Ugnayan ng wika at nasyunalismo PDF

Title Ugnayan ng wika at nasyunalismo
Author Marites Malacad
Course Bachelor of Arts in History
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 4
File Size 63.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 356
Total Views 488

Summary

Malacad, Trixie Mae O. BAH 1-Language and Nationalism Ang nasyonalismo ay nagsisimula kung ang isang tao ay kinaligtan ang kaniyang pansariling pangangailangan at lahat ng kaniyang gagawin o ginagawa ay para na sa mas maraming bahagdang ikakauunlad ng kaniyang lipunan. Ayon kay Smith, ang nasyonalis...


Description

Malacad, Trixie Mae O.

BAH 1-3

Language and Nationalism Ang nasyonalismo ay nagsisimula kung ang isang tao ay kinaligtan ang kaniyang pansariling pangangailangan at lahat ng kaniyang gagawin o ginagawa ay para na sa mas maraming bahagdang ikakauunlad ng kaniyang lipunan. Ayon kay Smith, ang nasyonalismo ay isang pakiramdam kung saan ang isang indibidwal ay kuntento at matapat sa kaniyang bayan dahil ramdam niyang siya’y kabilang dito. Samakatuwid, nasyonalismo ang siya ngang gumigising sa pagkagupiling sa kamalayan ng lahi na nakabatay sa mga katangiang taglay ng isang bansa. Ito rin ang susi kung bakit umuusbong ang mga hangaring pampolitikal at mga ideolohiya na angkop sa pangangailangan ng isang lipunan. May anim na sumusunod na sangkap ang nasyonalismo: teritoryo, relihiyon, lahi, kasaysayan, kultura, at wika. Ayon sa artikulo, may tatlong pangunahing uri ito: pansibikong nasyonalismo, pangkulturang nasyonalismo, at linggwistikong nasyonalismo. Ang pansibikong nasyonalismo ayon kay Alter, ay ang pianakakaraniwang yunit na nagtatangi sa bawat bansa, ito ang nasyon, estado, at nasyon-estado. Ang nasyon ay binubuo ng isang lipunan kung saan ang mga mamamayan nito ay nagtataglay ng mga karaniwang tiyak. Ang isang estado, sa kabilang banda, ay tinutukoy ang isang bansa bilang may pampulitikang konstruksyon sa ilalim ng isang sistema ng pamahalaan. Ang nasyon-estado naman ay maituturing na kombinasyon ng dalawang nabanggit kung saan ang mga mamamayan ay may tiyak na katangian at pagkakakilanlan at may iisang uring kaayusan ng pamahalaan. Ang pagbuo ng mga ito ay kadalasang resulta ng nasyonalismo. Ang pangkultura nasyonalismo naman ay nakatuon sa isang pambansang pagkakakilanlan na hinubog ng mga tradisyon at kultura. Panghuli, ang lingguwistikong nasyonalismo ay hindi maitatangging pinakamahalagang uri ng nasyonalismo dahil ayon kay Hosbawm, ang pagkakaroon ng linggwistikong

nasyonalismo ay kontrolado ng estado o hindi kaya’y nabuo dahil sa pagkapanalo ng isang kilusan upang magkaroon ng iisang kinikilalang opisyal na wika. Dagdag pa niya, ang mga problema sa kapangyarihan, ekonomiya, ideolohiya o maging sa kultura ay nasa kamay ng mga mamamayan kung gaano nila kinikilala ang importansya ng linggwistikong nasyonalismo. Malaki ang papel ng wika sa paggising sa damdaming makabansa ng isang tao. Sa kadahilanang ito ay mahalagang instrumento upang makamit ang layunin na pagbuklurin ang bayan. Ano ba ang wika? Ang wika ay sistema na kung saan ay ginagamitan ng mga tunog, simbolo at mga kaugnay na bantas upang makipagtalastasan o magpahayang ng isang kaisipan. Ngunit bukod pa roon, ay may mas malalim pa na kahulugan ang wika---ito ang nagsisilbing simbolo ng identidad ng isang lipunan. Bawat bansa ay may kanya-kanyang wika batay sa kanyang lahing pinagmulan, kulturang kinalakhan at kasaysayang kinagisnan. Wika rin ang sumasalamin sa damdamin at diwa ng isang bayan. Ayon kay Herder, may tatlong konseptong nakaugat sa wika: (1) interaksyon, alam natin ang wika ay ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga mamamayan ng isang lipunan ngunit; (2) ang kamulatan sa sariling identidad ng isang tao ay mahihinuha rin sa kung paano niya gamitin at pangahalagahan ang kanyang sinasalitang wika at; (3) ang kamalayan sa sariling bayan ay mauugat rin kung gaano tinatangkilik o minamahal ng isang tao ang kaniyang wika na tumatahak sa isang landas kung saan isa ang wika sa nagpapanatili ng pagkakaiba-iba at natatanging identidad ng bawat bansa. Ayon kay Fishman, ang kasaysayan ay binubuo ng mga pangalan, petsa at lugar ngunit sa isang banda ay ipinapahiwatig rin nito ang importansya ng diwa at sariling katangian ng nasyonalidad. Ang diwang ito ay sumasalamin at protektado ng katutubong wika ng isang bansa. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na maraming pinagdaan ang bansang Pilipinas bago nito natatag ang opisyal na wikang pambansa---ang wikang Filipino. Nabansot ang mga katutubong wika ng Pilipinas

noong dumating ang mga dayuhang mananakop sa bansa. Noong kolonyalismong Espanyol, “Bravo” ang tawag sa mga matatas magsalita ng wikang Kastila at “Indio” naman ang tawag sa mga katutubong Pilipino. Unti-unti mang nabubura ang identidad ng Pilipinas dahil sa loob ng tatlong siglong kolonyalismo ng Espanyol ay marami itong binago sa mga nakasanayang kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Ngunit, noong taong … ay sa wakas ay nakalaya rin ang bansang Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol. Noong panahong akala ng mga Pilipino na tuluyan nang malaya ang inang bayan ay saka naman sumalakay ang mga Amerikanong mananakop dala ang bagong pamantayan ng pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Alam nila na masidhi pa ang damdaming makabansa ng mga Pilipino dahil kakawala lamang nito sa kadenang inilagay ng mga Espanyol. Kung kaya’t imbis na militarisasyon ang kanilang ginamit ay edukasyon ang ginawa nilang armas upang mapasunod ang mga Pilipino ayon sa kanilang mga hangarin. Dahil dito tuluyan na ngang niyakap ng mga Pilipino ang banyagang wika at namatay na ang diwa ng nasyonalismo sa bansang Pilipinas. Ito ngayon ang ikinakaharap na suliranin ng mga Pilipino. Masyadong ipinipilit ng nakararaming Pilipino ang kanilang sarili sa paraan ng pag-iisip, pananalita, at paggawang makadayuhan. Dito ngayon pumapasok ang konsepto ni Virgillo G. Enriquez na ‘Sikolohiyang Pilipino’ na ayon sa kanya ay ang siyentipikong pag-aaral ng etnisidad, lipunan at kultura ng isang lipi, at ang paglalapat ng katutubong kaalamang nakaugat sa etnikong kamalayan sa praktis ng sikolohiya. Mahalagang malaman ito ng Pilipino upang maintindihan niya ang kaniyang sarili upang sa gayon ay mapaunlad niya ang kanyang buhay. Dagdag pa ni Enriquez, kung susuriing mabuti ang nagyaring unawa’t salakay ng mga banyaga sa mga Pilipino ay naging daan ito upang ang mga Pilipino ay hagkan ang banyagang wika higit pa sa nakagisnan nitong wika. Bilang solusyon, isinulong ang katutubong sikolohiya bilang isang alternatibong modelo: isang disiplinang maka-agham pa rin ang lapit subalit

yaong may pagsasaalang-alang sa kultural na konteksto at may layon pa ring makabuo ng isang unibersal na sikolohiyang angkop sa lahat ng mga kultura. Isa sa mga konseptong gagabay sa solusyong ibinahagi ni Virgillo G. Enriquez ay ang Filipinolohiya. Ito ang disiplina ng karunungan na nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng karunungang Pilipino. Malaki ang ambag nito sa higit na pagpapalakas ng diskurso at paglilinaw ng direksyon ng intelektuwal na tradisyong maka-Filipino sa bansa. Katulad ng Sikolohiyang Pilipino, tinatapyas nito ang kolonyal na kamalayan at naghahain ng alternatibong daan sa pag-unawa ng bansa. Ayon kay Abadilla sa kanyang artikulo na pinamagatang, ‘Wisyo ng Konseptong Filipinolohiya’, ang Filipinolohiya ay importante sa pagkakaroon ng proseso ng mga kaisipan upang ang karanasang bayan ay maging talinong bayan. Ito ay mabisang makakamit gamit ang sistemang edukasyon dahil kung ituturo sa mga Pilipino ang kalinangan at kahalagahan ng kasaysayan ng bansa nito ay makakabuo ito ng talinong may katuturan sa pambansang pangangailangan. Ang talinong malilikha ay ang magiging karunungang gagabay sa paglikha ng mga pangangailangan sa lipunan. Ito ang magiging daan upang makamit ng bansa ang pambansang kaunlaran. Ang pambansang kaularan ay pangkalahatang pabuti ng antas ng isang bansa. Ito ang tumutukoy kung ang isang bansa ba ay nasuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ang naghahayag kung nabigyang kapakanan ba ang mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, kalusugan at imprastraktura. Samakatuwid, kailangan natin bigyang interes ang kahalagahan ng wikang Filipino sa ating lipunan at buhayin ang damdaming makabansa upang ating makamit ang inaasam na pambansang kaunlaran....


Similar Free PDFs