Filipino 10 SLMs 4th Quarter Module 2 PDF

Title Filipino 10 SLMs 4th Quarter Module 2
Author Neil Roy Masangcay
Course Secondary Education
Institution Saint Columban College
Pages 28
File Size 1.4 MB
File Type PDF
Total Downloads 611
Total Views 728

Summary

Download Filipino 10 SLMs 4th Quarter Module 2 PDF


Description

Department of Education Republic of the Philippines Region III

DIVISION OF GAPAN CITY Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 10 Ikaapat na Markahan – Modyul 2 El Filibusterismo (Basilio: Buhay, Pangarap, Paniniwala, at Saloobin)

Self-Learning Module

Filipino – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 2: El Filibusterismo (Basilio: Buhay, Pangarap, Paniniwala, at Saloobin) Unang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng Gapan Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat:

Abegail C. Joson

Editor:

Dulce M. Esteban

Tagasuri ng Nilalaman:

Marie Ann C. Ligsay, PhD, Kenneth C. Salvador, Jocelyn M. Mateo

Tagasuri ng Wika:

Marie Ann C. Ligsay, PhD, Everlyn S. Pascual, Jocelyn S. Pablo

Tagasuri ng Disenyo at Balangkas:

Glehn Mark A. Jarlego

Tagaguhit:

Louie Jim P. Bugay

Tagalapat:

Abegail C. Joson

Tagapamahala:

Salome P. Manuel, PhD Alexander F. Angeles, PhD Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III – Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng Gapan Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija Telephone Number: (044)-486-7910 E-mail Address: [email protected]

Alamin Ang katatagan ng isang tao ay nasusukat sa dami ng pagsubok na kaniyang pinagdaanan sa buhay. Ngunit paano nga ba kung ang mga inspirasyon mo ay siya mo ring kahinaan? Paano kung ang pinag-aalayan mo ng iyong pangarap ay maglaho, guguho ba ang mga pangarap mo? Tunghayan ang tauhan sa tatalakaying mga kabanata sa modyul na ito. Nais kong malaman mo ang kaniyang buhay, pangarap, paniniwala, saloobin at ang kaniyang pakikibaka sa daluyong ng buhay. Hindi madali para sa isang kabataang tulad mo na sumabak sa mga seryosong usapin sa buhay katulad ng pakikisangkot para sa kalayaan ng bayan. Kailangan mong maging matalino sa mga desisyong gagawin mo sa buhay at piliin ang mga taong magiging bahagi nito. Ang kaligtasan mo ay nakabatay sa nalalaman mo tungkol sa nangyayari sa lipunan. Matutunghayan mo sa modyul na ito ang lahat ng tugon sa mga katanungang alam kong naglalaro sa iyong isipan ngayon. Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kakayahan at kasanayan: 1. natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng pagtunton sa mga pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan at pagtukoy sa wakas (F10PB-IVb-c-87); 2. naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda (F10PD-IVb-c-82); 3. naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata (F10PU-IVb-c-86); at 4. nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat, gayon din ang wastong pag-uugnay ng mga pangungusap/talata (F10PUIVb-c-86).

1

Subukin Bago ka magpatuloy sa pag-aaral ay subukin mo muna ang iyong kaalaman. Makatutulong din ang gawaing ito upang malaman mo ang mga bagay na higit mong dapat na pagtuunan ng pansin. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan. Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot. 1. Pinatay ng mga guardia civil si Crispin at pinahirapan ang aking ina, mananahimik na lamang ako sapagkat hindi rin naman sila mabubuhay kung igaganti ko sila. Ang tauhan ay __________. A. malalim mag-isip C. mapaghiganti sa kaaway B. bahag ang buntot D. mapagpatawad sa kapwa 2. Madilim, madawag at maraming ugat na nag-usli sa iyong lalakaran. Ang tinutukoy na lugar sa pangungusap ay isang __________. A. kagubatan C. kapatagan B. kalawakan D. karagatan 3. Hindi tumigil si Simoun hanggang hindi pumapayag si Basilio na makipagtulungan sa kaniya na maghimagsik laban sa mga kaaway. Si Simoun ay __________. A. naghahanap ng kakampi sa paghihimagsik B. determinado sa kaniyang mga nais sa buhay C. ginigising ang diwa ng mga kabataan upang makipaglaban D. inuudyukan ang mga kabataang kalabanin ang pamahalaan 4. Ang posibleng kaugnayan ng video clip na pinamagatang “Edukasyon” sa buhay ni Basilio ay __________. A. pagiging ulila C. pag-abot sa pangarap B. kahirapan ng buhay D. karahasan ng pamahalaan

2

5. Sa isang dokumentaryong ipinalabas sa telebisyon ay natalakay ang kalagayang pang-edukasyon ng mga mag-aaral sa isang malayong lugar. Kulang na kulang sa pangangailangan ngunit patuloy pa rin sa pag-aaral at pag-abot sa kanilang mga pangarap. Tulad ng mga bata sa dokumentaryo, si Basilio ay __________. A. makikipagtulungan upang maitawid ang sariling pag-aaral B. handang magpaalipin kapalit ng edukasyong kaniyang pinapangarap C. handang makipagsapalaran at ialay ang kaniyang buhay para makamit ang kalayaan D. walang pagsubok na hindi kakayanin makamit lamang ang edukasyong pinapangarap 6. Hindi na mabibilang sa mga daliri ang hirap at pasakit na dinanas ni Basilio sa kaniyang buhay, __________ hindi siya tumigil sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap. Ang wastong pang-ugnay na dapat gamitin sa pangungusap ay __________. A. bagaman C. kung gayon B. kung kaya D. gayon pa man 7. “Ako po’y naging masamang anak at kapatid, G. Simoun. Nilimot kong pinatay ang aking kapatid at pinahirapan ang aking ina. Wala nang nalalabi sa akin kundi gantihan ng sama ang sama, pagpatay ang pagpatay, pamamaslang ang pamamaslang,” saad ni Basilio. Ang paksang pangungusap na angkop sa pahayag ay __________. A. papaslang ako kung kinakailangan B. nais kong gumanti sa mga kalaban C. ako ay naging masamang anak at kapatid D. nilimot kong pinatay ang aking kapatid at pinahirapan ang aking ina 8. Ang buod ng pahayag sa ikapitong bilang ay __________. A. si Basilio ay handa nang makipagtulungan kay Simoun B. galit na galit si Basilio sapagkat pinatay ang kaniyang kapatid at pinahirapan ang kaniyang ina C. napagtanto ni Basilio na nalimot niya ang ginawa ng mga guardia civil sa kaniyang kapatid at ina, ngayon ay handa na siyang lumaban at makipagtulungan kay Simoun D. nilimot kong pinatay ang aking kapatid at pinahirapan ang aking ina. Wala nang nalalabi sa akin kundi gantihan ng sama ang sama, pagpatay ang pagpatay, pamamaslang ang pamamaslang

3

9. Ang tamang pagbabantas, pagbaybay at paggamit ng malaking titik ay mga __________ sa pagsulat. A. layunin C. pamantayan B. mekaniks D. salik 10. Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagbubuod, maliban sa isa. A. Tukuyin ang paksang pangungusap o pinakatema at mga susing salita. B. Isulat ang mga kaisipan gamit ang sariling salita o pangungusap. C. Magsaliksik ng mga karagdagang detalye tungkol sa paksa mula sa internet. D. Pag-ugnay-ugnayin ang mga detalye upang mabuo ang pangkalahatang kaisipan.

Aralin El Filibusterismo

1

(Basilio: Buhay, Pangarap, Paniniwala, at Saloobin)

Kumusta ka kaibigan? Nakatapos ka na sa unang modyul at ako ay nagagalak na ika’y makasama sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Natutuwa ako at batid mo na ang mga bagay na dapat mong pagtuunan ng pansin. Ngayon ay palawakin mo pa ang mga kaalamang iyon. Tunghayan mo sa araling ito kung paano sinubok ng panahon at pinatibay ng mga karanasan si Basilio, isang batang ulila na pilit sumagwan sa maalong buhay upang makamit ang mga pangarap. Halika na! Simulan mo sa pagbabahagi ng iyong baon na kaalaman.

4

Balikan Sa puntong ito ay ibahagi mo ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsasagawa sa kasunod na gawain. Baon na Kaalaman! Panuto: Tukuyin ang kalagayan ng bansa sa panahong naisulat ang nobela, maglahad ng patunay na nangyari rito ang kalagayang ito at tukuyin ang layunin ng may-akda sa pagsulat nito. Kopyahin ang grapikong pantulong sa hiwalay na papel at isulat ang iyong sagot.

El Filibusterismo

Nobela

Layunin ng Nobela

Kalagayan ng Bansa

Katunayan na Nangyari sa Akda

5

Tuklasin Malaki na nga ang nabago sa kasaysayan, nais mo bang malaman ang ilang pagbabagong naganap na ito? Mabuti kung ganoon, ano pa’ng hinihintay mo, tuklasin mo na ang mga bagong kaalamang tiyak kong gigising sa iyong diwa bilang isang kabataan. Manood at Magsuri! Panuto: Panoorin ang isang video clip mula sa link sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang kasunod na katanungan. Inilahad din ang buod nito upang masagot mo ang mga tanong. Gawin ito sa hiwalay na papel. Edukasyon: https://www.youtube.com/watch?v=XKQoXzKFofU Narito ang buod ng nilalaman ng video clip: Nagsimula sa simpleng pangarap ng isang kabataan ang pag-asa na makatapos ng pag-aaral. Mahirap man ang buhay ay wala namang makapipigil upang makamit ang edukasyong inaasam. Walang pagsubok na hindi lalampasan at ang karunungang natamo ang siyang gagamiting sandata upang magtagumpay sa buhay. Buhay pa rin ang paniniwala na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Mangarap at magsumikap lamang. Marami ang nangangarap ngunit hindi lahat ay nagtatagumpay. Huwag hayaang manatiling pangarap ang pangarap. Nariyan ang mga guro at mga magulang na siyang gagabay upang matuto ng bagong kaalaman, at upang matutong tumayo sa sariling mga paa at maging malaya. Pag-unawa sa napanood o binasang buod 1. Ano ang pangunahing paksa sa pinanood o binasang buod? 2. Ano ang suliraning kinakaharap ng mga kabataan? 3. Ilahad ang papel ng kabataan sa lipunan. 4. Ilarawan ang pamayanang ginagalawan ng mga kabataan sa video. 5. Paano isinalaysay ang mga kaisipang nakapaloob dito?

6

Suriin Ngayon ay natitiyak kong handa ka na upang mas palalimin pa ang iyong mga kaalaman. Tuklasin mo sa bahaging ito kung paano makikilala ang mga tauhan sa akda, ang kahulugan, mga paraan at dapat isaalang-alang sa pagbubuod gayon din ang wastong mekaniks sa pagsulat. Upang maisagawa ang mga kakayahang ito, basahin at unawain mong mabuti ang sumusunod na kabanata ng El Filibusterismo. Talasalitaan 1. sobresaliente 2. filibuster 3. afian 4. paskin 5. polyeto 6. coreo 7. lampara 8. rebolber 9. mitsa 10. pulbura

– – – –

pinakamataas na karangalan kalaban ng pamahalaan at simbahan opyo poster o karatula

– – – –

flyers o pamphlet isang uri ng sasakyang pandagat ilawan isang uri ng baril

– maliit na telang nakalagay sa gitnang bahagi ng ilawan. – pulbos na sangkap sa paggawa ng paputok

Kabanata 6: Si Basilio Maingat na nagtungo si Basilio sa kagubatan ng mga Ibarra na ngayo’y pag-aari na ni Kapitan Tiyago upang dalawin ang libingan ng kaniyang ina. Tinungo niya ang isang malaking puno ng baliti, huminto sa harap ng isang bunton ng mga bato, at wari’y nanalangin. Doon nalibing ang kaniyang ina at palagi niyang dinadalaw sa tuwing siya ay umuuwi. Nang gabing mamatay ang kaniyang ina ay may lalaking tumulong sa kaniyang humukay ng libingan nito at sunugin ang bangkay ng isa pang 7

lalaking hindi niya nakikilala. Binigyan siya ng kaunting pera ng lalaki at pinaalis sa lugar na iyon. Umalis siyang magulo ang isipan. Matapos ang pangyayaring iyon ay nagtungo si Basilio sa Maynila upang magpaalila at makapag-aral. Sa kabutihang palad ay nakita niya sina Kapitan Tiyago at Tiya Isabel. Natanggap siya sa tahanan ng mga ito bilang utusang walang bayad ngunit pinayagang makapag-aral sa San Juan de Letran kung kailan niya maibigan. Si Basilio ay pumasok sa paaralan nang walang kaayusan. Naging tampulan siya ng tawanan at madalas nilalait. Maging ang mga guro niya ay hindi siya tinatawag. Gayunpaman, matiyaga pa rin siyang nag-aaral ng mga leksiyon. Sa isang pagsusulit, sa kaniyang unang taon ay si Basilio lamang ang maluwalhating nakapasa sa sampung tinawag. Unti-unting bumuti ang lagay ni Basilio sa paaralan at dumating ang pagkakataong nakilala siya nang sumapit siya sa ikaapat na taon. Nanalo siya sa labanang sable at baston at nabigyan ng mataas na marka. Natamo niya ang sobresaliente nang siya ay nagtapos. Lumipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Dahil sa sariling hilig, medisina ang napili niyang kurso. Higit ang sipag at tiyaga niya sa pag-aaral kaya’t noong nasa ikatlong taon pa lamang sa kurso ay nanggagamot na siya. Nagkaroon siya ng sapat na pera, nakabili ng maayos na damit at nakaipon nang kaunti. Dalawang buwan na lamang at ganap na siyang doktor. Makauuwi na siya sa kaniyang bayan, pakakasal kay Huli, at mamumuhay nang maligaya.

Kabanata 7 : Si Simoun Pabalik na si Basilio sa bayan nang makita niya ang mag-aalahas na si Simoun. Matagal na pinagmasdan ni Basilio ang lalaki hanggang sa napagtanto niyang iyon din ang lalaking tumulong sa kaniyang humukay ng libingan ng kaniyang ina. Sa nakitang anyo ni Basilio sa mukha ni Simoun ay mababakas ang kapaguran, kaya't siya'y lumantad upang maghandog ng tulong. Nagulat ang mag-aalahas, kinuha ang baril at itinutok kay Basilio, na ikinagulat naman ng binata.

8

Nabatid ni Basilio ang lihim na pagkatao ng mag-aalahas. Binalak wakasan ni Simoun ang buhay ng binata sapagkat maaaring masira ang kaniyang mga plano. Ngunit nang masiguradong mapagkakatiwalaan ang binata ay hinimok na lamang ito ni Simoun na makipagtulungan sa kaniya. Tumanggi si Basilio sa alok ni Simoun sapagkat hindi niya nais na masangkot sa politika, at ang nais lamang niya ay payapa at masigasig na buhay. Ngunit hindi tumigil si Simoun na imulat ang mga mata niya sa mga totoong nangyayari at magiging kinabukasan umano ng bayan kung ipagpapatuloy ng mga kabataan ang kanilang ginagawa. Patuloy na hinamon ni Simoun si Basilio sa pamamagitan ng pagpapaalala ng mga pangyayaring dinanas ng kaniyang kapatid at inang si Sisa, na siya namang tila nagpaalab sa kalooban ng binata. At sapagkat mag-uumaga na ay pinutol na ni Simoun ang usapan. "Basilio, hindi ko ipinagbibiling itago mo ang aking lihim dahil alam kong ang pagiging malihim ay isa sa mabubuting kaugaliang iyong taglay. Ibigin mo mang ako'y ipagbili, ang unang paniniwalaan ay ang mag-aalahas na si Simoun, ang kaibigan ng may kapangyarihan at ng mga pari, kaysa sa magaaral na si Basilio na pinaghihinalaang pilibustero. Gayunman, sa sandaling magbago ang isip mo ay puntahan mo ako sa aking tahanan sa Escolta at buong-puso kitang paglilingkuran.” Nagpasalamat si Basilio at umalis.

Kabanata 23: Isang Bangkay Kapwa hindi dumalo sa palabas sina Simoun at Basilio dahil sa kaniyakaniyang pinagkakaabalahan. Ang mag-aalahas ay abala sa pagkausap sa iba’t ibang taong pumapanhik sa kaniyang tahanan samantalang si Basilio ay nakatuon ang atensiyon sa pag-aalaga kay Kapitan Tiyago na hindi raw maganda ang lagay n ang gabing iyon.

9

Ang may sakit na si Kapitan Tiyago ay nagiging bugnutin dala ng pagbabawas ng afian. Binubuhos kay Basilio ang kaniyang inis na tinitiis naman ng binata para sa ikagagaling ng pinagkakautangan ni ya ng loob. Nagtataka si Basilio sapagkat sa kabila ng pag-aalaga niya ay tila lalong lumalala ang kalagayan ng may sakit gayong liban sa kaniya ay sina Padre Irene at Simoun lamang ang malimit dumalaw rito. May sapantaha siyang mayroong nag-aabot ng afian sa matanda kapag siya ay wala sa tabi nito. Dumating si Simoun upang kumustahin ang kalagayan ni Kapitan Tiyago. Magmula nang magkita sila ni Basilio sa kagubatan ay ngayon lamang nagpakitang muli ang mag-aalahas. Makailang beses na nagpalitan ng salita ang dalawa hanggang tumunog ang orasang hudyat ng ikasampu at kalahating oras na ng gabi. Kinilabutan si Simoun nang marinig ang tunog ng orasan, pinigil niya ang pagsasalita ng binatang kaharap. Agad niyang isinalaysay sa binata ang pakay. Sa pamimiliang kakampi o kaaway ay walang nagawa si Basilio kung hindi tanungin ang papel niya sa himagsikang sisiklab daw sa gabing iyon. Iniatas sa kaniya ang pamumuno sa isang pulutong upang gibain ang pintuan ng Sta Clara at kuhanin si Maria Clara. Masamang balita naman ang tugon si Basilio nang isalaysay niyang si Maria Clara ay namatay na n ang mag-iikaanim ng hapon nang araw ding iyon. Gayon na lamang ang pighati ni Simoun at hindi makapaniwala sa nalaman. Ipinaliwanag ni Basilio na dinapuan ng karamdaman ang dalaga at saka iniabot kay Simoun ang sulat na pinadala ni Padre Irene para kay Kapitan Tiyago. Bigla itong umalis sa silid, pumanaog sa hagdan na tila hindi alam ang patutunguhan. Nakarinig si Basilio ng isang timping sigaw na wari’y hudyat ng pagsapit ng kamatayan.

10

Kabanata 26: Ang mga Paskin Maagang gumising si Basilio upang dalawin ang kaniyang mga pasyente sa ospital. Pagkatapos ay tutungo siya sa unibersidad upang ayusin ang mga kakailanganin sa kaniyang pagtatapos; pupuntahan din niya si Makaraig upang humiram ng perang gagamitin sa mahalagang araw na iyon. Halos hindi napansin ni Basilio ang kaguluhang nangyayari sa paligid; ang mga mag-aaral ay umuuwi sapagkat sarado ang mga paaralan at ang ilan ay tila namumutla at takot na takot. Tinanong siya ng mga kaibigang nasalubong kung may alam siya tungkol sa isang himagsikan; sinabi niyang naringgan lamang niya ito at agad siyang lumayo upang makaiwas. Sinalubong siya ng isang propesor sa klinika na kaniyang kaibigan at tinanong kung siya ay dumalo sa piging, agad naman itong itinanggi ni Basilio. Ngunit siya ay miyembro ng kapisanan ng mga estudyante, ang pinaghihinalaang may gawa ng mga paskin. Pinayuhan siya ng kaibigang umuwi na at punitin ang anomang papel na maaaring magpahamak sa kaniya. Ayon din sa propesor, si Simoun ay walang kinalaman sa kaguluhan sapagkat ito ay namamahinga sanhi ng pagkabugbog. Wala rin umanong kasaling mga tulisan bagkus puro mag-aaral ang kasangkot. Nalaman ni Basilio na ang mga paskin ay may kinalaman sa mga karahasan at iba pang katapangan. Naalala niya ang sinabi ni Simoun kaya’t nagdadalawang-isip siya kung may kinalaman ang mag-aalahas sa mga pangyayari. Nagtuloy sa unibersidad si Basilio upang tingnan kung bukas ang tanggapan ng kalihim. Nasalubong niya ang ilang kamag-aral na iba’t iba ang reaksiyon. Inabutan niya si Isagani na pilit pinalalakas ang loob ng mga kamag-aral. Hindi sumang-ayon si Basilio kay Isagani kaya umalis siya upang pumunta sa bahay ni Makaraig. 11

Nadatnan niya ang kabo at mga kasama nito na dinadakip si Makaraig. Tiningnan at nakita ng kabo sa listahan ang pangalan niya kaya siya ay nadamay sa pagdakip.

Kabanata 31: Mataas na Kawani Si Basilio na lamang ang naiwan sa loob ng piitan, hindi lamang dahil walang perang pantubos kundi dahil nahuli rin siyang nag-iingat ng mga aklat na ipinagbabawal at polyetong mula sa Espanya. Bukod dito’y sinasabing may nakapagbulong sa Heneral na dapat ay may maiwang isa upang walang maipintas sa kaniyang kapangyarihan at karangalan kundi’y lalabas siyang kahiya-hiya. Katulad ng inaasahan, si Makaraig ang unang nakalabas samanatalang si Isagani naman ay natagalan sapagkat nahuli nang dating ang amaing pari. Malaki ang malasakit ng Mataas na Kawani sa mga Pilipino kaya gayon na lamang ang pagnanais nito na matulungan si Basilio na makalabas sa kulungan. Ngunit sa halip na makabuti ay lalo pang napasama sapagkat matagal na silang may hidwaan ng Kapitan Heneral. Isinalaysay ng Kawani sa...


Similar Free PDFs