Heneral-Luna - research about general luna PDF

Title Heneral-Luna - research about general luna
Author Rae Bernardo
Course Introduction to Psychology
Institution St. Scholastica's College
Pages 4
File Size 71.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 82
Total Views 144

Summary

research about general luna...


Description

35 Rainbow Santos

Disyembre 4, 2017

37 Luisa Tiongco

CA-Filipino 8 Rebyu ng Pelikula (Heneral Luna)

Buod ng Pelikula Ang pelikulang Heneral Luna ay umiikot sa buhay ni Heneral Antonio Luna – ang isa sa pinakamahusay na heneral na namuno sa mga Pilipino sa digmaan laban sa mga Amerikano. Ang kwento ay nagsimula nang magkaroon ng pagtatalo ang mga opisyales sa kanilang cabinet meeting. Kasama rito sina Emilio Aguinaldo na pangulo noong panahon na iyon, Apolinario Mabini, Heneral Mascardo, Felipe Buencamino, Pedro Paterno at si Heneral Antonio Luna. Ang ibang opisyales ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay makatutulong upang tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas habang ang iba naman ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay ang magiging dahilan ng pagbagsak ng Pilipinas tulad na lang ni Heneral Luna. Makalipas ang ilang araw, pinuntahan ng mga sundalong Pilipino ang lugar ng mga sundalong Amerikano at biglang pinutukan ng Amerika ang mga Pilipino. Dahil dito, pinamunuan ni Heneral Luna ang mga digmaan laban sa Amerika at ito ay nagpatuloy sa mahabang panahon. Sa mga digmaang ito, maraming Pilipino ang namatay at marami rin ang tumakas na sundalo dahil sa katakutang mamatay. Dahil dito, nag-utos si Heneral Luna na magpadala ang ibang lugar ng mga Pilipino na maaaring sumali sa digmaan. Isa sa mga taong hindi sumunod sa utos ni Heneral Luna ay si Kapitan Janolino, ang pinuno ng Kawit, Cavite. Hindi niya sinunod ang utos ni Heneral Luna sapagkat hindi naman daw ito galling kay Pangulong Emilio Aguinaldo. Dahil dito, pinuntahan niya si Kapitan Janolino at tinakot na ito ay papatayin ayon sa nakalahad sa Artikulo Uno. Dahil dito, lagi na niyang ginamit ang Artikulo Uno para maging panakot sa mga hindi susunod sa kanyang utos. Ito ang dahilan kung bakit siya tinatawag na Heneral Artikulo Uno. Siya ay nagtipon ng 4,000 tao sa pamamagitan ng pagtakot sa kanila gamit ang Artikulo Uno na nagsasabing ang hindi sumunod sa utos ng heneral ay papatayin at wala ng pagsubok sa hukuman. Dahil dito, maraming tao ang nagalit at natakot sa kanya. Nagsumbong din ang pinuno ng Kawit, Cavite kay Pangulong Emilio Aguinaldo dahil sa ginawa ni Heneral Luna. Nang magkaroon ng ikalawang cabinet meeting ang mga opisyales, ipinakulong ni Heneral Luna si Felipe Buencamino at Pedro Paterno dahil sila ay hindi sang-ayon sa mga ginagawa ni Heneral Luna at sila rin ay ilan sa mga taong pinaniniwalaang ang Amerika ay makatutulong upang tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas. Nagkaroon din ng malaking alitan sa pagitan nina Heneral Luna at Heneral Mascardo dahil hindi sumunod si Heneral Mascardo sa utos ni Heneral Luna na siya ay bumalik sa Bagbag para sa digmaan laban sa Amerika. Dahil sa kanyang hindi pagsunod, siya ay pinakulong din ni Heneral Luna. Binisita rin ni Heneral Luna si Mabini at Pangulong Aguinaldo upang sabihin na siya ay mag-

reretiro na ngunit hindi ito tinanggap ng dalawa. Nang makalaya sina Buencamino at Paterno, sinabi nila kay Pangulong Emilio Aguinaldo na may balak si Heneral Luna na patalsikin si Pangulong Aguinaldo sa pwesto at patayin ito. Sa pagtatapos ng pelikula, si Heneral Luna ay nakatanggap ng telegrama mula kay Pangulong Aguinaldo na nagsasabing siya ay pumunta sa Cabanatuan, ang headquarters ni Aguinaldo. Nang makarating siya roon kasama sina Roman at Rusca, ang kanyang pinagkakatiwalaang sundalo, natuklasan niya na nakaalis na si Aguinaldo at ang tanging nandoon ay si Buencamino at sila ay nag-usap gamit ang maiinit na salita. Habang sila ay nag-uusap, may narinig silang barilan sa labas kung kaya’t si Heneral Luna ay lumabas. Sa kanyang pag-labas, nakita niya si Kapitan Jalonilo at ang kanyang mga tauhan at siya ay pinagsasasaksak at binaril nang paulit-ulit. Kasama niyang namatay sina Roman at Rusca. Sa pagkamatay nila, iniutos ni Pangulong Aguinaldo na sila ay ilibing ng buong military. Itinanggi ni Pangulong Aguinaldo at Buencamino ang akusasyong sila ang pumatay kay Heneral Luna. Kwento Ang istorya ng pelikulang ito ay umiikot sa buhay ng isa sa mga pinakamagaling na heneral ng Pilipinas, si Heneral Antonio Luna. Ang mga pangyayari sa pelikulang ito ay naganap maraming taon na ang nakalilipas, noong 1899. Masasabi na ang pelikulang ito ay katangi-tangi sapagkat tungkol ito sa totoong buhay ng isang tao sa ating kasaysayan habang halos lahat ng mga pelikula natin ngayon sa kasalukuyan ay piksyon at tungkol sa pag-ibig o kababalaghan. Masasabi ring maayos at malinaw ang pagkakakuwento sa istorya ng buhay ni Heneral Luna kaya nakakapukaw rin ito ng interes. Tema Ang tunay na kalaban nating mga Pilipino ay ang ating mga sarili. Tayo mismo ang dahilan kung bakit nagiging mahirap ang sarili nating mga buhay. Pinaka-makikita ang temang ito sa eksena kung saan pinatay ng mga kapwa Pilipino si Heneral Luna dahil lamang hindi nila nagustuhan ang mga plano at nais niyang gawin upang makamit ang kasarinlan sa Pilipinas, Masasabi natin na ang paksang ito ay katotohanan kahit sa kasalukuyan kaya kahit na ang istoryang ito ay naganap maraming taon na ang nakalilipas, natatamaan pa rin tayo ng pelikulang ito, Halimbawa, sa kasalukuyan, tayo mismong mga Pilipino ay ang nagpapatayan at hindi nagbibigayan ng hustisya kaya araw-araw dumarami ang bilang ng mga namamatay na inosenteng Pilipino. Dahil sa pelikulang ito, hindi natin mapigilang balikan ang sarili nating mga aksyon at mapaisip kung nakatutulong nga ba ang mga ito sa ating bansa o hindi.

Pamagat ng Pelikula Masasabi nating akma ang pamagat ng pelikula sapagkat ang kwento ng pelikula ay umiikot sa buhay ni Heneral Luna at kung papaano niya pinamunuan ang mga Pilipino sa digmaan laban sa mga Amerikano. Ang pelikula ay ukol din sa kalupitan at kahusayan ni Heneral Luna pagdating sa pamumuno. Isa rin sa maaaring pamagat ng pelikula ay “Kasaysayan” sapagkat ang pelikula ay umiikot din sa panahong sinakop ng Amerika ang Pilipinas, isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating kasaysayan. Pagganap ng mga Tauhan Masasabi nating ang mga piniling aktor para sa iba’t ibang roles ay mahuhusay lalo na si John Arcilla na gumanap bilang Heneral Luna. Makikita natin ang kanyang dedikasyon sa pag-arte at talagang napakita niya sa mga manonood kung sino si Heneral Antonio Luna. Isa sa mga bagay kung bakit hindi matutuwaran ang pag-arte ni John Arcilla ay dahil sa emosyon na ating makikita sa kanyang mukha at kung papaano niya sabihin ang kanyang mga linya. Binibigyan din niya tayo ng iba’t ibang damdamin patungo sa kanya. Makikita rin natin ang husay sa pag-arte ni Mon Confiado na gumanap bilang Pangulong Emilio Aguinaldo. Kahit hindi ganoon karami ang kanyang mga linya, napakita pa rin niya sa atin kung sino si Pangulong Aguinaldo. Napakita niya sa atin kung paano mamuno si Pangulong Aguinaldo sa panahon noon. Isa rin sa mahusay na aktor sa pelikulang ”Heneral Luna” ay si Nonie Buencamino na gumanap bilang Felipe Buencamino. Naparamdam niya sa atin ang angking tapang ni Felipe Buencamino. Ilan pa sa mga actor na nagpakita ng kahusayan pagdating sa pag-arte ay sina Epy Quizon na gumanap bilang Apolinario Mabini, Joem Bascon bilang Paco Roman, Archie Alemania bilang Eduardo Rusco at Ketchup Eusebio bilang Kapitan Janolino. Diyalogo Ang mga linya ng mga tauhan ay makatotohanan sapagkat sa panahon noon, wala pa masyadong halong Ingles ang ating mga salita kung kaya’t matitigas at malalalim ang mga salitang ginamit sa buong pelikula. Isa sa mga linyang tumatak sa aking puso’t isipan ay ang linyang sinabi ni Heneral Luna, “Mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano, ang ating sarili.” Masasabi ko ring maganda ang mga salitang ginamit sa pelikula sapagkat ito ay akma sa panahong pinangyarihan ng pelikula.

Cinematography Masasabing tunay nga na mahusay ang pagkakagawa sa pelikulang “Heneral Luna.” Maganda at nakabibighani ang mga angulo at lighting na mga ginamit sa pelikula. Ang tamang pagpili sa mga angulo at lighting ay mas nakapagbigay ng buhay, aksyon, at karakter sa pelikulang ito. Halimbawa, sa eksena kung saan sumugod si Luna sa mga sundalong Amerikano gamit ang isang kabayo, naging mas nakasasabik at tila ba mas matindi ang laban sa pagitan nila at ng mga Amerikano sapagkat napagplanuhan nila nang maigi ang mga gagamiting angulo. Iba pang Aspektong Teknikal Isa pang dahilan kung bakit masasabing maganda ang pelikulang ito ay ang maayos na pagkakalapat ng musika. Ang mga musikang pinili nila ay akma sa eksena at nagawang iparamdam sa atin ang tindi ng emosyon na kasalukuyang nagaganap. Halimbawa, noong naglalaro si Heneral Luna ng gitara, ramdam na ramdam natin ang kaniyang pagluluksa at galit sa mga taksil at sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Maganda rin ang daloy ng transisyon mula sa isang eksena papunta sa isa pang eksena. Isang halimbawa nito ay ang parte ng pelikula kung saan inalala ni Heneral Luna ang mga panahong bata pa lamang siya at buo pa ang kaniyang pamilya. Tuloy tuloy ito at tila ba tayo’y naroon talaga at nanonood sa mga pangyayari sa kaniyang buhay noong siya’y bata pa lamang. Ang ilan pa sa mga nagpaganda sa pelikulang ito ay ang mga nakakapaniwalang sound effects at make-up ng mga artista, at maayos ding pagkaka-edit sa pelikula. Isyung Panlipunan Ipinakita sa atin ng pelikulang ito na mula noon pa, laganap na at malaki na ring isyu sa ating bansa ang korupsyon, kawalan ng pagmamahal sa bayan, at abuso sa kapangyarihan. Halimbawa, nakita natin ang mga ito kina Buencamino at Paterno noong ipinahiwatig nila na sumuko na lamang ang mga Pilipino at makipagkasundo sa mga Amerikano dahil kaya nilang palakasin ang ating ekonomiya sapagkat higit na mas mayaman sila kaysa sa Pilipinas. Nakita rin natin ang kawalan ng pagmamahal sa bayan sa mga sundalong duwag na tumakbo palayo sa kanilang mga estasyon sa halip na ipaglaban ang kalayaan ng bansa....


Similar Free PDFs