Heneral Luna Pagsusuri Sa Asignaturang Sinesosyalidad PDF

Title Heneral Luna Pagsusuri Sa Asignaturang Sinesosyalidad
Course Bachelor in Medical Laboratory Science
Institution University of Pangasinan
Pages 7
File Size 83.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 60
Total Views 255

Summary

A. Pamagat ng PelikulaHeneral Luna(General Luna)(2015)B. May Akda Jerrold Tarog – direktor Henry Hunt Francia - sinematograhpy E Rocha - producerC. Buod ng PelikulaAng pelikulang Heneral Luna ay umiikot sa buhay ni Heneral Antonio Luna ang isa sa pinakamahusay na heneral na namuno sa mga Pilipino...


Description

A. Pamagat ng Pelikula Heneral Luna (General Luna) (2015)

B. May Akda  Jerrold Tarog – direktor  Henry Hunt Francia -

sinematograhpy

 E.A Rocha - producer

C. Buod ng Pelikula Ang pelikulang Heneral Luna ay umiikot sa buhay ni Heneral Antonio Luna ang isa sa pinakamahusay na heneral na namuno sa mga Pilipino sa digmaan laban sa mga Amerikano. Ang kwento ay nagsimula nang magkaroon ng pagtatalo ang mga opisyales sa kanilang cabinet meeting.Kasama rito sina Emilio Aguinaldo na pangulo noong panahon na iyon, Apolinario Mabini, Heneral Mascardo, Felipe Buencamino, Pedro Paterno at si Heneral Antonio Luna. Ang ibang opisyales ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay makatutulong upang tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas habang ang iba naman ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay ang magiging dahilan ng pagbagsak ng Pilipinas tulad na lang ni Heneral Luna. Makalipas ang ilang araw, pinuntahan ng mga sundalong Pilipino ang lugar ng mga sundalong Amerikano at biglang pinutukan ng Amerika ang mgaPilipino. Dahil dito, pinamunuan ni Heneral Luna ang mga digmaan laban sa Amerika at ito ay nagpatuloy sa mahabang panahon. Sa mga digmaang ito, maraming Pilipino ang namatay at marami rin ang tumakas na sundalo dahil sa katakutang mamatay. Dahil dito, nag-utos si Heneral Luna na magpadala ang ibang lugar ng mga Pilipino na maaaring sumali sa digmaan. Isa sa mga taong hindi sumunod sa utos ni Heneral Luna ay si Kapitan Janolino, ang pinuno ng Kawit, Cavite. Hindi niya sinunod ang utos ni Heneral Luna sapagkat hindi naman daw ito galling kay Pangulong Emilio Aguinaldo. Dahil dito, pinuntahan niya si Kapitan Janolino at tinakot na ito ay papatayin ayon sa nakalahad sa Artikulo Uno. Dahil dito, lagi na niyang ginamit ang Artikulo Uno para maging panakot sa mga hindi susunod sa kanyang utos. Ito ang dahilan kung bakit siya tinatawag na Heneral Artikulo Uno. Siya ay nagtipon ng 4,000 tao sa pamamagitan ng pagtakot sa kanila gamit ang Artikulo Uno nanagsasabing ang hindi sumunod sa utos ng heneral ay

papatayin at wala ng pagsubok sa hukuman. Dahil dito, maraming tao ang nagalit at natakot sa kanya. Nagsumbong din ang pinuno ng Kawit, Cavite kay Pangulong Emilio Aguinaldo dahil sa ginawa ni Heneral Luna. Nang magkaroon ng ikalawang cabinet meetingang mga opisyales, ipinakulong ni Heneral Luna si Felipe Buencamino at Pedro Paterno dahil sila ay hindi sang-ayon sa mga ginagawa ni Heneral Luna at sila rin ay ilan sa mga taong pinaniniwalaang ang Amerika ay makatutulong upang tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas. Dahil dto sinabihan ni heneral luna na trydor si buencamino dahil dati syang kaanib sa gobyernno ng espanya at dahil nagpaanbot sila at inaresto si Buencamino at Felipe at sina bi ni luna mas may malaking kaaway kaysa mga Amerikano yun ay ang ating mga sarili at palabras nya sa pag pupulong, naginit ang kanyang ulo at binaril ang manok ng isang nabebenta at sinabi ang katagang walang nakaka-angat sa batas kahit pa presedent man pagkatapos bumalik na sya sa kampo para pag handaan at planohin ang susunod na geyra. Pero dahil sa ayaw nyang sumonod sa utos ni heneral luna at dinalhan sya ng kabaong dahil sinabi neto pag aarestohin sya mag dala ng kabaong. Pagkatapos ng pagaresto nabalitaan ni Luna sinugod ang kampo ng bagbag at kinga kaya dali dali silang bumalik ngunit sa kasamaang palad di nila napagtagumpayan ang pag depensya sa kampo at umatras sila at dahil doon napag pasyahan ni luna na isukona at mag bitiw bilang punong sandatahan ng posisyon dahil sa nakalaya na ang mga traydor pero di pumayag si aguinaldo kaya hiniling nya pabayaan syang mamuno at magdisplina. Isang araw may telegramang dyumating kay Heneral Luna na galling kay Presidente Aguinaldo na kung saan sya ay pinapa punta sa isang pulong. Si heneral Luna at ang daawang kapitan nalang nya ang nauna sa pulong sa kadahilanang nag karoon ngproblema ang ibang kawal sa pa tawid sa ilog. Ang pag punta na pala nya sa pulon na iyon ang kanyang huling sandali, sapagkat siya ay walang awang pinatay ng mga kawal at ng kapitan ng kanyan pinahiya kasama nyang namatay si Rusca. Ngunit walang sinuman ang nakaalam kung sino talaga ang pumatay kay Heneral Luna.

D. Pagsusuri I.

Uri ng panitikan

Di-peksyon – pelikula – sumasalamin sa buhay at kasaysayan

II.

Kahulugan ng pamagat

Ang kahulogan ng pamagat ay ang mismon buhay ni Antonio Luna noong panahon ng digmaan Filipino- Amerilano ipinapakita dito kaniyang buhay

bilang lider o Heneral ng Hukbong Sandatahan ng Republika ng Pilipinas laban sa mga Amerikano. Ipinapakita din ang kasaysayan ng pilipinas sa noong makawala sa pamumuno ng mga espanyol at pag dating ng mga amerikano.

A.

Mga tauhan

 John Arcilla

(Antonio Luna)

 Mon Confiado

(Emilio Aguinaldo)

 Arron Villaflor

(Joven Hernando)

 Jeffrey Quizon

(Apolinario Mabini)

 Paulo Avelino

(Gregorio del Pilar)

 Joem Bascon

(Paco Roman)

 Archie Alemania

(Eduardo Rusca)

 Arthur Acuna

(Manuel Bernal)

 Alvin Anson

(Jose Alejandrino)

 Nonie Buencamino

(Felipe

 Ronnie Lazaro

(Lt. Garcia)

 Benjamin Alves

(Manuel L. Quezon)

 Leo Martinez

(Pedro Parterno)

 Ketchup Eusebio

(Capitan Janolino)

 Lorenz Martinez

(Gen. Tomas

Buencamino)

Mascardo)

E. Mga Reaksyon 1. Sa mga nagsipag ganap 

John Arcilla bilang Gen. Antonio Luna- Napakahusay at bagay na bagay sakanya ang kaniyang karakter. Punong puno ng emosyon ang bawat linyang binibitawan at tagos sa kaluluwa at damdamin ang kaniyang mga salita. Nakakamangha ang taglay niyang tindig sa anumang anggulo. Dahil sa kanyang pag arte ay muling naisabuhay ang tanyag na Heneral na si Antonio Luna























Arron Villaflor/ Joven Hernando- Ang kaniyang pananalita at pag arte ay napakahusay sapagkat kahit mahinahon ang kaniyang dialogo ay nagagawa niyang mas bigyang diin ito. Mon Confiado/ Emilio Aguinaldo- Ang kaniyang tindig bilang isang president ay kamangha mangha. Talagang masasabi na pinag handaan niya ang karakter niya sapagkat kuhang kuha niya ang isang mukha ng president na nalilito kung talagang may kalayaan nga ba ang bansa natin. Joem Bascon/ Col. Paco Roman- Nakakamangha ang kaniyang pagiging tapat sa heneral kahit sa ka huli huliang sandali ng kanyang buhay. Napakahusay ang kaniyang pag ganap sa kanyang karakter pati na rin ang tono ng kanyang boses. Alvin Anson/ Gen. Jose Alejandrino- Napaka husay ang kaniyang pag arte. Napaka ganda ng kanyang pananalita at pag arte at kitang kita rin sa kanyang karakter na napaka seryoso at respetadong tignan. Archie Alemania/ Capt. Eduardo Rusca- Nakakaaliw ang kaniyang pag ganap sa karakter sapagkat naipakita niya na kahit nasa kasagsagan ng giyera ang ating bansa ay nakuha niya paring maging masiyahing tao. Nakakamangha ang pagiging tapat niya sa heneral kahit ano man ang mangyari at lubos na nakakamangha iyon. Jeffrey Quizon/ Apolinario Mabini- Tunay ngang napaka husay ang pag ganap niya sa kanyang karakter. Nabigyang buhay niya si Mabini sa kanyang magaling na pag arte at pagbigkas ng mga salitang matalinhaga. Dagdagan pa ng kanyang husay sa kanyang ekspresyon tunay na napaka galing. Leo Martinez/ Pedro Paterno- Sa totoo lang, labis ang aming nararamdamang inis sakanya at dahil dun napaka galing ng kanyang pag arte sapagkat kinaiinisan siya ng karamihan ng manonood. Bagay na bagay sakanya ang kaniyang karakter Nonie Buencamino/ Felipe Buencamino- Nakakainis ang kaniyang tindig at pananalita. Subalit ang kanyang mga dialogo ay mahusay ang pagkaka bigkas at ang tono ay tamang tama lang. Mylene Dizon/ Isabel- Ang kaniyang tono sa pananalita ay napaka husay at dahil doon hindi siya nakikitang isang pangkaraniwang babae lamang. Mas nakikita siya bilang isang matapang at ka respe respetong babae. Bing Pimentel/ Dona Laureana Luna- Isa siyang babaeng ka respe repeto at puno ng dangal ang kaniyang karakter. Naipakita niya na kahit isa siyang matapang na babae ay taglay niya ang pagmamahal ng isang ina. Lorenz Martinez/ Gen. Tomas Mascardo- Talaga namang napaka husay ang kanyang pag ganap sa kaniyang karakter. Ang galit at poot sa kanyang karakter ay naipapakita niya at dahil doon ay kinaiinisan sya.



Ketchup Eusebio/ Capt. Janolino- Napakahusay ng kaniyang pag arte kahit na nakakainis ang kaniyang karakter. Nabuhay ang galit at pagkainis namin dahil sakanya.

2. Istilo ng Manunulat ng Iskrip Tunay nga na napagaling ang pagkaka sulat ng iskrip. Madaming linya ang tumatak ng husto sa aking isip at mas lalo ko minahal ang ating kultura at nais na may gawing paraan para umunlad na may pagkakaisa. Naipakita sa mga dialogo na ang salita ay sadyang makapangyarihan sa lahat at kaya nitong bumuo ng pag babago para sa lahat mabuti man o masama. 3. Istilo ng Pagdidirehe Nakaka mangha ang pag didirehe ng director sapagkat naisabuhay niya ang mga pangyayaring naganap sa panahon ni Antonio Luna. Lahat ng karakter na napili para sa pelikulang ito ay napaka galing at pasok sa diskripsyon batay sa mga kasulatan. Ang emosyon ng bawat karakter ay isang malaking puntos sa kagalingan ng pelikulang isinasagawa. F. Mga Teoryang Pampanitikan Teoryang Realismo Ang mga kaganapan sa pelikula ay nangyayari hanggang sa ngayong henerayon. Ang pagiging gahaman sa kapangyarihan ay patuloy na nararanasan lalo na ngayong papalapit na eleksyon. Gagawin lahat ng kandidato upang siya ang manalo at sa huli ang kanilang pangako na umunlad ang ating bansa ay limot na dahil sa pagiging gahaman sa kapangyarihan. Ang ating kalayaan ay matagal ng nakamit ngunit totoo nga ba iyon? Hindi na ba tayo nakakulong sa ating sariling bayan na kung saan may pagkakaiba parin sa pagtingin batay sa estado ng buhay. Sa kasamaang palad maaring hindi maalis ang ganoong pag iisip ngunit maisasaayos natin lahat ng kamalian ng kahapon sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagmamahalan, respeto sa lahat ng tao hindi base sa estado ng buhay, at ang pinaka importante ay maging mabait sa lahat ng tao. Teoryang Eksistansyalismo Ang pagpili ni Antonio Luna na hindi umanib sa mga Amerikano upang makamtan ang kalayaan at upang maging malaya ang mga Pilipino ay sadyang nakaka manghang isipin. Hindi nasayang ang kaniyang pagkamatay sapagkat meron at merong mga taong mag sisimula ng kaniyang naumpisahan at yun ang kabataan sa ngayong henerasyon. May mga tao talagang mas inuuna ang kapangyarihan ngunit alipin parin sa tinubuang bayan. Walang matibay na rason kung bakit ganun lang kadaling ipag benta ang dangal sa kanilang sarili para lang sa negosyo o ikakauunlad ng kanilang sarili.

Teoryang Feminismo Naipakita sa pelikula na hindi lang mga lalake ang kayang ipagtanggol ang kalayaan ng ating bansa laban sa mga Amerikano. May mga mangilan ngilang kababaihan ang naipakita na nakikipag laban na may mga armas at sila ay isang mga sundalo na lumalaban para sa kalayaan ng ating bansa. G. Bisang Pampanitikan 1. Bisa sa Isip Higit na mas importante ang ating kalayaan kahit sa ano pa mang material na bagay o kapangyarihan. Aanhin mo naman ang isang magandang pamumuhay kung alipin naman tayo sa ating bayan. Bawat isa satin ay may karapatan, ugalihing pagyamanin ang mga aral na naituro satin upang mag hatid ng kalayaan at kapayapaan para sa lahat. 2. Bisa sa Damdamin Ang rumaragasang galit at mga aral na ating napag aralan sa panonood ng pelikulang ito ay naghatid satin upang mas kilalanin natin ang ating mga sarili ganoon din ang pag gising sa ating pagka makabayan at pagmamahal sa bansa. Kami ay nag papasalamat sa lahat ng bumubuo ng pelikulang Heneral Luna sapagkat ginising nito ang aming pagkamakabayan at pagmamahal sa sarili at kapwa. 3. Bisa sa Kaasalan Ang pagiging matapang ay likas na sa ating mga Pilipino. Sa totoo lang, napaka daming ibig sabihin ang salitang “Matapang”. Andiyan ang pagiging makabayan, pag sasalita ng totoo at hindi gawa gawa lamang, pakikipag laban sa mga dayuhang pilit na inaangkin ang ating mahal na bansa, at pag gawa ng rebolusyon upang makamit ang kalayaan sa ating bansa. 4. Bisa sa Lipunan Sa kasalukuyang panahon, ibat iba na ang prinsipyo ng bawat isa satin at magkaiba na rin ang ating ipinag lalaban. Gayunpaman, huwag sanang maalis saating pagkatao ang mga aral na nag turo saating maging matapang at alamin ang mga bagay kung ito ba ay nakaka buti satin o hindi.

Sanggunian https://www.imdb.com/title/tt4944352/fullcredits/...


Similar Free PDFs