Pagbasa at Pagsusuri 5 4 All Strand Grade 11 PDF

Title Pagbasa at Pagsusuri 5 4 All Strand Grade 11
Author Akira Duze
Course General
Institution University of Batangas
Pages 17
File Size 1.3 MB
File Type PDF
Total Downloads 333
Total Views 490

Summary

FilipinoModyul 5: COHESIVE DEVICEPagbasa at Pagsusuri ng Iba’t IbangTeksto Tungo sa PananaliksikFilipino – SHS Baitang 11 Kwarter 3- Modyul 5: Cohesive DeviceIsinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. G...


Description

11

www.shsph.blogspot.com

Filipino Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Modyul 5: COHESIVE DEVICE

www.shsph.blogspot.com

Filipino – SHS Baitang 11 Kwarter 3- Modyul 5: Cohesive Device Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat:

Ana Maria B. Gojar; Emma D. Gonzales; Michelle Erika A. Clemente; Catherine N. Mirabel

Editor:

Dorothy Gabion

Tagasuri:

Nora J. Laguda; Sharon A. Vito

Tagaguhit:

Jotham D. Balonzo

Tagalapat:

Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Marianne Hapa, Brian Navarro

www.shsph.blogspot.com

Paunang Salita Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay: Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapakipakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito. Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral: Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang magalala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa habang natututo. Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii

www.shsph.blogspot.com

Cohesive Device Panimula: Kumusta ka aking mag-aaral? Nakahanda ka na ba sa ating bagong aralin?

Ang paksa natin ngayon at mga gawain ay makatutulong upang mas lalong mapaunlad ang iyong kakayahan sa wastong paggamit ng mga pahayag na nagpapakita ng kaugnayan sa bawat isa. Makatutulong ito na maging malinaw ang paglalahad mo ng mga kaisipan at datos sa pagbubuo ng mga teksto. Halika, simulan na natin!

Sa modyul na ito, inaasahan na nagagamit mo ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto.

Layunin

1

www.shsph.blogspot.com

May mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito. Magagamit mo ang mga ito upang ganap mong maunawaan ang mga susunod na talakay tungkol sa ating paksa. Halika! basahin mo sa susunod na pahina.

Talasalitaan Basahin mo.

Gumagamit ng malinaw na pang-ugnayan upang ipakita ang pagkasunodsunod at ugnayan ng teksto.

Salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita.

Cohesive Device

Maaari ito maging panghalip na humahalili sa pangngalan. Ibig sabihin, ito ang pumapalit sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o lugar, pangyayari, at marami pang iba.

2

www.shsph.blogspot.com

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin?

Panimulang Pagsubok Panuto: Tukuyin ang mga salita o pariralang iisa lamang ang tinutukoy sa bawat sumusunod na pahayag.

1. Lubhang nabahala ang lahat ng tao sa mundo dahil sa dalang panganib sa kalusugan ng Covid 19. Ang sakit na ito ay tunay na nakaapekto sa kilos, pamumuhay at katahimikan ng daigdig. 2. Nararapat nating sundin ang alituntuning ipinapatupad ng pamahalaan upang maiwasan ang paglaganap ng Covid 19 sa bansa. Ito lamang ang tanging paraan sa ngayong wala pang nalilikhang bakuna sa naturang sakit. 3. Mga matatanda, bata at may dating iniindang sakit ang higit na kailangang mag-ingat sa panahong ito. Sila ang nanganganib na madaling mahawaan ng sakit na Covid 19 ngayong pandemic. 4. Lahat ng tao ay nararanasan ngayon ang paghihirap. Paghihirap sa pananalapi, paghihirap sa pagkilos at paghihirap sa iba’t ibang emosyong umiiral. 5. Ang pagiging disiplinado, pagkamasunurin at pakikiisa ng bawat isa ay napakahalaga ngayong pandemic. Ito ang mga asal na dapat umiiral sa panahong ganito.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok. Alamin natin sa pahina 12 ang wastong sagot sa mga t Saang antas ka kaya nabibilang? 5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY 3-4 tamang Sagot – MAGALING 1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA 0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3

www.shsph.blogspot.com

Ang galing mo naman kaibigan! Halika, may inihanda pa akong mga dapat mong matutuhan at ilang gawaing mas lalong magpapaunlad sa iyong paggamit ng kohesyong gramatikal.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo. Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal 1. Reperensiya (Reference) - Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari ito maging anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag pinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).

2. Substitusyon (Substitution) – Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita. 3. Ellipsis- May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita. 4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.

4

www.shsph.blogspot.com

5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. a. Reiterasyon- (1) Pag-uulit o repetisyon, (2) Pag-iisa-isa, (3) Pagbibigaykahulugan b. Kolokasyon

Reyes, Alvin Ringgo C. Komunikayon at Pananaliksik sa WIKA AT KULTURANG PILIPNO. Makati City, Philippines: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016.

Ipagpatuloy mo ang pagbasa at sagutin ang mga tanong.

Palalimin pa Natin!

Upang mapag-ugnay ang mga kaisipan at mailahad ang pananaw, gumamit ng mga pang-ugnay (cohesive device) gaya ng mga pangatnig.

TANDAAN!

5

www.shsph.blogspot.com

Ang Cohesive Devices ba ay maaaring makita sa iba’t ibang uri ng teksto?

Ang isang babasahin o teksto ay binubuo ng magkakahiwalay na mga pangungusap o sugnay. Ang mga pangungusap o sugnay na ito bagaman magkakahiwalay ay

Tama ka riyan! Ang cohesive devices ay matatagpuan sa iba’t ibang uri ng teksto isa na rito ang Tekstong Deskriptibo at Nanghihikayat.

pinagdugtong o pinag-uugnay ng mga gamit pang-ugnay o kohesyong gramatikal. Ginagamit na pang-ugnay na ito ay referents o reperensiya na kung tawagin ay anapora at katapora.

Aba siyempre mayroon! Ilan lamang dito ang mga sumusunod: 1. Pagpapahayag ng Pagdaragdag-(Hal. Gayundin, saka, bilang karagdagan) 2. Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan(hal.maliban sa, sa mga, kay, kina, bukod sa) 3. Dahilan o resulta pangyayari-(Hal. Kaya sapagkat, bunga nito)

ng kaganapan o naman, dahil sa,

4. Kondisyon, bunga, o kinalabasan-(Hal. Sana, basta’t, sa sandaling, kapag)

5. Taliwas o salungat-(Hal. Pero, ngunit, sa halip)

Magaling!!! Nagustuhan mo ba ang ating talakay? .Ipagpatuloy mo pa.

6

Mayroon bang wastong Gamit ng Cohesive Devices? Maaaring magbigay ng mga halimbawa?

www.shsph.blogspot.com

no’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman? Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral? Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan Naunawaan Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain. Subukan Mo! Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Punan ng angkop na panghalip ang mga patlang mula sa ibinigay na mga pagpipillian sa loob ng panaklong.

Pagsasanay 1

1. ___ (Siya’y, Ika’y, kami’y) isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat. 2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Clara dahil sa paniniwalang___ (ako’y, kami’y, siya’y) maaaring magpositibo sa swab test dahil sa nakasama nila sa loob ng eroplano ang isa nagpositibo sa Covid19. 3., Kinausap ko si Manolo, sinabi ko sa ___ (kanila, kaniya, amin) na ang kanyang ginawa ay mahusay. 4. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa ___(nila, ko, mo) ang pagkakuha ko sa paanyaya.” 5. Sumapit ang inaasam (naming, kong, niyang) araw ng sayawan. Sapagkat doon aamin ng nararamdaman ang aking kaibigan sa kaniyang na pupusuan. Kamusta ang unang pagsasanay?

MADALI ba o

MAHIRAP?

Tingnan ang sagot sa pahina 12. Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1? Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!

Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2. Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

7

www.shsph.blogspot.com

Dahil

madali

mo

lang

nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong

Pagsasanay 2

kaalaman.

Panuto: Hanapin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginamit na Kohesyong gramatikal o cohesive devices na nagsisilbing pananda, pang-ugnayan at pagtitipid sa pangungusap. 1. Kahit gaano siya katatag, kailangan pa rin ng isang anak ang gabay ng isang magulang. 2. Ang mabait na anak ay may disiplina sa sarili kaya siya ay kahanga-hanga. 3. Ang paglala ng kahirapan ay dahil sa mga taong tulad nila. 4. Sa luneta tayo nagkita, ditto kita unang nakilala. 5. Ito ang isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan. Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2. Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1

Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan ang sumusunod na pagsasanay. Panuto: Sumulat ng talatang nagpapaliwanag sa larawang makikita sa

Pagsasanay 3

susunod na pahina, gumamit ng mga kohesyong gramatikal o cohesive devices at salungguhitan ang mga ito. Gawing gabay sa pagsulat ang pamantayan sa pagmamarka.

8

www.shsph.blogspot.com

https://theconversation.

PAMANTAYAN Nilalaman Pagtalakay tungkol sa napapanahong isyu. Cohesive Devices

BAHAGDAN 50%

50%

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa 12. Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap?







9

www.shsph.blogspot.com

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong gawin. Naisip mo…Isulat mo!

Panapos na Pagsubok Panuto: Buoin ang mga sumusunod na pahayag na ginagamitan ng cohesive devices. 1. Ang pananampalataya sa Maykapal ay pinakamalakas na sandata sa panahong ito. ___________________________________________________________.(repere nsya) 2. Ang Covid 19 Inter-Agency Task Force ang siyang namumuno sa pagpaplano sa mga hakbang na dapat gawin upang mapigilan ang paglaganap ng nasabing sakit. ______________________________________________ (substitusyon) 3. Karamihan daw sa mga Pilipino ay ayaw sumunod sa patakarang inilabas ng IATF. _________________________________________( ellipsis) 4. Ang lahat ng pagsubok at paghihirap na dulot ng pandemyang ito ay ating malalampasan _____________________________________________(pangugnay) 5. Ang tunay na asal ng tao ay makikita sa panahong ng paghihirap at dalamhati______________________________________(leksikal) Rubrik sa pagbibigay ng puntos Nabuo nang wasto ang pahayag Nabuo ang pahayag ngunit may kaunting kakulangan sa diwa Nabuo ang pahayag ngunit hindi gaanong malinaw ang diwa nito Hindi gaanong nabuo ang pahayag Hindi nabuo ang pahayag

5 4 3 2 1

Sa wakas! Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang iyong mga sagot sa pahina 12. Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.  nagawa lahat  1 hindi nagawa  2 hindi nagaw  3 pataas hindi nagawa

10

www.shsph.blogspot.com

Ang ganda ng aralin natin. Ang dami kong natutuhan. Na-enjoy ko rin ang mga gawain at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga pagsasanay. Kaya parang gusto ko pa ng karagdagang Gawain. Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto: Pahayag

Kaisipan

1. Mga dalit ni Kupido 2. Bawat mata na aking matudla 3. Nanatak ang luha ng pait at dita 4. Nunulas ang hinanakit at mga pasakit 5. Hindi lamang yata ako duling, baka ako ay bulag pa rin!

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kaibigan!

11

12 Panimulang Pagsubok

1. Mundo-daigdig Covid 19- sakit na ito 2. Alituntuning ipinapatupad ng pamahalaan-ito Covid 19- naturang sakit 3. Mga matatanda, bata at dating iniindang sakit- sila Panahong ito-pandemic 4. Paghihirap- paghihirap sa pananalapi, paghihirap sa kilos at paghihirap sa iba’t ibang emosyong umiiral 5. Disiplinado, pagkamsunurin at pakikiisa – ito ang mga asal Pandemic- panahong ito Pagsasanay 1

1. 2. 3. 4. 5.

Siya’y Siya;y Kaniya Mo Kong

Pagsasanay 2

1. 2. 3. 4. 5.

Siya, Katapora Siya, Anapora Elipsis Dito, Anapora Ito, Katapora

Pagsasanay 3 Sumangguni sa Rubrik

Panapos na Gawain: Sumangguni sa Rubrik

Susi sa Pagwawasto moc.topsgolb.hpshs.www

www.shsph.blogspot.com

Sanggunian Aklat

Reyes, Alvin Ringgo C. Komunikayon at Pananaliksik sa WIKA AT KULTURANG PILIPNO. Makati City, Philippines: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016. Dayag, Alma M. et.al. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Phoenix Publishing House.Inc. Lungsod ng Quezon. De Laza, Crizel S. 2016 Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book Store. Manila

Website “The Conversation” galing sa https://theconversation.com/how-religions-and-religious-leaderscan-help-to-combat-the-covid-19-pandemic-indonesias-experience-140342

13

www.shsph.blogspot.com

Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 178 1288 Email Address: [email protected]...


Similar Free PDFs