General Luna Reflection DOCX

Title General Luna Reflection
Author Angelica Z
Pages 1
File Size 163.6 KB
File Type DOCX
Total Views 49

Summary

REPLEKSYON Bago panoorin ang pelikula, tinanong ko ang sarili ko, kilala ko ba si heneral Luna? Oo, malamang ang sagot ko sapagkat mula elementarya ay ang apelyidong “Luna” ang isang salitang bukambibig na ng aking mga guro. Kilala ko ang kanyang apelyido ngunit hindi ko lubos na kilala king sino ba...


Description

REPLEKSYON Bago panoorin ang pelikula, tinanong ko ang sarili ko, kilala ko ba si heneral Luna? Oo, malamang ang sagot ko sapagkat mula elementarya ay ang apelyidong "Luna" ang isang salitang bukambibig na ng aking mga guro. Kilala ko ang kanyang apelyido ngunit hindi ko lubos na kilala king sino ba talaga si heneral Luna at kung ano ang kanyang naitulong sa Inang Bayan upang maging isang bayani. Laking tuwa ang aking naramdaman pagkatapos panoorin ang pelikula sapagkat nadagdagan ang aking mga nalalaman tungkol kay heneral Luna. Masasabi ko na maganda ang pagkakagawa ng pelikulang ito sapagkat binuhay nito ang patay kong damdamin at ginising ang aking kamalayan para sa bayan. Binuksan ng pelikulang ito ang aking isipan sa maraming bagay. Isa na dito ay "ang ating kalaban ay ang ating mismong sarili". Kasakiman ang isang dahilan kung bakit mismong sarili natin ang ating kalaban sapagkat ang isang tao ay may kani-kaniyang kahinaan o kalakasan na, oo nga maaaring makatulong sa kanya pero hindi sa ibang tao. Ginagawa niya ang lahat upang umunlad at yumaman pero hindi niya naisip na may naaapakan na pala siyang mga tao. Isa pang reyalisasyon ay ang bansa natin kahit na sinasabi ng ilan na malaya na ay hindi parin talaga malaya. Hindi tayo isang bansang mayroong isang mithiin at mayroong kalayaan sapagkat maging sa kasalukuyan ay ang ating kalayaan ay nadedehado dahil na rin sa mga personal na interes ng ilang mga taong nasa gobyerno na imbis pagyamanin ang ating bayan ay ang bulsa naman ng mga ito ang pinayaman. Tamang tama ang paglabas ng pelikulang ito sapagkat nalalapit na rin ang eleksyon kailangan nating pumili ng maayos na tao na magiging pangulo ng Pilipinas na malayo sa mga katangian na ipinakita ni Emilio Aguinaldo. Alam kong hindi na uso sa ngayon o hindi man bawat isa sa atin ay mayroong mga bolo at baril, masasabi ko na ang pakikipaglaban para sa inang bayan ay hindi natatapos sa mga kagamitang ito sapagkat sa panahon nating ngayon pwede nating ipaglaban ang Inang bayan laban sa mga bansang palihim na sumasakop at hindi natin namamalayan ay sinasakop na pala tayo. Kailangan lamang nating mag-isip ng mga paraan kung talagang mahal natin ang Inang bayan sapagkat naniniwala ako sa kasabihang "kung gusto may paraan , kung ayaw may dahilan". Nasa kamay natin, kabataan, ang desisyon kung makikinig at kikilos tayo sa tawag ng mga naaapi o magbibingi-bingihan at magbubulag-bulagan sa katotohanan. "SAYANG!" Ito ang mga salitang aking naramdam pagkatapos panoorin ang pelikula. Nasayang dahil karamihan sa ating mga bayani ang nagbuwis ng kanilang buhay at ipinaglaban ang kani-kanilang prinsipyo o mithiin para sa Plipinas. Aking napagtanto na halos karamihan sa ating mga bayani ay namatay sa maagang edad subalit may naging epekto naman ang kanilang pagkamatay. Ngunit aking naisip, matutuwa kaya ang mga bayaning ito kung nakikita nila ang kalagayan ng Pilipinas sa kasalukuyan? Sasabihin ba nila na "tagumpay ang aking pagbuwis ng buhay"? o "malulungkot sila sa kinahantungan ng Pilipinas sa kasalukuyan?" Hindi ko masasabi kung ano ang magiging sagot nila sapagkat matagal na silang patay. Pero para sa akin, paniguradong malulungkot sila sa kinahahantungan ng Pilipinas, siguro sasabihin nilang nasayang ang kanilang buhay sa pagbubuwis ng kanilang buhay makamit lamang ang minimithing kalayaan ng Pilipinas....


Similar Free PDFs