PAGSUSURI SA KWENTONG SANDAANG DAMIT NI FANNY GARCIA PDF

Title PAGSUSURI SA KWENTONG SANDAANG DAMIT NI FANNY GARCIA
Author J. Dela Cruz
Pages 6
File Size 325.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 13
Total Views 276

Summary

DALUBHASAANG COLUMBAN LUNGSOD NG OLONGAPO KOLEHIYO NG EDUKASYON PAGSUSURI SA KWENTONG SANDAANG DAMIT NI FANNY GARCIA INIHANDA NI: JAYSON L. DELA CRUZ BSEd- Filipino INIHANDA KAY: EMILIA PADILLA- SANCHEZ. Ed. D SA BAHAGYANG KINAKAILANGANG PAGTUPAD PARA SA PROYEKTO SA FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA ...


Description

DALUBHASAANG COLUMBAN LUNGSOD NG OLONGAPO KOLEHIYO NG EDUKASYON PAGSUSURI SA KWENTONG SANDAANG DAMIT NI FANNY GARCIA

INIHANDA NI: JAYSON L. DELA CRUZ BSEd- Filipino

INIHANDA KAY: EMILIA PADILLA- SANCHEZ. Ed. D

SA BAHAGYANG KINAKAILANGANG PAGTUPAD PARA SA PROYEKTO SA FIL 208 UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

DALUBHASAANG COLUMBAN, LUNGSOD NG OLONGAPO

DISYEMBRE 11, 2020

DALUBHASAANG COLUMBAN LUNGSOD NG OLONGAPO KOLEHIYO NG EDUKASYON I.

A. Pamagat: Sandaang Damit Ang paksa ng maiksing kwento ay tumutuoy sa pagkukunwaring ginawa ng isang batang babae na siya ay mayroong sandaang damit upang matanggap siya ng kanyang mga kaklase.

B. May-Akda: Ito’y isinulat ni Fanny Garcia na isinilang sa Malabon City noong Pebrero 26, 1949, siya ay isang guro, manunulat (fictionist, essayist, sclriptwriter), editor, mananaliksik, at tagapagsalin. Nagtapos siya sa University of the Philippines-Diliman ng PHD sa Malikhaing pagsusulat. Nakapaglathala na siya ng anim na libro: Sandaang Damit at Iba Pang Maikling Kuwento (1994); Apartment 3-A Mariposa St. (1994); Pitong Teleplay (1995), co-editor; Apat na Screenplay (1997), co-editor; Erik Slumbook: Paglalakbay Kasama Ang Anak Kong Austistic (2004), Family Album (2005). Kasama rin siya sa mga manunulat na nasa CCP Encyclopedia of Philippine Art, VolumeIX, Literature. Paulit-ulit na nailathala sa mga librong panghayskul at kolehiyo ang mga maikling kuwento't sanaysay niya. Nagkamit siya ng National book award, Cordero Research Award, at Outstanding Book/monograph award in Filipino sa librong Erick Slumbook: Paglalakbay kasama ang Anak Kong Autistic. II.

Buod May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang kanyang pagiging walang imik sa klase at madalas na nakaupo lamang siya sa isang sulok. Siya ay madalas na tinutukso ng kanyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik lamang ang kanyang damit at kung oras na ng kainan ay nakikita nilang ang kanyang baon ay kapiraso lamang ng tinapay na madalas pang walang palaman. Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sa kanyang ina ang kanyang dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina sa kanyang kalagayan. Sinasabi na lamang nito sa batang babae na ibibili na lamang siya ng bagong damit at masarap na baon kung makakakuha na ng trabaho ang kanyang ama.

DALUBHASAANG COLUMBAN LUNGSOD NG OLONGAPO KOLEHIYO NG EDUKASYON Dumating ang araw na naintindihan na niya ang kalagayan ng kanilang pamilya. Hindi na niya sinasabi sa kanyang ina ang kanyang nararanasang panunukso mula sa kanyang mga kaklase at natuto na siyang sarilinin ang kanyang nararamdaman. Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang panunukso ng kanyang mga kaklase at natuto na siyang lumaban. Sinabi niya sa kanila na siya ay may sandaang damit sa kanilang bahay. Hindi naniwala ang kanyang mga kaklase. Upang mapaniwala sila, inisa-isa niya ang mga disenyo ng bawat damit niya at dahil ditto ay naniwala na sila sa kanya. Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Naging kaibigan na siya ng mga ito. Naging palasalita na siya at hindi na siya mahiyain. Minsan nga ay binabahagian pa siya ng mga ito ng kanilang masarap na baon. Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa klase ng batang babae. Nang lumipas ang isang lingo ng kanyang pagliban ay nagpasiya ang kanyang mga kaklase na dalawin siya sa kanilang bahay. Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang isang paytat na babae at nakita nila ang isang bahay na tagpi-tagpi lamang, luma at salat sa marangyang kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batang babae na nakahiga at may sakit pala. Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel na nakapaskil sa dingding. Nakita nila ang mga larawang tulad ng binanggit ng batang babae. Totoong naroroon ang sandaang damit na ni minsan ay hindi pa nila nasilayan. Ito ang Sandaang damit na pawang iginuhit lamang sa papel.

III.

Pagsusuri A. Uring Pampanitikan Ang Saandaang Damit ay isang maikling kwento na kung saan makikita at maaring mabatid ang katangi tanging mahahalagang pangayayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang pangkat takdang panahon. B. Estilo ng Paglalahad Ang mailing kwento ay ginamitan ng pasalaysay at paglalarawan na paraan. Isinalaysay ng may akda kung saan, kailan at paano naganap ang bawat pangyayari.

DALUBHASAANG COLUMBAN LUNGSOD NG OLONGAPO KOLEHIYO NG EDUKASYON Nakalitaw din ang paggamit ng paglalarawan kung saan inilarawan ng may akda ang kilos at galaw ng bawat tauhan habang nagaganap ang bawat pangyayari.

C. Mga Saligang Reaksyon C1. Teorya A. Realismo Makikita na ang bawat pangyayari sa kwento ay nangyayari sa totoong buhay. Katulad na lamang ng batang babae na pumapasok sa paaralan na walang baon at tila madalas natutukso dahil sa estadong panlipunan. Ang labis na kahirapan ang siyang nagiging dahilan kung bakit tayo madalas nakakaranas ng diskriminasyon maging sa paaralan at hindi pantay na pagtingin sa lipunan na ating ginagalawan.

B. Simbolismo Ipinakita ang simbolismo sa akda sa pamamagitan ng sandaang damit na pinanghahawakan ng batang babae na sumasagisag sa kanyang kasiyahan. Ang sandaang damit ang naging susi upang matanggap ang batang babae ng kanyang mga kaklase at ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng mga kaibigan.

C. Romantisismo Ang kwento ay nagpapahayag ng masidhing pagmamahal ng ina sa kanyang anak. mapapansin sa kwentong ito ang nararamdaman ng isang ina sa tuwing nasasaktan o may masamang nangyari sa kanilang anak. Ipinapahayag rin dito ang paghahangad ng mga ina ng nakabubuting bagay para sa kanilang anak.

D. Klasismo Bagamat nakararanas ng kalupitan ang batang babae mula sa kanyang mga kaklase mababatid na pinairal ng batang bata ang kanyang kabutihan at kailanman ay hindi naisipan gumanti o gumawa ng masama sa kanyang kapwa.

DALUBHASAANG COLUMBAN LUNGSOD NG OLONGAPO KOLEHIYO NG EDUKASYON E. Feminismo Binibigyan ng diin ang pagiging matatatag at matapang ng batang babae bagamat nakararanas siya ng hindi magandang mga karanasan sa loob ng paaralan. Gayun din ang katangian ng kanyang ina na siyang nagtuturo na huwag gumanti dahil wala itong magandang maidudulot.

C2. Mga Pansin at Puna C.2.1. Mga Tauhan a. Batang Babae- Ang pangunahing tauhan sa kwento na nakakaranas din ng panunukso. b. Mga Kaklase- Ang mga nanunukso sa batang babae c. Ina at ama- Mga magulang at tagapag-alaga ng batang babae C.2.2. Galaw ng mga pangyayari Habang binabasa ang maikling kwento, mababatid natin na tila mabilis ang galaw ng mga pangyayari. Mababatid na maayos ang banghay ng pagkakasunod sunod ng banghay sa kwento at akma ang tagpuan sa bawat kilos at galaw ng mga tauhan. Tila sa simula pa lamang ng kwento ay hitik na ito sa paggamit ng mga paglalarawan sa bawat tauhan na siyang nagpapakilos naman sa bawat mambabasa upang sundan ang daloy ng istorya sa kwento.

C.2.3. Bisang pampanitikan a. Bisa sa isip Natanim sa aking isipan na dapat kong ingatan at pahalagahan lahat ng bagay na mayroon ako. Itinuro sa’kin ng kwento na hindi natin kinakailangang sumabay sa dikta ng mundo, huwag natin baguhin o itago kung ang ating pagkatao para lamang matanggap tayo ng lipunan na ating ginagalawan.

DALUBHASAANG COLUMBAN LUNGSOD NG OLONGAPO KOLEHIYO NG EDUKASYON b. Bisa sa damdamin Nalungkot ako para sa batang babae dahil Sa kwentong ito, napilitang magsinungaling ang bata dahil hindi na niya matiis ang ginagawang panunukso ng kanyang mga kaklase. Ganun na lang din ang paghanga ko sa batang babae dahil naging matatag siya sa laban ng kanyang buhay gaano man kahirap ang kanyang pinagdaraanan.

c. Bisa sa kaasalan Kumintal sa aking isipan na huwag natin agad husgahan ang isang tao batay lamang sa kung ano ang nakikita natin. Ang bawat isa sa’ting lahat ay may kanya kanyang problema na binibitbit at pinagdaraan kaya naman ugaliin natin na maging mabuti sa’ting kapwa dahil walang magandang maidudulot ang pambubuyo.

d. Bisa sa lipunan Kung ito’y mababasa ng nakakarami, mauunawaan nila kung ano at paano ang diskriminisasyon na nararanasan ng isang tao sa lipunan ng dahil lamang sa kanyang panlabas na katayuan at katayuang panlipunan. Hindi rin maganda na maghangad tayo ng mga bagay na masyadong sobra-sobra....


Similar Free PDFs