Araling Panlipunan 8 Q4 Module 1 karahasan at diskriminasyon sa babae lalaki at LGBT PDF

Title Araling Panlipunan 8 Q4 Module 1 karahasan at diskriminasyon sa babae lalaki at LGBT
Author jeff Ryan Martinez
Course teacher education
Institution Philippine Normal University
Pages 15
File Size 931.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 5
Total Views 58

Summary

Download Araling Panlipunan 8 Q4 Module 1 karahasan at diskriminasyon sa babae lalaki at LGBT PDF


Description

8 Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Emy Joy E. Alcaide Editor: Gemma F. Depositario EdD Tagasuri: Marites A. Abiera Tagaguhit: Typesetter Tagalapat: Mila A. Reyes Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V

Rosela R. Abiera

Joelyza M. Arcilla EdD

Maricel S. Rasid

Marcelo K. Palispis EdD

Elmar L. Cabrera

Nilita L. Ragay EdD Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 E-mail Address: [email protected]

Alamin Pasiuna Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pagaaralan habang wala ka sa paaralan. Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency (MELC) Nasusuri ang mga dahilan at mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig. AP8AKD-IVa-1

Mga Layunin: K: Nasusuri ang mga dahilan at mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig. S: Nakapagbibigay ng sariling konklusyon tungkol sa mga dahilan at mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig. A: Napahahalagahan ang dahilan at mahahalagang pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig lalo na ang pagsulong ng nasyonalismo.

Subukin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong papel. 1. Ito ay ang pagkakampihan ng mga bansa. A. Alyansa B. Imperyalismo

C. Militarismo

D. Nasyonalismo

2. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe. A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Alyansa D. Militarismo 3. Ito ay pagpapakita ng matinding pagmamahal sa bayan. A. Militarismo B. Alyansa C. Nasyonalismo

D. Imperyalismo

4. Ang panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa. A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Militarismo D. Alyansa 5. Dito naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig. A. Digmaan sa Silangan C. Digmaan sa Balkan B. Digmaang Kanluran D. Digmaan sa Karagatan 1

6. Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II. A. Digmaan sa Silangan C. Digmaan sa Balkan B. Digmang Kanluran D. Digmaan sa Karagatan 7. Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. A. Digmaan sa Silangan C. Digmaan sa Balkan B. Digmaan sa Kanluran D. Digmaan sa Karagatan 8. Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany at Britanya. A. Digmaan sa Silangan C. Digmaan sa Balkan B. Digmaan sa Kanluran D. Digmaan sa Karagatan 9. Ang lugar na naganap ang krisis sa paghudyat ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig (Word War 1) noong Hunyo 28, 1914. A. Germany B. Austria C. Bosnia D. Russia 10. Siya ay isang Archduke sa Austria na pinatay kasama ang kanyang asawa na si Sophie na naging hudyat din ng Unang Digmaang Pandaigdig. A. Ferdinand Sophie C. Ferdinand Princip B. Ferdinand Gavrillo D. Franz Ferdinand

Balikan Larawang Suri:

https://www.facebook.com/pes.makati/photos/a.315910981832526/403887959701494/?type=3&eid=ARAfrOCRqDrhbM19Ya6d M2dsuC86HBvsmY2cIjup8nkMUuuKPGFjZJQsIWmRkwCl0CwQSNg6gtQIPKaK

Base sa larawan, makikita natin ang pagka nasyonalismo ng isang mag-aaral dahil sa paggalang sa ating watawat. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

2

Sagutin ang mga sumusunod: 1. Para sa iyo, ano nga ba ang kahulugan ng Nasyonalismo? 2. Bilang isang mag-aaral at Pilipino, papaano mo maipapakita ang pagiging nasyonalismo sa ating bansa?

Tuklasin Kailan ba naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig? Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap mula Hulyo 27, 1914 hanggang Nobyembre 11, 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: Triple Alliance at Triple Entente.

Gawain 1: Tanong ko! Sagot mo! Ano ang naghudyat sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?

Ang krisis na naganap sa Bosnia at ang pagpatay ni Archduke Franz Ferdinand noong Hunyo 28, 1914 ng Austria kasama ang kanyang asawa na si Sophie.

3

Lumusob ang Russia sa Germany sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II.

2

1

Basahin ang mga pangyayari sa kahon at pumili ng tamang sagot at ipaliwanag. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. Ang naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat (Seven Seas) lakas pandagat ng Britanya.

Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang una mong naiisip pag naririnig mo ang salitang “Digmaan”? 2.Sa iyong palagay, bakit kaya may digmaan? 3. Para sa iyo, ang digmaan ba ang pinakamabisang paraan para makamit natin ang kalayaan?

3

Suriin Mga Sanhi o Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig 1.NASYONALISMO - tumutukoy sa masidhing pagmamahal sa sariling bayan o bansa. Ito rin ang ideyolohiyang pampolitika bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang wika, kultura at iba pa. Halimbawa: Ang aristokrasyang militar ng Germany, ay naniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europe. May mga bansang masidhi ang paniniwalang karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa. Isang halimbawa ay ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng Austria. 2. IMPERYALISMO – Isa itong paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag- unlad ng mga bansang Europeo. Ang pag- uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia ay lumikha ng samaan ng loob at pagaalitan ng mga bansa. Halimbawa: Sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo. 3. MILITARISMO -Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng armas. Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany. Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon sa kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan.

4. PAGBUO NG MGA ALYANSA Dahil sa inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga bansang makapangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo – ang Triple Entente at ang Triple Alliance. Sa ilalim ng alyansa, nangako ang bawat kasapi na magtulungan sakaling may magtangkang sumalakay sa kanilang bansa. Nais din ng alyansa na pantayan ang kanilang lakas. Samantala, sumali ang Germany sa grupo ng Triple Alliance dahil nais mapigilan ang impluwensiya ng Russia sa Balkan. TRIPLE ALLIANCE ay binubuo ng mga bansang ITALY, GERMANY, at AUSTRIAHUNGARY

4

TRIPLE ENTENTE ay binubuo ng mga bansang RUSSIA, GREAT BRITAIN at FRANCE.

https://www.slideshare.net/eliasjoy/unang-digmaang-pandaigdig-world-war-1

Ang Pagsisimula at Mahahalagang Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng World War I. Noong Hunyo 28,1914, pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie ni Gavrilo Princip habang sila ay naglilibot sa Bosnia na noon ay sakop ng Imperyong Austria-Hungary. Narito ang mga pangyayaring nagbunsod sa Unang Digmaang Pandaigdig .

2.

https://www.google.com/search?q=mapa+ng+digmaan+sa+kanluran+sa+unang+digmaang+pandaigdig&tbm=isch&ved =2ahUKEwjwiYWfg-_qAhWOAaYKHc6HD6YQ2cCegQIABAA&oq=mapa+ng+digmaan+sa+kanluran+sa+unang+digmaang+pandaigdig&gs_lcp=CgNpbWcQA1CrgFYwf0BYMmAAmgDcAB4AIAB1gKIAe4tkgEIMC4yNS42LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&e i=Np4fX_CWF46DmAXOj76wCg&bih=620&biw=837#imgrc=s5bilLuzMRraqM

Ang Digmaan sa Silangan Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II.

5

Nang dumating ang saklolo ng Germany, natalo ang hukbong Ruso sa Digmaan ng Tannenberg. Nagtagumpay ang Hukbong Ruso sa Galicia. Ngunit hindi nagtagal ang tagumpay nila. Sila ay pinahirapan ng mga Aleman sa Poland. Dito tuluyang bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia. Ang sunod-sunod nilang pagkatalo ang naging dahilan ng pagbagsak ng dinastiyang Romanov noong Marso 1917 at ang pagsilang ng Komunismo sa Russia. Upang makaiwas ang Russia sa digmaan, nakipagkasundo si Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk. Iniwan ng Russia ang mga Alyado at sumapi sa Central Powers.

https://www.google.com/search?q=mapa+ng+digmaan+sa+kanluran+sa+unang+digmaang+pandaigdig&tbm=isch&ved =2ahUKEwjwiYWfg-_qAhWOAaYKHc6HD6YQ2cCegQIABAA&oq=mapa+ng+digmaan+sa+kanluran+sa+unang+digmaang+pandaigdig&gs_lcp=CgNpbWcQA1CrgFYwf0BYMmAAmgDcAB4AIAB1gKIAe4tkgEIMC4yNS42LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&e i=Np4fX_CWF46DmAXOj76wCg&bih=620&biw=837#imgrc=s5bilLuzMRraqM

3. Digmaan sa Balkan Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. Upang makaganti ang Bulgaria sa pagkatalo, sumapi ito sa Central Powers noong Oktubre, 1915. Sa taong 1916, karamihan sa mga estado ng Balkan ay napasailalim na ng Central Powers. Ang Italya naman ang tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling neutral. Noong 1915, sumali ito sa magkaanib na bansa. Hinangad na maangkin ang mga teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy Irrendenta) at ang mga kolonya nito sa Africa. Ang Turkey ay kumampi sa Germany upang mapigilan ang Russia sa pag-angkin sa Dardanelles.

6

Mga bansang miyembro ng CENTRAL POWERS: 1. 2. 3. 4.

Germany Austria-Hungary Ottoman Empire Bulgaria

https://www.google.com/search?q=mapa+ng+digmaan+sa+kanluran+sa+unang+digmaang+pandaigdig&tbm=isch&ved =2ahUKEwjwiYWfg-_qAhWOAaYKHc6HD6YQ2cCegQIABAA&oq=mapa+ng+digmaan+sa+kanluran+sa+unang+digmaang+pandaigdig&gs_lcp=CgNpbWcQA1CrgFYwf0BYMmAAmgDcAB4AIAB1gKIAe4tkgEIMC4yNS42LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&e i=Np4fX_CWF46DmAXOj76wCg&bih=620&biw=837#imgrc=s5bilLuzMRraqM

4. Ang Digmaan sa Karagatan Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany at Britanya. Ang naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat (Seven Seas) lakas pandagat ng Britanya. Dumaong ang bapor ng Germany sa Kanal Kiel at nagging mainit ang labanan. Makapangyarihan ang hukbo ng mga alyado sa dagat. Sa kabilang dako, ang mabibilis na raider at mga sumbarinong U-boats ng kanilang kalaban ay nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga Alyado. Ang pinakamabagsik na raider ng Germany ay ang Emden. Sa dakong huli, napalubog itong Sydney, isang Australian cruiser.

7

https://www.google.com/search?q=mapa+ng+digmaan+sa+kanluran+sa+unang+digmaang+pandaigdig&tbm=isch&ved =2ahUKEwjwiYWfg-_qAhWOAaYKHc6HD6YQ2cCegQIABAA&oq=mapa+ng+digmaan+sa+kanluran+sa+unang+digmaang+pandaigdig&gs_lcp=CgNpbWcQA1CrgFYwf0BYMmAAmgDcAB4AIAB1gKIAe4tkgEIMC4yNS42LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&e i=Np4fX_CWF46DmAXOj76wCg&bih=620&biw=837#imgrc=s5bilLuzMRraqM

Pagyamanin Gawain A Panuto: Basahin ang clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng mga kahon. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. 1. Ang tumalo sa bansang Serbia sa Digmaan sa Balkan. A T R A 2. Ang bansang itong ay tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling Neutral sa Digmaan sa Balkan. I A L A 3. Ang bansang tumalo sa Russia sa Digmaan sa Silangan. G R Y 4. Ang pinakamabagsik na raider ng Germany na napalubog ng Sydney sa Digmaan sa Karagatan. E D N 5. Siya ang nagtatag ng Triple Alliance noong 1882. B S M R K 6. Siya ang pumatay kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria. G V I O P R N P

8

1. Ito ay naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng World War I. K R S S 2. Lugar na pinahirapan ang Russia ng Germany kaya sila natalo. P L D 3. Dito dumaong ang bapor ng Germany at naging mainit ang labanan sa Digmaan sa Karagatan. K N L K L 4. Ang kumampi sa bansang Germany sa Digmaan sa Balkan. T R Y

Gawain B Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. 1. Naging dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ang Imperyalismo dahil ___________ ___________________________________________________. 2. Naging dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ang Militarismo sapagkat __________ _______________________________________________. 3. Mahalaga ang kapayapaan sa bansa dahil __________________________________.

Isaisip Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot. 1. Anu-ano ang mga sanhi o dahilan na nagbigay daan sa Unang Digmaang Pandaigdig? 2. Ibigay ang mga mahahalagang Pangyayari sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Isagawa Bubble Web Panuto: Batay sa binasang teksto, punan ng impormasyon ang Bubble Web upang masuri ang sanhi o dahilan at mahahalagang pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig. Ilagay ito sa (long bond paper). Dahilan

Simula Unang Digmaang Pandaigdig

Mahahalagan g Pangyayari

Mga tauhan at tagpuan

9

Pamprosesong Tanong: 1. Sinu-sino ang mga pinuno na nangunguna sa Unang Digmaang Pandaigdig? 2. Saang bahagi ng daigdig naganap ang pinakamainit na labanan? 3. Ipaliwanag ang simula, dahilan, mahahalagang labanan, mga tauhan at tagpuan. 4. Paano nakakaapekto ang digmaang ito sa mundo? Susuriin ang iyong Gawain ayon sa sumusunod na pamantayan sa Rubric Pamantayan

1.Nilalaman

2.Presentasyon

3.Malikhaing Pagbuo

Deskripsyon

Puntos

Naipakikita at naipapaliwang ng mabuti ang tungkol sa Unang Digmaang Pandaigdig

20

Maayos at malinis ang presentasyon

Nakuhang puntos

10

Naiayos ng mabuti ang pagkakasunod-sunod sa mga dahilan at mahahalagang pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig

20

Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong kwaderno. 1. Ang unang Digmaang Pandaigdig ay naganap mula 1914 hanggang _____. A. 1917 B. 1918 C. 1919 D. 1939 2. Ito ay ang pagpapalakas o pagpapaigting ng sandatahang lakas ng isang bansa sa pamamagitan ng pagpaparami ng armas at sundalo. A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Militarismo D. Alyansa 3. Ito ay ang pagkakampihan ng mga bansa. A. Imperyalismo B. Nasyonalismo

C. Militarismo

D. Alyansa

4. Napapangkat sa dalawang Magkalabang Alyansa ang Unang Digmaang Pandaigdig A. Triple and Entente C. Entensity at Aliance B. Triple Alliance at Triple Entente D. Entent at Triple 5. Ang Triple Alliance ay kinabibilangan ng mga sumusunod na bansa: A. Italy, Germany C. Italy, Germany, Austria-Hungary B. Austria-Hungary D. France, Russia, Great Britain 6.

Tawag sa panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa. A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Militarismo D. Alyansa

7. Ang mga sumusunod ay miyembro ng Triple Entente MALIBAN sa: A. Germany B. Great Britain C. Russia D. France 10

8. Ito ay tumutukoy sa masidhing pagmamahal sa sarilig bayan o bansa. A. Imperyalismo C. Militarismo B. Nasyonalismo D. Alyansa 9. Ito ay itinuturing na pinakamainit na labanan sa Unang Digmaang Pandaigdig. A. Digmaan sa Kanluran C. Digmaan sa Balkan B. Digmaan sa Silangan D. Digmaan sa Karagatan 10. Sila ang mga miyembro ng Central Powers MALIBAN sa: A. Germany B. Austria-Hungary C. Bulgaria D. Italy

Karagdagang Gawain Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. 1. Ano ang mga naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig? 2. Paano nagwakas ang Digmaan? 3. Bakit nagkakaroon ng sigalot ang mga bansa? Paano ba ito maiiwasan?

Krayterya sa Pagmamarka Nilalaman ……….. 10 Kaangkupan …..….10 Pagkamalikhain ….10 Kabuuan ………….30

Susi sa Pagwawas

PAGYAMANIN GAWAIN A 1. Austria 2. Italya 3. Germany 4. Emden 5. Bismarck 6. Gavrilo Princip 7. Krisis 8. Poland 9. Kanal Kiel 10. Turkey

10.D

5. C

9.A

4. B

8.B

3. D

7.A

2. C

TAYAHIN 1. B 6. A

11

10. D

5.B

9.C

4.A

8. D

3.C

7.C

2.D

6. A

1.A

Subukin:

Sanggunian

A. AKLAT KASAYSAYAN NG DAIGDIG Araling Panlipunan-Modyul ng Mag-aaral Unang Edisyon 2014 ISBN: 978-971-9601-67-8 Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral Mga Manunulat: Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, at Kalenna Lorene S. Asis Mga Konsultant: Wensley M. Reyes at Edgardo B. Garnace Mga Tagasuri: Pablito R. Ablay, Rogelio F. Opulencia, Larry M. Malapit, Mc Donald Domingo M.Pascual, Jeremias E. Arcos Book Designer: Conrado Viriňa, Visual Communication Deparment, UP College of Fine Arts Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo., EdD, Rosalie B. Masilang, PhD, Enrique S. Palacio, PhD, at Armi Samalla Victor

B.Websites: https://www.facebook.com/pes.makati/photos/a.315910981832526/403887959701494/?type=3&eid= ARAfrOCRqDrhbM19Ya6dM2dsuC86HBvsmY2cIjup8nkMUuuKPGFjZJQsIWmRkwCl0CwQSNg6gtQI PKaK https://www.google.com/search?q=colored+photo+of+ww1&tbm=isch&ved=2ahUKEwiQ273eOzqAhVI95QKHZixDKsQ2cCegQIABAA&oq=colored+photo+of+ww1&gs_lcp=CgNpbWcQA1CiMFjYPWDwQ2gAcAB4AIABigKI Ae8MkgEFMC40LjSYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=w4YeX9DtCcju0wSY4 7LYCg&bih=619&biw=836#imgrc=uSyuBWr_0jSu4Mhttps://www.google.com/search?q=photo+of+ww 1&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiDxp_bOzqAhX4yosBHY53AgsQ_AUoAXoECAsQAw&biw=836&bih=619#imgrc=3RROSbRO9DDSIM https://www.slideshare.net/eliasjoy/unang-digmaang-pandaigdig-world-war-1 https://www.google.com/search?q=mapa+ng+digmaan+sa+kanluran+sa+unang+digmaang+pandaigdi g&tbm=isch&ved=2ahUKEwjwiYWfg-_qAhWOAaYKHc6HD6YQ2cCegQIABAA&oq=mapa+ng+digmaan+sa+kanluran+sa+unang+digmaang+pandaigdig&gs_lcp=CgN pbWcQA1CrgFYwf0BYMmAAmgDcAB4AIA...


Similar Free PDFs