Filipino Module Grade 10 PDF

Title Filipino Module Grade 10
Author Kaye Denholm
Course Engineering Science
Institution University of Oxford
Pages 116
File Size 3.9 MB
File Type PDF
Total Downloads 418
Total Views 854

Summary

DEPED COPYFilipinoModyul para sa Mag-aaralKagawaran ng EdukasyonRepublika ng PilipinasAng aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng iny...


Description

O PY

10 Filipino

PE D

C

Modyul para sa Mag-aaral

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015

ED

C

O PY

Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Modyul para sa Mag-aaral. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at sa mga may-akda. Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telephone blg. (02) 439-2204 o magemail sa [email protected] ang mga may-akda at tagapaglathala. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral Konsultant: Magdalena O. Jocson Editor: Florentina S. Gorrospe, PhD Mga Manunulat: Vilma C. Ambat, Ma. Teresa B. Barcelo, Eric O. Cariño, Mary Jane R. Dasig, Willita A. Enrijo, Shiela C. Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn T Salum, Joselyn C. Sayson, Mary Grace A. Tabora, at Roderic P. Urgelles Mga Tagasuri: Joselito C. Gutierrez, Angelita Kuizon, Girlie S. Macapagal, Marina G. Merida, Ma. Jesusa R. Unciano, at Evelyn Ramos Mga Tagapangasiwa: Jocelyn DR. Andaya, Elizabeth G. Catao, Cristina S. Chioco, at Evangeline C. Calinisan Mga Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr. at Jason O. Villena Nag-layout: Camelka A. Sandoval

Inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Group Inc. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address: [email protected]

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015

MODYUL 3

Mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia (Iran)

Panimula................................................................................... Panimulang Pagtataya.............................................................

234 235

Aralin 3.1 A. Panitikan: Liongo............................................................. B. Gramatika at Retorika: Pagsasaling-wika.......................

245 250

O PY

Aralin 3.2 A. Panitikan: Mullah Nassreddin.......................................... B. Gramatika at Retorika: Diskursong Pasalaysay..............

A. Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng Africa.................. B. Gramatika at Retorika: Paggamit ng Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe................................

270

C

Aralin 3.3

256 259

279

Aralin 3.4

EP ED

A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay................ B. Gramatika at Retorika: Matatalinghagang Pananalita at Simbolismo...................................................................

266

284

Aralin 3.5

A. Panitikan: Ang Alaga........................................................ B. Gramatika at Retorika: Mga Pahayag sa Pagsasaad ng Opinyon.........................................................................

291 296

D

Aralin 3.6

A. Panitikan: Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali......... B. Gramatika at Retorika: Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Layon o Damdamin.......................................................

303 314

Aralin 3.7 A. Panitikan: Paglisan (Buod)............................................... B. Gramatika at Retorika: Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag............................................................

Glosaryo....................................................................................

MODYUL 4

323 328

335

EL FILIBUSTERISMO

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015

Modyul 3

O PY

MGA AKDANG PAMPANITIKAN

D

EP ED

C

NG AFRICA AT PERSIA

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015

I. PANIMULA Ang panitikan ay nagpapakita ng pagbabago: pagbabagong mistikal, pagbabagong bunsod ng magiting na pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng nakagawian, ng pagkatao at ng takbo ng pamumuhay. Ang mga pagbabagong ito ay maningning na masisilayan sa mga panitikan ng Africa at Persia (Iran) na nalinang ng paggamit ng kawikaan at pambihirang katawagan, matatalinghaga at makatawag-pansing pananalita, at ang pagpapaangat ng kamalayang kultural sa pamamagitan ng paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan at pangangatuwiran.

C

O PY

Sa Modyul 3, ganap na mauunawaan at mapahahalagahan mo ang mga akdang pampanitikang buhat sa iba’t ibang panig ng Africa at Persia, gaya ng mitolohiya ng Kenya, anekdota ng Persia, sanaysay ng South Africa, tula ng Uganda, maikling kuwento ng East Africa, epiko ng Mali, at nobela ng Nigeria. Matututuhan din ang mga kasanayang pangkomunikatibong hango sa pag-aaral ng mga pamantayan sa pagsasaling-wika, diskursong pagsasalaysay, paggamit ng tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe, wastong gamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita, mga salitang naglalahad ng opinyon, mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon, o damdamin, at pang-ugnay na nagpapaliwanag na magsisilbing katuwang sa pagsasakatuparan ng mga gawain sa Modyul.

EP ED

Sa pagtatapos ng aralin, masasagot mo ang mga pokus na tanong na: Paano naiiba ang mga akdang pampanitikan ng sa Africa at Persia sa iba pang akda mula sa ibang panig ng mundo at paano nakatutulong ang kaalaman sa gramatika at retorika sa pagpapalawak ng kaalaman sa kultura ng iba’t ibang bansa. Inaasahang makalilikha ka ng komposisyong popular sa anyo ng patalastas pantelebisiyon. Mamarkahan ang iyong pagganap sa sumusunod na pamantayan a.) kasiningan, b.) kaangkupan, c.) kawastuhan, at d.) kawilihan.

D

Sa puntong ito, sasagutin mo ang kasunod na paunang pagsusulit sa sagutang papel. Layon ng pagsusulit na sukatin ang iyong kaalaman sa mga araling pag-aaralan. Simulan mo na!

234 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015

II. PANIMULANG PAGTATAYA Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. 1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? a. panlapi c. pagpapakahulugan b. gramatika d. pagsasaling-wika 2. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay. a. pangangatuwiran c. paglalahad b. paglalarawan d. pagsasalaysay

O PY

3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao. a. tula c. talumpati b. sanaysay d. balagtasan

C

4. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nagiiwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa. a. nobela c. dula b. karilyo d. maikling kuwento

EP ED

5. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan. a. idyoma c. simbolismo b. matatalinghagang pananalita d. tayutay 6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang pananalita. a. pandamdamin c. blangko berso b. malaya d. tradisyonal 7. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging tuluyan. a. epiko c. sanaysay b. anekdota d. mitolohiya

D

8. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng kaunting sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya si Ogbuefi Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit? a. Ito ay malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria. b. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano. Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon. c. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo. d. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.

235 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015

9. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang sa pagsasalin? “Love excuses everything believe all things,hopes all things,endures all things”. a. b. c. d.

“Mapagpatawad ang pag-ibig, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, puno ng pag-asa sa mga bagay, nakakaya ang lahat ng bagay.”

Basahin nang paulit-ulit. Ikumpara ang ginawang salin. Suriin ang bawat salita sa isinasalin. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

O PY

10. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon. “A negative mind will never give you a positive life”.

C

a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.” b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.” c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.” d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”

EP ED

Para sa bilang 11 at 12 “Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal

D

11. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito? a. Ito ay napapanahon. b. Mahusay ang sumulat. c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat. d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag. 12. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito? a. katapatan sa bayan b. pagpapahalaga sa kapwa c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan

236 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015

Para sa bilang 13-16 Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo, ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo. Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

O PY

13. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay nangangahulugang ____________________. a. pagtanggi at paglaban sa batas b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi

C

14. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo. a. pagtanggi sa rasismo b. pagkalugmok ng sarili c. espiritwal at pisikal na kaisahan d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo

EP ED

15. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang _________. a. pagpapahirap sa mamamayan b. pagkakaroon ng malupit na pinuno c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay 16. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig ng ____________. a. paghihinuha c. panghihikayat b. paglalarawan d. pangangatuwiran

D

17. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala? a. Tara, punta tayo roon. b. Hindi kita iiwan, pangako iyan. c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin. d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis. 18. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay,” ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit? Ang poo’y di marapat pagnakawan, Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan. a. nais b. mithi

c. hangad d. pangarap

237 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015

19. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang ipinahihiwatig ng matalinghagang pahayag na may salungguhit? a. itago c. kalimutan b. ilibing d. magpatawad Para sa bilang 20 at 21

O PY

Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang tumatak na pagkatao ng kaniyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina, at walang kuwenta sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kaniyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kaniyang kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ari-ariang sapat upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban, at higit sa lahat pagkilala mula sa mga katribo. Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera

C

20. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang mga desisyon sa buhay? a. mapaghiganti b. may iisang salita c. puno ng hinanakit d. may determinasyon sa buhay

EP ED

21. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo? a. mahina ang kaniyang ama b. gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama c. dahil walang kuwenta ang kaniyang ama d. gusto niya ng karangalan, pangalan, at katanyagan 22. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin? a. maayos ang pagkakasalin b. malaya at madaling maunawaan c. nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin d. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.

D

23. Sa pagsasalin, anong mga pinakamahalagang hakbang ang dapat na isaalangalang? a. muling isalin b. magdagdag at magbawas ng salita c. ihambing sa iba ang ginawang salin d. rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.

238 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015

Para sa bilang 24-25 Alanganing Dalaw

O PY

Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sa hapag kainan nang may isang panauhing dumating. “Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan. Gayon na lamang ang pagkayamot ng naabalang musiko at padarag na sinabi, “Napakaalanganin naman ng oras ng dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa sala upang di mainip.” Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Lieblings ang kinaroroonan ng kaibigan. “Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging eksaktong alas siyete ang aming hapunan.” “Alam ko,” ang tuyot na pakli ni Ginoong X, “ katunayan, iyan ang sinabi mo sa akin nang anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.” Halaw sa Little Book of Music Anecdote ni Helen Kauffman

EP ED

C

24. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging pasiya ng musikero na ipagpatuloy ang kaniyang hapunan bago harapin ang panauhin? a. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom. b. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin. c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin. d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi ay kaniyang nakagawian. 25. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa? a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin. b. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa. c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan. d. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan. Para sa bilang 26-29

D

Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala namin sa kaniya. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos. 26. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata? a. pagkalungkot c. paghihinanakit b. pagkabalisa d. panghihinayang

27. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa sa kaniyang sarili? a. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak. b. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak. c. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan. d. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak.

239 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or ...


Similar Free PDFs