Pambansang Industriyalisasyon PDF

Title Pambansang Industriyalisasyon
Author Alyssa Nicole
Course Bachelor of Science in Architecture
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 4
File Size 65.4 KB
File Type PDF
Total Views 147

Summary

Kahulugan ng Pambansang Industriyalisasyon...


Description

Pambansang Industriyalisasyon Gawain 6 Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang kahulugan ng Pambansang Industriyalisasyon? -Ang Pambansang Industriyalisasyon (National Industrialization o NI) ay proseso ng pagtatatag at pagpapaunlad ng iba’t ibang antas at uri ng mga industriya na siyang nagpapasigla ng ekonomiya at tutustos sa mga pang ekonomiyang pangangailangan ng isang bansa, tungo sa transpormasyon ng ekonomiya nito mula sa pagiging agrarian patungong industriyal. Ito rin ay ang malawakang pagbabago patungo sa pagiging isang lipunang industriyal para makamit ang kaunlaran, pagsulong at kasaganaan sa pamamagitan ng paggamit ng tamang pamamaraan at teknolohiya. Sa pambansang industriyalisasyon, nangangailangang bigyan ng suporta ng gobyerno ang pagpapaunlad ng batayang mga industriya tulad ng bakal—mula sa pagkuha nito sa lupa hanggang sa pagpoproseso nito para magamit sa iba pang industriya. Bukod sa pagkilala sa karapatan ng mga magsasaka sa lupa; ipinaglalaban din ng mga manggagawa ang tunay na reporma sa lupa dahil ito ay mahalagang salik sa pagsasakatuparan ng pambansang industriyalisasyon. Mahalagang ang maunlad at matabang lupa para sa produktibong mga pagawaan na para sa kapakinabangan ng sambayanan. Sa pagsusulong ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, matitiyak ang maayos na kabuhayan at makataong kalagayan ng mga magsasaka, manggagawa at buong mamamayang Pilipino. Sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon kailangang sumunod sa makabagong pamamaraan at baguhin ang mga makalumang pamamaraan na maaaring maging dahilan para sa ikauunlad ng bansa. 2. Magbigay ng mga halimbawa ng mga pangunahing industriya na mayroon sa Pilipinas. a. Tukuyin ito mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit. Maraming sektor ng industriya sa Pilipinas ngunit ang mga pangunahing industriya sa mga ito ay ang:, paggawa, agrikultura at konstruksyon dahil dito tayo makakakuha ng mga kakailanganin natin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Una ang industriya ng paggawa dahil isa ito sa pinakaimportanteng industriya dahil sila ang mga gumagawa ng mga produkto. Kung ano ang kailangan ng pamayanan ay iyon ang ginagawa nila. Halimbawa, sa kasalukuyang problema sa kakulangan ng mask dahil sa lumalaganap na virus sa napakaraming bansa, ang industriyang ito ang dapat kumilos upang makagawa ng mas maraming mask. Pangalawa, ay ang industriya ng agrikultura. Kung wala ang industriyang ito, wala tayong kakainin at magugutom ang mga tao. Dahil ang hilaw na mga sangkap sa pagkain ay itinatanim at inaani ng ating mga magsasaka. Kung mahina ang sektor na ito, walang kasiguraduhan kung may pagkain pa ang mga mamamayan ng bansa. Ikatlo ay ang industriya

ng konstruksyon. Sila ang mga gumagawa sa mga gusali na kung saan tumira at nagtatrabaho ang mga tao. Mahalaga din ang kanilang papel dahil kung walang kumpanya, limitado ang pwedeng maging trabaho. Dahil din sa kanila ang mga produkto ay pwedeng makalabas at maibyahe sa iba’t ibang lugar. 3. Batay sa talakay sa itaas, sa iyong palagay bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang industriya sa ekonomiya ng bansa? -Napakahalaga ng papel ng industriya sa pambansang pagpapaunlad. Dito nagmumula ang mga kasangkapan at makinarya na ginagamit sa produksyon. Kapag napaunlad ang kagamitan sa produksyon maging ang proseso ng paglikha ng mga ito ay napapataas ang produktibidad ng mga sakahan at pagawaan. Ito ay susi sa paghubog ng isang modern at dibersipikado na ekonomiya. Isa ito sa dahilan at kailangan sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa. Ang sektor ng Industriya ay siyang lumilikha ng produkto at serbisyo na kailangan hindi lang ng pamahalaan pati na rin ng mamamayan. Sa paglikha ng produkto at serbisyo ay lumilikha rin sila ng trabaho at dahil dito ay mas mapapaunlad ang ekonomiya. Ito rin ang isa sa mga pinagkukunan ng pamahalaan ng mga magagastos sa mga programa at mga proyekto nito. Ang industriya rin ang nagsusuplay ng mga produkto sa loob at labas ng bansa. Sa pamamagitan nito ay natutulungan nito ang iba pang industriya at mas nakapagbibigay ito ng mas malaking halaga sa ekonomiya. Ang sektor ng industriya rin ang nagbibigay daan sa modernisasyon sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong makina at teknolohiya sa proseso ng produksyon. Ginagawa nilang isang produkto na pwedeng magamit ng isang konsyumer ang mga hilaw na sangkap. Kung wala sila, wala tayong mga produkto gaya ng mga gadyet na ginagamit natin ngayon. Kung wala din ang sektor ng industriya, wala tayong makakain dahil sila din ang gumagawa ng ating mga pagkain. Babagsak din ang ekonomiya sa buong mundo kung wala ang industriya dahil halos lahat ng ito ay nakasalalay sa iba’t ibang industriya. 4. Ano-ano pa ang mga industriya sa bansa ang dapat paunlarin? -Upang lalong mapabilis ang pag-unlad ng isang bansa, mahalagang bigyang pansin ang aspeto ng kalakalan nito, hindi lamang sa panloob na kalakalan kung hindi maging ng panlabas na kalakalan. Nakabubuti kung magkakaroon ng mga patakaran at programa na siyang may pangunahing layunin na paunlarin o palakasin ang sektor nang industriya. Maaaring magpatupad ng mga patakaran at programa tulad na lamang ng pagpapabilis ng mga pag-apruba sa mga dokumento na hinihingi ng mga mamamayan, pagbibigay ng mga lisensya o hindi kaya ay dokumento na nagbibigay pahintulot sa isang indibidwal na magtayo ng isang negosyo, pagpapahusay ng pagpapatayo ng mga imprastraktura o gusali, pagpapabuti ng kalakalan sa paggawa o hindi kaya ay paghahatid ng mga kalakal sa loob o labas man ng bansa, pagpapaunlad ng kurikulum o antas ng edukasyon sa bansa, pagpapabuti ng komunikasyon at internet sa bansa at iba pa. Dapat ring paunlarin natin ang agham at teknolohiya dahil hindi parin sapat ang ating ginagamit sa ngayon. Nangangailangan din tayo ng makabagong kaalaman at

kagamitan upang mapahusay at mapabilis ang pagtatrabaho ng ating mamamayan. Ang teknolohiya ay kumakatawan sa pagbuo ng mga bansa sa mundo upang maisulong ang pag-unlad ng ekonomiya. Ito ay mahalaga para sa mga pag-unlad ng mga maliliit na negosyo. Nakapagbibigay ito ng iba’t ibang mga luho at ginagawang mas madali ang buhay. Nakagagawa rin ito ng mahuhusay na hakbang sa paglikha upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya. Nakakatulong din ito sa pagpapabilis ng paggawa ng mga produkto at serbisyo. Upang masiguro ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng agham at teknolohiya sa industriya at kaakibat na pagpapalakad ng bagong teknolohiya sa pag-unlad ng produksyon, kailangang siguruhing ipauuna ang prayoridad sa pag-akumula ng lokal na teknolohiya at kaalaman. Dapat ibasura o baguhin ang mga patakaran at ibang mga taong hadlang upang ipahintulot ang konsentrasyon ng teknolohiya at kaalaman.

Gawain 7 Sagutin ang mga sumusunod: 1. Ipaliwanag sa iyong sariling konsepto ang pagkakaunawa mo sa mga sumusunod: a. Filipinolohiya -Ang Filipinolohiya ay isang disiplina na ang paksa ay nakatuon sa pagaaral ng Filipino. Ito ay nagtataglay ng makamasa, siyentipiko at makabayang edukasyon. Malaki rin ang ginagampanan nito sa pambansang kaunlaran sapagkat inaalam at inaanalisa nito ang kaugnayan, kalikasan at pinagmulan ng wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang larangan ng kulturang Pilipino. Ang Filipinolohiya rin ang daan o ang nagsisilbing instrumento upang magkaroon ng malawak at bukas na kaisipan ang mga mamamayan nang sa gayon ay matugunan ang mga pangangailangan ng bansa. b. Pambansang Industriya -Ang pambansang industriya ay ang produksiyon ng kabuhayan na makakatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Ito rin ang sektor na nakakapag pataas o nakakatulong sa pagpapalago ng kita ng bansa at nakapagaambag sa kaunlaran ng bansa. Mahalaga ang ginagampanan ng pambansang industriya upang lalong malinang ang kasanayan at kakayahan ng mga mamamayan tungo sa maunlad na ekonomiya at makamit ang pambansang kaunlaran. c. Pambansang Kaunlaran -Ang pambansang kaunlaran ay isang naisin o mithiin na pilit inaabot ng bawat isa. Ito ang hangarin ng bawat isa sa atin upang magkaroon ng maayos at maginhawang pamumuhay. Ito rin ang makakatulong sa mga mamamayan na matugunan ang mga mahahalagang aspeto ng pag-unlad tulad ng antas ng pamumuhay, edukasyon, at kalusugan.

2. Ano ang maaaring gampanin ng Filipinolohiya sa pagkamit ng Pambansang Kaunlaran? Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng paglalapit ng isang tiyak na halimbawa. -Malaki ang gampanin ng Filipinolohiya sa pagkamit pambansang kaunlaran sapagkat ito ang nagtuturo at nagpapaintindi ng mga bagay na ating kinakaharap. Pinapalawak rin nito ang ating mga kaisipan at karunungan upang tayo ay mamulat sa mga bagay na hindi pa natin alam at sa kalagayan ng ating bansa. Halimbawa, kung ang mga mamamayan ay mayroong malawak na kaalaman tungkol sa kasaysayan maaari itong magamit sa kasalukuyan at sa hinaharap. Sapagkat ang kasaysayan ng ating bansa ang nagpapamulat sa atin at nagsisilbing aral upang mas maunawaan natin kung ano ang dapat na gawin at kung ano ang dapat iwaksi. 3. Bilang mag-aaral ng iyong kursong kinabibilangan, ano ang maaaring maging papel nito sa Filipinolohiya? Ipaliwanag. -Tulad ng Filipinolohiya ang aking kursong kinabibilangan ay nakakatulong din sa pagpapalawak ng kaalaman lalo na sa aming mga mag aaral. Para sa akin ang kursong Bachelor in Library and Information Science ay malaki din ang papel sa Filipinolohiya. Ang kursong ito ay makakatulong sa Filipinolohiya sa pananaliksik at pagkolekta ng mga impormasyon. Natutugunan din nito ang pangangailangan at makapagbigay ng tamang impormasyon na makakatulong sa Filipinolohiya....


Similar Free PDFs