Title | Aralin 11-DLP- Register AT Barayti NG WIKA |
---|---|
Author | Lynn Andrea |
Course | Education |
Institution | Arellano University |
Pages | 3 |
File Size | 249.1 KB |
File Type | |
Total Downloads | 143 |
Total Views | 418 |
DYNAMIC LEARNING PLANASIGNATURA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOPAKSA REHISTRO AT BARAYTI NG WIKASANGGUNIAN Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ni Prof. Andrea B. Adri at Dr. Maria Agnes Q. Ifurong LINGGUHAN ARAWLAYUNIN ● Natutukoy ang rehistro at iba...
DYNAMIC LEARNING PLAN ASIGNATURA
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
PAKSA
REHISTRO AT BARAYTI NG WIKA
SANGGUNIAN
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ni Prof. Andrea B. Adri at Dr. Maria Agnes Q. Ifurong
LINGGUHAN
LAYUNIN
ARAW
●
Natutukoy ang rehistro at iba’t-ibang barayti ng wika na ginagamit sa iba’t-ibang sitwasyon sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginagamit sa iba’t-ibang larangan;
●
Nakapagbibigay ng sariling halimbawa sa rehistro at iba’t-ibang barayti ng wika.
●
Nakapagsasagawa ng pagsusuri ng barayti ng wika gamit ang iba’t-ibang larangan.
NILALAMAN
Ang REHISTRO ay ang baryasyon batay sa gamit. Ito ay tinatawag ding istilo sa pananalita. Ito ay may tatlong uri ng dimension. a.) Field o larangan b.) Mode o modo c.) Tenor
Ang BARAYTI ay itinuturing na higit na mas masaklaw na konsepto kaysa sa tinatawag na istilo ng wika. Ito ay sanhi ng pagkakaroon ng mga pagbabago sa wika batay sa iba’t ibang kaparaanan at sitwasyon gaya ng propesyon o pinagkadalubhasaan, lipunan o kapaligirang kinaaaniban at ginagalawan, pinaaaralan, paniniwala at maging sa kultura. IBA'T IBANG BARAYTI NG WIKA IDYOLEK- Ang idyolek ay isang barayti kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. Tanda ng idyolek ang madalas na paggamit ng partikular na bokabularyo. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik. DAYALEK- Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyono lalawigan na kanilang kinabibilangan.
SOSYOLEK- Barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong “sosyalek” ”ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Mga Sosyolek na Wika 1. Wika ng Beki o Gay Lingo 2. Coñoc (Coñoctic o Conyospeak) 3. JOLOGS 0 “JEJEMON” 4. Jargon ETNOLEK- Ito ay nadedebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. EKOLEK- Kadalasang ginagamit sa loob ng tahanan. Malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan. PIDGIN- Ito ay walang pormal na istruktura at binansagang “nobody’s native language”. Ito ay gingamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap na magkaiba ng wika. CREOLE- Ito ay nadebelop dahil sa mga pinaghalo- halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar, hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng particular na lugar. MGA TANONG/MGA GAWAIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan ng pangungusap. Isulat ang inyong mga sagot sa kwaderno. 1. Ano-ano ang iba’t- ibang barayti ng wika? Magbigay ng isang halimbawa sa bawat isa. 2. Ano- ano ang mga ginagamit ninyong barayti ng wika sa araw-araw na pakikipagtalastasan. 3. Bakit mahalagang mabatid at matutuhan ang register at iba’t ibang barayti ng wika? 4. Ano ang maaaring mangyari sa pakikipagkomunikasyon kung hindi isasaalang-alang ang iba’t ibang barayti ng wika?
Paglalapat
Panuto: Paghambingin ang mga rehistro/register at barayti ng wika. Ano ang pagkakaiba-iba at pagkakatulad nila?
Inihanda ni:
Binigyang pansin ni:
Iwinasto ni:
Razielle V. Mendoza
Marah Jane B. Reyes, Lpt
Harlene Vicente
Filipino Subject Teacher
Subject Coordinator
Principal, High School Department...