Halimbawa ng Memoir, Awtobiograpiya, at Biograpiya PDF

Title Halimbawa ng Memoir, Awtobiograpiya, at Biograpiya
Course Diskurso sa Filipino
Institution De La Salle University – Dasmariñas
Pages 4
File Size 69.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 28
Total Views 155

Summary

Example of a Memoir, Autobiography, and Biography...


Description

Memoir Ang Ating Kuwento Isang araw iyong naibahagi Na bagaman ‘di tayo magkatuluyan Itutuloy ng susunod na buhay Ang ating istorya Sa mga lumipas na araw Pinilit kong intindihin, ang iyong kuwento Tungkol sa buhay na sadyang mapanloko Hanggang sa aking nahinuha, “oo nga, tama ang iyong paniwala” Iyong nabanggit na ang isang pag-ibig Kapag di tuluyang nabuo Ay malaki ang pag-asang magkitang muli Sa susunod nating buhay sa mundo Tanggap kong di tayo angkop sa isa’t isa Tanggap kong di ito ang tamang panahon Upang ang mga puso nati’y Tuluyang mapag-isa Nais ko ngayo’y sana maisaisip mo Na sa susunod na buhay Hahanapin ko Ang ikaw mismo Na sa susunod na buhay Di ko hahayang hindi ikaw ang aking maging buhay Di ko hahayaang hindi muling tuluyang mabuo Ang dapat sanang wagas na pag-ibig, ngayon sana’y nabuo

Awtobiograpiya ANG AKING TALAMBUHAY Ako si Lehgie P. de Leon ipinanganak noong Marso 16, 1995 sa Mandili Candaba Pampanga. Ang aking ama ay si Ronnie de Leon at ang aking ina ay si Rachelle de Leon mayroon akong dalawang kapatid sina Lean at Jency de Leon. Ako ay natapos ng elementarya sa Mandili Elementary School at ng Sekondarya sa San Miguel National High School at ngayon, kasalukluyan ay sa Bulacan State University sa kursong Information Technology. Ang aking hilig ay magsulat ng tula. Ang aking paboritong pagkain ay sinigang na luto ng aking ina. Ang paborito kong actor ay si Ryan Agoncillo. Ang paborito kong kulay ay puti at ang paborito kong “subject” ay Ingles. Payak lamang ang pamumuhay ng aking pamilya masaya, sama-sama, at tulong-tulong ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang kaylangan lamang ay pagmamahal, pagtutulangan at pananalig sa Diyos upang malampasan ang lahat ng iyon. Sa aking karanasan naman sa buhay ang hindi ko malilimutan ay noong natuklaw ako ng ahas noong akoy bata pa.Ako ay simple lamang mapagmahal, mabait ngunit kung minsan ay may pagka “moody”. Bilang kaibigan naman ako ay mapag biro at siyempre may pagpapahalaga ako sa mga kaibigan ko at madalas ay inaala ko muna ang kanilang mararamdaman bago ko magsalita. Tuwing ako ay may problema madalas akong umiyak sa Diyos sa Kanya ko lahat sinasabi ang sama ng loob, kasiyahan, at paghingi ng tawad lahat lahat sa buhay ko at sa Kanya din ako humihiling ng mga nais ko siya ang aking tagapagligtas.

Sa buhay pag-ibig naman ay naranasan ko ito noong ako’y nasa ikatlo ng sekondarya masaya, pero madalas din ang lungkot siya ang una kong kasintahan atngayon ay dalawang taon na kami. Ang mithiin ko sa buhay ay masuklian ang paghihirap ng aking magulang, paglingkuran ang Diyos habambuhay, maging matagumpay sa buhay, at magkaroon ng asawa at anak sa tamang panahon. Ngayon ay sinisimulan ko to sa pag-aaral, pagsisikap at pananalig sa Diyos.

Biograpiya Talambuhay ni Emilio Aguinaldo Emilio Aguinaldo (Emilio Famy Aguinaldo, Sr) ay isang rebolusyonaryong Filipino, politiko, at isang lider ng militar na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas (1899-1901) at unang presidente ng isang konstitusyunal na republika sa Asya. Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa wakas ay laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang PilipinoAmerikano (1899-1901) . Siya ay nahuli sa Palanan, Isabela ng pwersang Amerikano noong Marso 23, 1901, dahilan upang magtapos ang kanyang pagkapangulo. Noong 1935, tumakbo si Aguinaldo sa pagkapangulo ng Philippine Commonwealth subalit siya ay natalo ni Manuel Quezon. Matapos sumalakay ang mga Hapones sa Pilipinas noong 1941, nakipagtulungan siya sa mga bagong pinuno at umapila pa sa radyo para sa pagsuko ng mga pwersa ng Amerikano at Pilipino sa Bataan. Siya ay naaresto bilang isang tagatulong ng mga Hapones matapos ang

mga Amerikano ay bumalik ngunit sa kalaunan ay napalaya sa isang pangkalahatang amnestiya. Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa tawag na Kawit, Cavite). Ang mga magulang niya na sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay. Ang kanyang ama ay ang inatasang gobernadorcillo ng komunidad (munisipal na gobernador) sa administrasyon ng Espanyol kolonyal. Nag-aral si Aguinaldo sa Colegio de San Juan de Letran ngunit ay hindi niya nagawang tapusin ito dahil sa pagsiklab ng kolera noong 1882. Si Emilio ay naging "Cabeza de Barangay" ng Binakayan, isang punong baryo ng Cavite el Viejo noong siya ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang pagiging sapilitang kawal. Noong 1895 ipinatupad ang Maura Law para sa bagong tatag na lokal na pamahalaan. Sa edad na 25, si Aguinaldo ay naging unang "gobernadorcillo capitan municipal" (Municipal Gobernador-Captain) ng Cavite el Viejo habang nasa business trip sa Mindoro. Noong Enero 1, 1896, pinakasalan niya si Hilaria del Rosario (18771921), ito ay ang kanyang ikatlong asawa. Sila ay may limang anak: sina Carmen Aguinaldo-Melencio, Emilio "Jun" R. Aguinaldo Jr, Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo-Linggo, at Miguel Aguinaldo. Si Hilaria ay namatay sa sakit na ketong noong Marso 6, 1921 sa edad na 44. Siyam na taon ang nakalipas, noong Hulyo 14, 1930, pinakasalan ni Aguinaldo si Maria Agoncillo sa Barasoain Church. Namatay si Maria Agoncillo noong Mayo 29, 1963, isang taon bago si Aguinaldo mismo ay namayapa rin noong Pebrero 6, 1964....


Similar Free PDFs