SALITA AT IBA PA

ARALIN

1

SAWIKAIN O IDYOMA

2

MGA SALITA NG TAON

3

MGA SUSING SALITA: INDIE AT DELUBYO

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

INTRODUKSYON Sa patuloy na pagbabago ng bansa ay hindi mawari na nagbabago rin ang daloy ng kultura lalo sa pang-araw-araw na ginagawa natin. Kabilang narito ang wika na siyang pinakamidyum ng ating pakikipagtalastasan. Sa bawat panahon na nagdaan ay patuloy ang pagbabago at pag-unlad ng wika kaya isa sa mga katangian nito na ang wika ay daynamiko. Sa yunit na ito ay tatalakayin ang sawikaan at mga bagong salita sa bawat taon. Pokus nito ang pagtalakay sa mga kumperensya/ aktibidad na lumilinang sa pagdadalumat gamit ang mga salita sa Filipino at iba pang wika ng bansa. Tatalakayin din kung paano umuunlad ang wika sa bansa at paano mga dahilan ng pagbabago ng wika, mapahalagahan ang wika at makabuo ng sariling opinyon hinggil sa epekto ng pagbabago ng panahon sa wika. Ang pagpapahayag ng damdamin, kaisipan at mga naisin sa buhay ay lubhang mahalaga sa bawat tao. Sa pamamagitan nito, nauunawaan natin ang iba ta gayon din sila sa atin. Alisin mo ang pagpapahayag at para mo na ring kinitlan ng buhay ang isang tao. Ang sawikain o idyoma ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa ating wika. Sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, pagsasalita at pagsusulat, gumagamit tayo nito. Kaya nga’t maging ang mga mamamahayag sa radyo, telebisyon at pahayagan ay gumagamit din nito upang bigyang diin at gawing kaakit-akit ang kanilang pagsasalita at pagsusulat. Katulad ng sawikain, ang sawikain ay may ibang kahulugan bukod sa literal na ibig sabihin ng mga salitang pinagkabit-kabit upang mabuo ito. Ito ay ginagamit din sa pagpapahayag ng damdamin, ideya at kagustuhan sa paraang kaayaaya sa pandinig at pagbasa. Layunin ng modyul na ito na tulungan kang bumasa at umunawa ng kahulugan ng mga gamiting sawikain at salawikain. Gagabayan ka nito sa pagbuo ng mga pangungusap na ginagamitan ng idyoma. Dito ay palalawakin ang kaisipan ng mga mag-aaral sa mga salitang pinaunlad ng mga Pilipino.

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

ARALIN SAWIKAIN O IDYOMA

1

Inaasahang Matutuhan sa Modyul:

1. Malaman ang kahulugan ng Sawikain at kahalagahan nito. 2. Matukoy ang mga kahulugan ng mga halimbawa ng sawikain. 3. Makapagbigay ng mga halimbawa ng sawikain at kung paano ito gagamitin. 4. Makabuo ng sariling sawikain at bigyan ng sariling kahulugan. Bilang ng Oras: 3 oras Pagpapahalagang Moral: “ Kung ano ang bukang bibig, ay siyang nilalaman ng dibdib.”

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

INPUT Ang SAWIKAIN o Idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari. Ito ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao. Malalalim na salita ang ginagamit sa sawikain at pinapalitan ang pangkaraniwang tawag kung kaya ito ay nagiging matatalinghagang pahayag. Ang salawikain at sawikain ay napakalaking bahagi ng kasaysayan at kultura sa lahat ng bansa sa mundo. Ito ang mga panitikang sumasalamin sa magkapareho at magkasalungat na paniniwala ng iba’t ibang bansa. Sa mga panitikang ito naipapahayag ang mga saloobin ng mga mamamayan ng mas malaya at hindi nila kailangang magpaliwanag sa kahit sino. Ang idyoma ay isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino. Ito’y may kahulugan na hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na kahulugan nito. May naiiba itong kahulugan sa literal o tahasang pahayag. Kadalasa’y taglay nito ang maraming pangkulturang bagay: malarawan, mapagbiro at mapagtawa. Nagtataglay din ito ng pansosyal at panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan. Bunga nito, mahalagang malaman mo na kinakailangang maisaulo ang mga salitang bumubuo ng idyoma gayundin ang ayos nito. Kung sakaling ang idyoma ay ginagamitan ng pandiwa, ang bahaging pandiwa ay kailangang sumusunod sa tatlong panahunan ng pandiwa na gaya ng mga sumusunod:

MGA HALIMBAWA NG SAWIKAIN: 1. Abot-tanaw Kahulugan: Naaabot ng tingin Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon. 2. Agaw-dilim Kahulugan: Malapit nang gumabi Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay. 3. Amoy tsiko Kahulugan: Lango sa alak, lasing Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay. 4. Ikurus sa noo Kahulugan: Tandaan

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

Halimbawa ng Gamit: Ang mga aralin sa eskwela ay dapat ikurus sa noo. 5. Butas ang bulsa

Kahulugan: walang pera Halimbawa ng Gamit: Nagsusugal si Juan kaya palaging butas ang bulsa. 6. Ilaw ng tahanan Kahulugan: Ina Halimbawa ng Gamit: Mahal na mahal namin ang aming ilaw ng tahanan. 7. Bukas ang palad Kahulugan: Matulungin Halimbawa ng Gamit: Ang mga taong bukas ang palad ay pinagpapala ng Panginoon.

MGA GAWAIN I. A. Panuto: Ibigay ang mga kahulugan ng mga sawikain na sa sumusunod na bilang. 1. 2. 3. 4. 5.

Alilang-kanin Amoy pinipig Bahag ang buntot Ilaw ng tahanan Balitang-kutsero

6. Ibaon sa hukay 7. Nagbibilang ng poste 8. Huling hantungan 9. Huling Baraha 10. Batong lansangan

B. Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sawikain na naaayon sa bilang na nasa gawain A. C. Panuto: Magbigay ng sampong halimbawa ng sawikain at ibigay ang kahulugan ng mga ito.

II. A. Ibigay ang iyong sariling opinyon tungkol sa Sawikain o Idyoma. Bumuo lamang ng limang pangungusap sa pagpapaliwanag. ( 5 puntos)

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

ARALIN

2 MGA SALITA NG TAON Inaasahang Makukuha sa Modyul:

1. Makapagbigay ng mga halimbawa ng makabagong salita kung paano ito gagamitin. 2. Maunawaan kung bakit nagkaroon ng paglawak at pag-unlad sa wika. 3. Makapagsulat ng isang sanaysay upang ilahad ag kanilang reaksyon sa ipapalabas ng Video Presentation.

Bilang ng Oras: 3 na oras Pagpapahalagang Moral: “ Hindi na mahalaga ang mataas na kaalaman sa wika, sapat na ang nagkakaunawaan gamit ang wika”

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

INPUT: SALITA NG TAON

Makabagong Salita Sa patuloy na pagbabago ng panahon, patuloy din na nagbabago ang ating kapaligiran, at ang gawi ng pamumuhay at pakikisalamuha ng mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kung ikaw ay nabubuhay na ng ilang dekada, marahil ay mas mabilis mong mapupuna ang mga pagbabagong naganap sa gawi ng mga tao at kung ikaw naman ay isa sa mga sinasabing “millennial”, malamang ay ginagawa mo rin ang ilan sa mga bagay na ito, kagaya na lamang ng paggamit ng mga makabagong salita o ang pagbibigay ng bagong kahulugan sa mga salitang dati pa man ay nagagamit na. Ito ang Halimawa ng ilan sa mga salitang ginagamit ng mga millennial at ang kahulugan ng mga ito: Triggered – Ito ay ginagamit ng mga millennial para ipahayag ang kanilang masamang damdamin sa tuwing mayroon silang di kaaya-aya na nakikita o naririnig. Shook – Ito ay isang salitang ginagamit ng mga millennial upang ipahayag ang kanilang pagkagulat o pagkabigla. Receipts – Ito ay nagsisilbing ebidensiya tungkol sa isang drama na nangyari sa internet, ang halimbawa nito ay ang screenshots. Tea – Ito ay ang salitang ginagamit ng mga mga millennials na tumutukoy sa mga tsismis na kanilang nakikita sa social media. Ito ay tinawag na “tea” dahil sa unang letra ng tsismis na “t”. Extra – Ito ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong kumikilos sa dramatikong paraan kahit na hindi naman kinakailangan ang ganoon ka-grabeng pagkilos.

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

Woke – Tawag sa isang Indibidwal na alam ang mga nangyayari sa lipunan. Ang mga taong “woke” ay karaniwang nagbibigay alam tungkol sa racism, feminism, sexism, homophobia, atbp. ; sila rin ay ang mga taong tumututol sa mga ito. Blessed – Ito ay ginagamit upang maipahayag na maraming magaganda at positibong bagay ang dumadating sa buhay ng isang tao. Maaari din itong magsilbing explanation sa sari-saring positibong nararamdaman ng isang tao. Lit – ito ay ang isang salitang ginagamit upang sabihin na ang isang bagay o pangyayari ay astig. Kung inyong mapapansin, ang mga salitang ito ay simple lamang at sa katunayan nga ay matagal nang ginagamit ang ilang sa mga ito. Ganoon pa man ay laganap na ang paggamit ng mga salitang ito sa buong mundo marahil ay nagtataka kayo kung bakit mas marami na ang gumagamit sa salitang katulad nito kahit na mayroon namang mga salitang o pangungusap na maaari namang gamitin bukod dito. Bilang parte ng mga tao na kung tawagin ay “millennial” sa aking palagay, naaapektohan nito ang ating mundo ngayon dahil kahit ito ay masasabing mga simpleng salita lamang ay nabibigyan tayo nito ng mas madaling paraan upang ipaliwanag ang ating nararamdaman at ng iba pang mga bagay lalo na sa tuwing ang ating isipan ay naookupa na ng ibang bagay. "Mga Patok at nauusong salita ng mga Millennials" ni NICA MOLATE Ano nga ba ang millennials? madalas natin itong naririnig ngunit karamihan saatin ay di alam ang ibig sabihin nito. Ang mga millennials daw ay ang mga taong nabibilang sa generation Y o Net Generation na kung saan kinalakihan na ang paggamit ng kompyuter at internet sa kanilang pang araw araw na buhay. Sa ating generasyon ngayon ay halos lahat ng kabataan ay marunong ng gumagamit ng internet at halos taon taon ay mabilis na nagbabago ang mga teknolohiyang ginagamit natin. Para makasunod sa mga uso, nais din nating malaman ang mga pagbabago sa ating paligid kaya ang tanong ko sayo, Isa kaba sa mga millennials na napag iwanan na pagdating sa mga nauusong salita ngayon? Nais mo bang makahabol at maunawaan ang mga salitang karaniwang ginagamit ng iyong mga kakilala lalo na sa social media? Kung ganon kami ay naglista ng iilan sa mga patok at mga nauusong salita ng mga millennials na maaaring makatulong sayo upang ika'y makasunod at makaunawa sa kanila. 1. BAE- Ayon sa isang urban dictionary, acronym daw ito ng pariralang “Before Anyone Else.” Pero nanggaling daw talaga ito sa pet name ng mga magkasintahan na baby o babe at naging popular ito lalo dahil ito ang naging tawag kay Pambansang Bae Alden Richards. Madalas din itong itawag sa mga lalaking may itsura at masasabi nating gwapo. 2. PABEBE- Ang ibig sabihin nito ay umarteng parang baby o magpa-cute. Tulad din ng salitang Bae, naging popular ang pabebe dahil sa pabebe wave ng nauusong tambalan ngayon ang Aldub. Ang pabebe wave naman ay ang pa-cute o mahinhing pagkaway. May ibang kahulugan din ito para sa iba, kumbaga ay maarte o nag iinarte. 3.GALAWANG BREEZY o Hokage- Ito na nga raw ang bagong termino para sa mga kalalakihan na pasimpleng dumidiskarte sa napupusuang babae. Maaaring nakuha ito sa salitang 'breezy' na ang ibig sabihin ay mahangin, at ngayo’y nabigyan ng kakaibang kahulugan bilang pagpapalipad-hangin.

FILI 3102 DALUMAT NA/ SA FILIPINO

6. Tara G! - Kapag tinatanong ka ng iyong kaklase ng "Ano Tara?" kadalasan ang isasagot mo ay Tara,G! pero aminin ang alam mong ibig sabihin nito ay " Tara,let's Go!" Pwes, ang tunay na ibig sabihin nun ay "Tara, GAME!" Hahaha. 7.BEAST MODE- Ang salitang ito ay ginagamit ng mga millennials ngayon upang ipahiwatig na sila ay galit na o naiinis. Posible raw nagmula ang mga katagang ito sa video game na Altered Beast ng Sega, kung saan nagpapalit-anyo ang karakter dito at nagiging halimaw. 8.NINJA MOVES - Nagmula raw ito sa mga “ninja” o mga warrior na mayroong kakaibang galing, bilis kumilos, at diskarte na maisakatuparan ang kanilang misyon nang hindi masyadong napapansin. Kay kung nakakantyawan ka ng iyong mga kaibigan na nag ninija moves, ibig nilang sabihin ay ikaw ay pasimpleng dumidiskarte ng di napapansin. 9. WALWALAN - Kadalasan nababanggit ang salitang ito sa mga inuman. Nagmula ito sa mga salitang “walang pakialam,” “walang pangarap” at “walang kinabukasan.” 10. Eme-eme- Ito raw ay salitang beki na pamalit sa mga terms na hindi masabi o maalala. Noong dekada ‘80, ibig sabihin nito ay “any-any” o kung ano-ano lang. At nung dekada ’90 naman, naging “anik-anik” at ngayon, eme-eme na! 11. Edi Wow! - ekspresyon na para...


Similar Free PDFs