Group 1 1 BSA-2 - Module 3 - Kalagayan ng Pambansang Industriya sa Pilipinas - Pangkultura, Pangwika at Panlipunan PDF

Title Group 1 1 BSA-2 - Module 3 - Kalagayan ng Pambansang Industriya sa Pilipinas - Pangkultura, Pangwika at Panlipunan
Author Cyrene Gamueda
Course Bachelor of Science in Accountancy
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 11
File Size 317.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 90
Total Views 132

Summary

SUBJECT: FILIPINOLOHIYA...


Description

GROUP I MODULE 3: FILIPINOLOHIYA AT SA PAMBANSANG KAUNLARAN

IPINASA NILA: LIDER: GAMUEDA, CYRENE MIYEMBRO: AQUINO, JHANNE CARCUEVA, MHIKE SERANTE, JOVIE OLASIMAN, JOHN REYMARK TADEO, FRANCINE

IPINASA KAY: ANALIZABETH PUNONGBAYAN

IBA’T- IBANG INDUSTRIYA NG PILIPINAS Ang industriya ay isang salita na ginagamit upang ilarawan ang isang proseso ng pagpapalit ng mga hilaw na materyales upang makagawa ng mga produkto. Ang mga bagay na ginagawa ng indusriya ay tiyak na mahalaga at maituturing bilang sangkap na siyang kinakailangan sa pamilihian. Narito ang ilan sa mga kahalagahan ng industriya; 1. Ito ay nakapagbibigay ng trabaho at pangkabuhayan sa mga mamayan. 2. Nakagagawa ng mas kapaki-pakinabang na produkto mula sa mga simpleng materyales. 3. Ito ay isa sa mga pangunahing sektor sa lipunan na nakapag-aambag sa ekonomiya ng bansa. 4. Sa pag-unlad ng industriyalisasyon, masasalamin ang pag-unlad ng bansa. Ayon kay Colin Clark, ang industriya ay nahahati sa dalawang uri: 1. Primary Industries- ang industriya na mua sa agrikultura, panggubat at pagmimina. 2. Secondary Industries- ito ay tumutukoy sa mga komplikadong gawain mula sa pagpoproseso ng mga pangunahing produktong agrikultura patungo sa mas malaking produksiyon na kalimitan ay gumagamit ng iba’t-ibang uri ng makinarya. Dito, makikita ang apat na sektor ng industriyang mayroon ang Pilipinas. Inilalahad dito ang kahulugan at gawain ng bawat sektor at ilang kumpanya na sumasailalim sa iba’t-ibang sektor sa Pilipinas. TALAAN #1. APAT NA SEKTOR SEKTOR Pagmimina

Serbisyo

GAWAIN

KUMPANYA

Ito ay pangangalap ng mga mamahaling metal at iba’t ibang mineral sa mga likas na yaman ng bansa.

-

Ang pagproseso, paglikha at pagbebenta ng mga elektrisidad,

-

-

OCEANAGOLD (PHILIPPINES) INCORPORATION (MAKATI) PHILGASA MINING CORPORATION (DAVAO) MERALCO (PASIG) PLDT TELECOMMUNICATION

gas at tubig. Pagmamanupaktyur

Konstruksyon

(MAKATI)

Ang pagproseso ng hilaw na materyales upang maging yaring produkto.

-

Ito ay tumutugon sa industriya ng pagtatayo ng gusali, pagawaan, pabrika at iba pang istruktura.

-

-

-

SAN MIGUEL CORPORATION (MAKATI) MITSUMI PHILIPPINES INCORPORATION (BATAAN) ZDZ CHIVALRY CONSTRUCTION AND DEV’T CORPORATION (CEBU) WAVE CONSTRUCTION INDUSTRIES, INCORPORATION (DAVAO)

TALAHANAYAN #1. Philippines: Share of economic sectors in the gross domestic GDP from 2009 to 2019

Makikita sa talaan ang naging kontribusyon ng iba’t-ibang sektor sa ekonomiya ng Pilipinas mula 2009 hangang 2019. Makikita na ang agrikultura, ay ang may pinakamataas na kontribusyon, dahil dito naitala ang Pilipinas sa isa sa pinaka-

pangunahing pinagkukunan ng mga wheat crops. Pumapangalawa lamang rito ang industriya. Alam natin na sa larangan ng pagtangkilik sa ating sariling gawa or yaring produkto, ang karamihan sa mga Pilipino ay mas tinatangkilik ang produkto ng iba o mas kilala sa tawag na imported. Ayon sa trading economics, 25% ng mga imported na produkto ay mga electronic products, 21% ay mga mineral fuels at 10% ay transport equipment. Ilan lamang iyan sa my produkto na iniimport sa Pilipinas. Isa sa magandang halimbawa nito ay ang Iphone. Maraming Pilipino ang naiengganyo na bumili ng imported na gadget kahit pa ang presyo nito ay katumbas na ng isang buwan na panggastos sa pagkain. Dahil dito ang industriya ng bansang nag-eexport ng Iphone ay patuloy ang pag-angat. Hindi lang naman sa pagpapasok ng mga produkto magaling ang mga Pilipino, maging sa paglalabas din. Ayon sa OEC, karamihan na inilalbas na produkto ng Pilipinas ay mga integrated circuits, office machine parts at computers. Ang bansa ay isa sa mga importer ng Hong Kong, United States, China, Japan at Singapore.

KASAYSAYAN NG INDUSTRIYA NG BANSA AT IBANG BANSA Tumungo naman tayo sa kasaysayan ng industriya sa bansa at ibang bansa. Dito ilalahad ang kasaysayan ng industriya sa Pilipinas at ilang kalapit na bansa nito, kagaya ng Korea, Thailand, Malaysia at Indonesia. Bago tayo dumating sa modernong industriya ngayon, ang ating mga ninuno ay mayroong kasaysayan na siyang naging tulay sa paraan ng industriya sa kasalukuyan. Ang panahon kung saan hindi pa sinasakop ang Pilipinas ( pre-colonial period ), nang sakupin na ng mga Kastila (spanish colonial period), Amerikano 1898- 1946 (American period), Hapon 1942-1945 (Japanese colonial period) at ang post-colonial period. TALAAN #2. KASAYSAYAN NG INDUSTRIYA SA PILIPINAS PANAHON Pre-Colonial

-

Ang mga ninuno ay umaasa sa likas na yaman. Nagsimula ang barter kung saan

-

Panahon ng mga Espanyol

-

-

Panahon ng mga Amerikano

-

-

nakikipagpalitan ng mga produkto kapalit ng isa pang produkto. Ang bansang Tsina ang naging kapalitan ng ating mga ninuno sa pamilihan. Paggamit ng sinaunang teknolohiya Naging komplikado ang barter dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon at paagdami ng mga pangangailangan. Nagkaroon ng buwis na ipinapataw sa mga mamamayan. Nakilala ang reales na ginagamit ng mga Pilipino sa pagbabayad ng buwis sa halip na produkto. Payne-Aldrich Act, ito ay ipinasa noong 1909 na nagtataguyod ng bahagyang malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas. Pumasok ang industriyalisasyon sa bansa. Ipinakilala ang makabagong teknolohiya at makina sa mga Pilipino. Nagpatayo ng mga pabrika ng asukal, cigar at sawmills at ricemills. Umunlad ang mga malalaking industriya ng pagmimina, pangingisda, paggawa ng copra at food preservation.

Panahon ng mga Hapon

-

Panahon ng Republika

-

Sa panahong ito, bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa digmaann Nagkaroon ng kakapusan sa mga pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng damit, pagkain at tirahan. Bumaba ang salaping Mickey Mouse Money na ipinalabas ng mga Hapon. Pagbabangon sa bumagsak na ekonomiya ng bansa. Ipinairal ang patakarang pangekonomiya; a. tenent farming, b. Parity Right sa mga Amerikano.

-

-

Nanatili ang kontrol ng pagmimina at paggawa ng beverages sa mga Amerikano. Sa panahon ni Pangulong Marcos, napagbuti ang pagpapagawa ng mga kalsada, ulay at proyektong infrastraktura.

Ilan lamang iyan sa mga naging kontribusyon sa industriya ng Pilipinas sa iba’tibang panahon. Simula pa lamang noon makikita na, ang ating mga ninuno ay marunong a sa larangan ng industriya at pakikipagkalakalan. Nang masakop ng ibang bansa, nakaranas ng mga pagmamaltrato at kahirapan pero dahil pa rin sa maayos na pamumuno ay hindi bumagsak ang bansa. Sa pagwawakas ng mga giyera at alitan, ang bansa ay nagkaroon na rin ng sariling paraan upang umangat at maayos na mapatakbo ang sistema. Iba’t-ibang pinuno na ang dumaan at namahala, iba’t-ibang paraan rin ang ginamit. Hindi katulad dati na nahihirapan ang mga Pilipino, ngayon ay nakakaangat na kahit papaano. Ang susunod na tatalakayin ay ang kasaysayan ng industriya ng ibang bansa. TALAAN #3. KASAYSAYAN NG INDUSTRIYA NG THAILAND PANAHON King Ayuttahaya (ika-14 na siglo)

-

IKA-19 na siglo

-

Bago magsimula ang Coldwar 1945-1947

-

1955-1985

-

Ang aktibidad ng komersyal na tsino ay nabuhay muli at ang bansa ay naging isa sa pinakamaunlad na mga sentro ng kalakalan sa asya. Ang Bangkok ay naging kabisera ng kaharian ang pangangalakal ng dayuhan, pangunahin kasama ang Tsina ay nagsimlang kontrolin ng pamahalaan bago magsimula ang coldwar. Naghirap ng labis ang ekonomiya ng Thailand mula sa GREAT DEPRESSION noong 1920’s at 1930’s. Ang kanilang pakikibaka sa kuryente ay nawakasan.

-

-

1985-1997

-

1998- present

-

Nagkaroon ng bagong gobyerno sa pamumuno ni Srisdi na nagwakas sa lahat ng relasyon ng bansa sa Tsina. Ang rehimeng Srisdi (1957-1973) ay may malaking epekto sa pagunlad ng imprastruktura ng bansa. Napaghusay ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa. Ang lugar ng Thailand sa taunang ranggo ng pagiging mapagkumpitensya ay lumago nang malaki.

Makikita sa talaan ang naging kasaysayan ng bansang Thailand. Hindi nalalayo ang sinapit ng bansa sa ating bansang Pilipinas, gaya natin naghirap din sila pagkatapos ng mga giyera at hindi maayos na pamumuno ngunit, ito ay naging magandang aral para sila ay muling bumangon. Ang karamihan sa ini-export n produkto ng Thailand ay mga machinery, electronics, foods and woods, chemicals at plastics. Ang kanilang ipag-aangkatan ay ang mga bansang United States, China, European Union, Japan at Hong Kong. Ang sektor ng industriya at serbisyo ng Thailand ang kanilang may pinakamataas na ambag sa gross domestic product (gdp). Dahil sa pag-angat ng bansa, kinilala sila bilang ikalawa sa may pinakamataas na ekonomiya, sumunod sa Indonesia. Ang Thailand rin ay isa sa mga bansa na may pinakamababang unemployment rate sa buong mundo. Ito ay dahil ang malaking porsiyento ng kanilang populasyon ay nagtatrabaho sa agrikultura. Ang susunod na bansa naman na tatalakayin ay Singapore. Ayon sa Central Intelligence Agency, ang Singapore ikaanim sa may pinakamataas na ekonomiya sa buong mundo. Malalaman natin ngayon kung ano nga ba ang kasaysayan ng industriya ng bansa. TALAAN #4 KASAYSAYAN NG INDUSTRIYA NG SINGAPORE PANAHON British Colonial Rule (1819)

-

Nang dumating si Raffles sa

-

Japanese invade (1942-1945)

-

-

Post World War (1945-1955)

-

-

bansang Singapore, ang estimang bilang ng tao sa isla ay 1000 lamang. Naging importante ang Singapore lalo na sa paglalayag para sa pakikipagpalitan ng produkto. Nagsimula ang paggawa ng rubber at tin sa Malaya. Karamihan sa kanilang populasyon ay naghirap sa kamay ng mga Hapon dahil sa pananakop. Maraming mamamayan ng Singapore ang namatay sa paggagawa ng Death Railway. Ang mga impratruktura ay nasira, kawalan ng signal sa telepono, suplay ng tubig pati ang mga pasilidad. Maging kakulangan sa pagkain na nag-ugat sa malnutrisyon at sakit. Tumaas din ang presyo ng bilihin at bumaba ang bilang ng mga may hanapbuhay. (1947) Nagsimula ulit umangat ang ekonomiya dahil sa tumataas na demand sa tin at rubber sa buong mundo.

Post-independence (1955-1963)

-

1965-present: Republic of Singapore

-

-

-

Ang bansa ay kinakailangan pang mag-import ng sariwang tubig at pagbuo ng buhangin. Dito rin naglatag ng pundasyon ang mga Amerikano para sa isang malakihang industriya ng high-tech sa bansa. Pagbibigay ng iba’t-ibang serbisyo (transport, loading at unloading, warehousing, komunikasyon, kalakalan at muling pag-export). Pinondohan ng estado ang paglikha ng isang sistema ng komunikasyon, supply ng kuryente,, at iba pang sistemang pang industriya. Kung saan halos 3.5 libong mga negosyo nilikha na may isang

-

kauuang bilang ng mga empleyado ng higit sa 200 libong mga tao. 70% ng kabuuang bilang ng mga tao ay nagtatrabaho sa industriya ng pagmamanupaktura ng bansa.

Ang pananakop ng Britanya ay nagkaroon ng magandang kinalabasan sa larangan ng ekonomiya at industriya. Natuto ang mga tao rito kung paano mamuhay at sila rin ay dumami ng dumami na naging paraan upang sila ay mas makaokupa ng mga paggawa. Nang dumating ang mga Hapon at sumapit ang mga giyera, labis na napinsala rin ang Singapore. Bumaba ang ekonomiya at nahirapan ng husto ang mga mamamayan. Ngunit hindi rito natapos ang lahat, sila ay bumangon ng makamit ang kalayaan. Isa na ang Singapore sa may pinakamataas na ekonomiya sa buong mundo. May magandang oportunidad para sa mga mamamayan at magandang turismo. Sa kasalukuyang panahon, nakasalalay ang ekonomiya ng Singapore sa pagexport ng consumer electronics, mga teknolohiya ng impormasyon, at mga gamot. Ang kanilang ini-import ay mga makinarya, gasolina, mga produktong kemikal at pagkain. Ang sektor ng pagmamanupaktura ng Singapore ayy nagbibigay ng taunang kontribusyon sa GDP (20 hanggang 30%). Ang pangunahing industriya ay may kasamang electronics (semi-conductors, maayos at katumpakan na mekanika), mga gamot, at paggawa ng mga bapor. KONKLUSYON Iba’t-ibang panahon at kasaysayan man ang naranasan ng iba’t-ibang bansa ngunit sila ay dinadala pa rin sa pagtatagumpay. Ang industriya na siyang nakakatulong hindi lang sa pag-angat ng bansa kundi pati na rin sa mga mamamayan. Maganda ang naidudulot ng pakikipagpalitan lalo na ng mga produkto sa iba’tibang bansa dahil ito rin ay nagpapakita ng pagtutulungan, ngunit tayo bilang isang mamamayan ng isang bansa ay dapat pa ring mahalin at tangkilikin ang mga industriya na mayroon tayo. Ang sabay sabay na pag-angat ay hindi lamang nagsisimula sa isa, ito ay kinakailangan ng maraming kasapi at kasama.

Ang kasaysayan ay gawin na lamang inspirasyon at aral, ang tagumpay ng isang bansa ay hindi nasasalamin sa kanyang nakaraan.

REKOMENDASYON Bilang karagdagan, ang suporta ng gobyerno sa iba’t-ibang sektor ng industriya ay may malaki ring idudulot sa ating pag-angat. Tayo ay hindi kinakailangan na umasa lagi sa iaalok ng iba, bagkus kaya nating gumawa ng sarili natin ngunit kulang lang tayo sa pansin ng gobyerno.

References: Mga kumpanya sa Pilipinas mula sa iba’t-ibang sektor ng industriya. https://www.dnb.com/business-directory/company-information.gold-silver-mining.ph.html https://www.glassdoor.com/Explore/top-manufacturing-companies-makaticity_IS.4,17_ISEC10015_IL.28,39_IC4778930.htm https://www.filbuild.com/a/0100.html Philippines: Share of economic sectors in the gross domestic GDP from 2009 to 2019 https://www.statista.com/statistics/578787/share-of-economic-sectors-in-the-gdp-inphilippines/#:~:text=In%202019%2C%20the%20share%20of,sector%20contributed %20about%2061%20percent. Trading Economics, Philippine Import https://tradingeconomics.com/philippines/imports Philippine Exports and Imports https://oec.world/en/profile/country/phl Kasaysayan ng Industriya ng bansa

https://www.coursehero.com/file/51592460/Kasaysayan-ng-industriya-ng-bansa-pppptx/ Pagbabago sa panahon ng mga Amerikano https://www.slideshare.net/mobile/hayunnisa_lic/pagbabago-sa-panahon-ng-mgaamerikano-1 Kasaysayan ng Pang-Ekonomiya ng Pilipinas http://economicmrfab.blogspot.com/2012/09/kasasayang-pang-ekonomiya-ngpilipinas,html?m=1 Ano ang ginawa sa Thailand. Ang ekonomiya ng Thailand: industriya, agrikultura, kalakalan sa dayuhan. Kaharian ng tao http:////beliybastion.ru/tl/chto-proizvodyat-v-tailande-ekonomika-tailandapromyshlennost/ Economy of Thailand https://en.m.wikipedia.org/wiki/Economy_of_Thailand Kasaysayan ng Pagunlad ng Ekonomiya ng Singapore https://tl.eferrit.com/economic-development-ng-singapore Singapore History and Timeline https://www.insightguides.com/destinations/asia-pacific/singapore/historical-highlights History of Singapore https://en.m.wikipedia.org/wiki/History_of_Singapore Ekonomiya ng Singapore. https://andreevka-ndv.ru/tl/it-technology/ekonomiko-singapura-ekonomicheskayamodel-razvitiya-singapura-ekonomika/...


Similar Free PDFs