Barayti AT Baryasyon NG WIKA PDF

Title Barayti AT Baryasyon NG WIKA
Course soslit
Institution University of Makati
Pages 45
File Size 865.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 446
Total Views 979

Summary

Download Barayti AT Baryasyon NG WIKA PDF


Description

DALUMAT NG/SA FILIPINO

Barayti at Bayasyo ng Wika

Pinal na Papel

Bilang Isa sa Pangangailangan ng Asignaturang Filipino

Taong 2020-2021 Ikalawang Semestre

Delos Santos, Mary Melca Estancia, Mary Antonnette Evangelista, Rolando II N.

Mayo 2021

INTRODUKSYON

Mula pa noong ika-17 na siglo ay ninanais na ng mga klasikong pilosopo na magkaroon ng pagkakaisa at pagkakaiba sa wika na itinuturing nilang biyaya mula sa langit.

Noong ika-18 siglo ay nasa tuluyan ng kamalayan ng mga pilosopo ang

pagkakaroon ng mga uri o barayti ng wika sa katayuang panlipunan ng isang indibidwal (William, 1992). Dahil dito nagsimula ang mga pag-aaral sa baryti at baryasyon ng wika at naging malaking bahagi ito ng sosyolinggwistika. Isa sa mga nangungunang ideya sa teoryang sosyolinggwistika ay ang wika ay panlipunan at ang speech ay pangindibidwal. Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga relasyon ay hindi matutupad kung wala ito. Para naman kay Saussure (1915), ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang indibidwal o nagsasalita at nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat.

Ayon kay Pamela Constantino, malaki ang kinalaman ng wika sa lipunan at ang lipunan ay isang masining na kultura. Dahil dito hindi maiiwasan ang pagkakaiba at pagbabago sa gawi at kaalaman sa wika. Ang wikang Filipino katulad ng iba ay isang buhay na wika at nagtataglay ng baryti at baryasyon.

Ayon sa pag-aaral ni Constantino mula sa aklat ni Bernales (2008), ang pagkakaroon ng barayti at baryasyon ng wika ay pinapaliwanag ng teoryang sosyolongguwistik na pinagbabatayan ng ideyang ang wika ay heterogenous. Nagkakaroon ng barayti ang wika dahil sa pagkaka-iba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ang kanilang tirahan, interes, gawain at pinag-aralan. Ang barayti ng wika ay

ang pagkakaron ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal at maging sa pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa na nagdudulot ng pagkakaiba sa pagbigaks, tono, uri at sa anyo ng pananalita (Liwanag, 2021). Ang barayti ng wika ay maiuuri sa dalawa, ang permanente at pansamantala. Permanente ang barayti ng wika kapag ito ay likas na ginagamit at linang sa sinumang tagapagsalita o tagabasa katulad ng dayalek, idyolek, etnolek, at ekolek. Habang pansamantala naman ang barayti ng wika kapag ito ay nagbabago batay sa pagbabago ng sitwasyon. Halimbawa nito ay ang sosyolek, register, pidgin, creole, at ipa ba.

Samantala ang baryasyon ng wika ay tumutukoy sa pagbabago ng isang wika dulot ng mga salik na tulad ng heograpikal, sosyal, at personal.

PANGUNAHING GAWAIN

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng barayti ng wika ang mga sumusunod at piliin ang titik ng tamang sagot. a. Dayalek

d. Ekolek

g. Estilo at Moda

b. Idyolek

e. Sosyolek

h. Pidgin

c. Etnolek

f. Register

i. Creole

__________1. Mamsh at paps ang gamit ng mga bata na tawag sa kanilang mga magulang kapag sila ay nasa kanilang bahay. __________2. Kapital- puhunan sa negosyo, kapital- kabisera o punong lungsod. __________3. Unsan man ang imong buhaton? __________4. Messenger ang gamit ni Mila na pagpapadala ng impormal na mensahe sa kanyang kaibigan. __________5. Suki, ikaw bili tinda, mura. __________6. Pakigetlak ang aking bagelya sa balur. __________7. Nakatutok kami bente kuwatro oras! __________8. Chavacano ang gamit na wika sa Zambuanga. __________9. Tohan ang tawag ng mga Maranao sa kanilang Diyos. __________10. bHie, aZahn kh4 n4?

PAGTATALAKAY

Aralin 1: BARAYTI NG WIKA Nagiging salik ang heograpiya o lugar ng pagsasalita sa pagkakaroon ng Barayti ng wika. Ang Barayti ng Wika ay ang pagkakaroon ng pagkakaiba ng salita depende sa istilo at iba pang salik ng wika na ginagamit ng lipunan, indibidwal o grupo. Dahil ang Pilipinas ay isang archipelago na nahahati ng katubigan at napaghihiwalay ng mga pulo at kabundukan, hindi maiwasang makalikha ng sariling kultura o paraan ng pamumuhay ang mga taong sama-samang naninirahan sa partikular na pulo o lugar. Kasabay ng nabubuong kultura ang pagbuo rin ng wika sapagkat ang kultura ay nakabuhol ng wika.

Ito ang dahilan kung bakit magkakahiwalay at magkakaibang lugar, ang iisang bagay o konsepto ay nagkakaroon ng magkakaibang katawagan.

Halimbawa, ang salitang “ibon” sa Filipino ay “langgam” kung tawagin sa Sinugbuanonf Binisaya. Kung kaya, kapag pinagsama o kapag magkasama sa iisang lugar ang isang taong nagsasalita ng Filipino at isang nagsasalita ng Sinugbuanong Binisaya, at narinig nila ang salitang bon ay ang isa ay titingala, maghahanap ng ibon sa ere at ang isa naman ay yuyuko at maghahanap ng langgam sa ibaba. Samakatuwid, isang salita ngunit magkaiba ng kahulugan sa dalawang magkaibang wika.

Ang ganitang pagkakaiba ng sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa iba’t ibang lugar ay tinatawag na Heograpikal na Barayti ng Wika.

Hindi lamang ang lokasyon ng mga lugar at ang magkakaibang kultura na lumilikha ng magkakaibang katawagan at kahulugan ang nagiging dahilan ng barayti ng wika. Ang iba’t ibang paraan ng pagbuo ng salita ng mga taong kabilang sa iba’t ibang kultura ay nagiging salik din sa barayti ng wika. Basahin ang mga pahayag na ito:

“Napatak na ang mga dahon”

“Nasuray ang sasakyan”

Sa unang pahayag, ginagamit ang salitang “napatak” para sa mga dahoon. Sa Tagalog-Batangas at sa iba pang lalawigang Tagalog, maaaring gamitin ang salitang “napatak” para tukuyin ang mga bagay na nalalaglag o nahuhulog (mula sa itaas). Samantala, sa Maynila, mas ginagamit ang salitang “napatak” para sa tubig gaya ng ulan at luha.

Sa pangalawang pahayag, ginagamit ang salitang “nasuray” ng TagalogBatangas para sa isang sasakyan. Sa Tagalog-Maynila, hindi sa sasakyan ginagamit ang salitang “nasuray” kundi sa mga tao. Mas ginagamit ang salitang “gumegewang” o “pagewang-gewang” kapag sasakyan ang tinutukoy. Halimbawa: Pagewang – gewang ang sasakyang minamaneho ng lasing na drayber.

Pansinin ang pagkabuo ng mga salitang “napatak” at “nasuray”. Sa ibang lalawigang Tagalog gaya ng Batangas, ang pandiwa o salitang nagpapakita ng aksiyon o kilos ay nakabanghay sa unlaping /na-/ tulad ng mga salitang naiyak, naulan, nakanta, at natakbo. Sa Maynila, ang pandiwa o salitang nagpapakita ng aksiyon o kilos

ay nakabanghay sa gitlaping /-um-/ halimbawa ng salitang tumakbo, tumalon, lumilindol at sumasayaw. Kung mamarapatin at gagamitin sa Maynila ang salitang “napatak” at “nasuray”, ito ay magiging “pumapatak” at “sumusuray”.

Dahil iba – iba ang wikang gamit sa iba’t ibang lugar, nagkakaiba rin ang paraan ng pagbuo ng salita ng mga naninirahan sa mga ito. Ang pagkakaiba-ibang ito sa pagbuo ng mga salita dahil sa paglalapi ay tinatawag na Morpolohikal na Barayti na Wika.

Bukod sa mga pagkakaiba sa katawagan at kahulugan (heograpikal na barayti), anyo at ispeling (morpolohikal na barayti), nagkakaroon din sa pagbabago sa bigkas at tunog ng mga salita ayon sa pangkat ng mga taong gumagamit nito.

Tiyak na pansin ang magkakaiba ang bigkas at tunog ng mga salita sa bawat lugar. Katulad ng natalakay, lumilikha ng sariling wika ang mga taong magkakasama sa iisang kultura at lugar. Sa paglikha o paggawa ng kaniya- kaniyang wika, hindi maiiwasang makalikha rin ang magkakaibang tunog at bigkas ng mga salita. Nagkakaroon ng kaniya – kaniyang dialect accent ag bawat lugar. Halimbawa, sa Bisaya, nagkakapalitan ang bigkas ng letrang /e/ at /i/ at ng letrang /o/ at /u/. Maaaring ang maging bigkas ng isang Bisaya sa salitang “pera” ay “pira”, at ang “pitaka” ay “petaka”, ang “kuya” ay “koya” at ang “bola” ay “bula”.

Ang pagkakaiba – ibang ito na bigkas at tunog ng mga salita ay tinatawag na Ponolohikal na Barayti ng Wika.

Ang Ponolohikal na Barayti ng Wika ay hindi ekslusibo sa mga wika sa Pilipinas bagkus, nangyayari rin ang mga ganitong pagkakaiba sa bigkas at tunog sa mga wika ng daigdig. Halimbawa: often Nike Porsche Adidas chocolate

/o-fen/ (silent “T”) /Nayk/ /Por-sha/ /A-di-das/ (mabagal) /choc-let/

/of-ten/ /Nay-ki/ /Porsh/ /Adidas/ (mabilis) /cho-ko-leyt/

Subalit, ayon kay Catford (1965), mayroon lamang na dalawang uri ng Barayti ng Wika, ito ang Permanente at Pansamantala. Ang Permanenteng Uri ng Barayti ng Wika ay likas na gamit at linang sa sinumang tapagsalita o tagabasa. Samantala, ang Pansamantalang Uri ng Barayti ng Wika ay nagbabago batay sa pagbabago ng sitwasyon. Napakaloob sa Permenente ang Diyalek, Idyolek, Etnolek at Ekolek habang sa Pansamantala naman ay ang Sosyolek, Register, Mode, Istilo, Pidgin, at Creole.

Permanenteng Uri ng Barayti - Dayalek Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaring gumamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit ng salita para sa bagay, o magkaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar. Ito rin wikang subordineyt ng isang katulad ding wika. Ang halimbawa nito ay ang sa Bulacan, “PAKIURONG nga po ang plato”, ang

salitang “paki-urong” sa Bulacan ay nangangahulugang “hugasan” samantala sa Maynila naman ay ang salitang “paki-urong” ay nangangahulugang “i-usog”.

Permanenteng Uri ng Barayti - Idyolek Ito ay pansariling paraan, nakagawiang paraan o istilo sa pagsasalita. Makikita rito ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita o ng isang pangkat ng mga tao. Halimbawa, sa Tagalog ay “bakit?”, sa Batangas ay “bakit ga?” at sa Bataan na ay” Bakit oh?”.

Permanenteng Uri ng Barayti - Etnolek Ito ang barayti ng wika na mula sa etnolengguwistikong grupo. Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko. Halimbawa, Tohan - tawag sa Diyos ng mga Maranao, ang Mohana naman ay nangangahulugang salamat sa Ifugao, at ang Batuk ay salitang galing sa Kalinga na ibig sabihin ay paglalagay ng tradisyon na marka sa katawan.

Permanenteng Uri ng Barayti - Ekolek Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan. Halimbawa nito ay ang salitang Mamsh at Papshy.

Pansamantalang Uri ng Barayti ng Wika - Sosyolek Ang Sosyolek ay isang barayti ng wika na dulot ng dimensiyong sosyal. Ang konsepto nito ay sinasabing nalalaman ang katayuan ng isang tao ayon sa wikang kaniyang ginagamit. Ayon sa mga pananaliksik ni Rubrico (2009) tungkol sa wika at lipunan, ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan. Natutukoy ang pagkakaiba-iba batay sa paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob sa isang partikular na grupo at katayuan sa lipunan na kanilang kinabibilangan. Maaaring nakabatay sa yaman o hirap ng isang tao, sa kasarian, relihiyon, edad, etnisidad, at iba pang dimensiyon na mahalaga sa lipunan.

Ito rin ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na propesyon o anumang pangkat na kinabibilangan ng iba’t-ibang indibidwal. Kapansin-pansin din na sa paggamit ng sosyolek, nahahati at madaling matukoy kung saan kabilang ang isang tao. Ngunit ang paggamit nito ay maaaring pansamantala at hindi ubod na nakakaapekto sa pamumuhay ng isang tao. Sapagkat naiiba lamang ang paggamit ng wika depende kung sino ang kausap at inaayon sa tagapakinig upang mas magkaintindihan ng maayos. Sa paglipas ng panahon, ang sosyolek ay nagbabago at nadaragdagan, ito ay hindi limitado sa isa o dalawang uri lamang, bagkos sa bawat pagpasok ng bagong henerasyon ay maaaring may mabuo na namang bagong uri ng sosyolek. Ilan sa mga halimbawa ng sosyolek ay ang sumusunod:

a. Gay Lingo Ayon kay Lim (2009), itinuturing ng mga lingwista na pidgin ang isang ng wika na nabuo sa pangangailangan ng ilang grupo ng tao upang sila ay makapag-usap

gamit ang pananalitang sila lamang ang nakakaintindi (Legazpi, 2019). Katulad ng ibang uri ng wika ito ay may sinusunod na alituntunin sa mga gramatika at balarila. Alinsunod sa mga kahulugang ito, sinasabi na ang gay lingo ay maituturing na isang pre-pidgin sapagkat wala itong sinusunod na alituntunin at mahirap tukuyin kung tama o mali ba ang mga balarila at pagbigkas ng isang taong gumagamit ng gay lingo (Santos, 2007).

Ngunit ayon naman kay Alba (2006), ang gay lingo ay isang uri ng jargon na ginagamit ng mga Pilipinong gay sa tuwing sila ay nakaharap sa malaking grupo ng tao upang maitago ang paksa ng kanilang usapan.

Noong 1970, “swardspeak” ang terminong ginamit ni Jose Javier Reyes sa gay lingo subalit ito ay pinabulaanan ni Ronald Baytan at mas kinilala ang terminong “gay speak o gay lingo” Ito ay dahil sa kadahilanang ang terminong “sward” na ang ibig sabihin ay gay male ay masyadong makaluma kumpara sa salitang ‘gay’.

Ang Swardpeak o gay lingo ay isang makulay na wika na inimbento ng mga miyembro ng LGBTQ sa pamamagitan ng paghahalo-halo ng wikang Ingles, Filipino, Bisaya, Hapon, at pati na rin ng mga pangalan ng kilalang personalidad. Ito ay isang uri ng pabalbal na salita na may natatanging katangian. Ito ay patuloy na nagbabago ngunit madali pa ring natutukoy ng mga gumagamit ang kahulugan ng mga salita at ginagawa nitong mas madali para sa mga taong may parehong oryentasyon na makilala ang bawat isa.

Sa paggamit ng gay lingo binabago ang mga tunog, pagsasaayos at kahulugan ng mga salita upang maiwasan na malaman ng ibang tao na hindi kabilang sa kanilang pangkat ang tunay na kahulugan ng kanilang mga salita. Katulad ng nasa halimbawa, ang kantang Bubuka ang Bulaklak ay binago na ayon sa gay lingo. Ang estraktura ng mga salita ay nabago at pati na rin ang pagbigkas sa mga ito. Halimbawa:

“Bubuka Ang Bulaklak” Bubukesh and floweret Jojosok ang reynabelz Shochurva ang chacha Pa jembot jembot fah Boom tiyayavush chenes

At katulad din ng ibang slang, ang gay lingo ay nagpapalit din ng isang partikular na salita. Halimbawa: Gay Lingo Wiz Jubis

Orihinal na Salita Hindi Mataba

Tom Jones Gutom Pinapalitan ang unang titik o pantig ng mga salita gamit ang titik na “j”/”sh” o mga pantig na “jo-”, “ju-”/”shu-”. Gay Lingo

Orihinal na Salita

Jonta Juntis Julalay

Punta Buntis Alalay

Pinapalitan ang unang titik/pantig ng mga salira gamit and diptonggong “ky-” o /ny-/. Gay Lingo Kyota Nyorts Kyoho

Orihinal na Salita Bata Shorts Mabaho

Pinapalitan ang dulong pantig ng mga pantig na /ash/, /-is/, /-iz/, /-ish/, /-itch/, /-ech/, /-ush/, at /-oosh/. Gay Lingo Taroosh Itetch Anech

Orihinal na Salita True Ito Ano

Pinapalitan ang mga patinig na /a/, /o/, /u/ ng mga pantig na /or/, /er/, at /ur/ bago o pagkatapos ng katinig na /l/. Gay Lingo Heller Kalurki

Orihinal na Salita Hello Kaloka

Gander

Ganda

Paglalaro sa mga salita ‘puns’, pagpapalit salita, at paggamit ng onomatopeya na mga salita na maihahalintulad sa mga salitang ginagamit at pasadyang maling ‘Anglicization’ ng mga salita. Gay Lingo Crayola Shondra Mudra/Muji

Orihinal na Salita Iyak/Umiyak Matanda Nanay

Paggamit ng pangalan ng mga sikat na personalidad bilang pamalit sa orihinal na estraktura ng salita. Gay Lingo

Carmi Martin

Orihinal na Salita Selos/Nagseselo s Karma

Rita Gomez

Nakaka-irita

Gelli de Belen

Paghihiram ng mga salita mula sa ibang wika. Gay Lingo Otoko Watashi Chiquito

Orihinal na Salita Makisig na lalaki Ako Maliit

Sa paggamit ng gay lingo lumilikha ito ng ekslusibong grupo sa pagitan ng mga homoseksuwal o sa mga kasapi ng LGBTQ, subalit sa paglipas ng panahon ang paggamit nito ay hindi na lamang limitado sa kanilang pangkat at maaari na ring marinig sa mga kababaehan at ibang grupo ng kabataan.

b. Conyo o Konyo Ang paggamit ng salitang conyo ay karaniwang itinuturing sa mga taong kabilang sa mataas na antas ng lipunan. Ayon sa pag-aaral ni Garvida (2012), ito ay isang pagkakakilanlan sa kultura na kung saan ang gumagamit ay maituturing na mayroong dalawang kulturang ginagamit- ang wikang Ingles at wikang Filipino. Ngunit hindi na bago sa mga Pilipino ang “code-switching” o ang pagpapalit sa paggamit ng wikang Ingles at wikang Filipino. Batay sa obserbasyon ng mga dayuhan, maituturing ang conyo bilang mas higit na komplikadong paggamit ng code-switching.

Ang conyo ay ang pagpapalit-palit sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino. Ito ay isang baryant ng taglish kapag mas marami ang gamit ng Tagalog kaysa Ingles, at Engalog kapag mas marami ang gamit ng wikang Ingles kaysa sa Tagalog sa pagbuo ng isang pangungusap. Ang ganitong uri ng wika ay kadalasang naririnig sa mga kabataang may matataas na antas ng pamumuhay. Dahil sa kanilang kasanayan sa paggamit ng wikang Ingles bilang primerang wika, hindi maiiwasan na nagiging limitado ang kanilang kaalaman sa wikang Filipino. Dahil dito nabubuo ang mga pangungusap na binubuo ng pinaghalong Ingles at Filipino. Halimbawa: 1. “Let’s make punta na nga lang sa other canteen, like there is so many people here.” (Pumunta na lamang tayo sa kabilang kainan dahil napakarami na ng tao dito.)

2. “I don’t like her because she is making gulo of my life.” (Ayoko sa kanya dahil ginulo nya ang buhay ko.) 3. “Please make ligpit of the plates.” (Pakiligpit naman ng mga plato.)

Madalas ang paggamit ng nga salitang “like, let’s, at make” sa pagbuo ng mga pangungusap.

Ang conyo rin ay karaniwang maririnig sa mga hayskul, kolehiyong estudyante, mga Filipino sa abroad at sa mga Fil-Am. Subalit maging sa ngayon ang mga pangkat ng mga taong tinatawag na “social climber” ay maririnig na rin na gumagamit ng ganitng uri ng sosyolek. c. Jejemon Ang wikang jejemon ay maituturing na isang Filipino slang na parte ng wika at kulturang Filipino na nagmula sa mayamang imahinasyon ng mga nagnanais mapadali ang pakikipagkomunikasyon (Garcia, 2016). Ito ay sa kadahilan na ang ibang texting site ay limitado ang mga mensaheng maaaring ilagay at bilang ang bawat letra.

Mula sa kahulugan ng salitang jejemon sa UrbanDictionary.com, ito ay tumutukoy sa sinumang may mababang pag-alintana sa tamang sintaks at gramatika. Ayon naman kay Tolentino (2010), sinasabing ang jejemon ay halaw sa salitang “jeje” na ang ibig sabihin naman ay “hehe” sa Filipino na syang ginagamit sa pagsasaad ng pagtawa. Samantalang ang “mon” ay nanggaling sa sikat na anime na Pokemon.

Sa paggamit ng ganitong uri ng sosyolek ay pinaghahalo ang Ingles, Filipino, alpabetong Romano, numero Arabiko at iba pang espesyal na karakter. Sa pagbuo ng salita, pinag-iiba-iba ang mga posisyon ng mga titik sa isang salita, paggamit ng mga malalaking letra, at palagiang paggamit ng mga titik na H, W, X, Y, Z. iInahalo rin dito ang mga numerong karakter sa alpabeto. Halimbawa: 1. “eOw pfOw, nAh m!sZ pfOh qtAh. MwAhxx!” (Hello po, miss na po kita.) 2. “MGDang Gbi P0Wh. Mzt N u? miss nA KITa sobRA.” (Magandang gabi po, kamusta ka na? Sobrang miss na po kita.) 3. “wOwWzZ misSzZ aN6 6aNdAhHzZ pOwHzZ nInyOwHz.” (Wow, Miss ang ganda po ninyo.)

Katulad ng nasa halimbawa, ang mga binubuong jejeng salita, ay maaaring pinaiksi sa paraan ng pagbabawas ng mga letra tulad ng pagbabawas ng titik na “a” o kundi naman ay pinapahaba ang mga salita tulad ng pagdadagdag ng mga titik na c, w, x, y, at z sa mga dulo ng salita. Halimbawa: Suicide note ng isang JEJE BhiE KoH, S0weE KzC Iiwzn NaH ccKta SzA MuNd0w… Ma’aL...


Similar Free PDFs