ANG Pilipinas SA LOOB NG Isang Daang TAON PDF

Title ANG Pilipinas SA LOOB NG Isang Daang TAON
Course BS Business Management Major in Financial Management
Institution Cavite State University
Pages 4
File Size 130.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 20
Total Views 161

Summary

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINESANG PILIPINAS SALOOB NGSANDAANG TAONANG PILIPINAS SA LOOB NG SANDAANG TAONIsang SanaysayI. KALIGIRANG PANGKASAYSAYANA. Isinulat ni Gat Jose Rizal sa Barcelona, mula Setyembre 30, 1889 hanggang Pebrero 1, 1890 B. Inilathala sa pahayagang La Solidaridad na may ...


Description

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

ANG PILIPINAS SA LOOB NG SANDAANG TAON

ANG PILIPINAS SA LOOB NG SANDAANG TAON Isang Sanaysay

I.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN A. Isinulat ni Gat Jose Rizal sa Barcelona, mula Setyembre 30, 1889 hanggang Pebrero 1, 1890 B. Inilathala sa pahayagang La Solidaridad na may orihinal na pamagat na Filipinas dentro de cien anos. C. Ang lathalang ito ay iniukol ni Rizal sa maling pamamahala ng Espanya, mga dapat baguhin na polisiya, at ang prediksyon sa kung anong mangyayari sa Pilipinas sa hinaharap D. Binigay ni Rizal ang kanyang pananaw sa kung anong maaaring maganap sa Pilipinas sa loob ng sangdaang taon at binigyang pansin ang nakalipas, kasalukuyan at hinaharap. E. Nahahati ito sa Apat na bahagi

II.

UNANG BAHAGI : PILIPINAS SA NAKARAAN AT NG ESPANYA A. Pinasimula sanaysay sa kahalagahan nating magbuklat ng aklat ng kahapon upang mabasa ang kapalaran ng bayan. B. Isinalaysay pagkakaiba ng Pilipinas bago ang Espanya, at ang paghahari nila sa atin. C. Kung paanong nawala ang ating kultura at tradisyon at niyakap ng mga Pilipino ang paniniwala at doktrina ng mga Kastila na hindi nga naman nila maintindihan D. Hanggang sa Ikinahiya at tinanggihan ang sarili at hinangaan ang kahit anong bagay na banyaga E. Sa pamamagitan nito nakuha ng mga dayuhan ang damdamin at isip ng mga Pilipino, ginamit nila ang Relihiyon para pasunurin at alipinin ang mga Pilipino para sa sarili nilang ikakaunlad F. Ang unang bahagi ay nakatuon sa panggagahasa o pananakop ng Kastila sa ating sariling bansa G. Ipinakita nito ang epekto sa mga mamamayan at pinunong Pilipino H. Ang hindi pantay na pagtrato I. At ang pagmulat ng iilan dahil sa kasawiang naranasan. pero hiniling pa ni Rizal na lahat at mamulat at magkaroon ng tapang upang talugsain ang mga Kastila

III.

IKALAWANG BAHAGI : KABIGUAN NG KOLONYAL NA PATAKARAN NG ESPANYA SA PAGPAPAUNLAD NG PILIPINAS A. Sinasabi dito ang kalagayan ng Pilipinas sa tatlong daang taon na nakalipas simula ng pamamahala ng Kastila at sa kung paanong walang nangyari sa bansa.

B. Ngunit sa kasalukuyang panahon, kung kelan niya sinulat ito. ang pamahalaan ay naging mas maayos dahil kahit paano ay nagkaroon tayo ng maliit na tinig. Sa pagkakaroon ng mga opisyal sa militar, ang ilang indio ay maaaring maging encomiendero at heneral sa isang hukbo pero hindi pa din sapat. C. Mayroong nanyaring pag-unlad sa parte ng mga prayle dahil sila ang halos na sinusunod at namumuno sa iba't ibang lugar sa bansa. D. Isa sa mga halimbawa ng patakaran na hindi nagpaunlad sa Pilipinas ay ang mga polisiya ng mga Militar na siyang dahilan nang pagkaunti ng populasyon ng mga Indio, at pagtaas ng kahirapan sa mga Pilipino. E. Pangalawa ay ang hindi pagbibigay ng edukasyon. Akala ng mga Espanyol ay kapag ginawa tayong mangmang ay hindi na tayo lalaban at patuloy na maniniwala sa sinasabi nila. At oo lalong bumaba ang tingin sa mga Pilipino dahil dito. Pero naging dahilan din ng pagsidhi ng damdamin ng ibang Pilipino na lumaban.

IV.

IKATLONG BAHAGI : RADIKAL AT PULITIKAL NA REPORMA KUNG MANANATILI ANG ESPANYA SA PILIPINAS A. Sa bahaging ito pumayag si Rizal na manatili ang Pilipinas sa ilalim ng Espanya ngunit dapat ay mabago ang patakarang pulitikal ayon sa pangangailangan ng tao. B. Ayon kay Rizal ang kapuluang Pilipinas ay magpapatuloy na sakop ng mga Kastila kung siya’y mapapasok sa daan ng kabuhayang napapaloob sa mga batas at may kabihasnan; kung igagalang ang karapatan ng kanyang mga mamamayan; kung sa kanila ay igagawad ang iba pang karapatang nararapat sa kanila; kung ang malayang pamamalakad ng pamahalaan ay magaganap nang walang salabid at kahidhiran. C. Isang halimbawa na dapat magkaroon ay ang kalayaan sa pamamahayag upang maipaalam sa pamahalaang Kastila at sa buong bayan kung ang batas ay epektibo para sa ikauunlad ng lahat. at para marinig din ang hinaing ng mga Pilipino D. Isa pa ay dapat magkaroon ng Pilipino bilang kinatawan ng Cortes sa Espanya at ang mga Pilipino ay magiging tapat sa pamahalaan E. Isa pa ay ang pantay pantay na karapatan dahil ang mga Pilipino ay nagbabayad din ng buwis F. kailangan din na magkaroon ng "Competitive Examination" sa mga uupo sa pwesto ng Gobyerno at dapat na isapubliko ang resulta G. Kailangan din ng reporma sa Komersyo, agrikultural, edukasyon at seguridad H. Sinabi ni Rizal na ang Pilipinas ay mananatili sa Espanya kjung ang pagpapatakbo nito ay tuwid at sibilisado I. Kung ito ay di tatanggapin ng Espanya at mananatiling walang pagbabago, hindi mo din mapipigilan ang Pilipino sa pagtamo ng kasarinlan

V.

PANG-APAT NA BAHAGI : PREDIKSYON AT PANANAW SA HINAHARAP A. Sinasabi na ang pagkakaroon ng dominasyon ng isang bansa sa isang lahi ay hindi PANGMATAGALAN B. Dahil hahanap at hahanap ng paraan ang isang submisong bansa para mahanap ang kanyang kasarinlan

C. Ang pagmamalagi ng mananakop sa ating bansa, ang kanilang mga ginagawa ay siya ding nagiging dahilan ng pag-mulat, pag-laban at pagkatuto natin. D. Kung patuloy na mamaltratuhin, pagkakaitan ng edukasyon at kalayaan ng Espanya ang Pilipinas, hahanapin ng kanyang lahi ang pagsasarili sa ibang bayan E. Magkakaroon ng banggaan na siyang ikakapahamak ng dalawa F. Kaya ay dapat ikonsidera ng Espanya ang mga kahilingan ng Pilipino kung ayaw niyang mawalan ng yaman. G. At sinabi ni Rizal na kung makamit man natin ang ating kalayaan sa Espanya ay mayroong ibang bansa na magpapatuloy ng kanilang mga ginawa. Dahil madaming makakapangyarihang bansa ang naghahanap din ng kolonya.

VI.

Si Rizal bilang Manunulat

Pinakita ni Rizal sa Akdang ito ang pangangailangan ng Pilipinas sa kasarinlan at mabuting pamumuhay, na kung hindi maibibigay ng Espanya sa kanila sa pamamagitan ng mga matutuwid na polisiya at pantay-na-pantay na karapatan ay patuloy na mauuhaw ang mga Pilipino at hahanap ng mga radical na pamamaraan, na maaring humantong lamang sa pagdanak ng dugo ng dalawang bansa. Si Rizal bilang isang manunulat ay hindi manghuhula. Hindi purkit nagkatotoo ang kanyang mga sinabi bago mangyari ito tulad ng pagaaklas ng masa at pagsakop ng Amerika sa Pilipinas. Bagkus ibinatay lamang niya ang lahat ng kanyang pananaw sa mga pangyayaring naganap sa lipunang Pilipino. Binasa niya ang aklat ng kahapon ng bansa, pinag-aralan ang kasalukuyang kalagayan sa kanyang panahon at saka nagbigay ng mga pangyayaring maaring maganap batay sa kanyang mahusay na pag-aanalisa...


Similar Free PDFs