Modyul sa Panulaang Filipino PDF

Title Modyul sa Panulaang Filipino
Author Laurence Romero
Course Teaching as a Profession
Institution West Visayas State University
Pages 9
File Size 306.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 636
Total Views 809

Summary

MODYULsaPanulaang FilipinoInihanda ni:Paulina B. Romero MatFil.Ret. Asst. Prof. IVBawat bansa ay may sari-sariling kultura, tradisyon, mga paniniwala at iba pang matatawag na identidad na madaling pagkakilanlan ng bawat isa. Ang Panitikan ay isang kasaysayan nanaririnig, nababasa at napasalindala ng...


Description

MODYUL sa Panulaang Filipino Inihanda ni: Paulina B. Romero MatFil. Ret. Asst. Prof. IV

Bawat bansa ay may sari-sariling kultura, tradisyon, mga paniniwala at iba pang matatawag na identidad na madaling pagkakilanlan ng bawat isa. Ang Panitikan ay isang kasaysayan nanaririnig, nababasa at napasalindala ng karamihan mula noon hanggang ngayon. “Ang kasaysayan ay tukuyan at naglalarawan na hubad na katotohanan, samantala ang panitikan ay nagagayakan ng mga magagarang damit ng pagpapahayag at nakukulayan ng malikhaing guni-guni ng may-akda”, ayon kina (Sanchez, A. at Reyes, J.,2019). Hindi lahat ng naisusulat o naililimbag ng may-akda sa isang Panitikan ay maituturing “Panitikan” kundi ito ay bunga lamang ng mga guni-guni o imahinasyon tungkol sa isang paksa. Filipino ang ating pambansang wika. Ginagamit ito sa pakikipagkomunikasyon sa lahat ng transaksyon o kadahilanan ng pakikipag-usap maski nasa iba’t iba tayong kapuluan na nakatira at sari-saring diyalekto ang ginagamit. Marami na ring pagbabago sa ating wika pero hindi naman natin makakalimutan ang ating sariling wika at kasanayan nito. Sa Panitikan ay mayroong dalawang anyo, ang Prosa o Tuluyan at Patula. Ang Prosa o Tuluyan ay isang anyo na malaya na pagbabahagi ng makata tungkol sa kanyang pananaw o saloobin sa isang paksa. Katulad ng talambuhay, kwento, nobela at iba pa. Samantala ang Patula ay isang anyo ng panitikan na may sukat, tugma at pantig. Kadalasan nito ay base sa mga tunay na karanasan ng makata. Para kay Arrogante (1983), “isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng mga napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kaniyang daigdig na kinabibilangan”. Sana lahat ng naipahiwatig at nailalahad ng modyul na ito ay mas lalong nauunawaan ng mga mag-aaral ang tunay na kahalagahang Panitikang Filipino at mas matatangkilik, mapapaunlad at malilinang pa ito. Aralin 1: Panitikang Filipino Introduksyon: Bawat mamamayang Pilipino ay mas higit na maintindihan ang Panitikan kapag may kamalayang mula noon hanggang sa kasalukuyan. Umunlad ito dahil sa mga mahuhusay at tanyag na manunulat. Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kwentong-bayan, maiklingkwento, nobela, sanaysay, tula, dula, drama, balagtasan, parabola, bugtong,

alamat, tanaga, salawikain, sawikain, awiting-bayan, epiko at mga iskrip na pantelebisyon o pelikula. Mga Kahalagahan ng Panitikan: 1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino at mailinang natin ang pinagyamang isip at angking talino ng ating pinaggalingang lahi. 2. Dapat nating mabatid na tayo’y mga dakila at marangal na tradisyon na ating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kultura na nakarating sa ibang bansa. 3. Nababatid ang kahinaan sa pagsulat at at pagsasanay upang ito ay maiaayos at maituwid. 4. Nakikilala at nagagagamit ang mga kakayahan sa pagsulat at maging masigasig sa paglinang at pagpapaunlad nito. 5. Naipadarama ang pagmamahal sa kultura sa pamamagitan ng pagpapakita ng malasakit at pagtangkilik sa panitikan. Uri ng Panitikan na Ayon sa Paghahalin Ayon sa pagkakaunlad ng panitikan saan mang bansa, ito ay nauuri sa paraan ng isinasagawang paghahalin nito sa bawat pumapalit na henerasyon. Noon ang ating mga ninuno ay hindi pa natutuhan ang sistema ng pagsulat, sa pamamagitan lamang ng bukambibig o pagbigkas nito, ito nalilipat-isip. Sa kadalasang pagsasaawit, pagkukwento o pagsasatula, ito’y namememorya ng karamihan. Ang paraan na ito ay tinatawag na pasalindila. Natutuhan ng mga ninuno ang sistema ng pagsulat. Sa pamamagitan ng Alibata, ito ang tawag sa alpabeto nila noong araw. Dati ay sa dahon o balabak ng halaman lang sila nagsusulat o di kaya nag-uukit sa mga bato o kahoy. Dumating ang panahon na naimbento na ang imprenta kaya ang mga naisatitik nang kaalaman ay nagawa pang maipalimbag. Sa paraang ito ay lalong napalaganap ang panitikan dahil naisawalat na at naiingatan na hindi katulad ng pagbigkas habang lumalaon ay nawawala. Kaya kung hindi naisusulat, darating ang panahon na ang likas na katalinuhan ng mga ninuno ay sadyang kayamanan ng panitikan sa pasalindilang tradisyon ay tuluyang na mawawala. Ang paraan na ito ay simpleng tinatawag na pasalinsulat. Hanggang dumating ang makabagong paraan ng paghahalin, pawang mga kagamitang pang-elektroniko na ang ginagamit sa pagtatala ng panitikan kaya nagiging awdyo-biswal ang dating. Mas masining ang paraan na ito dahil halos lahat ng uri ng sining, musika, sayaw, arkitektura, fotograpiya, pintura, atbp. ay napagsamasama. Kabilang na rin dito ay ang radyo, telebisyon at pelikula. Ang paraan na ito ay tinatawag na paelektroniko. Samakatuwid, sa tatlong (3) kaparaanang-uring ito: pabigkas, at paelektroniko naipamamanang-tuto o nalilipat-lahi ang panitikang Filipino.

Uri ng Panitikan ayon sa Anyo







Patula - ang anyo na ito ay kapag taludturan at saknungan. - bawat taludtod ay maaaring may sukat at tugmaang pantig sa hulihan o sadyang malaya na ang ibig sabihin ay walang sukat at tugma, sa madaling salita ay tula. Patuluyan - anyo na ito ay kapag karaniwan o ayon sa tuwiran kinasanayang pagsasalita ng tao o pinapahayag. -madali itong basahin at unawain, di-tulad ng patula na kailangang pang arukin dahil napakamatalinghaga. - ito ay patalata, nabibilang dito ang maikling kwento, nobela at sanaysay. Patanghal- ito ay ipinapalabas sa tanghalan o isinasadula. Pumapailalim ito sa dalawang nauunang anyo-patula at patuluyan, dahil ang mga diyalogo ay maaaring isulat alin man dito. -pasalitaan kung ito’y ilahad at karaniwang nahahati sa yugto na maaaring iisahin, dadalawahin o tatatluhing yugto. Ang bawat yugto ay binubuo naman ng mga tagpo, samakatuwid ito ay dula.

Gawain Pagsasanay: Sagutan ito sa isang buong papel ang mga tanong nasa ibaba. A. Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod: (1 puntos bawat isa) 1. Ito ang Ingles na katumbas sa Panitikan. 2. Ito ay ang pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad ang anyo ng katutubong panitikan. 3. Ang anyo na ito ay may taludturan at saknungan. 4. Ito ay ipinapalabas sa tanghalan o isinasadula. Pumapailalim ito sa dalawang nauunang anyo-patula at patuluyan, dahil ang mga diyalogo ay maaaring isulat alin man dito. 5. Unang alpabeto sa panahon ng ating mga ninuno. B. Maikling Malayang Sanaysay… Panuto: Bumuo ng sariling pananaw tungkol sa Pantikan ng Pilipinas na may kaugnayan sa nangyayari sa kasalukuyan.

TANDAAN!

Panitikan ay talaan ng buhay ng isang tao. Bahagi na ito sa buhay ng mga Pilipino mula sa ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan. Kahit ilang henerasyon na ang nakalipas hindi pa rin madaling mawala ang ang mga popular na akda at mga tanyag na makata.

Ang Panitikan ay nagsisilbing representasyon ng isang tao kung saan man siyang lugar galing at kung anumang lahi ang meron siya. Dito makikita at makikila ang isang tao sa kanyang kaugalian, paniniwala at kung ano-ano pa. Hindi maipagkakaila kung ano at sino tayo. Kailangang tangkilikin ang sariling atin, hindi lang dahil sinabi ng ating mga matatanda at mga bayani kundi dahil tayo ay mga Pilipino. Mahalin at pagyamanin natin…. ang sariling atin. Aralin 2: Tula: Tuluyan; Tayutay, Konotasyon at Denotasyon Gawain/ Panimula.

Narito ang isang halimbawa ng tula tungkol sa buhay ng mamamayang Pilipino. Ako ay Pilipino Ako ay Pilipino Ipinanganak na may talino Na maipapamahagi ko Para sa kapakanan ng mundo. Ako ay Pilipino Isinasabuhay ko ang kultura ko Hindi ko ikakahiya ito Kahit saan man ako magtungo. Ako ay Pilipino Ipaglalaban ko ang katarungan ko Karapatan ko at ng lahat ng kalahi ko Na matanggap ang nararapat na respeto. Ako ay Pilipino Mahal ko ang bayan ko Hinding hindi ko isusuko Ang pagiging isang Pilipino. ~*~*~*~*~*~

Gawain Ipapaliwanag ang tula: Ang tula ay tungkol sa pagiging isang Pilipino natin na kailangang ipagmalaki ang ating talino at kakayahan kahit saan mang sulok ng mundo pa tayo makararating. Hindi natin ikahihiya kung ano tayo at dapat ipaglaban kung ano ang nararapat bilang isang Pilipino. Kaya lagi tatandaan, huwag ikahiya kung anuman tayo at kung inaagrabyado man tayo ng ibang tao lalo na kung hindi natin kauri… dapat na ipaglaban natin kung anong nararapat para sa atin dahil tayo ay pantay-pantay bilang isang tao.

Ang Tuluyan ay nasa anyong karaniwang pagpapahayag, malaya at madaloy na pagbuo ng salitang Tula. Hindi limitado ang pagpigil sa paggamit ng mga pangungusap ng may-akda. Mga halimbawa: Maikling-kwento Kathang-buhay o Nobela Dula Talambuhay

Mga sanaysay Talumpati Ulat Kasaysayan, at iba pa

Gawain Panuto: Lumikha ng isang spoken poetry kahit anong paksa. Aralin II Ano ba ang Tayutay? 

ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin para mas lalong maintindihan ito.

Mga uri ng tayutay 





 

Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles. Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Pag-uulit o Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.

Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay. o Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay. o Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunudsunod na taludtod. o Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag. o Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles. Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin. Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli. Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas. Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin. o

       

Aralin: Tula; Sukat at Tugma Gawain Panuto: Lumikha ng tula na may sukat at tugma gamit ang kompletong patern AAAA, AABB, ABAB, ABBA. Apat na saknong lamang. Ipaliwanag ang iyong ginawang tula. Patula o Tula- pangalawang anyo ng Panitikan na may taludturan at saknungan. Ang bawat taludtod ay maaaring may sukat at tugmaang pantig sa hulihan o sadyang malaya o walang sukat at tugma. - Nararapat na nagtataglay ng magandang diwa at makasining o may kariktan

Sukat- ito ay mga bilang ng pantig sa isang taludtod. Tugma- ito naman ang mga pagkasintunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong. Mayroong mga tula na may sukat at walang tugma o blank verse at meron ding walang sukat at walang tugma o free verse. May mga uri ng tula, ito sila:

Mga Uri ng Tula Ayon sa Layunin o Kaalaman 1. Tulang Liriko o Damdamin o Ang tulang ito ay may himig, musika at puno ng damdamin. Halimbawa nito: oda, elehiya, soneto, awit o himno. o Ang mga kantahin ay binubuo ng mga payak na salita at sukat. Hal: matatandang awitin, awiting panrelihiyon at mga kantahing-bayan. a) Awit- isang tulang liriko na may marangal na uri at karaniwang pinapaksa ay mayroong kinalaman sa pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pangamba at iba pa. b) Soneto- maikling tula, awit o balad. Ito ay may 14 na taludtod. c) Elehiya- isang uri ng tulang liriko na nagpapahayag ng pagninilanilay o pagrereflect ng isang pangyayari o guni-guni hinggil sa kamtaayan. Halimbawa ay “Elegy” ni Thomas Gray. d) Dalit- ito’y pagpaparangal sa ating Dakilang Lumikha at may halong pilosopiya sa buhay. e) Oda- isang uri ng liriko na may marangal at matinding damdamin na nagpapahayag ng papuri at paghanga. Papuri o paghanga sa mga nagawang mabuti ng isa o grupo ng mga tao. Halimbawa nito ay ang kaninang awitin na “Bayan Ko”. f) Pastoral – hinggil sa kahalagahan ng bukirin. 2. Tulang Pasalaysay- nagsasaad ang tulang ito ng iisang pangyayari na maaaring totoo o kaya’y nilikha ng guni-guni. Halimbawa nito ay ang epiko, mga awit, korido, balada at iba pa. a) Epiko- mahabang salaysay tungkol sa kabayanihan ng bida at kung minsa’y hango sa mga karaniwang pangyayari sa ating paligid ngunit ito’y ukol sa isang tao na may pambihirang katangian. Mga halimbawa nito ay ang “Bantugan at Bidasari”, “Biag ni Lam-ang” at iba pa. b) Awit at Korido- uri ng pasalaysay na mayroong kagitingan o kanayanihan, pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng prinsepe’t prinsesa bilang mga tauhan ng kwento. Halimawa nito ay ang “Florante at Laura” ni Balagtas at “Ibong Adarna” ni Jose dela Cruz.

3. Tulang Pandulaan- ito ay itinatanghal o tinatawag ding patanghal. At ang mga tauhan ay gumaganap na mat kanya-kanyang bahaging binibigkas nang patula. o Ang kaanyuan nito ay katulad ng karaniwang dula, ang pinagkakaiba lamang ng tulang pandulaan ay may sukat at tugma o may sukat at walang tugma (blank verse). Samantala ang karaniwang dula ay sa tuluyan nasusulat. Mga halimbawa nito ay ang saynete ni Francisco Baltazar n “La India Elegante y El Negrito Amante”, ang melodramang “Plaridel” ni Jose N. Sevilla at ang “Katipunan” ni Gabriel B. Francisco. 4. Tulang Patnigan- Isa itong tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Kabilang dito ay ang karagatan, duplo at balagtasan. o Karagatan- ito ay itinuturing bilang matandang anyo ng Panitikan. Tinatawag din itong “tulang padula” sapagkat ang mga ito ay nasusulat sa padula at ginagampanang ng mga tauhan. - ito ay batay sa paligsahan ng isang tula. Ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng karagatan. Papakasalang ng binatang makakakuha nito. Dapat sisisid siya para makuha ito. o Duplo- isa rin itong laro paligsahan; ang mga lalaking kasali ay tinatawag na “duplero” at ang mg babae naman ay “duplera” - ang “palmatorya” ay isang tsinelas na ginagamit ng hari upang ipalo sa palad bilang parusa sa mga hindi mananalo. - ang paksa ay pagtatalo tungkol sanawawalang loro ng hari o kaya naman magsusumbong ang duplero sapagkat hinamak ng isang duplera. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan. o Balagtasan- ay isang pagtatalo ng isang paksa na mayroong 2 o mahigit na protagonist. Bawat isa rito ay naglalahad ao nagpapahayag ng kanilang mga saloobin at ideya sa isang paksa o berso at may tugmaan. -ang tagahusga ay tinatawag din na lakandiwa kung lalaki at lakambini naman kung babae. Gawain Panuto: Basahin ang awit ng Florante at Laura ni Kiko Balagtas at gumawa ng reaksyon....


Similar Free PDFs