PANANALIKSIK TUNGKOL SA KAHALAGAHAN NG MGA GURO SA SPECIAL EDUCATION SA KANILANG MGA MAG-AARAL AT SA LIPUNAN DOCX

Title PANANALIKSIK TUNGKOL SA KAHALAGAHAN NG MGA GURO SA SPECIAL EDUCATION SA KANILANG MGA MAG-AARAL AT SA LIPUNAN
Author P. Gallardo
Pages 5
File Size 25.9 KB
File Type DOCX
Total Downloads 461
Total Views 864

Summary

Isang Pananaliksik Tungkol Sa Kahalagahan Ng Mga Guro Sa SPED… 1 KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Hindi na mawawala sa impresyon ng nakararami ang kawalan ng kapakinabangan ng mga taong may espesyal na pangangailangan sa ating lipunan. Isa ito sa mga rason kung kaya nagkaroon ...


Description

Isang Pananaliksik Tungkol Sa Kahalagahan Ng Mga Guro Sa SPED… 1 KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Hindi na mawawala sa impresyon ng nakararami ang kawalan ng kapakinabangan ng mga taong may espesyal na pangangailangan sa ating lipunan. Isa ito sa mga rason kung kaya nagkaroon ng mga eskwelahan at institusyon na naglalayong matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga pangunahing kakayahan ng isang normal na indibidwal. Ang mga institusyon o eskwelahan na ito ay maaaring pampubliko o pampribado. Ang pagpapaunlad na ginagawa nila sa mga taong may espesyal na pangangailangan ay tumutulong upang maiwasan o tuluyan ng mawala ang pag-iisip ng karamihan na walang kapakinabangan sa lipunan ang mga taong may mga kakaibang pangangailangan. Sa bawat eskwelahan, hindi mawawala ang mga guro na nagsisilbing ikalawang magulang ng mga mag-aaral. Ang hirap na pinagdadaanan ng bawat guro ay tunay ngang nagsisilbing simbolo ng pagiging espesyal na indibidwal nila sa lipunan. Tulad ng ibang mga guro, ang mga ikalawang magulang ng mga mag-aaral sa SPED ay naglalaan din ng mahabang oras at pasensya sa pagtuturo. Mas mahabang oras ang kinakailangan ng isang guro sa SPED upang maunawaan ng lubusan ng kanilang mga mag-aaral ang mga bagay na kinakailangan nila sa pagpapaunlad ng kani-kaniyang mga kakayahan. Ang mahabang pasensya sa pagtuturo ay isang importanteng bagay na sinasanay ng mga guro sa sektor na ito dahil madaling makuha ng ibang mga bagay ang atensyon ng mga mag-aaral na...


Similar Free PDFs