Pagsusuri SA Kuwentong SI Teodoro AT ANG Pulang BAG PDF

Title Pagsusuri SA Kuwentong SI Teodoro AT ANG Pulang BAG
Author Anonymous User
Course Development Management & Alternative
Institution University of Science and Technology of Southern Philippines
Pages 4
File Size 72.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 115
Total Views 939

Summary

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SAPANANALIKSIKSi Teodoro at Ang Pulang BagSi Teodoro ay isang batang lalaki na may edad anim. Siya ay payat, mahilig sa laruan,at nais nyang may aksiyon sa lahat ng kanyang ginagawa. Hawak ang kaniyang mgapaboritong baril barilan tulad ng Uzi, M4, M16...


Description

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Si Teodoro at Ang Pulang Bag Si Teodoro ay isang batang lalaki na may edad anim. Siya ay payat, mahilig sa laruan,at nais nyang may aksiyon sa lahat ng kanyang ginagawa. Hawak ang kaniyang mgapaboritong baril barilan tulad ng Uzi, M4, M16, M14, RPG, AK47, at marami pang iba. Lagisiyang may sinisipat na animoy isa siyang sniper at may hinihintay na kalaban. Mag isa lamangsiya naglalaro pero kung oobserbahan tila siyang napakaraming kalaro sa bawat sulok ngkanilang bahay. Dahil sa ganitong senaryo ito na marahil ang problemang kinahaharap ni Aling Alma sa kaniyang kaisaisang anak: ng sobrang hilig nito sa paglalaro. “Anak, halika, kakain na tayo. Niluto ko ang paborito mong ulam, pinakbet na maypritong manok,” mahinahong pagtawag ni Aling Alma sa anak. “Inay, sandali na lang po ito. Mapapasuko ko na po ang mga kalaban ko,” tugon ni Teodoro habang nakaluhod habang nakikipagbarilan.Pagkatapos ng limang minute ay pumunta rin sa hapag-kainan si Teodoro. Nadatnanniyang nakaupo ang kaniyang magulang at naghihintay. “Anak, nagapi mo ba lahat ng kalaban mo? Tamang tama may pasulobong ako sa iyongbagong Teleskopyo,” natutuwang balita ni Mang Zalde sa kanyang anak. “Talaga, Itay? Yehey! Ang saya-saya ko! Natutuwang sagot ni Teodoro. “Naku kasalanan mo ito, Zalde, kung bakit nagkaganyan ang anak mo. Masyado mongsinanay sa mga ganyang klaseng laruan. O, sige na, magdasal na tayo para makakain na.Anak, pangunahan mo ang pagdadasal.,” utos ni Aling Alma sa anak. Pinangunahan ni Teodoro ang pagdarasal at habang sila ay kumakain, napag-usapannila ang tungkol sa papalapit na pasukan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na papasok siTeodoro sa paaralan. “Anak, nakita mo ba ang binili ko sayong bag? Pinili ko ang paborito mong kulay, kulaypula at may gulong pa ito para hindi ka masyadong mahirapan sa pagbubuhat kaya maaari mo na lamang itong hilain,” buong pagmamalaking ibinalita ni Aling Alma. “Nasilip ko nga, Anak, at nakita ko sa loob ng bag mo ang iyong kuwaderno, lapis,pambura, pandikit, krayola, at magagandang aklat,” dagdag ng kaniyang Itay. Buntong-hininga lamang ang isinukli ni Teodoro sa narinig mula sa magulang.Napadako ang kaniyang tingin sa magagandang baril-barilan niya. “Tiyak kong mag e-eenjoy ka roon dahil marami kang makikilalang bagong kaibigan at makakalaro. Alam mo ba, Anak na ang edukasyon ay napakahalga? Kailangan mong mag-aralpara matuto at may malaman. Ang edukasyon ang magiging sandata mo sa buhay. Parapaglaki mo ay may maganda kang trabaho at mabuhay ng marangal. ”Medyo napangiti ang batang si Teodoro sa narinig kaya nagtanong siya.

“Inay, Itay, totoo po ba ang narinig ko? Puwede akong maglaro at makipaglaro sa iskul? Dadalhin ko lahat ng mga laruan ko para makapaglaro, kami ng mga makikilala kong bagong kaibigan,” masiglang sagot ni Teodoro. “Anak, hindi maaaring dalhin ang mga laruan sa paaralan. Bawal,” ang sabi ni Aling Alma. “At saka kukunin nila ang mga laruan mo kapag dinala mo sa paaralan,” dagdag ni Mang Zalde. “Ayoko na! Pangit pala sa paaralan. Bawal ang mga laruan ko. Ayokong pumasok!” Padabog na umalis si Teodoro sa hapag-kainan. Pumasok si Teodoro sa kaniyang kuwarto. Sa loob, nakita niya ang kanyang bag nakulay pula na may gulong. Tiningnan niya ito ng masama. Ayoko sa iyo! Hindi ako mag e-enjoy sa iyo! Pagalit na sigaw ni teodoro sa kaniyang bag. Dahil sa inis,binuksan niya ang bag at kinuha ang lahat ng laman nito. Pinagsisira at pinagtatapon. Umiyak siya ng umiyak. Naalala kasi niya ang pagbabawal na gagawin ng paaralan sa mga laruan niya.. Dahil sa sama ng loob. Siya ay nakatulog. Naglakad si Teodora sa isang madilim na lugar na di pamilyar sa kaniya. Mag-isa napansin niyang dala-dala niya ang pulang bag na gagamitin niya sa pasukan at nakasabit ang munting baril sa kaniyang kanang beywang. Binuksan niya ang pulang bag at hinahanap ang iba pang laruan niyang baril-barilan at ang bagong teleskopyong binili ng kaniyang itay. Nalungkot siya dahil wala ni isa man sa mga ito. Ang laman ng pulang bag ay kuwaderno, lapis, pambura, oandikit, krayola, at magagandang aklat. Itatapon na sana ni Teodoro ang mga ito nang biglang umihip ang hangin nang pagkalakas-lakas. Nangilabot si Teodoro at pakiramdam niya’y sumusunod sa kaniya.. Ang bawat punong nasa paligid niya ay untiunting gumagalaw at ang mga ugat ng mga ito ay naglalakad papunta sa kaniyang kinatatayuan.Nararamdaman niyang tila may kung anong gumagapang sa kaniyang paa. Nagsisigaw siya ngunit walang nakakarinig at tumutulong sa kaniya. Ang tanging kasama niya sa mga oras na iyon ay ang kaniyang baril-barilan na nakasakbit sa kaniyang beywang at ang pulang bag. Takot na takot sa Teodoro nang biglang magsalita ang isang matandang puno. Pakakawalan lamang kita kung masasagot mo ang walong pagsubok. “ ang nakabibinging tinig na matandang puno. “Sige po” ang malungkot na sagot ni Teodoro. “Ang malinis kong katawan, dugong pula at asul ang matatagpuan. Ano ang tawag dito?” ang nakangising tanong ng matandang puno. Medyo nag-aalala si Teodoro dahil hindi niya masagot ang unang tanong. “Ang malinis kong katawan, dugong pula at asul ang matatagpuan. Hay unang tanong pa lamang ay hindi ko na kayang masagot. Hindi na ako makakaalis ditto” may panlulumong sabi ni Teodoro sa sarili. Habang nag-iisip, inilagay muna ni Teodoro ang bag na pula sa kaniyang harapan. Binuksan niya ito at isa-isang pinagmasdan ang mga nasa loob nito. Nakiya niya sa loob ang kuwaderno. Tinignan niya itong mabuti. Kulay puti at may dalawang guhit na kulay pula at asul.

” Ang malinis kong katawan, dugong pula at asul ang matatagpuan… Ang malinis kong katawan, dugong pula at asul ang… aha! Alam ko na po ang sagot! Kuwaderno!” masayang sabi ni Teodoro Anumang uri ng papel, kahit hindi magkakamag-anak, magkakayakap kapag ito ang ginamit.” “Naku pahirap nang pahirap ang mga pagsubok ng matandan puno. Hindi na ata ako makakauwi sa amin. Ano ang isasagot ko?” pag-aalalang sinabi ni Teodoro. Dahil nakabukas ang pulang bag, hindi namalayan ni Teodoro ba bakatanggal pala ang takip ng pandikit niya. Nalagyan ang kaniyang palad. Sa pandidiri kumuha siya ng ilang piraso ng papel sa kaniyang kuwaderno para ipagkukskos sa nalagyan niyang palad. Habang ginagawa niya ito, napansin niyan nagkadikit-dikit ang mga papel na animo’y nagyayakapan. “Anumang uri ng papel, kahit hindi magkakamag-anak, magkakayakap kapag ito ang ginamit. Pandikit po ang sagot sa ikaapat na pagsubok!” “Tumpak! Mahusay ang iyong sagot. Nagtagumpay ka sa ikaapat na pagsubok.Lahat ng mga kagamitan sa paaralan pumapasok sa maliit at iisang bahay.” Dahil sa hirap ng katanungan, tila susuko na si Teodoro. Nais niyang tanggapin na lamang ang kaniyang kapalaran: ang manatili sa mga ugat ng matandang puno. Habang abala sa kaka-emote, nakita niyang nakalabas lahat ng gamit niya. Isa-isa niya itong isinilid sa loob ng pulang bag. Niyakap niya ito nang mahigpit at sinabi sa sarili, “Ito na lamang ang magiging alaala ko sa aking magulang dahil alam kong hindi na ako makababalik sa amin.” Pumatak ang luha ni Teodoro sa pulang bag. Biglang sumagi sa kaniyang isip ang ikapitong pagsubok, “lahat ng mga kagamitan sa paaralan pumapasok sa maliit at iisang bahay. “ Bag po!” maluha-luhang sagot ng bata. “Tumpak! Mahusay ang iyong sagot. Nagtagumpay ka sa ikapitong pagsubok. Narito na ang huli mong pagsubok. Ang tanging maipamamana ng mga magulang na hihit pa sa material na kagamitan at magagamit mo sa iyong kinabukasan.” Sa pagkakataong ito, humagulgol na si teodoro sa hirap ng huling pagsubok. Wala na siyang magawa. Upang maibsan ang kaniyang lungkot, inalala na lamang niya ang magagandang payo ng kanyang magulang. Nang walang pag-aalinlangan, hinarap niya ang matandang puno at ikinuwento niya ang kaniyang magulang. “ Alam po ba ninyo na bago ako mapunta sa lugar ninyo, binili po sa akin ng magulang ko ang pulang bag na ito na may iba’t ibang gamit pampaaralan. Napakasaya nila para sa akin. Papasok na po kasi ako sa susunod na lingo. Sabi po nila, kailangan ko raw mag-aral para matuto at may malaman. Ang edukasyon daw po ang magiging sandata ko sa buhay. Para paglaki ko ay magkaroon ako ng magandang trabaho at mabuhay nang marangal. Tiyak ko pong mami-miss ako ng Itay at Inay.” Hindi pa tapos magsalita si Teodoro nang biglang ibinalita sa kanya ng matandang puno na... “ Tumpak! Mahusay ang iyong sagot. Nagtagumpay ka sa huling pagsubok. Edukasyon ang tanging maipamamana ng magulang na higit pa sa material na kagamitan at magagamit mo sa iyong kinabukasan. Ngayon din ay pakakawalan na kita.”

Biglang gumalaw ang mga ugat ng matandang puno at pinakawalan siya. Biglang may tinig siya na narinig mula sa kawalan. “Anak, gising na umaga na” ang malambing na boses ng kanyang ina. “Panaginip lamang pala” bulong nito sa sarili. “Anak, mukhang sabik ka na yatang pumasok at napakahigpit ng pagkakayakap mo sa iyong pulang bag?” masayang sabi ni Aling Alma. “ Ahh…opo, Inay. Gusto ko na nga pong pumasok sa paaralan. Salamat nga po pala sa pulang bag na ito. Marami po akong natutuhang aral”. Pagmamalaking tugon ni Teodoro sa ina. Mula noon, pinahalagahan na ni Teodoro ang kaniyang pag-aaral. Natuklasan niya na marami pang pagsubok ang darating sa kaniyang buhay. Sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pakikinig sa magulang at nakatatanda, madali niya itong mabibigyan ng kasagutan. Ito rin ang kaniyang magiging sandata na mas higit pa sa kapangyarihang taglay ng kaniyang mga baril-barilan.

Name: Yr/Section: 12-

Subject: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Date : Feb 07,2022- Tanong-sagot

1. Magbigay ng paglalarawan na ginamit sa kuwentong “ Si Teodoro at ang pulang bag” Tao: __________________________________________________ (LAHAT NG MAKIKITA) Bagay: ________________________________________________ (LAHAT NG MAKIKITA) Pangyayari: ____________________________________________ (LAHAT NG MAKIKITA) 2. Paano makatutulong ang tekstong naglalarawan sa sumusunod: Sarili: _______________________________________________ (3 SENTENCE) Pamilya: ____________________________________________ (3 SENTENCE) Pamayanan: _________________________________________ (3 SENTENCE) 3. Paano magagamit ang isip, damdamin, at kilos sa pagbuo ng tekstong naglalarawan? _________________________________________________ (5-6 SENTENCES) Ms word/pdf it can be

Submission : Feb ,2022 at 11;59PM

font size and tyle: 11 calibry (body)

Link: link will be send on Feb 7,2022...


Similar Free PDFs