Mga Bayani ng Pilipinas PDF

Title Mga Bayani ng Pilipinas
Author Ms. Abigael Bas
Pages 30
File Size 1.6 MB
File Type PDF
Total Views 85

Summary

Prepared by: Ghail Bas Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas Jose Rizal (19 Hunyo 1861–30 Disyembre 1896) Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay isang Pambansang bayani at itinuturing na pinakadakilang Filipino si Jose Rizal. Sa buong buhay niyá, sinikap niyáng maging huwar...


Description

Prepared by: Ghail Bas

Mga Bayani ng Pilipinas

Prepared by: Ghail Bas

Jose Rizal (19 Hunyo 1861–30 Disyembre 1896)

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay isang Pambansang bayani at itinuturing na pinakadakilang Filipino si Jose Rizal. Sa buong buhay niyá, sinikap niyáng maging huwaran ng mga kababayan. Ginawa niyá ang pinakamagalíng na maaari niyáng gawin sa iba’t ibang larangan ng Filipinolohiya, sining, agham, at teknolohiya. Kakikitahan ng pinakamataas na antas ng kasiningan ang kaniyang mga tula, nobela, dula, sanaysay, pintura at eskultura. Isang doktor, dinayo ng mga pasyente mula sa iba’t ibang bansa ang kaniyang mga klinika sa Hong Kong at sa Dapitan, Zamboanga del Norte. Ipinamalas niyá sa Dapitan ang pagiging arkitekto, inhenyero, magsasaka, at imbentor. Mahusay siyáng atleta lalo na sa eskrima. Nag-aral siyáng magsalitâ at magsulat sa iba’t ibang wika. Isinilang si Jose Rizal noong 19 Hunyo 1861 sa Calamba, Laguna. Pampitó siyá sa 11 anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonso. Dahil pinaghihinalaang filibustero ang Mercado, ginamit niyá ang apelyidong Rizal nang mag-aral siyá sa Maynila. Batà pa’y kinakitahan na siyá ng katalinuhan. Sa Ateneo Municipal sa Maynila, tumanggap siyá ng mga medalya ng karangalan sa pag-aaral at pagsusulat. Pinakamataas na marka ang natanggap niyá nang magtapos noong 1876 ng batsilyer sa sining (katumbas ng mataas na paaralan). Kumuha siyá ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas hábang nag-aaral ng pagiging agrimensor sa Ateneo. Huminto siyá sa mga kursong ito nang sa gulang na 21 ay lihim siyáng magpunta sa Europa.Tinapos niyá ang medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa España noong 1885. Itinuring siyáng gabay ng Kilusang Propaganda at aktibong nagsulat sa diyaryong La Solidaridad. Noong 1889, ipinalathala niyáng muli nang may anotasyon sa London, England ang bihira nang matagpuang librong Sucesos de las Islas Filipinas ni Dr. Antonio de Morga na unang nalathala sa Mexico noong 1609. Bago iyon, nalathala na ang kaniyang nobelang Noli me tangere (1887) sa Berlin, Germany. Sinundan ito ng nobelang El filibusterismo(1891) na ipinalimbag sa Gent, Belgium. Isiniwalat ng kaniyang mga nobela ang kabulukan ng pamamahalang Español sa Filipinas at ang mga kahinaan ng simbahang Katoliko hábang naglalatag ng mga kaisipang pampolitika ukol sa pagpapalakas ng diwang makabayan. Pagbalik sa Filipinas noong 1892, dinakip siyá at ipinatapon sa Dapitan. Upang matapos ang destiyero, nagboluntaryo siyáng maglingkod bilang manggagamot sa Cuba noong 1896, taón ng pagsiklab ng Himagsikang Filipino. Muli siyáng dinakip sa kalagitnaan ng paglalakbay, kinasuhan ng panghihikayat ng rebelyon, at binitay noong umaga ng 30 Disyembre 1896. Ang kamatayan ni Jose Rizal ay lalong nagsilbing liwanag sa mga kababayan na ipagpatuloy ang rebolusyon tungo sa pambansang kasarinlan at pagbubuo ng nasyon.

Mga Bayani ng Pilipinas

Prepared by: Ghail Bas

Andres Bonifacio (30 Nobyembre 1863–10 Mayo 1897)

Si Andres Bonifacio ang tagapagtatag ng Katipunan at itinuturing na “Ama ng Himagsikang Filipino.‖ Tinatawag siyáng “Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng kapisanang mapanghimagsik. Isinilang siyá noong 30 Nobyembre 1863 sa Tondo, Maynila at panganay sa anim na anak nina Santiago Bonifacio, isang sastre, at Catalina de Castro. Mga kapatid niyang lalaki sina Ciriaco, Procopio, at Troadio at mga kapatid na babae sina Espiridiona at Maxima. Naulila siláng lubos noong 14 taon si Andres kayâ binúhay niya ang mga kapa- tid sa pagtitinda ng bastong kawayan at papel na abaniko at pagtatrabaho bilang mensahero at bodegero. Una niyang malaking trabaho ang klerkmensahero sa kompanyang Ingles na Fleming and Company. Lumipat siyá pagkuwan sa Alemang Fresell and Company. Isa siyáng alagad ng sining. Bukod sa pagguhit ng poster ay mahilig din siyáng mag-artista at naging kasapi ng sama- hang pandulaan sa Palomar, Tondo. Noong 1887, kasáma ang ibang kaibigan ay itinayô nilá ang El Teatro Porvenir. Isa siyáng mahusay na makata at manunulat. Isinalin niya sa tula ang sanaysay na El Amor Patrio ni Rizal at siyá ang unang nagsalin sa tagalog tulang Ultimo Adios ni Rizal. Ang sanaysay niyang ―Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog‖ ay isang napakaikli ngunit matalim na kasaysayan ng Filipinas at tigib sa nag-aalab na damdaming makabayan. Ang hilig niyang mag-aral ng wika ay natumbasan ng hilig niyang magbasá. Una niyang asawa si Monica na namatay sa ketong. Sa isang pakikipamista sa Kalookan ay nakilála niya at niligawan si Gregoria de Jesus. Ikinasal silá noong 1893 at muling ikinasal sa loob ng Katipunan. Itinatag niya ang mapanghimagsik na Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK noong 7 Hulyo 1892. Bunga ito ng kabiguan ng mapayapang kampanya para sa reporma ng La Solidaridad at ng naganap na pag- dakip at pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Ang lihim na kapisanan ay lumago na sa Kamaynilaan at ibang mga lalawigan bago natuklasan at sumiklab ang Himagsikang Filipino noong Agosto 1896. Dahil sa hidwaan ng dalawang pangkat ng Katipunero, ang Magdiwang at ang Magdalo, sa Cavite ay inanyaya- han siyá doon upang mamagitan. Nauwi ang lahat sa pag-tatayô ng isang bagong pamahalaan ng manghihimagsik noong 22 Marso 1897. Nahalal ditong pangulo si Heneral Emilio Aguinaldo at ministrong panloob si Andres. Hindi minabuti ni Andres ang pagmaliit sa kaniyang kakayahan ng isang Magdalo kayâ pinawalang-bisa niya ang halalan sa isang dokumento noong 24 Marso. Kasáma ang dala- wang kapatid, asawa, at ilang tauhan ay sinikap niyang bumalik ng Maynila. Sinundan ng mga Magdalo ang pan- gkat niya at dinakip. Sa labanan ay namatay si Ciriaco at nasugatan si Andres. Dinala silá sa Maragondon, Cavite at nilitis. Nahatulan siyáng nagkasala ng sedisyon at pinarusahan ng kamatayan. Noong 10 Mayo 1897, dinalá siyá at kapatid na Procopio sa Bundok Buntis at pinatay.

Mga Bayani ng Pilipinas

Prepared by: Ghail Bas

Antonio Luna (29 Oktubre 1866–5 Hunyo 1899)

Si Antonio Luna ang Filipinong heneral na namunò sa hukbong sandatahan ng Himagsikang Filipino at pangalawang kalihim ng digma sa Republikang Malolos. Kinikilala siya bilang pinakamahusay na Filipinong heneral sa kaniyang panahon. Siyá rin ang nagtatag ng unang akademya militar ng bansa. Kapatid niya ang pintor na si Juan Luna. Isinilang siyá noong 29 Oktubre 1866 sa Urbiztondo, Binondo, Maynila, at bunso sa pitong anak nina Joaquin Luna de San Pedro at Laureana Novicio-Ancheta.Nakamit niya ang batsilyer ng artes sa Ateneo Municipal de Manila at nag-aral ng panitikan at kemistri sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagaral siyá sa España ng parmasyutika. Hinangaan siyá ng mga Europeo sa kada- lubhasaan sa mga sakit sa tropiko gaya ng dilaw na lagnat. Bilang isa sa mga Filipinong na- glunsad ng Kilusang Propaganda, sumulat siya mga sanaysay at kuwento sa La Solidaridad sa ilalim ng sagisag na ―Taga-ilog.‖ Nagbalik siyá sa Filipinas at tahimik na namuhay bilang parmasyutiko. Dinakip siyá noong 19 Agosto 1896 at ipinatapon sa España dahil napaghinalaang tagapagtaguyod ng Katipunan. Habang nása ibang bayan, pinag-aralan niya ang sining ng pakikidigma sa Belgium. Muli siyáng nagbalik sa Filipinas nang Digmaang Filipino-Americano at hinirang ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang heneral Itinatag din niya ang diyaryong La Independencia. Disiplina ang pangunahing itinuro niya sa hukbong Filipino. Itinatag niya sa Malolos ang Academia Militar, ang binhi ng kasalukuyang Philippine Military Academy. Pinarusahan niya ang bawat sumuway sa batas militar. Dahil sa kaniyang kapusukan, kahigpitan, at tagumpay sa mga labanan ay marami ang nainggit sa kaniya. Noong 5 Hunyo 1899, nagpunta siyá sa Cabanatuan, Nueva Ecija dahil sa mensaheng ipinatawag siyá ni Aguinaldo. Pinaslang siyá ng mga sundalo sa pamu-munò ni Kapitan Pedro Janolino na minsang sumuway sa utos niya at inirekomendang alisin sa hukbo. Sa kaniyang kamatayan, tuluyang huminà at dumanas ng sunod-sunod na pagkatalo ang hukbong Filipino. Isang pinunòng Americano si Heneral Hughes ang nagsabing ―Isa lámang ang heneral ng mga Filipino, at siyá’y pinaslang nilá.‖

Mga Bayani ng Pilipinas

Prepared by: Ghail Bas

Apolinario Mabini (23 Hulyo 1864–13 Mayo 1903)

Madalas bansagan si Apolinario Mabini bilang “Utak ng Himagsikang Filipino” at “Dakilang Lumpo” dahil sa kaniyang mga akda at naging mahalagang tungkulin noong panahon ng Himagsikang Filipino. Isinilang siyá noong 23 Hulyo 1864 sa Talaga, Tanauan, Batangas. Ikalawa siyá sa walong anak nina Inocencio Mabini, isang maralita, at Dionisia Maranan, isang tindera sa palengke. Namasukan siyá bago natanggap na iskolar sa Colegio de San Juan de Letran noong 1881 at nakapagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1894. Sumapi siyá sa La Liga Filipina at naging aktibo sa Kilusang Propaganda. Nang itatag ang Katipunan, hindi siya sumali dito. Nagkasakit siyá at naging lumpo makaraan ang dalawang taon. Sa pagsiklab ng Himagsikang 1896, pinaghinalaan siyáng Katipunero ng mga Español at dinakip. Dahil maysakit, hindi siyá ibinilanggo kundi ipinadala sa ospital ng San Juan de Dios at nanatili roon hanggang mabigyan ng amnestiya. Nakita niya pagkaraan ang kabuluhan ng layunin ng Katipunan na ibagsak ang pamahalaang Español. Nabalitaan ni Heneral Emilio Aguinaldo ang galíng niya sa batas kayâ’t hinirang siyáng punòng ministro ng rebolusyonaryong Kongresong Malolos. Siyá ang sumulat ng mga dekreto, manipesto, at iba pang kasulatan para kay Aguinaldo kayâ naituring na ―Utak ng Himagsikang Filipino.‖ Noong Digmaang Español-Americano, agad niyang naisip ang epekto nito sa Filipinas at hinulaan niyang sasakupin tayo ng mga Americano. Sa panahon ng Digmaang Filipino-Americano, kahit isang lumpo ay hindi siyá sumuko. Nahúli man noong 1899, hindi siyá napilit manumpa sa bandila ng Estados Unidos at sa halip ay ipinagpatuloy ang pagsulat laban sa pananatili ng mga Americano sa Filipinas. Muli siyáng hinuli at ipinatapon sa Guam. Doon niya natapos ang La Revolucion Filipina, isang pagsusuri sa simula at kasaysayan ng Himagsikang Filipino. Pinayagan siyáng makabalik sa bansa makaraan ang halos dalawang taon. Pagdating niya sa Maynila noong 1903, tinanggihan niya ang alok na trabaho sa itinatayông gobyernong sibil ng Americano. Namatay siya sa sakít na kolera noong 13 Mayo 1903 sa Maynila.

Mga Bayani ng Pilipinas

Prepared by: Ghail Bas

Emilio Aguinaldo (26 Marso 1869–6 Pebrero 1964)

Si Emilio Famy ang una’t hulíng pangulo ng Unang Republika ng Filipinas. Ipinanganak si Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong 26 Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy. May kabuhayan ang pamilya niyá, ngunit tumigil sa pag-aaral sa Aguinaldo noong nása ikatlong taon ng segunda enseñanza at tumulong sa negosyo ng mga magulang. Noong 1895, nahalal siyá ng Kawit na capitan municipal, ang binagong tawag sa gobernadorsilyo o punò ng bayan sa ilalim ng Batas Maura. Ikinasal din siyá kay Hilaria del Rosario. Nang mabalitaan ang Katipunan, nagpunta siyá ng Maynila at nanumpang kasapi. Pagsiklab ng Himagsikang 1896, nakilála siyá sa mga matagumpay na labanan sa Cavite. Nang magkaroon ng halalan sa Tejeros noong 22 Marso 1897, siyá ang nahalal na pangulo ng binagong pamahalaang mapanghimagsik. Inilipat niyá ang himpilan ng pamahalaang mapang-himagsik sa Biyak-na-bato, San Miguel de Mayumo, Bulacan. Doon din siyá lumagda sa kasunduan, ang Kasunduang Biyak-na-bato noong 14–15 Disyembre 1897, na pansamantalang nagtigil sa himagsikan hábang kusa siyáng nadestiyero sa Hong Kong kasáma ang iba pang lider rebolusyonaryo. Pagkaraan ng ilang buwan, bumalik si Aguinaldo sa Filipinas, ipinahayag ang kasarinlan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898 mula sa kaniyang tahanan sa Kawit, at sinimulan ang ikalawang yugto ng Himagsikang Filipino. Noong 23 Enero 1899, pormal na ipinahayag ang Unang Republika ng Filipinas sa Malolos, Bulacan. Halos kasunod nitó ang pagsiklab din ng Digmaang Filipino-Americano noong Pebrero 1899 na nauwi sa pag- urong ng hukbong Filipino paHilagang Luzon. Nadakip si Aguinadlo sa Palanan, Isabela noong 23 Marso 1901 at tuluyang bumagsak ang Republikang Malolos. Nabiyudo siyá noong 1921 at pinakasalan si Hilaria Agoncillo noong 1930. Kumandidato siyáng pangulo ng pamahalaang Komonwelt ngunit tinálo ni Manuel L. Quezon. Namatay siyá noong 6 Pebrero 1964 ngunit naabutan pa niyáng ipinahayag ni Pangulong Diosdado P. Macapagal ang Hunyo 12 bílang Araw ng Kalayaan ng Filipinas.

Mga Bayani ng Pilipinas

Prepared by: Ghail Bas

Emilio Jacinto (15 Disyembre 1875–16 Abril 1899)

Tinagurian si Emilio Jacinto na “Utak ng Katipunan” dahil sa mga sinulat niya para sa Katipunan, kabílang na ang ―Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.‖ at higit na kilalang Kartilya ng Katipunan. May ganito ring akda si Andres Bonifacio, ang ―Katungkulang Gagawin ng mga Z.LL.B., ‖ ngunit ipinasiya ng Supremo na ang hinahangaan niyang sinulat ni Jacinto ang opisyal na ikabit sa dokumento ng panunumpa ng sinumang sasapi sa lihimna kilusan. Gayunman, higit na popular at hinahangaan ang estilo ng pagsulat at matalinghagang nilalaman ng Liwanag at Dilim, isang koleksiyon ng mga sanaysay na tumatalakay sa mga diwaing demokratiko’t kontra-kolonyalista at nag tatanghal sa pilosopiko’t moral na sandigan ng isang rebolusyonaryong kapisanan. Si Jacinto ang editor ng Kalayaan, ang diyaryo ng Katipunan, at sa pamamagitan lámang ng unang labas ay umakit ng libo-libong kasapi. Ginamit niyang alyas sa kilusanang ―Pingkian.‖ Sa Kalayaan, ginamit din niyang sagisag-panulat ang ―Dimasilaw.‖ Sa mga sagisag lámang ay mahihiwatigan ang pambihirang hilig ni Jacinto sa liwanag, kung bagá, sa pagdudulot ng totoong liwanag sa kapuwa, at sa pagsalungat sa huwad at mag-darayang ―liwanag.‖ Napakataas ng paggálang ni Bonifacio at ng ibang punda- dor ng Katipunan kay Jacinto, kayâ kahit napakabatà, 20 anyos lámang siya nang sumapi, ay nahalal siyang kalihim ng kataas-taasang sanggunian. Hinirang din siyang tagapayo ni Bonifacio at itinuring na bunsong kapatid. Isinilang siya noong 15 Disyembre 1875 sa Tondo, Maynila at anak nina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Namatay ang kaniyang ama noong sanggol pa siya kayâ ipinampon siya ng ina sa nakaririwasang kapatid na si Don Jose Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at lumipat sa Unibersidad de Santo Tomas upang kumuha ng abogasya. Hindi niya natapos ang kurso dahil sa tawag ng pag-ibig sa bayan. Nang pataksil na patayin si Bonifacio sa Cavite, ipinag-patuloy ni Jacinto ang pakikibáka laban sa mga Español ngunit hindi siya sumama sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Nasugatan siya sa isang labanan sa Laguna at nabihag. Ginamit niya ang talino upang makaligtas. Nagkataóng hawak niya ang sedula ng isang espiya ng mga Español at nagpanggap na siya ang espiya. Nang makalaya, bumalik siya sa Maynila at doon nagpagalíng. Ngunit hindi niya matanggihan ang anyaya ng mga Katipunero sa Laguna, kayâ muli siyang lumabas sa larangan. Dinapuan siya ng malarya at namatay sa Majayjay, Laguna noong 16 Abril 1899 sa gulang na 24—isang huwaran ng mandirigmang intelektuwal para sa pambansang kalayaan.

Mga Bayani ng Pilipinas

Prepared by: Ghail Bas

Francisco “Balagtas” Baltazar (2 Abril 1788–20 Pebrero 1862)

Itinuturing si Francsico “Balagtas” Baltazar na “Prinsipe ng Makatang Tagalog” dahil sa kaniyang obra maestra na Florante at Laura. Itinuturing din siyáng pasimuno ng mga pagbabago sa panitikan sa loob ng pananakop ng mga Español. Hinangaan nina Ipinanganak siyá noong 2 Abril 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan sa mag-asawang Juan Balagtas at Juana Cruz. Noong batà pa siyá, ipinadalá siyá ng kaniyang ina sa isang malayong kamag-anak sa Tondo, Maynila, na siyáng nagpaaral sa kaniya kapalit ng paninilbihan sa bahay. Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at sa Colegio de San Juan de Letran. Ayon sa ulat, nakalista siyáng estudyante sa Colegio de San Jose ngunit sa pangalang ―Francisco Baltazar‖. Ito rin ang pangalan niya sa dokumento ng kasal kay Juana Tiambeng noong 22 Hulyo 1842. Walang tiyak na paliwanag sa pagbabago ng kaniyang apelyido. Noong 1835, umibig siyá kay Maria Asuncion Rivera, anak ng mayamang angkan sa Pandacan. Si Rivera ang pinag-alayan ni Balagtas ng tulang ―Kay Celia,‖ ang pambungad na tula ng Florante at Laura. Gayunman, hindi sila nagkatuluyan ng dalaga. Sa Pandacan, nakulong siyá sa isang di-malinaw na dahilan. Lumaya siyá noong 1838, taón na sinasabing unang inilathala ang Florante at Laura. Lumipat si Baltazar sa Udyong (ngayo’y Orion), Bataan, at doon pinakasalan si Juana Tiambeng, anak ng isang mayamang pamilya. Nagkaroon sila ng 11 supling. Muli na naman siyáng nakulong noong 1856 kaugnay ng reklamo ng isang katulong na diumano’y ginupitan niya ng buhok sa di-malamang dahilan. Naghirap ang pamilya ni Balagtas dahil sa kasong ito. Pinagdusahan niya ang kaniyang sentensiya sa Balanga, Bataan, at nang sumunod, sa Tondo, Maynila. Hábang nása Tondo, mula 1857 hanggang 1860, nagsulat siyá ng maraming komedya para sa Teatro de Tondo. Nang makalaya, bumalik siyá sa Udyong at dito niya naisulat ang marami pang tula at komedya hanggang sa mamatay siyá noong 20 Pebrero 1862.

Mga Bayani ng Pilipinas

Prepared by: Ghail Bas

Gabriela Silang (19 Marso 1713-29 Setyembre 1763)

Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang ang unang Filipinang namunò ng isang paghihimagsik noong panahon ng pananakop ng mga Español. Siyá ang asawa ni Diego Silang at nagpatuloy ng pagaalsa ng mga Ilokano nang mamatay ang asawa. Ipinanganak siyá noong 19 Marso 1731 sa Santa, Ilocos Sur. Sinasabing inampon siyá ni Padre Tomas Millan, vicar general ng lalawigan, na pinakasalan siyá noong siyá ay 20 taóng gulang. Maaga siyáng nabiyuda sa unang asawa at napangasawa niyá si Diego noong 1757. Walang ulat kung nagkaroon sila ng anak. Si Diego ang naging pinunò ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa mga Español mula1762 hanggang 1764. Nang sakupin ng mga Ingles ang Maynila noong 1762, nakita niyá ang pagkakataón upang makapag-alsa ang mga Ilokano laban sa mga Español. Nahati ang puwersa ng mga Español sa pakikipaglaban sa mga Ingles sa Maynila at sa pangkat ni Silang sa Ilocos. Naagaw nina Diego ang mga bayan sa hilagang bahagi ng Ilocos Sur at nagpahayag siyá ng paglaya ng mga mamamayan sa pagsasamantala ng pamahalaang Español. Gayunman, isang kaibigan ni Diego, si Miguel Vicos, ang nahimok ng mga Español na magtaksil. Sa pamamagitan ni Vicos ay napatay si Diego noong 1763. Ipinangako ni Gabriela sa asawa bago ito mamatay na pamumunuan ang nasimulang pag-aalsa. Nagpakita siyá ng gilas bilang pinunò at marami siyáng nakamit na tagumpay sa mga labanan sa Santa at Vigan sa Ilocos Sur. Ngunit sa dami ng kaaway, natalo ang kaniyang pangkat sa kalaunan. Nadakip siyá sa Abra at binitay sa Vigan noong 29 Setyembre 1763. Nagsilbing inspirasyon si Gabriela sa isang samahang nagtataguyod ng karapatan ng kababaihan, ang GABRIELA(General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action). Matatagpuan din sa sentrong distritong pangkalakaran ng Lungsod Makati ang isang monumento ni Gabriela Silang.

Mga Bayani ng Pilipinas

Prepared by: Ghail Bas

Gombúrza

Ang Gombúrza ay daglat para sa pangalan ng talong paring Filipino—sina Mariano Gómez, José Burgos, at Jacinto Zamora—na binitay pagkatapos idawit ng pamahalaang kolonyal at mga fraile sa nabigong Pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Ang kanilang pagkamartir ay na kapagpaalab sa nasyonalismo ng mga Filipino at magdudulot, sa huli, ng Himagsikang 1896. Noong 20 Enero 1872, umaabot sa 200 sundalo at obrero sa arsenal sa Cavite ang nag-alsa. Madaliang nasugpo ng mga Español ang pag-aalsa ngunit ginamit itong dahilan upang supilin ang mga Filipinong makabayan at humihingi ng reporma sa pamahalaan. Ginamit itong dahilan ng pamahalaang kolonyal at mga fraile na Español upang idawit ang tatlong pari ng tinagurian ngayon bilang Gomburza. Tunay nilang pakay si Burgos,isang prominente at mestisong pari. Matagal na siyáng pinagiinitan ng mga Español dahil sa liberal na pananaw,...


Similar Free PDFs