Pagsusuri sa Artikulong “Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon” PDF

Title Pagsusuri sa Artikulong “Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon”
Author Norcel Malate
Course Buhay, Mga Gawain at Sinulat ni Rizal
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 8
File Size 93.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 534
Total Views 800

Summary

PAGSUSURI SA ARTIKULONG“ANG PILIPINAS SA LOOB NG SANDAANG TAON”Ni Dr. Jose RizalKOLEHIYO NG PAGTUTUOS AT PANANALAPIPoliteknikong Unibersidad ng PilipinasBATSILYER SA AGHAM NG PAGTUTUOSNiNorcel S. Malate2020Norcel S. MalatePAGSUSURI SA ARTIKULONG“ANG PILIPINAS SA LOOB NG SANDAANG TAON”Ni Dr. Jose Riz...


Description

PAGSUSURI SA ARTIKULONG “ANG PILIPINAS SA LOOB NG SANDAANG TAON” Ni Dr. Jose Rizal

KOLEHIYO NG PAGTUTUOS AT PANANALAPI Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

BATSILYER SA AGHAM NG PAGTUTUOS

Ni

Norcel S. Malate 2020

Norcel S. Malate BSA 1-20

PAGSUSURI SA ARTIKULONG “ANG PILIPINAS SA LOOB NG SANDAANG TAON” Ni Dr. Jose Rizal

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kagawaran ng Kasaysayan Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Manila

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa Asignaturang Buhay at Mga Sinulat ni Rizal

BSA 1-20

Hulyo 2020

Norcel S. Malate BSA 1-20

Panimula Walang bayang hindi nangarap ng pag-unlad. Kaunlaran na makakamit lang kung ang bayan ay malaya. Ngunit maging ang isang bayang sakop at mga liping inalipin ay nangangarap rin na umunlad balang-araw gaya ng Pilipinas. Naging kolonya ang bayang ito hindi lamang isa kundi tatlong mga bansa. Isa rito ang bansang Espanya na namalagi rito ng higit sa tatlong sigla mula 1600. Sa mga panahong ito ng panghahamak at pang-aalipusta, may isang taong nangarap at nagbigay ng prediksyon sa maaring sapitin ng Pilipinas sa loob ng sandaang taon, at ito ay si Gat. Jose Rizal. Ang “Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon” ay isang sanaysay ay nagllaahad ng mga posibilidad na kahantungan ng Pilipinas sa nasabing panahon. Ito ay inilathala sa La Solidaridad mula noong ika-30 ng Setyembe, 1889 hanggnag ika-1 ng Pebrero 1890. Dito isinaad ang nakaraan, kasalukuyan, at mga repormang makatutulong sa ganap na paglaya ng bansa. Katawan - Buod Upang mahinuha ang mga kaganapang maaring mangyari sa hinaharap ng Pilipinas, kailangang isaalang-alang ang kahapon nito. Ang Pilipinas na puno ng mga awitin, natatanging kultura, makukulay na mga katutubong tradisyon, at simpleng pamumuhay ay nagulo at nakalimutan sa pagdating ng mga Kastila. Kasabay ng pagtapak nila dito sa bansa ang paghanga at papuri ng mga katutubo sa mga dala-dalang bagay ng mga banyaga na naging paraan ng mga mananakop upang mabihag ang kanilang diwa at paniniwala. Dumating sa punto na hindi na hinagaan ng mga katutubo ang kanilang sariling kultura at sinimulang ayawan ang mga nakagawian kaya unti-unti itong nangamatay.

Norcel S. Malate BSA 1-20

Ang krus at espada ang naging simbolismo ng mga Kastila sa kanilang pananakop. Ginamit ang krus o relihiyon upang mapikot at malason ang mga tao sa pamamagitan ng mga doktrina nito sa mabilis na paraan. Sa loob ng lagpas tatlong siglo, napasakamay ng mga espanyol ang dating tahimik na namumuhay na mga Pilipino. Sila’y inalipin, pinahirapan, tinanggalan ng dangal at puri, at itinuring na mga hayop na walang kaisipan at damdamin. Sila’y namuhay hindi para sa sarili kundi para pagsilbihan ang mga mananakop. Ngunit dumating ang panahon kung saan naramdaman ang kalapastanganan at walang hamak na pang-aabuso ng mga kastila para sa mga indio. Ang kawalang pantay na pagtrato ang bumuhay sa mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino na nagsimulang magkaroon ng malay. Ang mga pasakit dulot ng digmaan, pagpapaalipin, at pang-aabusong naranasan ng mga katutubo ay tunay na gumising sa kanilang pusong makabayan. Sa mga malupit na buhay na naranasan ng mga Pilipino, sinusubukang hulaan ang magiging kalagayan ng bayna sa loob ng isang daang siglo. Sa pagpupumilit ng mga kastila na mapasakamay ang Pilipinas, hindi naging madali ang kanilang pamamahala dito ngunit kanila pa rin itong ipinagpatuloy para sa Diyos, kaluwalhatian ng Espanya, at para sa kayamang kanilang mahuhuthot dito. Ang pag-unlad ay makikita sa mga kanayunang binuo kasama ng simbahan, pamahalaan, at mangilan-ngilan na mababang paaralan ngunit ang tunay na kaunlaran at pag-asenso ay nakikita lang ng mga kastila lalo na ng mga prayle at hindi ng mga Pilipino. Samakatuwid, bigo ang mga ginawang paraan ng Espanya upang mapaunlad ang Pilipinas. Ngunit pagsapit ng taong 1889, mas naging mabuti na ang sitawasyon.

Norcel S. Malate BSA 1-20

Nagkaroon ng malaking pag-unlad sa larangan ng ekonomiya at katayuang sosyopulitikal. Ngunit nanatili pa rin ang mga Pilipinong napako sa mga pangako ng mga Kastila sapagkat ang pag-unlad na naganap ay para lamang sa iilan at hindi para sa lahat. Sa panahon ng kamulatan, naghangad ang mga Pilipino ng pagbabago sa gobyerno upang hindi na magoatuloy ang mga karahasang nagaganap sa buong bansa. Maraming mga organisasyon na binubuo ng mga mga kilalang tao ang gumawa ng mga reporma upang maiaaayos ang relasyong Kastila at mga Pilipino habang sila’y nananatili sa bansa. Isa sa kanilang hiling ang pagkakaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Spanish Cortes upang maipadala sa hari ng Eapanya ang mga hinaing at karumaldumal na pangyayari dito sa bansa. Kailangan din ng maayos na pahayagan sa Pilipinas na maglalathala ng mga pangyayari dito sa bansa na magbibigay impromasyon sa Peninsula. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi pinagbigyan kaya sa halip na reporma, kalayaan na ang hiningi ng mga Pilipino. Sa bahaging ito ng artikulo, binigay ang katanungan ano ang sasapitin ng Pilipinas sa pag-sasarili o kalayaan mula sa Espanyang hinahangad? Isa sa mga hinuha tungkol sa hinaharap ay hindi magtatagal ang ibang lahi sa isang bansa. Sinabi rin na kung patuloy na ipagkakait ng Kastila ang kalayaan at karapatang mag-aral ng mga Pilipino ay hindi malabong hindi sa reporma magtapos ang mga kahilingang ito. Sa madaling sabi, hahanap ng ibang paraan ang mga Pilipino upang

makapagsarili.

Datapwat

nararapat

lamang

na

isaalang-alang

ng

nangongolonyang bansa ang kahilingan at kagustuhan ng mga Pilipino upang hindi mailagay sa alanganin ang kanilang pinaghirapan dito sa bansa. At sa oras na lumaya

Norcel S. Malate BSA 1-20

ang Pilipinas, malabong sakupin tayonng muli ng iba pang bansa sapagkat abala na sila sa kanilang sakop at mayroon na silang plano para sa iba at hindi para sa Pilipinas. Kritika Bilang isang matalinong tao at mapagmahal sa bayan, ninais ni Rizal na magbigay ng prediksyon sa kung ano ang mangyayari sa inang-bayan sa loob ng isandaang taon. Sabi nga sa kasabihan, nauulit lamang ang kasaysayan. Kaya para ito ay makita, kinakailangan tignan ang nakaraan at pagmasdan ang kasalukuyan upang mapagtagpi-tagpi at mahinuha ang mga maaring maganap sa hinaharap. Inilahad ni Rizal sa sanaysay ang buhay bago dumating ang mga mananakop at kung paano nangamatay ang mg paniniwala’t tradisyon at kultura ng mga tao. Nakita rin sa sanaysay kung paano nagulo ang tahimik na pamumuhay ng mga tao. Sa pagdating ng mga Kastila, nakita kung paano tiningala ng mga katutubo ang mga ideolohiyang banyaga na nagdala sa kanila sa isang tanikala sa mahabang panahon. Isa sa nais bigyang-diin ni Rizal ang pagkakaroon ng reporma upang bumuti ang ugnayan ng dalawang lahi – Pilipino at mga Kastila, at nang maiwasan ang mga karahasan at pagpapaalipin sa mga indio. Sinabi rin niya na ang kawalan na pandinig ng mga Kastila para sa mga hinaing ng mga Pilipino ay maaring magdulot ng isang paraang kagimbal-gimbal, at ito ang paghihimagsik. Sa ganitong paraan, nais ng Pambansang Bayani na gisingin ang damdaming Pilipino at diwang pambansa upang bumangon at lumaban. Nais din niyang matanto ng mga Pilipino na dahil sa pangaabuso ay nakakalimutan na nila ang kanilang mayamang nakaraan at mga natatanging kaugalian, tradisyon, at kultura.

Norcel S. Malate BSA 1-20

Tunay na pinakita ang kalakasan ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila bilang isang bayan na may makukulay na kultura’t tradisyon at simpleng pamumuhay, at ang karupukan nito sa mga bagong ideya at mga bitbit na mga bagay ng

banyaga

na

isa

sa

dahilan

kaya

unti-unting

nakalimutan

ang

sariling

pagkakakilanlan. Nilahad din sa sanaysay ang mga pagpapaunlad na ginawa ng mga kastila kahit pa man ito ay hindi tagumpay para sa lahat sapagkat nanatili ang hindi makatarungang sistema ng lipunan. Sa gayon, masasabing walang kinikilingan ang sanaysay. Angkop si Gat. Jose Rizal upang magsulat ng sanaysay tungkol sa kung paano ang bansang Pilipinas ay nagayuma at paanong madaling nahulog sa mga Kastila. Bilang isang matalinong tao, hindi lamang siya bigay nang bigay ng prediksyon tungkol sa hinaharap. Bagkus, ginamit niya ang kanyang utak upang masabi, makaisip, at bigyang sulyap ang hinaharap sa pamamagitan ng pag-aaral sa nakaraan at pagoobserba ng kasalukuyan. Kahit na ito ay nakasulat sa kastila, isinalin naman ito sa wikang tagalog kaya madali itong naintindihan at naunawaan ng mga mambabasa. Si Rizal ay kilala bilang isang manunulat na may magandang kredibilidad at integridad. Kaya isang manunulat, hindi madaling paniwalaan ng mga mambabasa kung ang iyong argumento ay puro lamang opinyon. Kaya mahusay ang pagkakagawa rito ni Rizal sapagkat gumamit siya nga batis pangkasaysayan na mas lalong nakatulong upang mapaniwala ang mga Pilipino. Maganda rin na ito’y pag-aralan ng mga Pilipino lalo na ng mga taong interesado sa naabing sa paksa sapagkat ang panahon ng Kastila ang panahon kung saan nasira ang pagkakakilanlang Pilipino ngunit ito rin ang panahon kung saan muling nabuhay

Norcel S. Malate BSA 1-20

ang damdaming nasyonalismo at panahon kung kailan isinilang ang mga bayaning nagpalaya sa bayan mula sa kolonyang Kastila. Konklusyon Tunay na nakaapekto nang malaki sa buhay ng mga Pilipino ang mga Kastila. Ang impluwensya nito ay hindi natigil sa panahon na iyon at nararamadaman pa rin hanggang sa ngayon. Sa sanaysay ni Rizal, mapapatunayan na maaring magkaroon ng sulyap sa hinaharap kung babalikan ang nakaraan. Kung paanong ang tahimik na pamumuhay ng mga katutubo ay nagambala at kung paanong ang mga Pilipino ay nagpakahulog sa mga patibong ng mga Kastila ay mga pangyayaring pangkasaysayan na hindi dapat makalimutan sapagkat ang mga ito’y magbibigay aral upang hindi na maulit sa kasalukuyan. Ang reporma ay maaaring maging solusyon sa pagsira ng tanikala ngunit ang himagsikan ang siyang tunay na nakawasak. Ito’y nangangahulugan na bukod sa mga umiiral nang solusyon, maari pang humanap ng iba upang matapos na ang isang problema. Sa huli, ang mga tao ang siyang may hawan ng kanilang kapalaran, kaya dapat maging matalino, mulat, at malay.

Norcel S. Malate BSA 1-20...


Similar Free PDFs