PUP - Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran PDF

Title PUP - Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran
Author Taehyung Kimmy
Course Bachelor of Science in Accountancy
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 70
File Size 2.1 MB
File Type PDF
Total Downloads 643
Total Views 843

Summary

1GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang KaunlaranModule 1Filipinolohiya: Kahulugan at Kalikasan ng Kamalayang BayanOverviewAng Module ay tumatalakay tungkol sa kaisipang Filipinolohiya tulad ng kahulugan at kalikasan ng kamalayang Bayan. Tatalakayin din ang tungkol sa nasyunalismo, Wikang Filipin...


Description

Module 1 Filipinolohiya: Kahulugan at Kalikasan ng Kamalayang Bayan Overview Ang Module ay tumatalakay tungkol sa kaisipang Filipinolohiya tulad ng kahulugan at kalikasan ng kamalayang Bayan. Tatalakayin din ang tungkol sa nasyunalismo, Wikang Filipino at/ Mamamayan Layunin ng Modyul Sa katapusan ng Modyul, kayo ay inaasahan na makakamit ang mga sumusunod: 1. Maipaliwanag nang may husay ang kahulugan at kalikasan ng Filipinolohiya na nakaugnay sa Wikang Filipino at nasyunalismo, siyensya at (mamamayan) 2. Naipaliliwanag ang kasaysayan ng wikang pambansa 3. Naipapaliwanag ang kahulugan at kalikasan ng wikang Filipino na nakaugat sa nasyunalismo, agham bayan at mamamayan

A.

Ang Pilipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita: Pilipino at lohiya (logos), na ang ibig sabihin ay pag-aaral. Samakatuwid, ito ay isang masistematikong pag-aaral: una, Pilipinong kasipian at, ikalawa, Pilipinong kultura at Pilipinong lipunan. Ang layunin niyo ay palabasin ang pagka-Pilipino ng bawat larangan na mayroon ang kultura ng Pilipinas. Ang kaisipan, kultura, at lipunan ay nagmula sa mga orihinal na matatandang Pilipino kaya ang kanilang mga saloobin, kaisipan at kaugalian ay tunay na mga katutubong Pilipino – dito nagmula ang mga basihan ng homonisasyon o pagkatao. Ang Pilipino ang kumikilos upang kusang lumitaw sa kanilang pagkatao ang pagiging makabansa. Ang wika, kaugalian, paniniwala at pananampalataya ang umiiral sa mga lihitimong mga Pilipino. Ang mga dayuhan tulad ng Kastila at Amerikano ay may malaking kontribusyon sa akademikong pampagkatuto ng mga Pilipino. Ito ang isa sa mga tinitignang dahilan kung bakit may magandang pundasyon ng edukasyon sa ating bansa. Hindi maikakaila ang malaking ambag na naidulot ng mga dayuhan sa ating lipunan, kung kaya naging isip-kolonyal ang ating mga kababayang Pilipino. Tayong mga taga silangan ay nabahiran ng mga pangkanluraning pag-uugali, pananalita, makabagong istilo ng pananamit, pagkahilig sa mga bagong kaalamang pang-teknolohiya. Subalit, kailangan din ng Pilipinolohiya ang akademikong disiplina upang mapalaya ang Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan at hindi ang kabaliktaran nito. 1. Ang Pilipinolohiya ay makapagbibigay ng mga tunay na katutubong kamulatan at kamalayan nang kaugaliang Pilipino. Pilipinolohiya – Pilipono Lohiya

mula sa Latin na Logos – sistematikong pag-aaral

1 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

Sa madaling salita ang Pilipinolohiya ay sistematikong pagpapahayag nang: 1. 2. 3.

Pilipinong kultura Pilipinong kaisipan Pilipinong lipunan

pinag-aaralan ang mga ito upang lumutang ang mga tunay na kaugalian, puso at kalooban ng mga Pilipino

Ang mga Pilipino ang gumgawa at lumilikha ng mga karunungan upang mapalutang sa ating bansa at sa karatig bansa maging sa buong mundo kung ano mang kultura at tunay na pagkakakilanlang nating mga Piliino. Makikita ang ating kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang Sining. Masasalamin ang mga kultura nating mga Pilipino dahil na rin sa taglay na talino at mga kasanayang kinagisnan nating mga Pilipino. Ang mga karunungang nakuha natin sa edukasyon, at sa mga dayuhan na nakapag-ambag din ng mga bagong kaisipan para sa makabagong kultura. Sumunod na ating tatalakayin ay larangang pangkaisipan ng mga Pilipino. Ito ay nahahati sa dalawa: 1. Pangloob na kaugalian Halimbawa : mabait, hindi nagsasabi ng oo, dadaanin sa paligoy, pusong mamon 2. Panlabas na kaanyuan Halimbawa: pango ang ilong, kayumanggi, pandak, matipuno ang katawan, may kalaparan ang noo. 3. At lalim ng kaisipan Halimbawa: kung ang kamalayan ay kinakausap ng kanyang budhi, ang ating mga ninuno ay naniniwala sa mga anito, bulong at nang malaunan ay sa paniniwala na may purgatoryo lalu na nang masakop tayo ng mga Kastila. Subalit dumating din ang pagkakataon na lumawak na ang kaisipan ng mga Pilipino at marami nang mga bagong paniniwala sa pagsamba. Subalit kung may mga taliwas na paniniwala ay mayroon ding nakapagdudulot din ng gulo sa bawat isa. Dahil marami na ring impluwensiya ng iba’t ibang pananampalataya, at may iba-ibang ideya na sila. May mga paniniwala sila na ang mga Pilipino ay tulad ng kawayan na marunong yumuko at magpakumbaba. Ang mga dahon ng oregano at ibang mga halaman ay pinaniniwalaang nakakagaling. Ang mga Pilipino ay nakangiti kahit may problema na sa kalamidad, baha, pagsabog ng bulkan, lindol at kadalasan pa nga ay sunog din. Subalit nakakangiti pa rin sila sa kabila nang unos ng buhay. Kung may pagkakataon naman na may inaapi sa ating kababayan ay agad na nagbibigay ng tulong ang mga Pilipino. Hindi sila papayag na maapi ang sinuman sa ating lahi kung kaya’t ito ay ipinaglalaban.

2 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

Ang salinglahi at angkan ng mga Pilipino ay hindi mo rin basta mauunawaan. Kasama na ba talaga sa kultura ng mga Pilipino ang magkakasama kung ilan sa pamilya sa iisang bahay, subalit nagkakaunawaan pa din. Sa modernong panahon ngayon ay marami na ring pagbabago sublit sadya nga yatang ganito ang kultura ng mga Pilipino. Hindi maitatanggi na karamihan din sa ngayon ay bumubukod na subalit napakarami pa ring pamilya ang magkakasama. Ihalo mo man ang mga Pilipino sa ibang lahi ay napakadali nilang mag-adopt ng sitema sa kultura ng iba.Kaya iba ka talaga Pinoy. Maging ang mga Hapon na gustong gustong katrabaho ang Pinoy sa barko dahil sa napakasipag at magagaling sila. Nakukuha nilang pag-aralan ang ugali ng mga Pinoy. Ang mga nurses natin na blita din sa iba’t ibang bansa. Maging ang mental napag-iisip ng mga Pilipino sa ngayon ay may bahid kolonyal na din. Hindi mo ito maiaalis dahil sa dami ng mga ibang lahi na sumakop sa ating bansa. Tunay na lahat sila ay may ambag sa ating kaugalian. Hindi ito maikakaila dahil kitang-kita natin ito sa kasalukuyan. Ang ating edukasyon na utang daw nating sa kanluranin, kaya pati ang ating pag-iisip ay ganoon na din. Ito ang ating isa sa tatalakayin sa Filipinolohiya. Upang alamin ang tunay na damdamin, pag-iisip, kultura ng mga Pilipino. Ito ang tatalakayin natin sa simula ng Filipinolohiya. https://prezi.com/6lbyugipnb_b/pilipinolohiya/ Bago tayo pumunta sa ibang paksa ng Filipinolohiya: Kahulugan at Kalikasan ng Kamalayang Bayan ay talakayin muna natin nang pahapyaw ang Kasysayan ng Wikang Pambansa, upang makita natin ang isa pang malinaw na kultura nang mamamayang Pilipino, kung paano nagsimula an gating wikang Pambansa.

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO Hindi lahat ng mamamayang Pilipino ay tunay na nakakaalam ng kasaysayan ng wikang pambansa. Kaya tunghayan sa usapan sa ibaba ang salaysay ng wikang pambansa. Rex: Alam mo, ang Pilipinas pala ay gumagamit ng magkakaibang mga wikain na naging sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga mamamayan. Norie: Talaga! Rex: Oo. May walong pangunahing wika ang umiiral sa ating bansa : Tagalog, Sebuano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Kapampangan at Pangasinense. At ang bawat isa sa walong wikang ito ay kinapapalooban pa ng ibat ibang wikain. Ito marahil ang dahilan kung bakit tayo naging alipin ng Espanya dahil wala tayong isang wikang bubuklod noon. Norie: Kaya pala ganoon na lang ang pagnanais ni Manuel Quezon na magkaroon ng isang wikang pambansa. Naalala ko tuloy ang kuwento ng titser naming na nahihirapan daw ng todo si Quezon lalo na sa kanyang pagtatalumpati. Hindi niya kasi malaman kung ano ang gagamitin niyang lengguwahe. Kaya nagpalabas siya ng iba’t ibang kautusan na nauukol sa pagpapahalaga ng wika? Katulad ng “Paglinang ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga wikang katutubo ng Pilipinas ( Saligang Batas 1935, Seksiyon 3, Artikulo X1V) .” 3 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

Rex: Ang pinagtatakhan ko lang ay kung paano nila isinagawa ang hakbang na binanggit mo? Norie : Sabi ng guro ko sa Filipino, itinatag raw ang Surian ng Wikang Pambansa ( ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino ) na gumagawa ng pag-aaral upang makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay nga sa isa sa mga wikaing umiiral sa buong kapuluan. At ito ay pinamunuan ni Juan de Veyra – ang kauna-unahang direktor ng Surian ng Wikang Pambansa. Rex: Parang narinig ko na ang kanyang pangalan. Tama, siya ang ikinukuwento ng lolo ko, na nagsabing “ Ibanag man kami kailangang makaunawa kami ng wikang tagalog upang magkaroon ng pagkakaisa at sariling pagkakakilanlan ang mga Pilipino.” At nagtagumpay sila sapagkat nagbunga ang kanilang ginawang pag-aaral alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184 na nagpahayag sa wikang pambansang batay sa Tagalog. Norie: Paano naman napili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa? Rex: Ang lupon ay gumawa ng kraytirya na siyang ginagamit sa pagpili ng wikang magiging batayan ng wikang pambansa. Ayon sa kraytirya, ang wikang pipiliin ay yaong ginagamit ng nakararaming Pilipino, ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikang Pilipino at wikang may maunlad na balangkas at mekanismo at madaling matutuhan ng mga mamamayang Pilipino. Norie: Teka muna, paano na yung mga hindi Tagalog, natuto ba silang managalog? Rex: OO, dahil sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 na nagtakdang ituro ang Wikang Pambansa sa lahat ng paaralang bayan at pribado at nagpahintulot rin sa pagpapalimbag ng Diksyunaryo at Gramatika ng Wikang Pambansa. Kaugnay rin nito, pinagtibay naman sa Batas Komonwelt Blg. 570 na ang Wikang Pambansa ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas. Norie: Kaya pala kinilala ang Pilipino bilang wikang pambansa. Rex; Tama at iyan ay sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Kalihim Jose Romero ng Edukasyon noong 1959 na nagsaad ng Pilipino ang gagamitin kung ang tinutukoy ay ang Wikang Pambansang Tagalog. Norie: Noong panahon na iyon maraming mga seminar, pagsasanay na inilunsad sa mga tanggapan, paaralan at sa iba pang sangay ng pamahalaan, di ba? At ito ay ginawa upang mahasa ang mga Pilipino sa wikang Pambansa. Kung hindi ako nagkakamali, si Juan Manuel ang nagtakda ng Kautusang iyon Blg. 25 noong 1974. Rex : At noong 1979 – 1980, ang Pilipino ay naging bahagi ng kurikulum pangkolehiyo, anim na yunit ng Pilipino sa ano mang kurso at labindalawang yunit naman sa kursong Edukasyon. Norie: Naging Filipino naman ang Pilipino batay sa Konstitusyon noong 1986. Sabi nga ni Komisyoner Rodrigo, “Itong Filipino ay hindi isang bagong kinathang lenggwahe. Ito ay batay sa 4 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

Pilipino. Palalawakin lamang natin. Kaya nga ang Pilipino ay batay sa Tagalog at ang Filipino ay batay sa Pilipino”. Rex: Kaya Norie, umasa tayo na ang wikang Filipino ay nakatatanaw na ng maunlad at maliwanag na kinabukasan. Hindi mo napansin, maging ang ating kasalukuyang Pangulo ay gumagamit rin ng wikang atin. Tama siya, na tayo lang ding mga Pilipino ang magtutulungan upang mapaunlad ang lahat na gamitin ang sariling wika sa lahat ng oras at pagkakataon? Norie: Dapat! Wala nang iba pang magmamahal sa ating wika kundi tayo rin naman. Rex: Sana nga! Halaw sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa (Baello et. al.: 4 – 5) Karagdagang Gawain: Panonorin ang vido na magmumula sa guro. Kasaysayan ng wikang Pambansa Gumawa ng “W – Web” tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng presetasyon sa kasaysayan ng Wikang Pambansa sa inilahad na Kasysayan ng Wikang Pabansa sa video presentation at ipaliwanag ang pagkakaiba. Hatiin sa (6) anim na pangkat ang klase at ireport ito o ipasa sa goole meet ang mabubuong kaisipan ng pangkat. Pagtataya: Pumili nang isa sa mga sumusunod na “graphic organizers” upang maipaliwanag ang mga kaalaman sa panimula ng Filipinolohiya. Iakma lahat ng salita na maaring iugnay sa salitang Filipinolohiya sa gagawing graphic organizer. 1. Concept map 2. W – Web 3. Venn Diagram 4. Semantic Web 5. Flow chart Narito naman ang ilan sa iba’t ibang larangan ng kulturang Pilipino upang mabatid ang ilang pagbabago dahil na rin sa impluwensiya ng kolonyal na kaisipan. Makikita ang ilan sa mga ito sa mga Sining tulad ng mga sumusunod: 1. Arkitektura 2. Sayaw 3. Drama 4. Panitikan 5. Pilosopiya 6. Pagguhit 7. Pagpinta

5 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

Ang biswal na sining ay may kinalaman sa eskultura, pagdedesenyo, pagpipinta, kagandahan ng nakikitang mga kagamitan, magandang pananamit at maging ang pantahanang kasangkapan. Halimbawa ng Arkitektura na makikita natin sa mga kabahayan ngayon ng mga Pilipino. May bahid na ng kolonyal na kaisipan. Hindi na maitatanggi ang mga impluwensiya sa ibang karatig bansa pero iba kung gumawa ang mga Pilipino. Nananatili ang gawang Pinoy.

Metalic red

Minimalist house design

Modular-staircas rintal 6 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

Ang sayaw ay isang kilos na ginagamitan ng katawan bilang tagapagpahayag ng nasa kaisipan at damdamin. Nagsisilbi rin itong salamin ng buhay at nagpapakita sa realidad ng kasalukuyang panahon. Halimbawa ng Sayaw

UP Pep Squad 2012.mp4

Ang pagpipinta ay isang sining na nakapupukaw ng damdamin at reaksyon ng mga tao dahil sa mapanlikhang kamay ng mga alagad ng sining. Halimbawa ng pagpinta na makikita sa iba’t ibang sining ng Pinoy

Musika ay isang sining na pinagsasama-sama at iniayos ang mga tunog ng iba’t ibang tunog upang makalikha ng magagandang katha sa musika na nagpapahayag ng iba’t ibang kahuulugan at damdamin. Magpaparinig nang ibat’t ibang musika makabago at makaluma na may bahid din ng mga kolonyal na kaisipan. (Ang Awitin Noon at Ngayon, Ang Old Baguio) Komiks - isang anyo ng literatura at ang katipunan ng mga ito na nakalarawan. Gagamitin ko lamang ang komiks na ito upang mailarawan ang ilang pagbabago sa lipunan, kultura at kaisipan ng mga Pilipino.

7 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

8 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

9 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

10 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

Ilan lamang iyan sa mga pagbabago at impluwensiya ng kolonyal na kaisipan. Mas marami na ang nag-iisip ng mga bagay na ikinasisira ng sarili nila. Dapat pa ring alalahanin ang magandang aral sa mga buhay at sa mga karanasan at hindi ang makasariling pagnanasa. Dapat nating panatilihin ang mga magagandang aral. Kailangang manatili ang pagka-Pilipino natin. Ang sinasabing ang matatanda sa unang panahon ay dapat pa ding panatilihin. B Ang Nasyunalismo – ito naman ang ating pagmamahal sa ating sariling wika, pagmamahal sa ating bayan. Paano mo naipapakita ng pagmamahal mo sa ating bayan?

11 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

MAHUSAY NA PAGLILINGKOD SA PAMAMAGITAN NG MGA PAGPAPAHALAGANG PILIPINO AT PAGKAMAKABANSA ni Analizabeth R. Punongbayan Mag-iisang daang taon nang tayo ay taguriang isang bansang malaya. Parang kailan lamang ang taong isang libo walong daan at siyam napu’t walo. Sari- saring digman, labanan upang ang minimithing kalayaan ay matamo. Dugo, pawis, lakas ng loob at tibay ng dibdib ang tanging puhunan sa puso nating mga Pilipino. Nang itaas ang banderang Pilipino, wala ng takip silim. Ang pakikibaka ng ating mga ninuno ay hindi nangangahulugan ng pagkabayani o di kaya’y magandang kamatayan. Nasyonalismo! Ito ang katotohanan. . Mga kaibigan, ang ating mga ninuno ay hindi naghihintay na sila ay alalahanin. Suriin ang bawat bagay ng kanilang iniwan sa ating bayan o dili kaya’y ang makintal sa ating ala-ala ang kanilang pangalan. Ang binubulwak ng kanilang mga kaluluwa ay iisang salita lamang, ang paglilingkod sa bayang kanilang pinaglaban. Maituturing silang mga bayaning lumaban upang makiisa sa ating adhikain sa pagtalima sa ating mga batas, at pag-alinsunod sa ating mga pamantayan ng kagandahang-asal—subalit inyo pong ipagpaumanhin. Sila ang dapat makalasap ng isang marubdob na pagmamahal na magbubuhat sa puso ng bawat tunay na Pilipino. Magbalik-tanaw tayo sa mga bayaning Pilipino na nagpakita ng mahusay na paglilingkod sa pamamagitan ng mga pagpapahalagang Pilipino at pagkamakabansa. Maituturing na kagandahang asal. Ito ang mga hiyas na bumubuo ng mga magkakaugnay na mga ginintuang asal na pagkatao ng isang nilalang at ang pinakapundasyon ay ang mga bayaning Pilipino. Mga bayaning naglingkod sa bayan tulad ng isang sulong naghahasik ng liwanag sa buong kapuluan. Ang kanilang mataginting na tinig ang nagpayanig at gumimbal sa dambuhalang halimaw sa mga dayuhang naglisaw sa lipunan. Unti-unti, naitaboy ng matatalim na dila ng mga bayaning dumanas ng sapin-saping dusa sa loob at labas ng bayang sinilangan. Nailarawan nila nang buong ningning ang mapagbalatkayong mga dayuhan. Sila ang mga taong taos pusong naglingkod sa ating bayan sa pamamagitan ng pagkamakabansa. Subalit hindi lamang silang mga bayani ang makapaglilingkod sa kanyang bansa at kapwa. Bilang isang mamamayan, kailangang simulan ang paglilingkod sa sariling bansa. Makapaglingkod nang buong husay kung isasaalang-alang ang mga sariling atin. Una ang wika- ang paggamit nito ay isa sa mga basehan ng pagkamakabansa, aagos sa kalahatan ang mga karunungan ng ating lahi. Ito ay parang salamin sa mata na may sariling pananaw sa lahat ng pangyayari at napairal natin ang sariling pagpapahalaga at pilosopiya ng buhay. Tangkilikin din natin ang sariling produkto, isa pa ring basehan at kapaki-pakinabang na

12 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

pagpapahalaga at malaking karagdagan sa kayamanan ng ating bansa. Linangin at paunlarin natin ang kaloob sa atin ng Dakilang Lumikha. Buksan natin ang ating mga tahanan, alang-alang sa diwang Kristiyanismo at pag-ibig sa kapwa. At huwag din nating iwalang bahala ang mga over-sea workers lalung-lalo na ang mga marino. Tamang hindi nga sila tuwirang naglilingkod, ngunit ang dolyar na naipasok nila ay sapat na para maitaas ang bansa. Maraming paraan ang mgagamit upang makamit ang tunay na kahusayan, bilang isang tunay na Pilipino. Ang paglilingkod ay hindi dapat ikahiya bagkus ay IPAGMALAKI. Karagdagang Gawain: Gumawa ng isang collage na kalipulan ng mga larawan ng Nasyunalismo. Matapos makagawa ng Collage ay maglagay ng paliwanag.. Lahat ng larawan/images na gagamitin ay isulat din bilang referensyal. Rubric sa Pagbuo ng Larawan/Collage Pamantayan

1

2

3

Pagkamalikhain

Hindi naging malikhain sa pagbuo ng collage.

Naging malikhain sa pagbuo ng collage

Lubusang nagpamalas ng pagiging malikahain sa pagbuo ng collage.

Kaangkupan sa paksa

Hindi angkop ang nabuong collage.

Angkop ang ilang (kalahati) bahagi ng collage.

Lubusang napakaangkop ng nabuong collage.

Presentasyon

Hindi naging malinaw ang intensyon o detalyeng ipinahayag ng collage.

Naging malinaw ang intension o detalyeng ipinahahayag ng collage.

Lubusang malinaw ang intension o detalyeng ipinahahayag ng collage.

Mensahe

Hindi angkop ang mensaheng ipinahahatid ng collage.

Angkop ang mensaheng ipinahahatid ng collage.

Lubusang angkop na angkop ang mensahe ng collage.

Kalinisan at kaayusan

Di malinis at maayos ang pagkakabuo ng collage.

Naging malinis at maayos ang pagkakabuo ng collage.

Lubusang napakalinis at maayos ang pagkakaguhit ng collage.

Kabuuan

Kabuuang Puntos

13 GEED 10103 – Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran Analizabeth R. Punongbayan

http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2018/06/rubric-sa-pagbuo-ng-larawancollage.html Pagtataya: Mula sa binasang akda gumawa ng sariling slogan base sa akda: Mahusay na paglilingkod sa Pamamagitn ng Pagpapahalagang Pilipino at Pagkamakabansa. Ipapasa sa guro ang gagawin at ang sumusunod ang magiging pamantayan sa Pagmamarka Pamantayan sa Pagmamarka: Orihinalidad – 5 Pagkakalik...


Similar Free PDFs