MGA BABASAHIN HINGGIL SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS: GOMBURZA, 13 MARTIR NG CAVITE, AT EMILIO AGUINALDO PDF

Title MGA BABASAHIN HINGGIL SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS: GOMBURZA, 13 MARTIR NG CAVITE, AT EMILIO AGUINALDO
Course Mga Babasahin Hinggil Sa Kasaysayan
Institution Cavite State University
Pages 10
File Size 564.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 855
Total Views 1,015

Summary

GOMBURZA, 13 MARTIR NG CAVITE ATEMILIO AGUINALDOPart 1Ang salitang GomBurZa ay isang daglat o ang pinagsama-samang piniling mga bahagi ng pangalan ng tatlong martir na pari. Kaya nabuo ang GomBurZa na galing sa mga apelyido nila Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre Mariano Gomez. Binita...


Description

GOMBURZA, 13 MARTIR NG CAVITE AT EMILIO AGUINALDO Part 1

Ang salitang GomBurZa ay isang daglat o ang pinagsama-samang piniling mga bahagi ng pangalan ng tatlong martir na pari. Kaya nabuo ang GomBurZa na galing sa mga apelyido nila Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre Mariano Gomez. Binitay silang tatlo noong madaling araw sa Bagumbayan (o Luneta na ngayon) gamit ang Garrote noong Pebrero 17, 1872. Tumutukoy rin ang GomBurZa sa tatlong pari ng Katolikong Pilipino sa Pilipinas. Sila rin ay isa sa mga bayani sa Pilipinas sapagkat ang kanilang pagkamatay ay nagkaroon ng malalim na epekto sa maraming Pilipino ng ika-19 na siglo, at dahilan upang mawalan ng tiwala ang maraming Pilpino sa Espanya. Ang dahilan kung bakit sila binitay ng mga Kastila ay sa kadahilanang:   





inakusahang sila ng pagsisimula ng Rebolusyon na mahigpit na tinutulan ng mga Pilipino at maging ang Arsobispo. Paratang pagpapatalsik o pagpapabagsak ng pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Sila din ay inakusahan ng pagtataksil ng ilang opisyal ng Espanya. Pinagbintangan rin sila ng Españyol sa kaso ng subersyon at pag-uugnay sa kanila sa nangyaring pag-aalsa o rebelyon sa Cavite noong 1872 (1872 Cavite Mutiny o sa Spanish ay (El Motín de Cavite). Ang tatlong pari ay inakusahan na utak ng pag-aalsa sa Cavite. Kinasuhan at sinampahan rin sila ng pagtataksil at sedisyon ng Tribunal Militar ng Espanyol - isang naghaharing paniniwala na bahagi ng isang pagsasabwatan upang pigilin ang lumalaganap na katanyagan ng mga Pilipinong paring sekular at ang banta o panganib na dala nila sa mga Espanyol na klero. Taliwas sa sikat na paniniwala, apat na tao, hindi lamang tatlo, ang pinatay ng mga Kastila. Sa harap ng tatlong pari ay isang lalaking nagngangalang Saldua, idinadawit din sa Cavite Mutiny, at hinatulan na nagkasala.

Ang kanilang pagkamatay o pagbitay ay nagiwan ng mapait na damdamin sa mga Pilipino, lalo na sa ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Dahil sa hindi makatarungan na pamantayan ng Espanya ay nahimok si Dr. Jose Rizal upang isulat sa kanyang natatangi obra ang El Filibusterismo na siyang nagsiwalat ng kabulukan at pagmamalabis na puwersang Españyol sa bansa. Kaya noong 1891, inihandog at inialay ni Jose Rizal ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman) sa tatlong paring Pilipino na pinatay ng pamahalaang Españyol noong 1872. Ito rin ang paraan niya upang magsilbing alaala at memorya sa tatlong pari. Kaya masasabi natin na ang GomBurZa ay biktima ng mga Españyol, katulad ni Dr. Jose Rizal. Hindi sila miyembro ng alinmang rebolusyonaryong organisasyon. Gusto lang ng mga kolonyal na pinuno na isisi sa kanila ang mga parata dahil hindi din naman sila mahusay sa pag-iimbestiga. Sa tahimik na paghihinagpis ng buong bayan ay napukaw ang nagaalab na damdaming makabayan ng mga Pilipino na siyang naging daan at naghudyat ng malawakang rebulosyon laban sa mga Kastila.

Fr. Mariano Gómez de los Ángeles (1799 - 1872) 

Ipinanganak siya noong Agosto 2, 1799 sa Sta. Cruz, Manila. Ang kanyang mga magulang ay sina Alejandro Francisco Gomez at Martina Custodio.



Nag-aral siya sa Kolehiyo de San Juan de Letran at nakapagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong Canon Law at Teolohiya.



Hunyo 2, 1824 - naging punong paroko o pari siya ng Bacoor, Cavite ng 48 taon.

Fr. José Apolonio Burgos y García (1837-1872) 

Siya ay isang Insulares/Creoles. Ipinanganak siya noong Pebrero 9, 1837 sa Vigan, Ilocos Sur. Ang kanyang mga magulang ay mga Kastila na sina Don José Tiburcio Burgos at Florencia Garcia.



Siya ay naulila sa magulang noong siya ay 8 taong gulang pa lamang. Bilang isang mag-aaral, siya ay may angking katalinuhan.



Siya din ang pinaka-

Fr. Jacinto Zamora y del Rosario (1835-1872) 

Ipinanganak siya noong Agosto. 14, 1835 sa Pandacan, Manila. Ang kanyang mga magulang ay sina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario.



Nag-aral si Zamora sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan ay natapos niya ang kursong Bachelor of Arts. Nagpaluloy siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan naman ay natamo niya







Siya ang naglathala ng pahayagang "La Verdad" na nangangahulugang "Ang Katotohanan”. Itinatag para ipinapakita nito ang hindi magandang kalagayan o kondisyon ng bansa sa panahon ng pananakop ng Kastila. Ito rin ay nagsisilbing boses ng Pilipino laban sa Españyol. Kasama rin na inilimbag sa pahayagang na ito ang mga liberal na artikulo ni Padre Burgos. Siya ay naging aktibo sa pagpapaunlad ng agrikultura at industriyang pantahanan sa Bacoor, Cavite. Siya rin ang naging tagapaglutas ng mga alitan ng mga pari kung kaya't siya'y minahal at iginagalang ng lubos ng maraming tao. Nagpagtagumpayan at nadaig din ni Padre Gomez ang pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga paring Pilipino laban sa mga prayleng Kastila. Kaya ang mga awtoridad ng Españyol ay nagalit sa kanya, at ipinag-utos na arestuhin siya.



Isang siyang banal at ordinaryong pari na naghahangad na turuan ang kanyang parokya.



Malaki ang naitulong niya sa pagpapareporma ng lupa para sa mga magsasaka. Kaya nga't noong siya ay hulihin kasama ang kaniyang pamangkin na si Padre

natatangi at may angking katalinuhan sa kanilang tatllong pari dahil siya ay nagtamo mga degree: 1. Bachiller en Filosopia o Bachelor of Philosophy (February 11, 1855) at Bachiller en Artes o Bachelor of Arts – Colegio de San Juan de Letran

ang diploma para sa kursong Bachelor of Canon Law. 

Si Padre Zamora ay hindi kasin-talino nina Padre Burgos at Padre Gomez subalit siya ay nakakuha rin ng mataas na marka sa pagsusulit na kinuha niya noong siya ay pansamantalang nadestino sa Parokya ng Pasig. Sa kabila ng mataas na marka at pagkakapasa sa pagsusulit, si Padre Zamora ay hindi binigyan ng permanenteng posisyon sa kadahilanang isa lamang siyang "indio".



Nagsilbi siya bilang kura paroko (parish priest) sa Marikina at Pasig bago. siya hinirang sa Katedral ng Maynila ng mga Awtoridad ng Espanya.



Si Padre Jacinto Zamora ay isang sekular na pari na kung sa ngayon kapanahunan ay maaaring tawagin na, "happy go lucky", mahilig sa sugal, sabong at kung anoano pa. Subalit maraming nagsasaad na ang tunay na hinahanap upang dakpin ay isang nagngangalang Jose Zamora at hindi Jacinto Zamora. Ito ay isang pagsosona ng mga autoredades upang tumahimik ang mga laban sa kanila,

2. Bachiller en Teologia o Bachelor of Theology (January 21, 1859) 3. Licentiate o Licensed in Philosophy in 1860 4. Licentiate o Licensed in Theology in 1862 5. Bachelor of Canon Law (1866) 6.Ang dalawang titulo sa pagkadoktor niya, isa sa Teolohiya (1868) at isa pa sa Canon Law (1871).  Pebrero 11, 1885 – naging pari siya sa taong ito. Itinalaga at nagsilbing kura paroko (parish priest) sa Katedral ng Maynila.  Isa rin siyang prolipikong manunulat o tinatawag sa mga taong gumagawa ng madaming gawa.  Kilala siya bilang "Champion of the cause of the Filipino Clergy" o "Kampeon ng adhikain ng Klerigo o Pastor ng mga Pilipino”  Nagturo rin siya kay Rizal sa Ateneo de Manila.  Naghanap at humingi siya



Feliciano Gomez sa ng pantay na pagtrato sa mga kayumanggi at puti. kumbento ng kaniyang paroko sa Bacoor, Cavite. Ipagtatangol sana ng mga mahihirap at magsasaka  Si Padre Burgos ay isang tunay na mapusok, si Padre Gomez, subalit aktibista at nagnanasa pinigilan niya ang mga ito, nang reporma sa bayan ipinatabi at mahinahon at simbahan. Siya ay isa siyang nagpatali ng sa nanguna sa isang kaniyang mga kamay sa malaking pagaalsang mga "guardia civil." ginawa ng mga istudyante sa San Juan de Letran, Si Padre Gomez ay 73 na ikinamatay ng isang taon gulang. Siya din ang mag-aaral. pinakamatanda sa kanila. Siya ang nauna na binitay sa Bagumbayan. Ang  Bilang isang Creole siya tanyag at kilalang huling ay maaaring maging mga salita ni Padre paring Dominicano, Gomez ay, “Let us go Recolletos, Agustino o where the leaves never Jesuit, subalit sa sanhi ng move without the will of kaniyang pagka aktibista, God.” kaniyang pinili ay Sekular.  Isang akusado na nadakip, kasapi sa nasabing "Cavite Mutineer" ay isang mestizo na nangagalang Francisco Saldua, na kung ating susuriin ang pagkatao, siya ay apo ni Charlotte Corday, isang babaeng Fransesa na pumatay at inasasina si Marat, habang ito ay nasa "bathtub" na may taglay na sakit sa balat, noong "French Revolution" Si Saldua ay bumaliktad na ala Judas, at nagsaad na si Padre Burgos at kasama ng dalawang akusadong pari ang nagpasimula nang naturang pagaalsa sa Cavite, na ikinamatay ng isang mataas na kastilang opisyal.  Si Saldua ay nasintensyahan na

magbigay aral at matakot ang nakakarami at upang huwag tularan. Mayroon rin na nagsasaad na si Padre Zamora ay isang marangal na pareng Pilipino, na kaya lamang dinakip ay dahilan sa pagkamalapit niya kay Parde Burgos. 

Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa kanyang imbitasyon na may nakasaad na, “Grand Reunion... our friends are well provided with powder and ammunition.” Ang mga pahayag na ito ay maaaring mangahulugan ng pagrerebelde, ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay may sapat na pera upang maglaro buong magdamag. Ngunit ito’y mariing hindi tinanggap ng Kastila.



Siya ay hinirang kasama sina Padre Burgos at Padre Gomez upang maging miyembro ng Committee on Reforms na ipinaglaban ang kanilang mga karapatan.

kasamang i-ga-garrote ng tatlong pare sa araw na ito, sa kaniyang paniniwala at sa kaniya'y ipinangako, siya ay pawawalan nang sala sa entablado ng kamatayan at hahandugan pa nang kabayarang salapi sa kaniyang pagtetistigong ginawa, kaya nga't siya pa ay nakangiting punmanhik sa entablado ng garrote. Nang si Saldua ay lagyan nang saplot ang kaniyang mukha, ipinaupo sa silya nang garrote, siya ay pumiglas, hindi niya akalain na aabot dito ang sa kaniya'y gagawin, siya ay nagwala, halos sampung katao ang pumipigil sa kaniyang pagpupumiglas at pagtitili, samantalang hinihigpitan ang panakal nang garrote...tumahimik bigla at nalagutan siya ng hininga.



Siya ang ang sunod na binitay. Umakyat siya sa plataporma nang walang salita. Hindi ito katapangan o kalmado sa harap ng kamatayan. Dalawang araw bago ang kanilang pagbitay ay nagkaroon siya ng nervous breakdown o sakit sa isip na nagreresulta mula sa matinding depresyon, stress, o pagkabalisa.



Sa kanyang karangalan, dalawang paaralang elementarya ang ipinangalan sa kanya, isa sa Maynila at isa sa Pasay.

 Si Padre Burgos ang huling pinatay at nasaksihan ang tatlong pagpamatay. Ang kanyang kamatayan ang pinakamadula at pinakamahirap sa lahat. Isa sa mga detalye ng kanyang kamatayan ay nang siya ay tumayo at sumigaw na, “Wala akong ginawang anumang kasalanan!” Mga Batis:

    

Bayas, Z. (2014, June 25). “GOMBURZA”. Kinuha sa https://prezi.com/-aelgpphjfrn/gomburza/ Azusano, E. A. (2020, March 5). “GomBurZa”. Kinuha sa https://prezi.com/p/r5fxni2lw5de/gomburza/ Sy, R. (2012, October 23). “GOMBURZA.” Kinuha sa https://prezi.com/orqwbphpjpw5/gomburza/ Vicencio, A. (2014, November 5). “GOMBURZA”. Kinuha sa https://prezi.com/mvwl3urkrh0a/gomburza/ Blogger. (n.d.). Talambuhay ng Gomburza. Kinuha October 23, 2021, sa https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/08/talambuhay-ng-gomburza.html

Part 2 Ang 13 Martir ng Cavite ay galing sa salitang Españyol na Trece Martires. Binitay silang lahat noong Setyembre 12, 1896. Sa harap ng Plaza de Armas, malapit lamang sa San Felipe sa bayan ng Cavite. Napagdudahan at napaghinalaan ang labintatlong tao na umano’y kasapi sa nagbalak na ipabagsak ang mga Españyol at sinasabing nakipagsabwatan sa mga Katipunero kaugnay ng naganap nang magalsa ang mga taga-Cavite na pinamumunuan naman ni Heneral Emilio Aguinaldo noong Agosto. 31, 1896. Una ay hinuli o dinakip silang lahat. Pangalawa ay ikinulong. Pangatlo ay madaling araw nilitis ang kaso nila, at sa huli hinatulan sila ng kamatayan o pagbitay. Kahit na wala naman silang kasalanan sa ibinibintang sa kanila ay hinatulan pa din sila ng kamatayan ng komisyong militar na nangasiwa sa kanila. Sinasabing namatay silang lahat dahil sa Makabayang layunin ng 13 (labintatlo) na sina 1.

Maximo Inocencio - Siya ang pinakamatanda sa mga martir. Bilang isang Freemason, siya ay nasangkot sa Cavite Mutiny noong 1872 at pagkatapos ay ipinatapon sa Ceuta sa Spanish Morocco o Cartagena, Spain sa loob ng sampung taon. Nakabalik siya sa Pilipinas at pinasok ang mga negosyong building at bridge contracting, shipbuilding, sawmilling, logging at trading.

2.

Jos�2 Lallana - Isa siyang mananahi na ang tindahan ay ginamit ng Katipunan bilang tagpuan o pagtitipon.

3.

Eugenio Cabezas - Siya ay isang panday-ginto o platero na isang Freemason at Katipunero. Nagmamay-ari rin siya ng isang alahas.

4.

Maximo Gregorio - Siya ang nagtatag ng dalawang sangay ng Katipunan, ang Balangay No. 1 na pinangalanang Marikít ("maliwanag") sa Barrio San Antonio, Cavite, at Balangay No. 2 na tinatawag na Lintík ("kidlat") sa Barrio San Rafael, Cavite.

5.

Hugo Perez - Siya ay isang manggagamot at Freemason.

6.

Severino Lapidario - Siya ay isang corporal ng Spanish Navy Marines na nasangkot sa Cavite Mutiny noong 1872. Nakuha niya muli ang tiwala ng mga awtoridad na nagluklok sa kanya bilang warden ng Cavite provincial jail.

7.

Alfonso de Ocampo – Siya ay isang mestisong Españyol, na naging sergeant o sarhento sa hukbong Kastila bago siya itinalaga bilang assistant provincial jail warden ng Cavite.

8.

Francisco Osorio - Siya ay scion (isang inapo ng isang kilalang pamilya) ng isang mayaman at konektadong pamilya sa Cavite. Kaunti lang ang nalalaman tungkol sa kanya maliban na siya ay isang simpleng pharmacist at hindi Freemason o Katipunero. Anak siya ni Antonio Osorio, isang mestisong Instik na pinaniniwalaan bilang pinakamayaman na tao sa buong Cavite.

9.

Antonio San Agustin - Siya ay isang scion (isang inapo ng isang kilalang pamilya) ng isang mayamang pamilya. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ay ikinasal kay Juliana Reyes. Pagmamay-ari niya ang La Aurora, ang kakaiba at nag-iisang tindahan ng libro sa bayan, na ginamit bilang tagpuan ng mga lokal na miyembro ng Katipunan.

10.

Luis Aguado - Siya ay anak ng isang kapitan sa Hukbong Dagat ng Espanya. Isa rin siyang supply chief ng Fort San Felipe.

11.

Agapito Conchu – siya ay tubong Binondo, Maynila na lumipat sa Cavite at naging guro, musikero, photographer o litarista, pintor at lithographer o litograpo (gumawa at naghanda ng mga metal plate na ginagamit sa pag-print ng mga libro, magasin, label, at iba pang bagay).

12.

Victoriano Luciano III - Siya ay isang pharmacist at freemason na kinilala para sa kanyang mga pormula ng mga pambihirang pabango at lotion, at naging miyembro ng Colégio de Farmaceuticos de Manila. Ang botika niya na ang pangalan ay Botica Luciano ay ginawa ring tagpuan ng Katipunan.

13.

Feliciano Cabuco - Siya ay ipinanganak sa isang mayamang pamilya sa Cavite el Viejo (ngayon ay Kawit). Nagtatrabaho siya sa isang ospital.

*Freemason - isang miyembro ng isang internasyonal na kaayusan na itinatag para sa pagtutulungan at pakikisama, na nagdaraos ng detalyadong mga lihim na seremonya. *Scion (isang inapo ng isang kilalang pamilya) Matapos silang lahat barilin, sama-sama nilang ibinaon ang mga bangkay sa sementeryo ng mga Katoliko sa Caridad, Cavite. Pito sa mga bangkay ang nailipat sa magkakaibang nitso habang ang iba naman ay nanatiling sama-sama sa iisang libingan. BIlang alaala sa kanila lahat ay isang monumento ang itinayo sa lungsod ng Cavite. Ipinangalan sa kanila ang lungsod ng Trece Martires, Cavite. Habang ang 13 na barangay ng bayan ay nakapangalan din sa mga martir. (Barangay Aguado, Cabezas, Cabuco, Conchu, De Ocampo, Gregorio, Inocencio, Lallana, Lapidario, Luciano, Osorio, Perez, San Agustin) Mga Batis: 

Makabuluhang Kwento. (2019). “Ang 13 martir ng Cavite. Youtube. Kinuha sa https://www.youtube.com/watch?



13 Martir ng Cavite. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and



Traya, J. (2017, February 03). “SINO ANG TRECE MARTIRES? KWENTO NG KABAYANIHAN NG LABINTALONG

v=8eYJx1HvhOc

the Arts. Kinuha sa https://philippineculturaleducation.com.ph/13-martir-ng-cavite/

GINOO”. Kinuha sa https://www.buhayofw.com/blogs/blogs-filipino-literature/sino-ang-trece-martires-kwento-ngkabayanihan-ng-labintalong-ginoo-58935a7d74d9e#.YXQcVBpBzIU

Part 3 Si General Emilio Aguinaldo y Famy o mas kilala natin bilang Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso. 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa tawag na Kawit, Cavite). Ang kanyang mga magulang ay kapwa may lahing Instik na sina Don Carlos Jamir Aguinaldo, isang Gobernadorcillo ng komunidad (munisipal na gobernador) sa administrasyon ng Espanyol kolonya, at ang kanyang ina naman ay si Trinidad Famy. Si Emilio Aguinaldo ay ang ikapito sa walong magkakapatid. Nagaral siya ng elementarya at sekondarya sa Colegio de San Juan de Letran ngunit nahinto at hindi niya nagawang tapusin ang kanyang pag-aaral dahil namatay ang kanyang ama, nagkaroon ng pagsiklab ng kolera noong 1882, at para matulungan ang kanyang ina na patakbuhin ang sakahan ng kanilang pamilya. Bukod dito dahil sa pagpanaw ng kanyang ama ay napilitan ang kanyang inang si Trinidad na ibenta ang ilan sa kanilang ari-arian upang maipang tustos sa kanyang walong anak. Bakas sa kanyang dugo ang pagsali sa politiko sapagkat siya ay naging "Cabeza de Barangay" noong 1895 ng Binakayan, isang punong baryo ng Cavite el Viejo (o Kawit, Cavite na ngayon) noong siya ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang pagiging sapilitang kawal. 

Si Emilio Aguinaldo ay isang tanyag na Pilipinong Heneral, pinuno ng Himagsikan, rebolusyonaryong Filipino, politiko, at isang lider ng military.



Kinikilala siya bilang opisyal na pinakabata, at unang punong Pangulo ng Republika ng Pilipinas, dalawang taon siyang namuno bilang Presidente (Enero 23, 1899 – Marso. 23, 1901).



Si Emilio din ang unang presidente ng isang konstitusyunal na republika sa Asya.



Siya ang nanguna sa pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896 – 1898).



Noong 1894, sumali siya sa Katipunan, ito ay sikretong kilusan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio. Ang Katipunan ay naglalayon na itaboy ang Kastila sa paraang pagrerebolusyonaryo at paghihimagsik.



Iba-iba ang bansag sa kanya, at ito ang sumusunod: Kapitan Miong, Heneral Miong, Ka Miong, El Caudillo, Magdalo, Hermano Colon. Ngunit “Magdalo” ang naging alyas sa Kilusan tulad sa sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na si Baldomero Aguinaldo.



Noong 1895 naman ipinatupad ang Maura Law para sa bagong tatag na lokal na gobyerno, binago din ang tawag sa Gobernadorcillo at naging Capital Municipal. Kaya sa edad na 25, si Aguinaldo ay naging unang "gobernadorcillo capitan





 

municipal" (Municipal Gobernador-Captain) ng Cavite el Viejo o Kawit, Cavite habang nasa business trip sa Mindoro. Pebrero 17, 1897, natalo nila Aguinaldo ...


Similar Free PDFs