Araling Panlipunan 10 Module 8 1st Quarter PDF

Title Araling Panlipunan 10 Module 8 1st Quarter
Course Bsocscie
Institution Lourdes College (Philippines)
Pages 30
File Size 1.4 MB
File Type PDF
Total Downloads 110
Total Views 157

Summary

AP 10...


Description

10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD. Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat:

Lawrence C. dela Cruz

Tagasuri ng Nilalaman:

Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD Virgilio L. Laggui PhD

Tagasuri ng Wika:

Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD

Tagasuri sa ADM:

John Paul C. Paje

Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison Tagaguhit:

Vincent D. Robles

Tagalapat:

Joyce O. Saraza

Tagapamahala:

Nicolas T. Capulong PhD, CESO V Librada M. Rubio PhD Angelica M. Burayag PhD Nestor Nuesca EdD Gregorio C. Quinto, Jr. EdD Rainelda M. Blanco PhD Agnes R.Bernardo PhD Virgilio L. Laggui PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected] ii

10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery

iii

Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Disaster Rehabilitation and Recovery. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Disaster Rehabilitation and Recovery. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. iv

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. v

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 10. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: 

Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan.

Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang konsepto ng Ikaapat na Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan. Partikular ang mga nararapat gawin sa panahon ng pagbangon matapos ang mga kalamidad. Nahahati ito sa tatlong aralin:   

Leksyon 1 – Kahulugan ng Disaster Rehabilitation and Recovery Leksyon 2 – Mga Polisiya ukol sa Disaster Rehabilitation and Recovery Leksyon 3 – Kahalagahan ng Pagsasagawa ng Disaster Rehabilitation and Recovery Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. naipaliliwanag ang kahulugan at mga konsepto ng Disaster Rehabilitation and Recovery; 2. natatalakay ang iba’t ibang polisiya ukol sa pagsasagawa ng Disaster Management sa Pilipinas; at 3. napapahalagahan ang pagsasagawa ng Disaster Management sa bansa.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

1

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel. 1. Ano ang tawag sa Ikaapat na Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan? A. Disaster Rehabilitation and Recovery B. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Preparedness D. Disaster Response 2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa Ikaapat na Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan? A. Tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad. B. Gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang masamang epekto ng mga kalamidad. C. Inihahanda ang mamamayan sa paparating na kalamidad. D. Sinusuri kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. 3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan? A. Matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang kalamidad. B. Matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating na kalamidad. C. Makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad. D. Magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad. 4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga gawain sa Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan? A. Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon. B. Pagpapanumbalik ng suplay ng tubig at kuryente. C. Pagkukumpuni ng mga nasirang bahay. D. Pagkukulang sa suplay ng pagkain, damit at gamot. 5. Bakit mahalagang mabantayan ang presyo ng mga bilihin pagkatapos ng isang kalamidad? A. B. C. D.

Upang Upang Upang Upang

masiguro na hindi malulugi ang mga nagtitinda. mahirapan ang tao na makabangon mula sa kalamidad. maiwasan ang mananamantalang negosyante. mapabagsak ang presyo ng mga bilihin.

2

6. Alin sa sumusunod na pandaigdigang organisasyon ang HINDI kabilang sa InterAgency Standing Committee (IASC) na nagpalabas ng Preliminary Guidance Note ukol sa pagpapalakas ng Humanitarian Response? A. Red Cross at Red Crescent Movement B. World Health Organization C. World Bank D. United Nations 7. Ano ang ibig sabihin ng NDCC? A. National Disaster Coordinating Council B. National Disaster Coordination Commission C. National Disaster Coordination Company D. National Disaster Coordinating Corporation 8. Ano ang nilalaman ng NDCC Circular No. 5-2007? A. Itinalaga nito sa pamahalaan ang lahat ng responsibilidad sa panahon ng mga kalamidad. B. Binuo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council. C. Nagpapatatag sa Cluster Approach sa pagbuo ng Disaster Management System sa Pilipinas. D. Pinagtibay nito na Bottom-Up Approach ang gagamitin ng pamahalaan sa pagtugon sa mga kalamidad sa bansa. 9. Alin sa sumusunod na antas ang itinalaga bilang Cluster Leads mamumuno sa bawat cluster sa pagtugon sa mga kalamidad sa bansa? I. Nasyunal A. B. C. D.

II. Rehiyonal

o

III. Probinsyal

I at II II at III I at III I, II, at III

10. Alin sa sumusunod ang nabuo sa bisa ng Executive Order No. 01-2007 sa lalawigan ng Albay? A. Ayuda Albay Coordinating Task Force B. Albay Mabuhay Task Force C. Lakbay Albay Task Force D. Alalay Albay Coordinating Task Force 11. Alin sa sumusunod na gawain ang HINDI kabilang sa tungkulin ng Albay Mabuhay Task Force na may layuning ipatupad ang mas komprehensibong programa para sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan sa panahon ng kalamidad? A. Pagpapatag ng seguridad at suplay ng pagkain at pangunahing pangangailangan. B. Pagpapasigla ng information campaign. C. Pagpapatigil ng mga gawaing pangkabuhayan. D. Pagbuo ng iba’t ibang cluster sa bawat barangay, bayan at komunidad na siyang mamumuno sa panahon ng panganib. 3

12. Ano ang naging epekto ng pagtatag ng mga Disaster Task Force ng Albay sa naging pagharap nito sa mga nagdaang kalamidad? A. Mas marami ang namatay bunsod ng mga nagdaang kalamidad. B. Marami pa rin ang nasirang mga imprastruktura dulot ng mga kalamidad. C. Mas malala ang naging masamang epekto ng mga kalamidad. D. Maiwasan ang mas malalang epekto ng mga kalamidad sa lalawigan. 13. Paano magiging matagumpay ang pagbuo ng isang DRRM Plan sa isang lugar? A. B. C. D.

Pangungunahan ng pamahalaan ang lahat ng gawain sa pagbuo nito. Pangingibabawan ng mga ordinaryong mamamayan ang pagpapaplano. Manghihimasok ang mga NGO sa pagbuo ng DRRM Plan. Magtutulungan ang pamahalaan, mga NGO at mga mamamayan sa pagbuo ng DRRM Plan.

14. Alin sa sumusunod ang iniaatas ng DepEd Order No. 55, s. 2008? A. Pagbuo ng Disaster Risk Reduction Resource Manual para sa mga pampublikong paaralan. B. Pagtatalaga ng mga DRRM Focal Person sa mga paaralan. C. Mga panuntunan sa mga paaralan sa panahon ng kalamidad. D. Pagiging evacuation center ng mga paaralan sa panahon ng mga kalamidad. 15. Paano ang mabisang pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran? A. Pagtatapon ng basura kung saan-saan kabilang na ang mga ilog at sapa. B. Patuloy na pagbuga ng usok ng mga sasakyan at pabrika. C. Pagtatanim ng mga puno at pangangalaga sa kalikasan. D. Pagkuha ng mga likas-yaman na sobra-sobra o higit pa sa kailangan.

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

4

Aralin

1

Ika-apat na Yugto ng DRRM Plan: Disaster Rehabilitation and Recovery

Matapos maisagawa ang una hanggang ikatlong yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan, mahalagang malaman na hindi nagtatapos sa pagtugon lamang sa mga pangangailangan ng mga mamamayan matapos ang isang kalamidad. Kinakailangang tuluyang makabangon ang mga mamamayan upang lubusan silang makabalik sa normal nilang mga buhay.

Balikan

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa Ikatlong Yugto ng Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Plan na Disaster Response. Upang mapagtibay ang natutuhan mo ukol rito, isulat sa tsart ang mga angkop na konsepto o sitwasyon na nasa kahon sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel. Needs Assessment

Damage Assessment

Loss Assessment

— pagguho ng gusali

— pagkawala ng pasok sa eskwela

— pagkain at tubig

— maayos na tirahan

— pagbagsak ng tulay

— pagtigil ng daloy ng trapiko

— mabisang gamot

— pagkawasak ng mga taniman

— pagkamatay ng mga alagang hayop

5

Tuklasin

Panuto: Basahin ang artikulo sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong matapos nito. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

https://www.officialgazette.gov.ph/aquino-administration/disaster-preparedness/

Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang nilalaman ng artikulo? 2. Paano tinutulungan ng gobyerno at ng iba pang sektor ng lipunan ang mga nasasalanta ng mga kalamidad? 3. Ano ang konsepto ng Rehabilitation and Recovery sa Disaster Management ayon sa artikulong nabasa?

6

Suriin

IKAAPAT NA YUGTO: DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY Ang ikaapat na yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan ay nakatuon sa rehabilitation at recovery ng mga taong nasalanta ng kalamidad. Ang salitang rehabilitation ay nangangahulugang pagpapanumbalik ng mga nasirang bagay sa dati nitong anyo o gamit. Ang recovery naman ay tumutukoy sa konsepto ng pagbawi o paggaling mula sa isang bagay/pangyayari. Ang dalawang salitang ito ay ang esensya ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan. Layunin ng yugtong ito ang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad. Nakatuon ito sa mga hakbang at gawain sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo, ilan sa halimbawa ng mga gawain sa yugtong ito ang sumusunod:  pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon;  paniniguro sa suplay ng tubig at kuryente;  pagkukumpuni ng mga nasirang kabahayan;  paninigurong sapat ang suplay ng pagkain, damit, at gamot;  pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin; at  pagkakaloob ng psychosocial services.

7

Noong 2006, nagpalabas ng Preliminary Guidance Note ang Inter-Agency Standing Committee (IASC). Ang komiteng ito ay binubuo ng iba’t ibang NonGovernmental Organizations (NGOs), Red Cross at Red Crescent Movement, International Organization for Migration (IOM), World Bank at mga ahensya ng United Nations. Ang Guidance Note na ito ay tungkol sa pagpapakilala ng Cluster Approach na naglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa pagtugon sa mga epekto ng mga kalamidad. Sa approach na ito, mas magiging malawak ang mabubuong plano at istratehiya sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan upang makabangon sa masamang dulot ng mga kalamidad. Sa pamamagitan din ng approach na ito ay mas magagamit din ng mahusay ang mga pinagkukunang yaman ng isang komunidad sa panahon matapos ang kalamidad. Ang Cluster Approach ang ginamit na batayan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa pagbuo ng sistema para sa pagharap sa mga sakuna, kalamidad, at hazard sa Pilipinas. Ipinalabas nila noong ika-10 ng Mayo, 2007 ang NDCC Circular No. 5-2007. Ito ay isang direktibo na nagpapatatag sa Cluster Approach sa pagbuo ng mga Disaster Management System sa Pilipinas kung saan ay magtatalaga ng pinuno ng bawat cluster (Cluster Leads) para sa tatlong antas: nasyunal, rehiyunal, at probinsiyal (tingnan ang pigura sa susunod na pahina).

Nasyunal

Cluster Leads Rehiyunal

Probinsiyal

Cluster Approach sa Disaster Management System sa Pilipinas

Sa sistemang ito, mayroong namumuno para sa bawat antas ng pamahalaan na mayroong kinalaman sa Disaster Management. Magsisimula ito sa pamahalaang nasyunal. Mayroong mga mamumuno sa antas ng rehiyon at mayroon din para sa bawat lalawigan. Sa ganitong paraan ay mas mapapadali ang pagtugon sa mga kalamidad sa iba’t ibang antas. 8

Isang halimbawa ng paggamit ng cluster approach ang ginawa ng Albay noong 2007. Ipinalabas nila ang Executive Order No. 01-2007 na bumuo sa Ayuda Albay Coordinating Task Force. Ang task force na ito ang siyang namuno sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan matapos ang bagyong...


Similar Free PDFs