Aralin 1 Wika Kahulugan at Katuturan Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan. Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan PDF

Title Aralin 1 Wika Kahulugan at Katuturan Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan. Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan
Author Jelena Eve Popes
Course Assessment in Physical Education and Health Education for K-12
Institution De La Salle University – Dasmariñas
Pages 5
File Size 221.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 13
Total Views 191

Summary

Aralin 1 Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan. Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan. Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan. Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan. Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan.Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan.Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-Katuturan.Aralin-1-Wika-Kahulugan-at-K...


Description

DEPARTMENT OF EDUCATION | REGION IV – A CALABARZON | CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS

DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL Congr es s i onal South A v enue, Burol 1, Ci t y of Dasm ar i ñas, Cavi t e

Pangalan ng mag-aaral:_________________________________________ Baitang at Pangkat:____________________________________________ Petsa:_______________________________________________________ GAWAING PAGKATUTO A. Pamagat ng Aralin Aralin 1: Wika (Kahulugan at Katuturan) B. Panimula (Susing Konsepto) Paano kaya kung walang wika ? Paano magkakaunawaan ang mga tao sa isang lipunan? Paano magkakaunawaan ang bawat miyembro ng pamilya? Mapabibilis kaya ang pag-unlad ng komunikasyon? Kung hindi ang sagot mo, samakatuwid mahalaga talaga ang wika at komunikasyon. Wika ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao. Malaki ang tungkulin ng wika sa pakikipag-unawaan at pakikisalamuha sa tao sa kaniyang tahanan, paaralan, pamayanan, at lipunan. Ano ang Wika? Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. Ayon naman kay:

Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng tunog. Binubuo ng sagisag ang isang wika. Sa nabanggit na depinisyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa tao. Bagaman ang mga hayop ay mayroon ding paraan ng komunikasyon, hindi maituturing na wika ang mga ito. Samakatuwid, ang wikang tinutukoy sa pagtatalakay ay ginagamit ng tao sa pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa tao. Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang na idudulot sa mag-aaral na matutunan ang wika upang makapaghanapbuhay,makapamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahang buhay sa kanyang ginagalawan. Ayon naman kay Gleason (1961) Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitaryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang Kultura Sapiro (Sapiro sa Ruzol 2014:15) Ang wika ay isang lakas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin,at hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanang lumikha ng tunog. Mga Katangian ng Wika Taglay ng kahulugan ng wika ang mga pangunahing katangian nito

DCC REGISTERED QMS THR FORM23 “TAGA-DIHS AKO: Disiplina at Kalinisan nasa Puso Ko” E-mail: [email protected] | Phone: 506-1208/ 416-0498

DEPARTMENT OF EDUCATION | REGION IV – A CALABARZON | CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS

DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL Congr es s i onal S outh A v enue, Bur ol 1, Ci t y of Das mar i ñas , Cav i te

ayon sa sumusunod : 1. Ang wika ay sinasalitang tunog. Kakailanganin ng tao ng aparato sa pagsasalita ( speech apparatus ) upang mabigkas at mabigyang modipikasyon ang tunog. Mahalaga sa tao ang kanyang diapram, enerhiyang nagmumula sa baga, babagtingang tinig o vocal cords na nagisilbing artikulador, at ang mga sangkap sa loob ng bibig tulad ng dila, ngipin, guwang ng ilong, gayundin ang matigas at malambot na ngala-ngala. 2. Nabubuo ang wika sang-ayon sa mga taong gumagamit nito sa loob ng mahabang panahon ( Rubin, 1992 ). Ang wika ay set ng mga tuntuning pinagkasunduan at tinatanggap nang may pagsang-ayon ng lahat ng tagapagsalita nito. Sapagkat napagkasunduan o arbitraryo ang wika, nagagawang pagsaluhan ng isang komunidad wika ang kumbensyong panlipunan na nagbiibigay ditto ng kolektibong pagkakakilanlan bilang isang pangkat o grupo. Ito ang dahilan kung bakit may mga salitang magkatulad ang baybay at bigkas sa maraming wika subalit magkakaiba ng kahulugan. 3. Likas ang wika, ibig sabihin , lahat ay may kakayahang matutong gumamit ng wika anuman ang lahi, kultura, o katayuan sa buhay. 4. Ang wika ay dinamiko . upang mapanatiling masigla at buhay ang lahat ng wika, kailangang makasabay ito sa pagbabago ng panahon. Nagbabago ang paraan ng pananalita mg mga tao maging ang angking kahulugan ng salita sa paglipas ng panahon. 5. Ang wika ay masistemang balangkas . Bago matutong bumasa ang isang bata, kailangan muna nitong matutong kumilala ng tunog ( ponolohiya ). Itinuturing naakabuluhan ang isang tunog kung may kakanyahan itong makapagpabago ng kahulugan. Sinusundan ito ng pagsasama-sama ng tunog upang makabuo ng maliit nay unit ng salita ( morpolohiya ). Ang pagsasamasama ng salita upang makabuo ng payak na pahayag o pangungusap ang tinatawag na sintaks o palaugnayan. 6. Bawat wika ay tuwirang nakaugnay sa kultura ng sambayanang gumagamit nito. Wika ang pangunahing tagapagbantayog ng mga kaugalian, pagpapahalaga, at karunungang mayroon ang isang komunidad. Ang wika at kultura ay hindi kailanman maihihiwalay sa isa’t isa. 7. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Kailangang patuloy na gamitin ang wika upang mapanatili itong masigla at buhay. Kailangang kalingain sa komunikasyon ang wika upang patuloy itong yumabong at umunlad. C. Kasanayang Pampagkatuto at Koda Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika nakapaguugnay-ugnay ng mga ideya gamit ang makatwirang lohika . F11PT – Ia – 85. D. Mga Gawaing Pampagkatuto Pagsasanay Blg. 1 A. Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot. Gamitin ang zipgrade sa ibabang bahagi ng modyul. DCC REGISTERED

“TAGA-DIHS AKO: Disiplina at Kalinisan nasa Puso Ko” E-mail: dasmarinas ihs@depeddasma edu ph | Phone: 506-1208/ 416-0498

DEPARTMENT OF EDUCATION | REGION IV – A CALABARZON | CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS

DASMARIÑAS INTEGRATED HIGH SCHOOL Congr es s i onal S outh A v enue, Bur ol 1, Ci t y of Das mar i ñas , Cav i te

______ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit bilang______. a. Wikang Pambansa c. Lingua Franca b. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo ______ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o komunikasyon sa gobyerno, pasulat man o pasalita,gamit ito bilang _____. a. Lingua franca c. Wikang Opisyal b. Wikang Pambansa d. Wikang Panturo ______ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. a. Paz Hernandez c. Charles Darwin b. Henry Allan Gleason,Jr. d. Lope K. Santos _______4. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. a. Filipino c. Bisaya b. Ilokano d.Waray _______5. Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng mga tao sa komunikasyon. a. Sapiro c. Gleason b. Hemphill d. Hutch _______6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987 na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,gagamitin din ang Wikang Ingles. a. XV c. XIV b. b. XII d.XVI _______7. Ano ang ating wikang Pambansa? a. Ingles c. Tagalog b. Ilocano d. Filipino _______8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog. a. Gleason c. Quezon b. Sapiro d. Hemphill _______9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Pang sekundarya? a. Tagalog at Bisaya c. Ingles at Filipino b. Maranao at Bisaya d. Ingles at Kastila _______10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal d.Wikang Pandaigdig B. Panuto:Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba magbigay ng sariling pagpapakahulugan ng salitang nakasulat sa loob ng organizer.

WIKA

DCC REGISTERED...


Similar Free PDFs