Pagbasa at Pagsusuri (Mods 6) PDF

Title Pagbasa at Pagsusuri (Mods 6)
Course History
Institution Rizal High School
Pages 16
File Size 668.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 167
Total Views 201

Summary

CO_Q3_PPIITTP SHSPagbasa at Pagsusuri ngIba’t ibang TekstoTungo sa PananaliksikIkatlong Markahan – Modyul 6Pangangalap ng DatosPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Alternative Delivery ModeIkatlong Markahan – Modyul 10: Pagsulat ng Reaksyong Papel:Unang Edisyon, 2020Isina...


Description

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Ikatlong Markahan – Modyul 6 Pangangalap ng Datos

CO_Q3_PPIITTP SHS Module 6

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 10: Pagsulat ng Reaksyong Papel Unang Edisyon, 2020 :

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Editor: Tagasuri: Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala:

Liway D. Cruz Pilita A. Villanueva Elma H. Inagan Helen G. Magnaye Agnes Manaig Reden M. Cruzado Wilfredo E. Cabral Job S. Zape Jr. Eugenio S. Adrao Elaine T. Balaogan Fe M. Ong-ongowan Celedonio B. Balderas, Jr. Lualhati O. Cadavedo Gemma G. Cortez Leylanie V. Adao Cesar Chester O. Relleve

Elisa N. Lajera

Veronica O. Peroja Francis Cesar B. Bringas Ramonito O. Elumbaring

Lourdes T. Bermudez Alona A. Encinares Regin Rex P. Tosco Marissa O. Aguirre Gladys A. Delos Reyes

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region IV-A CALABARZON Office Address: Telefax: E-mail Address:

Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro Cainta, Rizal 1800 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 [email protected]

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pangangalap ng Datos

Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating magaaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng magaaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii

Alamin Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang pagsubok na huhubog sa iyong kakayahan upang matamo ang sumusunod na kasanayan pagkatapos ng aralin. Kasanayang Pampagkatuto: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat. F11 EP IIId-36 Layunin: A. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pangangalap ng datos; B. Nasusuri ang iba’t-ibang paraan ng panangalap ng datos; C. Naiisa-isa ang pinaghanguan ng datos at; D. Nakakukuha ng angkop na datos para sa pagsulat.

Subukin Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong malinis na sagutang papel. 1. Ito ay uri ng datos na tuwiran o di tuwiran na nagmula sa isipan ng isang indibidwal. A. panayam B. paper trail C. people trail D. sarbey 2. Ito ay isang panayam kung saan malaya ang estilo ng pagtatanong nang walang kopya o listahan nang mga itatanong. A. binalangkas B. di binalangkas C. di-malaya D. malaya 3. Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na mahalaga kaysa sa nakahandang katanungan. A. follow-up B. observation C. open-ended D. stuructured 4. Tumutukoy sa impormasyong nakukuha mula sa digital storage, media at mobile platforms. A. e-trail C. people trail B. paper trail D. text-trail 5. Ito ay isang uri ng pagtatanong na maaaring sagutin ng oo at hindi o isang ispesipikong sagot. A. follow-up C. open-ended B. structured D. unstructured 3

CO_Q3_PPIITTP SHS Module 6

6. Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at nilalaman ng buong saliksik. A. datos B. interbyu C. sanggunian D. sarbey 7. Ang nag-iinterbyu ay nagtatanong ng walang labis at walang kulang ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa kanyang listahan. A. di-tuwiran B. tuwiran C. structured D. unstructured 8. Ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na dokumentong pampubliko man o pampribado. A. e-trail B. paper trail C. people trail D. text trail 9. Ito ay inilalagay sa baba ng teksto sa pahinang kinasusulatan ng lagom o sipi. A. awtor B. bibliograpi C. paksa D. talaan ng nilalaman 10. Ang mga sumusunod ay makikita sa sanggunian maliban sa? A. larawan ng may-akda C. pangalan B. pamagat ng aklat D. taon ng paglathala 11. Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan. A. kard ng awtor C. kard ng paksa B. kard katalog D. kard ng pamagat 12. Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam? A. cellphone C. recorder B. papel at ballpen D. lahat ng nabanggit 13. Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos . A. pag-iinterbyu C. pagtatanong B. pagsasarbey D. pananaliksik 14. Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol sa paksa ng iyong pananaliksik. A. feature interview C. formal interview B. non-featre interview D. structured interview 15. Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng panayam maliban sa: A. ipakilala ang sarili nang may paggalang B. ihanda na ang mga katanungan sa papel C. magtakda lamang ng oras ng panayam D. hayaang maunang dumating ang kakapanayamin

4

CO_Q3_PPIITTP SHS Module 6

Aralin

4

Pangangalap ng Datos

Sa iyong nakaraang aralin ay natutuhan mo ang angkop na gamit ng mga cohesive devices sa pagbuo ng pahayag. Ngayon ay inaanyayahan kitang sagutin ang maikling pagsasanay upang matukoy natin ang iyong naging kasanayan sa nakaraang aralin.

Balikan Piliin ang ginamit na cohesive device sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. 1. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay nito ay ang mabilis na pagbabago sa larangan ng paggawa ng pelikula. A. bagong milenyo C. mabilis B. kasabay nito D. sa larangan 2. Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus dumalo sila sa isang rally. A. artista C. nag-shooting B. bagkus D. rally 3. Bilang kongklusyon, marapat na tangkilikin ang pelikulang Pilipino. A. bilang kongklusyon C. pelikula B. Pilipino D. tangkilikin 4. Mahusay na manonood ang mga Pilipino, patunay nito mahusay rin ang pagkikritiko nila. A. mahusay B. manonood C. pagkikritiko D. patunay nito 5. Marahil, higit na uunlad ang pelikulang Pilipino kung maisasabatas ang karapatan ng mga nasa industriyang ito. A. karapatan B. maisabatas C. marahil D. uunlad

5

CO_Q3_PPIITTP SHS Module 6

Tuklasin Basahin ang bahagi ng panayam sa ibaba: (Bahagi ng isang panayam) Si Thea ay nakatakdang magsagawa ng isang panayam sa kanilang Brgy. Chairman tungkol sa kanilang pagkapanalo bilang “Pinakamahusay na Gulay” sa buong Distrito ng Masipag. (Isang umaga, humahangos na dumating sa barangay hall si Thea dahil siya ay huli sa oras na pinag-usapan para sa isang panayam) Gusot ang kaniyang damit, hindi man lang nakuhang magsuklay ng buhok at tila doon pa lamang magbabalangkas ng kaniyang mga itatanong. Hindi nakahanda subalit pinilit niyang humarap upang makakuha ng datos na kaniyang kinakailangan. Thea: Magandang umaga po Brgy.Chairman! Brgy. Chairman: Magandang umaga rin naman sa iyo Bb. Thea Alonzo. Kanina pa po kami nag-aantay sa inyo. Ang akala po namin ay hindi na kayo makararating sa sinabing oras. Kung maaari po sana ay bukas na tayo magsagawa nitong panayam. Thea: Paumanhin po Kapitan! Brgy. Chairman: Ikinalulungkot ko po ngunit nahuli po kasi kayo sa oras na ating napag-usapan. Nakaalis si Thea sa lugar nang malungkot at naghihinayang sa nasayang na oras at pagkakataon. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang nangyari sa isinagawang panayam? 2. Bakit hindi nagawang makakuha ng tagapanayam ng kinakailangang datos?

Suriin Kahulugan ng Reaksyong Papel Alam mo ba na ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinyon patungkol sa binasang teksto. https://www.bestessays.com/glossary/reaction_paper.php Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang isang reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng 6 CO_Q3_PPIITTP SHS Module 6

isang manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari. https://kingessays.com/reaction-paper.php At mula rin sa coursehero.com sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring isaalang-alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang mismong pamilya, komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa kapwa. Apat na bahagi ng Reaksyong Papel Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan. Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap mula sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan ding maglagay ng iyong maikling thesis statement ukol sa papel. Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na papel. Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa reaksyong papel. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon na iyong nailahad. https://kingessays.com/reaction-paper.php

Pagyamanin Ngayong alam mo na ang iba’t ibang paraan ng pagkuha ng datos, subukin natin kung kaya mo ng paunlarin ang iyong kasanayan. Sagutin ang mga tanong sa ibaba ayon sa iyong pagka-unawa sa ating naging talakayan. 1. Ano-ano ang tatlong paraan na maaaring maging batayan sa pagkuha ng datos? Isa-isahin at ipaliwanag. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 7

CO_Q3_PPIITTP SHS Module 6

2. Bakit sinasabing ang pagsasarbey ang pinakamadaling paraan sa pagkuha ng datos? Ipaliwanag. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 3. Ihambing ang pagkakaiba ng binalangkas at di-binalangkas na uri ng panayam? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 4.Kung ikaw ay magsasagawa ng pananaliksik, alin sa tatlong paraan ng pagkuha ng datos ang iyong pinakamalimit na magagamit? Ipaliwanag. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 5. Paano mo masasabing naging matagumpay ang isang panayam? Ilarawan. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________

Isaisip Sa yugtong ito, marahil ay naunawaan mo na kung paano magkaroon ng mabisang teksto mula sa makabuluhang pagkalap ng datos o impormasyon. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano-ano ang mga kailangang materyales sa pagkuha ng datos? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 2. Ano ang mga paraan upang makakuha ng datos mula sa people trail, paper trail at e-trail. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 3. Paano makatutulong ang angkop na pagkalap ng datos sa pagsulat ng teksto? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 8

CO_Q3_PPIITTP SHS Module 6

4. Bakit mahalaga ang mga kasanayan sa pagkalap ng datos? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 5. Paano isinasagawa ang panayam, pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng papel at ng elektronikong tala? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________

Isagawa Ngayong nalaman mo na ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos, maaari mo na itong subukang ilapat. I-sarbey Mo! 1. Bumuo ng 5 katanungan tungkol sa opinyon ng ilang indibidwal pagbubukas ng klase sa gitna ng Covid 19. 2. Magsagawa ng interbyu sa limang (5) magulang hinggil sa kanilang opinyon sa pagbubukas ng klase sa kabila ng kinakaharap na pandemya. Maaaring makipanayam sa kanila sa pamamagitan ng virtual o pakikipanayam gamit ang telepono o cellular phone. 3. Magtala ng apat (4) na sanggunian na maaari mong gamitin upang makakuha ka ng impormasyon para sa pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Pandemya sa Edukasyon.”

Tayahin

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa isang malinis na sagutang papel. 1. Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan. A. kard ng awtor C. kard ng paksa B. kard katalog D. kard ng pamagat 2. Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam? A. cellphone C. recorder B. papel at bolpen D. lahat ng nabanggit 9

CO_Q3_PPIITTP SHS Module 6

3. Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos. A. pag-iinterbyu C. pagsasarbey B. pagtatanong D. pananaliksik 4. Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol sa paksa ng iyong pananaliksik. A. feature interview C. non-feature interview B. formal interview D. structured interview 5. Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng panayam maliban sa; A. ipakilala ang sarili nang may paggalang B. ihanda na ang mga katanungan sa papel C. magtakda lamang ng oras ng panayam D.hayaang maunang dumating ang kakapanayamin 6. Ito ay uri ng datos na tuwiran o di-tuwiran na nagmula sa isipan ng isang indibidwal A. panayam B. paper trail C. people trail D. sarbey 7. Ito ay isang panayam kung saan malaya ang estilo ng pagtatanong nang walang kopya o listahan ng mga itatanong A. binalangkas C. di binalangkas B. di-malaya D. malaya 8. Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na mahalaga kaysa sa inihandang katanungan A. follow-up C. open-ended B. observation D. stuructured 9. Tumutukoy sa impormasyong nakukuha mula sa digital storage, media at mobile platforms. A. e-trail C. people trail B. paper trail D. text-trail 10. Ito ay isang uri ng pagtatanong na maaaring sagutin ng oo at hindi o isang espisikpikong sagot. A. follow-up C. structured B. open-ended D. unstructured 11. Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at nilalaman ng buong saliksik. A. datos C. sanggunian B. interbyu D. sarbey

10

CO_Q3_PPIITTP SHS Module 6

12. Ang nag-iinterbyu ay nagtatanong ng walang labis at walang kulang ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa kanyang listahan. A. di-tuwiran C. tuwiran B. structured D. unstructured 13. Ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na dokumento pampubliko man o pampribado. A. e-trail C. people trail B. paper trail D. text trail 14. Ito ay inilalagay sa baba ng teksto sa pahinang kinasusulatan ng lagom o sipi. A. awtor C. paksa B. bibliograpiya D. talaan ng nilalaman 15. Ang mga sumusunod ay makikita sa sanggunian maliban sa? A. larawan ng may-akda C. pangalan ng may-akda B. pamagat ng aklat D. taon ng paglathala

Karagdagang Gawain Ngayong alam mo na ang iba’t-ibang paraan ng pangangalap ng datos maaari mo pang paunlarin ang iyong kasanayan bilang paghahanda sa iyong pananaliksik. Kumalap ng datos tungkol sa epekto ng teknolohiya sa gitna ng Covid-pandemic 2019 sa pamamagitan ng sumusunod na pamamaraan na nakatala sa ibaba. Pagkatapos ay sumulat ng maikling talata kaugnay sa nakalap na mga impormasyon: a. Paper Trail b. E-Trail

11

CO_Q3_PPIITTP SHS Module 6

CO_Q3_PPIITTP SHS Module 6 Subukin A B A A B A C B B A B D B A D

12 Pagyamanin B B A D C

Tayahin B D B A D A B A A B A C B B A

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian Online Supplementary Reading Materials https://www.academia.edu/30277619/PANGANGALAP_NG_DATOS_new https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kabanata-3-pamamaraanatpinagkunan-ng-mga-datos

Online Instructional Materials https://www.youtube.com/watch?v=F5-1eVF1OGU https://www.youtube.com/watch?v=jfzSmMH2c4Q https://www.youtube.com/watch?v=cLIFeS4Igtg https://www.youtube.com/watch?v=s4hAGpEH2kE

13

CO_Q3_PPIITTP SHS Module 6

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] *...


Similar Free PDFs