Introduction to advance Araling Panlipunan PDF

Title Introduction to advance Araling Panlipunan
Author Mark Ronnie Mondejar
Course Introduction to Araling Panlipunan
Institution Islamic Azad University Behshahr
Pages 10
File Size 304.2 KB
File Type PDF
Total Downloads 285
Total Views 673

Summary

Araling PanlipunanIkalawang Kwarter – Ikalimang LinggoEpekto ng mga Patakarang Pang-Ekonomiya na Ipinatupad ngEspanya sa BansaLEARNING ACTIVITYSHEETS5Mga LayuninMELC: Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa: A. Patakarang pang-ekonomiya (Halimbawa: Pagbubuwis...


Description

5 Araling Panlipunan Ikalawang Kwarter – Ika limang Linggo Epekto ng mga Patakarang PangEkonomiya na Ipinatupad ng Espanya sa Bansa

LEARNING ACTIVITY SHEETS

Mga Layunin

MELC: Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa: A. Patakarang pang-ekonomiya (Halimbawa: Pagbubuwis, Sistemang Bandala, Kalakalang Galyon Monopolyo sa Tabako, Royal Company, Sapilitang Paggawa at iba pa) B. Patakarang pampolitika (Pamahalaang kolonyal) Layunin: 1. Natatalakay ang konsepto ng encomienda at mga kwantitatibong datos ukol sa tribute kung saan ito kinolekta. 2. Nakapagbibigay ang relasyon sa pagpapatupad ng encomienda at tributo. 3.

Napapahalagahan ang mga epekto ng mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa mga Pilipino.

Paglalahad  Patakarang Tributo

 Ang mga mamamayan ay kailangang magbayad ng buwis.  Sa simula,(1570) walong reales o isang piso ang hinihingi sa bawat pamilya at kalahating reales naman sa walang asawa ngunit nasa hustong edad.  Itinaas ito at naging s10 reales noong 1602 at 12 reales noong 1851  Pinalitan ang tributo ng cedula noong 1885 at pinagbayad ang mga may edad na 18 pataas  Mga taong maaaring di-magbayad ng tributo:  Kastilang dito nakatira sa Pilipinas  mga inulila ng mga opisyales na Kastila  mga cabeza de barangay  principalla  mga tapat na katutubong sundalo mga matatandang may edad na animnapu(60)  ang nakolektang pera ay ginamit sa mga proyekto ng pamahalaan tulad ng pagpapatayo ng simbahan, paaralan, gusali at iba pang pondo para sa sandatahang lakas. Ang tributo ay galing sa buwis ng mga Pilipino. Ito ay ginagamit sa pangangasiwa ng pamahalaan, simbahan, paaralan, kalusugan, at pagpapanatili ng kaligtasan ng bansa.  Iba pang Buwis na Ipinapataw: Ang Donativo de zamboanga, falla at vinta ay mga buwis na binabayaran upang suportahan ang hukbong military sa pagsugpo sa pananalakay ng ilang muslim.  Vinta-buwis na binabayaran ng mga taga Zamboanga sa mga Espanyol para sa pagsupil ng mga muslim.  Falla-buwis na binabayaran ng kalalakihan upang maligtas sila mula sa sapilitang paggawa.

 Donativo de zamboanga-buwis na binabayaran ng mga naninirahan sa may pampang ng kanlurang Luzon bilang tulong sa pagdepensa ng mga lalawigan mula sa banta ng mga Muslim.  Sistemang Bandala-sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol ng ani o produkto ng mga magsasaka sa mababang halaga. Ang magsasaka ay pinapatanim ng tabako.  Monopolyo ng Tabako ay ekslusibong pagbibili ng pamahalaan ng mga dahon ng tabako.  Kalakalang Galyon-ang kalakalang panlabas ng Pilipinas at Mexico na isinasakay ang mga produkto sa malaking barko.  Epekto ng Monopolyo ng Tabako  Hindi binabayaran ang mga ani o produkto.  Pagpapataw ng mataas na multa ang hindi pagsunod sa mga patakaran.  Nagkulang ng pagkain dahil hindi sila nakapagsasaka ng palay.  Matinding kagutuman ng mga magsasaka.  Epekto ng mga Patakaran Tributo at Encomienda sa mga Filipino  Nasadlak sa kahirapan ang mga katutubong Pilipino.  Nagkawatak-watak ang ilang katutubo sapagkat mismong naniningil ng buwis ay kapwa nila katutubo.  Pang-aabuso ng mga encomiendero.  Maraming Pilipino ang nag-alsa laban sa pangongolekta ng tributo  pinahihirapan o ipinakukulong ng encomiendero ang mga Pilipino.

 Relasyon ng Encomienda at Tributo  Ang encomienda ay ang pamamahala ng mga Kastila sa lupain ng mga katutubong Pilipino. Bawat mamamayan na nasasakop ng encomienda ay may katungkulang magbayad ng tributo kapalit ng kanilang katahimikan at kapayapaan.

Isagawa 1: Panuto: Suriin ang bawat aytem tungkol sa mga patakaran ng pananakop ng Espanyol. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang tributo ay ang pagbabayad ng buwis, Sino ang nagbabayad nito? a. principalla c. katutubong Filipino na magulang b. cabeza de barangay d. kastilang nakatira sa Pilipinas 2. Paano makakaiwas ang mga kalalakihan sa sapilitang paggawa? a. Falla c. Donativo de zamboanga b. vinta d. bandala 2

3. Sa anong Sistema ng mga Espanyol kung saan sapilitang pinagbili ang mga produkto sa mababang halaga? a. Falla c. bandala b. vinta d. Donativo de zamboanga 4. Paano nakatulong ang encomienda sa madaling pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas? a. madaling mapalaganap ang Kristiyanismo b. madaling makita ang mga katutubong hindi nagtatrabaho c. madaling nahikayat ang mga katutubo na tanggapin ang relihiyon. d. madaling pangasiwaan ng encomendero ang teritoryo at mamayanan nito. 5. Sa sistemang Encomienda na ipinatupad ng mga Espanyol na siyang namamahala sa mga lupain, Anong naging tungkulin ng mga mamayanan nito? a. Tungkulin ang magsimba. b. Tungkulin ang magbayad ng tributo. c. Tungkulin ang sumunod sa oras ng curfew. d. Tungkulin ang magbigay galang sa mga Espanyol. 6. Anong patakarang pang-ekonomiya kung saan naging epekto ang kagutuman ng magsasaka dahil sa hindi na sila nakapagsasaka ng palay? a. sistemang bandala b. patakarang tribute c. Monopolyo ng tabako d. patakarang Polo y servicio 7. Bakit maraming Pilipino ang naapektuhan sa itinatag na monopoly ng tabako? a. Pinalitan ang mga magsasaka ng ibang taong magtatanim ng tabako. b. Sapilitan silang pinagtatanim ng halamang tabako at marami ang hindi nabayaran. c. Itinatag ang monopolyo ng tabako upang paunlarin ang mga Filipino. d. Kinamkam ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga sakahan ng mga Pilipino. 8. Anong tawag sa kalakalang panlabas ng Pilipinas at Mexico kung saan ang mga produkto ay isinasakay sa malaking barko? a. sistemang bandala b. patakarang tributo c. Kalakalang panlabas d. Kalakalang Galyon 9. Anong tawag sa mga produkto o salapi na sapilitang ibinibigay sa pamahalaan ng mga mamayang may gulang 19 hanggang 60? a. vinta c. bandala b. tributo d. Donativo de zamboanga

3 10. Isang puwersang paggawa na pinapalahok ang mga Filipino sa ibat’t ibang mabibigay na trabaho. b. tributo

c. bandala

a. vinta

d. polo y servicio

Isagawa 2: Panuto: Isulat ang Tama kung nagbibigay ng relasyon sa pagpapatupad ng encomienda at Mali kung hindi. 1. Sa sistemang encomienda,ang mga mamamayan na nasa hustong edad may asawa o wala ay kailangang magbayad ng tributo. 2. Maaaring ibayad bilang tributo ang salapi o produkto. 3. Kapalit ng pagbabayad ng tributo ay ang pagpaparusa sa mga Pilipino sa harap ng maraming tao. 4. Upang magkaroon ng kapyapaan at katahimikan ang mga Pilipino,sila ay dapat magbaya ng tributo. 5. Sa panahon ng mga Kastila,malaki ang kaugnayan o relasyon ng pagpapatupad ng sistemang encomienda at tributo.

Isagawa 3: Itala ang mga naging epekto sa patakarang Tributo at Encomienda

AN

AN EPEKTO NG TRIBUTO, ENCOMIENDA AT MONOPOLYO NG TABAKO

AN AN I

AN AN

heck Panuto: Maaari kang magpatulong sa iyong mga magulang o nakakatandang kapatid sa inyong tahanan upang tiyaking tama ang mga nasagutan sa mga gawain. Kung wala ay kumunsulta agad sa guro ng asignaturang ito at ipakita ang mga sagot.

4

Isagawa 5: Performance Task Ano ang patakarang Tributo?

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

Gawain 2

1. d 2. a

1. Tama 2. Tama

3. c

3. Mali

4. d

4. Tama

5. b

5. Tama

6. c 7. b 8. d 9. b 10. d

Sanggunian Araling Panlipunan 5 (Batayang Aklat p.120-127) Araling Panlipunan 5 (Gabay ng guro p.42-45) Inihanda ni: MERCEDES R. SUYOM Teacher I/ Dughan Elementary School

Gawain 3 Mga Epekto ng Tributo,Monopolyo ng tabako at Encomienda

 Nasadlak sa kahirapan ang mga katutubong Filipino.  Hindi binabayaran ang mga ani o produkto.  Nagkawatak-watak ang ilang katutubo sapagkat mismong naniningil ng buwis ay kapwa nila katutubo.  Pang-aabuso ng mga encomendero.  Maraming Pilipino ang nag-alsa laban sa pangongolekta ng tributo  pinahihirapan o ipinakukulong ng encomendero ang mga Filipino.  Pagpapataw ng mataas na multa ang hindi pagsunod sa mga patakaran.

 Nagkulang ng pagkain dahil hindi sila nakapagsasaka ng palay.  Matinding kagutuman ng mga magsasaka

....


Similar Free PDFs