Introduksyon sa Pananaliksik: Kahulugan, Kalikasan, at Kahalagahan PDF

Title Introduksyon sa Pananaliksik: Kahulugan, Kalikasan, at Kahalagahan
Course Practical Research
Institution Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Pages 11
File Size 116.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 110
Total Views 209

Summary

IntroduksyonAng mga kaalaman ay hindi napulot lamang. Sa kasalukuyang panahon, maraming mga katanungan ang madaling hanapan ng mga kasagutan, maraming problema ang nabibigyan ng solusyon, at maraming sakit ang nabibigyang lunas sa kadahilanang masigasig ang mga tao. Daan sila masigasig? Sa paraan ng...


Description

PANANALIKSIK Introduksyon Ang mga kaalaman ay hindi napulot lamang. Sa kasalukuyang panahon, maraming mga katanungan ang madaling hanapan ng mga kasagutan, maraming problema ang nabibigyan ng solusyon, at maraming sakit ang nabibigyang lunas sa kadahilanang masigasig ang mga tao. Daan sila masigasig? Sa paraan ng pananaliksik. Ito ang katanungang maaring nasa isipan mo. Masasagot ang lahat na ito kung tutulungan mo ang iyong sarili. Buksan ang isipan at matutunghayan mo ang kahulugan, katangian, kahalagahan at layunin ng pananaliksik. Kahulugan ng Pananaliksik Maraming kahulugan ang naibigay ng iba’t ibang awtor tungkol sa pananaliksik. Ang mga sumusunod ay ang mga napiling bagong pananaw at kahulugan ng pananaliksik na maaari mong suriin. 

Base sa aklat ni Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empiriko, at kritikal na pag-imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na phenomenon.



Ayon kina Atienza, et al.(1996), ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan.



Ayon kay Sauco (1998), ito ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na agsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing maaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at pagkatapos ay isinulat at iniuulat.



Ayoun kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa nalalaman.



Ayon kay sevilla (1998), ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o paglutas ng isang suliranin.



PANANALIKSIK 

Ayon kay Semorlan (1999), mapanuri at kritikal na pag-aaral ukol sa isang isyu, konseptoat problema---ganyan ang pananaliksik.



Ayon kina Alejo, et al. (2005), batay sa ensayklopedya, ang pananaliksik ay isang aktibo, matiyaga, at sistematikong proseso ng pagsisiyasat para makatuklas, makapagbigay ng interpretasyon, o baguhin ang katotohanan, pangyayari, asal, teorya, o makagawa ng praktikal na aplikasyon sa tulong ng mga makatotohanang pangyayari, batas o teorya. Ito rin ay tumutukoy sa paglalarawan ng mga tinipong impormasyon tungkol sa isang partikular na paksa. Bukod ditto, ito ay nangangahulugan din ng pagsisiyasat o eksperimentasyon na may layuning makatuklas ng mga bagong teorya I batas gayundin ang pagtuklas at interpretasyon ng katotohanan o pagbabago ng mga teorya o batas na tinatanggap na. bilang kongklusyon, ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pagaayos, pag-oorganisa, pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa palutasng suliranin, pagpapatotoo sa prediksyon, at pagpapatunay sa imbensiyong nagawa ng tao.



Ayon kina Ordonez, et al. (2007), ang pananaliksik ay pahayag sa mataas na lebel ng pagsusulat at dahil nangangailangan ito ng pangangalap ng mga datos, pag-iimbestiga, pagsusuri, pagbibigay hinuha, at sa pagtatapos ay pagbibigay kongklusyon at rekomendasyon.

Mga Katangian ng Pananaliksik Nakatutulong ang mga katangian ito upang magkaroon ka ng malalim na pagkakakilanlan at kaalaman hinggil sa iyong gagawing pananaliksik. Binigyang-linaw ni Best (1981) ang unang limang kahulugang naitala nang bigyan niya ng paglalarawan sa pamamagitan ng mga sumusunod na katangian ang pananaliksik: 1) Ito ay sumasaklaw sa pangangalap ng mga bagong datos o impormasyon, o di naman kaya ay paggamit ng dati nang mga datos para sa batgong layunin. Kakambal ng salitang pananaliksik ang pangangalap ng datos at ang mga

PANANALIKSIK makatwirang pagsusuri na nagbubunga ng pagbuo ng mga hinuha. Ang mga gawaing hindi nasasama ng mga bagong datos o impormasyon ay hindi matatawag na pananaliksik, bagkus ay pagsasaayos lamang ng mga dati nang alam o dati nang nakasulat.

2) Ito ay nakatuon sa pagbibigay-kalutasan sa isang sulranin.

3) Ito ay kadalasang nilalapatan ng maingat na pamamaraan at lagging gumagamit ng mga lohikal na pagsusuri.

4) Ito ay nangangailangan ng kasanayan, katapangan, at lakas ng loob.

5) Ito ay nangangailangan ng tiyaga at hindi pagmamadali ng mga gawain. Maliban sa mga katangian ibinigay ni Best, nagdagdag naman sa Ordonez (2007) ng iba pang katangian ng praktikal na pananaliksik. Ito ang mga sumusunod: 

Orihinal na akda ang pananal;iksik. Sa pananaliksik, isagawa ito na ang paksa ay wala pang ibang nakakapanaliksik. Kung mangongopya ka ng saliksik ay maaring

humantong

sa

hindi

maganda.

Ang

gawang

orihinal

ay

maipagmamalaki at maipagkakapuri. 

May sistema ang pananaliksik. Tulad ng ibang gawain, ang pananaliksik ay may sistemang sinusunod. Hindi naaksaya ang oras at panahon, maging ang salapi kung ang gawain ay nasa ilalim ng prosesong dapat munang sundin. Sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos, ang pananaliksik ay gawaing may proseso o sistema--- hindi ito natatapos na minadali.

Ito rin ay sumusunod sa maayos at makabuluhang prosesong nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o anumang naglalayong matuklasan ang bagay na hinahanapan ng kasagutan. 

Hindi mahirap kalapin ang mga datos na pag-aaralan. Kung magsasaliksik, siguraduhing may mababasa kang impormasyon ukol sa paksa, mapa-aklat man, magasin, o di kaya’y Internet.

PANANALIKSIK 

Hindi magastos ang paksa. Ang paksang simple, kung mapagbubuti ay daig pa ang paksang matayog o malawak na matagal nang binalak ngunit hindi natatapos dahil nangangailangan ng maraming pera.



Ideyal ang pananaliksik kung ang mga datos ay abot-kamay. Sa pananaliksik, ang ikagaganda o ikahuhusay ay wala sa kung saang malayong lupa kinalap. Ang mga datos na nagmula sa tabi-tabi ay higit na mainam kaysa vsa paksang matatayog na di naman maayos na naisagawa. Ang mahalaga sa pananaliksik ay malinaw na nasagot o natugunan ang mga katanungan inihanda.



Makatotohanan ang pananaliksik. Nagiging makatotohanan ito kung ito ay batay sa totoong kinalabasan matapos na masuri at malapatan ng estadistikong analisis. Sa ibang salita, hindi dinoktor ang mga datos upang mapabuti ang resulta ng pananaliksik. Mababa man sa inaasahan o kinalabasan ng pagsusuring iyon, ay naipagtanggol dahil iyon ang totoong resulta o bunga ng pag-aaral.



Ang pananaliksikay pagsusuri na maaring kuwantatibo o quantitative, at kuwalitatibo o qualitative. Sa kwantitatibong pananaliksik, ang resulta ay mapatotohanan. Ang kabutihan

o kahalagahan nito ay masusukat sa pamamagitan ng estadistikal na pagsusuri. Kaya masasabing ang pagsusuri nito ay nakatuon sa pagtutuos ng mga bilang na ginamit Ibayong pagsusuri ang ginagawa sa kuwalitatibonfg pananaliksik dahil binibigyang-pansin ang pagpapatotoo ng kahalagahan ng sarili. Ang interpretasyon ng resulta ay batay sa ginagawang pagsusuri ng pinagaralan. Iniaayon ang pagsusuri sa mga teorya o pagdulog. Tumutukoy rin ito sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro o interpretasyon. Dito makikita ang kritikal na pagsusuri sa mga dokumentong nakuha na magiging batayan sa pagbibigay ng kongklusyon. Ang mga datos na sinusuri sa isang pananaliksik ay karaniwang hango sa talatanungan, pakikipanayam, sarbey, at iba pa. ang mga dokumentong ito ay sinisiyasat nang mabuti upang mapagbigyan ng interpretasyon.

PANANALIKSIK May ibang pananaw rin sina Alejo, et al. (2005) hinggil sa katangian ng pananaliksik. Suriin mo ang kanilang mga sinabi. Ang pananaliksik ay kontrolado. Ito ay hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi puwedeng manghula sa resulta ng pag-aaral na isinasagawa. Ang napiling suliranin ay ipinaliwanag, kinikilala, at pinipili ang mga baryabol. Pinipili ang instrumenting gagamitin sa pananaliksik at hinahanap ang kongklusyon ang mga rekomendasyon sa isinasagawang pag-aaral.

Ang pananaliksik ay empirikal. Ipinapakikita rito na kapag lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapasubalian ang binuong haypotesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat. Ang mga empirical na datos na ito ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng kongklusyon. Masasabing empirikal ang pananaliksik kung ito ay batay sa obserbasyon o eksperimento at hindi lamang sa teorya, o mga pandama at tanging mga karanasan ay hindi maituturing na balidong mga impormasyon dahil hindi ito kailangang dumaan sa proseso ng obserbasyon at eksperimento.

Ang pananaliksik ay walang kinikilingan at lohikal. Ipinapakita sa pahayag na ito na ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinion ng mananaliksik. Isa pa, ang mananaliksik ay dapat na walang pinapanigan o kinakampihan at dapat itala anuman ang maging resulta ng pag-aaral. Isang krimeng matatawag ang pagmamanipula sa resulta ng anumang pag-aaral kaya dapat sikapin ng mananaliksik na maging obhektibo.

Ang pananaliksik ay ginagamitan ng haypotesis. Ayon

kay

Gay

(1976),

ang

haypotesis

ay

pansamantalang

pagapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang. Ang haypotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral.

PANANALIKSIK Ipinakikilala ng haypotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa lamang ng pag-aaral. Nakatutulong din ito sa pagbibigay ng pormat ng presentasyon, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos sa isasagawang pag-aaral.ang ibang mga tesis ay hindi na gumagamit ng mga sa simula ng kabanata at sa halip, gumagamit ng kuwantitatibo o estadistikang pamamaraan. Mahalagang matukoy ang angkop na gagamiting pagsusulit na pang-estadistika sa paksang pag-aaralan sapagkat nakasalalay rito ang obhektibong resulta ng pananaliksik. Idinagdag naman nina Constantino at Zafra (w.p.) ang mga sumusunod na katangian ng pananaliksi.

Isa sa ibinigay nilang katangian ng pananaliksik ay ang pagiging obhektibo nito. Nangangahulugan lamang na ang mga datos ay kinuha mula sa mga walang kinikilingan o di-kumikiling na batis ng kaalaman. Ang mga interpretasyon ay batay sa paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng mga datos nito. Kung datos ang pag-uusapan, dapat marami at iba-iba ang mga ginagamit na datos. Lahat ay posibleng pagkuhanan, maging ito’y nakasulat sa wikang banyaga o kaya’y nasa ibang bansa. Ang mga ito ay magagamit sa pananaliksik. Ang anumang problema kaugnay ng pinansyal, distansiya, at lengguwahe ay limitasyong dapat harapin ng mga mananaliksik. Dapat ding gumamit ng angkop na pamamaraan o metodolohiya na makatutulong sa ikahuhusay ng pananaliksik. Ang pagkakaroon ng angkop na metodolohiya ay makatutulong upang masuri at maging kritikal sa paggamit ng datos, at sa pagtitimbang sa mga ideya ng mananaliksik. Binigyang-pansin din nila ang tamng pagdokumento sa mga materyales na ginamit bilang pagkilala sa mga datos at gawain ng iba na kinuha at ginamit sa pananaliksik. Lubhang mahalaga ang paggamit ng dokumentsyon upang maiwasan ang pangongopya. Dahil ito ay lalong nagiging balido datos at pagsusuring ginawa bilang mananaliksik. Marami ka nang nalaman hinggil sa katangian ng pananaliksik. Limiing mabuti ang mga ito dahil ito ang magiging gabay mo sa pag-unawa sa mga susunod na paksa.

PANANALIKSIK Kahalagahan ng Pananaliksik Maraming benepisyo ang makukuha para sa ginagawang pananaliksik. Narito ang ilang pangkalahatang kahalagahan ng pananaliksik.

Benepisyong edukasyonal Tumutukoy ang benepisyong ito sa kapakanang edukasyonal. Nakatutulong ang pananaliksik sa guro upang maging gabay niya ang mga natuklasan at mapagtagumpayan niya ang kaniyang epektibong pagtuturosa mga mag-aaral Sa panig naman ng mga mag-aaral, natututo ka sa mga isyu, mtodolohiya, at iba pang aspekto sa iyong napiling larangan. Gayundin, kung gumagawa ka ng pananaliksik o kung nagbabasa ka ng resulta ng mga isinagawang pananaliksik, naisasabuhay mo ang mga natutuhang konsepto sa totoong buhay at nahahasa ang iyong kasanayan sa paglutas ng suliranin dahil ang pananaliksik ay pawing paghahanap ng solusyon sa mga suliranin. Sa pamamagitan din ng pagbabasa ng mga kaugnay na literaturang gagamtin mo sa iyong pananaliksik, lalong makatutulong ito sa pagkamal mo ng kaalaman sa iba’t ibang paksa sa iba’t ibang larangan.

Benepisyong propesyonal Nakapaggagalugad at nakapaghahanda ka parasa iyong karera sa hinaharap dahil sa nasasanay kang magbasa at maganalisa ng mga datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng mas malawak na kaalamang magagamit sa iyong propesyon. Nalilinang din ang iyong kapaki-pakinabang na kasanayan gaya ng kasanayan sa propesyonal na pakikipagkomunikasyon. Gayundin , nakikipag-uganayan ka sa iba at ebektibong nagtatrabaho bilang bahagi ng isang grupo na maghahanda sa iyo at sa magiging propesyon mo sa hinaharap.

Benepisyong personal May mga benepisyo ka ring natatanggap na maari mong gamitin sa iyong buhay. Sa proseso, napauunlad mo ang iyong pagiging analitikal, at kritikal na pag-iisip na nagreresulta ng pagiging matatag mo sa buhay--nakakaya mong tumayong mag-isa. Gayundin, dahil nasasanay ka sa

PANANALIKSIK paghahanap ng mga datos na sasagot sa iyong suliranin at dahil nakakaya mong tapusin ang proyekto, mas madali ang pagharap mo sa mga pagsubok sa buhay. Hindi lamang ang iyong sariling kakayahan sa paghusga ang personal na benepisyong nakukuha mo sa pananaliksik. Bagkus, nakilala mo rin an gang pansariling interes sa mga paksang nais mong suriin o pag-aralan. Nalilinang din ang kakayahan o kagalingan mo sa aghuhusga na nagiging personal na batayan mo sa pag-kilala ng mga bagay-bagay.

Benepisyong pambansa Ang pananaliksik ay may ginagampanang tungkulin sa paghubog ng kinabukasan ng isang bansa at tagapagbigay ng kaunlaran at mabuting pamumuhay para sa lahat. Ang mga desisyon ng ating mga pinuno hinggil sa kapakang pambansa ay batay sa resulta ng pananaliksik na isinasagawa ng kinauukuilan.

Benepisyong pangkaisipan Bukod sa sariling pag-unlad, ang proseso ng pagtitipon-tipon ng mga nabasang ideya o pananaw mula sa iba’t ibang manunulat ay naghahasa ng kaisipan bilang indibidwal. Nangangahulugan itong nadaragdagan ang iyong kaalaman at pagkatuto.

Benepisyong pangkatauhan Nahahasa rin ang iyong kagalingan sa pakikipagkapwa-tao dahil sa iyong pakikipanayam. Sa pamamagitan nito, magiging mahusay ka sa pagbibigay dahil sa kagalingan mong makipag-ugnay sa iba’t ibang tao upang makakuha ng mga mahalagang datos.

Nalilinang din nito ang tiwala sa sarili. Ang sinumang tao kapag maayos na nagagampanan ang tungkuling hinrap at ito ay nanayon pa sa tamng resulta, nakasisigurong nalilinang ang pagmamalaki at tiwala sa sarili na lubos na nakapaghuhubog ng katauhan mo.

PANANALIKSIK Sa pagsasagawa ng pananaliksik, alin sa mga benepisyong ito, mabuti ring malaman mo ang layunin sa pananaliksik.

Mga Layunin ng Pananaliksik Narito ang ilang layunin ng pananaliksik (base sa aklat ni Garcia, 2008):

1) Mabigyan ng kasiyahan ang kuryosidad ng tao. Minsa’y nakamamangha ang mga nakikita natin sa ating kapaligiran, lalo na ngayong panahon ng teknolohiya na kung ano-ano ang mga sumusulpot na bagong imbensyon. Dahil sa pagkamangha ay nagiging mausisa tayo kung paano nangyayari ang mga ito. Ito ang nagagawa ng pananaliksik.

2) Mabigyan ng mga kasagutan ang mga tiyak na katanungan. Gumagawa tayo ng panana;liksik dahil nais nating mabigyan ng kasagutan ang mga tiyak na katanungan sa mga bagay-bagay. Dail ang pananaliksik ay proseso ng pagsagot sa mga suliranin o katanungan, nabibigyang-linaw ang maraming mga katanungan sa kaisipan natin bilang mananaliksik.

3) Malutas ang isang partikular na isyu o kontrobersiya. Isa rin sa mga layunin kung bakit tayo gumagawa ng pananaliksik ay ang paglulutas sa mga isyu o kontrobersiyang bumabalot sa ating kaisipan. Tulad ng mga kontrobersiyang nagaganap sa ating bansa, unti-unti nang nasasagot ang mga ito sa pamamagitan ng pananaliksik.

4) Makadiskubre ng mga bagong kaalaman. Marami nang kaalaman sa ngayon ay umiiral, ginagamit, at pinakikinabangan--- ngunit lubha pa itong mapauunlad sa ibang aspekto nito sa tulong ng pananaliksik. Halimbawa ay nasaliksik na ang saging na saba ay nagagawang minatamis, ito man ay buo o kaya ay hiniwa-hiwa ng manipis. Sa tulong ng pananaliksik, maaring madiskubre na nag balat ng saging ay may

PANANALIKSIK paggagamitan pa rin kaaki-pakinabang maliban sa pampakain sa baboy matapos mailagay.

5) Maging solusyon ito sa suliranin. Maraming nagsusulputang gamut na herbal sa panahong ito. Kung noon, ang mga ito ay mga damo lamang sa tabi-tabi, ngayon ay napagkakaperahan na at tulong pang panggamot sa malala o mabigat na karamdaman, tulad ng sakit na diabetes, tuberculosis, ai iba pa.

6) Mapaunlad ang sariling kamalayan sa paligid. Sa patuloy na pananaliksik na kaakibat ay pagbabasa napupukaw ang kamalayang pansarili. Ang walang kahala-halagang bagay sa iyo dati, ngayon napagtutuunan nan g pansin at nakikita ang importansiya. Halimbawa nito ay dapat palang maglunsad ng pananaliksik upang makita ang pagkakaiba-iba sa maraming larangan katulad ng mga itinayong kainan sa paligid ng kabayanan, tulad ng Jollibee, McDonald’s, KFC, Max’s, at iba pa.

7) Makita nag kabisaan ng umiiral o ginagamit na pamamaraan at estratehiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pagkatuto, maraming estratehiya o kaya’y pamamaraan ang gamit sa pagtuturo ng isang guro. Nariyang ang constructivist, interactive,at marami pang iba. Sa tulong ng pananaliksik, maaring mabatid ang kabisaan ng alinman ditto kung gagamitin sa particular na pangkat ng mga mag-aaral. Ang kinalabasan ay susuriin, bibigyang interpretasyon, at bibigyang hinuha.

8) Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya. Tinitingnan ang isang ideya sa ibang anggulo, perspektiba, at pananaw kaysa sa dati nang paraan ng pagtingin rito. Halimbawa, ang ideya ni Rizal sa globalisasyon ay isang pagbabagong-bihis sa paulit-ulit nang natatalakay na mga ideya n gating bayan, tulad ng kaisipang ang shopping mall ay hindi lamang isang tindahan kundi maliit na komunidad o isang ‘kultura’.

9) Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay na totoo o makatotohanang ideya.

PANANALIKSIK

May mga paksang nanghahamon sa mga tinatanggap at ipinapalagay na totoong ideya at siyang interes ng mananaliksik.

10) Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon, paniniwala, palagay, o pahayag. Balid o totoo ang isang ideya kung iti ay mapapatunayan o mapasusubalian ng mga makatotohanang datos.

11) Mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang particular na bagay. May mga ideyang makabuluhang tingnan o suriin ang hinaharap o kinabukasan, ngunit sa pagtukoy at pagsusuri rito ay kailangan ang pananaliksik sa kasaysayan nito. Halimbawa nitoang pagtalakay sa kahihinatnan ng kapaligiran bunga ng modernisasyon. Kailangan saliksikin ang mga datos ng mga pagsasayang, pang-aabuso, at pagsasawalambahala ng tao sa kalikasan mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng pananaliksik, mababatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral at maging mga gurong hindi nagtuturo ng Filipino tungkol sa 2001 Revisyon ng Alpabetong Filipino.

Naunawaan mo na ba kung ano ang pananaliksik at mga kaakibat na impormasyon tungkol dito? Para sa mas ikahuhusay ng iyong pag unawa tungkol sa paksa,

makatutulong

sa

iyo

ang

pag-intindi

ng

nabuong

akronim

ng


Similar Free PDFs