Detailed Lesson Plan-Araling Panlipunan PDF

Title Detailed Lesson Plan-Araling Panlipunan
Author Carlo Katug
Pages 12
File Size 1.1 MB
File Type PDF
Total Downloads 262
Total Views 400

Summary

BANGHAY - ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN SA IKASIYAM NA BAITANG I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Naihayag ang ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag iimpok. 2. Napahalagahan ang ugnayan ng kita, konsumo at pag-iimpok. 3. Nakapagbigay ng kahulugan gamit ang Grapic Organ...


Description

Accelerat ing t he world's research.

Detailed Lesson Plan-Araling Panlipunan carlo katug Carlo Katug

Cite this paper

Downloaded from Academia.edu 

Get the citation in MLA, APA, or Chicago styles

Related papers

Download a PDF Pack of t he best relat ed papers 

BANGHAY - ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN SA IKASIYAM NA BAITANG

I.

LAYUNIN Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Naihayag ang ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag iimpok. 2. Napahalagahan ang ugnayan ng kita, konsumo at pag-iimpok. 3. Nakapagbigay ng kahulugan gamit ang Grapic Organizer ukol sa napiling ugnayan.

II.

NILALAMAN

A. Paksa UGNAYAN NG KITA, PAGKONSUMO AT, PAG-IIMPOK B. Sangunian Ekonomiks – Araling Panlipunan Modyul Para Sa Mag-aaral Pahina 287-301 Araling Panlipunan Curriculum Guide, pahina 201 https://images.app.goo.gl/J1H(&gcADjNpzYiJ8 https://www.dreamstime.com/stock-photo-boy-pig-piggy-bank-littlesaving-money-image91703724

C.

Mga Kagamitan Laptop

Hand-outs

Rolled paper

TV Monitor

Kahon

Speaker

Published By: Carlo Prospero Katug

III.

PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO

1.

GAWAIN NG MAG-AARAL

PANIMULANG GAWAIN A. Pagdadasal Sabihin: “Magsitayo ang lahat upang manalangin, __________pamunuan mo ang panalangin..”

(Ang lahat ay nagsitayo upang manalangin.)

B. Pagbati Sabihin: “ Magandang umaga sa inyong lahat!”

“ Magandang umaga rin po Maam Yap.”

C. Pagsasaayos ng silid aralan Sabihin: “ Pakidampot ang lahat ng kalat at itapon ito sa lalagyan at pakiayos ng inyong upuan.”

(Ang lahat ng mag-aaral ay dinampot nila ang kalat, itinapon sa lalagyan at inaayos din ang upuan.)

D. Pagtala ng liban sa klase (Ang guro ay nagsisiyat kung may lumiban sa klase gamit ang seat plan.) E. Pagbabalik-Aral Sabihin: “Bago tayo dumako sa ating aralin, magkaroon muna tayo ng balik aral, Ano ba ang ating leksyon kahapon,___________?”

Sabihin: “Titser, Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol sa Heograpiya ng Daigdig.”

Sabihin: “ Tama! Maraming Salamat.” Sabihin: “Ano-ano ba ang natutunanan niyo sa ating leksyon kahapon?”

Sabihin: “Mahusay! Maraming Salamat.”

“Ang natututunan ko po ay tungkol sa mga uri ng

Heograpiyang Pisikal na binubuo ng Limang Tema ng Heograpiya, Lokasyo, Topograpiya, at mga Katangiang Pisikal ng Daigdig (anyong lupa, anyong tubig, klima, at yamang likas).”

Published By: Carlo Prospero Katug

F. Pagtatapos Sabihin: “ Magsitayo ang lahat at manalangin para pagtatapos ng ating leksyon”

Sabihin: “ Paalam mga mag- aaral.”

IV.

(Ang lahat ng mag-aaaral ay nagsitayo upang manalangin para sa pagtatapos ng kanilang leksyon)

Sabihin “ Paalam din po titser Katug ”

PARAANG PAGKATOTO GAWAIN NG GURO

GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Pagganyak (Ang guro ay magpapakita ng larawan gamit ang TV Monitor kaugnay sa kita, pagkonsumo at pag-iimpok) 1

(Ang mga mag-aaral ay tinitingnan ang mga larawan sa TV Monitor.)

Published By: Carlo Prospero Katug

2

Sabihin: “ Sa unang larawan, Anong ugnayan ang nagpapakita rito, bigyan ito ng interpretasyon.”

(ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng mga kamay.)

Sabihin: “Sige_____________.”

“Ang unang larawan ay isang babae na nagpapahiwatig ng pamimili ng kanyang bibillhin ukol sa kanyang kita at ito ay may ugnayan sa pagkonsumo.

Sabihin: “Mahusay! Magaling! Ano naman ikalawang larawan?”

(ang mga mag-aaral ay nagsitaasan ng mga kamay)

Sabihin: “Sige______________”

“Ang Ikalawang larawan ay isang bata na nagpapahiwatig ng pag-iimpk ng salapi gamit ang piggy bank”.

Sabihin: Magaling! Magaling limang palakpak para da dalawang nakasagot ng magaling”

(Ang lahat ng mag-aaral ay nagsipalakpakan)

Published By: Carlo Prospero Katug

B.

Gawain (Activity) Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, ang bawat pangkat ay nakapagbigay ng kahulugan gamit ang Grapic Organizer ukol sa napiling ugnayan. 1. Pamamaraan a. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. b. Ang bawat miyembro ng grupo ay magbibigay ng sariling ideya o kahulugan tungkol sa napiling ugnayan. c. Magtalaga ng isang representate upang bumunot sa kahon, pagkatapos magpaliwanag sa gitna ukol sa kaugnayan ng kita, pagkonsumo at pag iimpok sa bawat isa at bibigyan ng limang minute upang sagutan. Group 1- Kita Group 2- pagkonsumo Group 3-Pag – iimpok d. Ang bawat presentante ay bibigyan ng limang minuto upang magpaliwanag sa gitna ukol sa napiling ugnayan.

KAUGNAYAN

KITA

PAGKONSUMO

(Group 1)

PAG – IIMPOK

(Group 2)

(Group 3)

(1)

Published By: Carlo Prospero Katug

GAWAIN NG GURO

GAWAIN NG MAG-AARAL

(Posibleng sagot ng mag-aaral) Sabihin: Unang pangkat, base sa inyong naiambag tunkol sa kita, ano ang kahulugan ng kita?”

“Ang kita . ito ay halagang natatangkap ng tao kapalit ng product o serbisyong kanilang ibinigay.”

Sabihin: “Magaling. Maraming Salamat group 1, OK Pangalawang pangkat naman”

“Ang pagkunsumo, ang pagbili at paggamit ng produckto o serbisyo na magbigay ng pakinabang sa tao.”

Sabihin: Mahusay! Mahusay! Maraming Salamat. OK, ang panghuling pangkat”

“Ang pag-iimpok o savings ay paraan ng pagpapaliban ng paggasto.”

Sabihin: “Isang malakas na palakpak para sa lahat”

(ang lahat ng mag-aaral ay nagpalakpakan)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Published By: Carlo Prospero Katug

Mananaliksik: Pangkat 1- Kita Pangkat 2- Pagkunsumo Pangkat 3- Pag-iimpok Pamantayan Kategorya

5

4

3

2

1

Mahusay na naipapaliwanag nang malinaw anv mga Nilalaman nasaliksik na relatibong detalye na may kaugnay sa paksa. Mahusay na naisasaayos nang Mabuti nang pagkakasunodOrganisasyon sunod nang mga detalye at ng mga ideya nakapagprodyus ng isang kaayaayang komposisyon.

Naipapaliwanag nang malinaw ang mga nasaliksik na relatibong detalye na may kaugnay sa paksa

Naipaliwanag ang paksa ngunit may kaunting kakulangan.

Naiugnay ang relasyon ng pangsuportang detalye sa paksa ngunit hindi malinaw.

Walang kaugnayan ang teksto sa paksa.

Naiaayos ng mabuti ang pagkasunodsunod nang mga detalye.

Naisaayos nang Mabuti ang paglasunodsunod ng mga detalye ngunit may kaunting kakulangan.

Ang Hindi organisasyon organisado ng mga ang gawain. ideya ay hindi sunodsunod at kulang.

Mahusay na naipamalas ang mga gawain sa itinakdang oras at naipresenta ng maganda ang pangkatang gawain.

Naipamalas ang gawain sa itinakdang oras at naipresenta ng magand ang pangkatang gawain.

Naisagawa ang gawain ngunit hindi maayos ang preparasyon at walang kahandaan.

Naisagawa ang gawain ngunit hindi maayos ang preparasyon at walang kahandaan.

Pamamahala ng oras

Kabuuang Puntos

Hindi naisagawa ang pangkatang gawain dahil hindi napamahalaan ang oras.

___/15

C.

Pagsusuri (analysis)

Published By: Carlo Prospero Katug

Pamprosesong Tanong Gawain ng Guro Sabihin: Ano ang inyong naunawan sa kahulugan ng kita, pagkonsumayo at pagiimpok?

Gawain ng Mag-aaral (Posibleng Sagot) Ang kita ay perang natatanggap mula sa pinaghirang trabaho.

Sabihin: “Paano mo mapahalagahan ng “Bilang isang mag-aaral, ito ay mapahalagahan sa wasto ang kita, pagkonsumo at pag-iimpok pamamagitan ng tamang paggasta, pagonsumo ng bilang isang mag-aaral?” mga mahahalagang at pag-iimpok sa binibigay na baon.” Sabihin: “Bakit may mga taong nahihirapan magbalanse ng kita, konsumo at ipon?”

D.

“Ito ay dahilan ng di tamang paggasta sa mga mga pangunahing pangangailangan.”

Paghahalaw (abstraction) KAUGNAYAN NG KITA, PAGKONSUMO AT, PAG-IIMPOK

Impulse Buyer - Uri ng tao na kapag may pera bili nang bili hanggang sa maubos at kung wala nang pera saka maaalala kung ano ang kaniyang pangangailangan. Pera - Katulad ng ating mga pinagkukunang yaman ay maaaring maubos. Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailngan upangmapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Pagkunsumo - Gamitang salapi ay kinakailangan di nang matlinong pag-iisip t pagdedesisyon upang mapakinabangan ng husto at walang masasayang. Kita - Ang kita ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay. Sa mga ngtatrabaho, ito ay sweldo na kanilang natatanggap. Ang kita ay maaring gastusin sa pangangailangan at kagustuhan at iba pang bagay na kinukunsumo subalitvbukod sa paggastos ng pera mayroon pang ibang bagay na maaaring gawin ditto. Maari itong tabi o itago bilang savings o ipon. Pag-iimpok - Ayon kay Roger E. A. Farmer 2002, ang savings o pag-iimpok ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos. Ito ay hindi ginagamit sa pagkonsumo o hindi ginastos sa pangangailangan. Interest/Dibedendo loob ng isang buwan.

E.

- Ang tawag sa kita na ibinigay ng banko mula sa naipong pera na inilagak sa

Paglalapat (application)

Published By: Carlo Prospero Katug

GAWAIN NG GURO Sabihin: “Ano ang ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag-iimpok?” Sabihin: “Sige____________.”

GAWAIN NG MAG-AARAL (Ang mga mag-aaral ay nagsisistaasan ng mga kamay.) “Ang kita ay madalas na pinanggalingan ng pera ng maraming tao. Ito ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinigay. Sa mga nagtratrabaho, ito ay sweldo na kanilang natatanggap. Ang kita ay maaring gastusin sa pangangailangan sa araw- naraw tulad na lamang ng pagkain na kinukonsumo sa araw araw, bayarin at pangangailangan. Ang kita ay maari din itong gawin ipon o saving.”

Sabihin: “Mahusay! Maraming Salamat.” Sabihin: “Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok?” (Ang mga mag-aaral ay nagsisitaasan ng mga kamay.) “Ang kahalagahan ng pag-iimpok ay napaghandaan nito ang kinabukasa. Ang pag iimpok maaari din itong ilagak sa banko upang tumubo buwan-buwan” Sabihin: “Magaling! Maraming Salamat.” (Ang mga mag-aaral ay nagsisitaasan ng mga kamay.) Sabihin: “ Bilang mag-aaral, paano mo ibabadyet ang baon mo sa araw-araw na inyong pangangailangan?” Sabihin: “Sige____________.”

Sabihin: “Magaling! Maraming Salamat.”

“Bilang isang mag-aaral, maibabadyet ko ang baon ko sa aking araw-araw na pangangailan sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagay na nababase sa aking pangangailan”

Published By: Carlo Prospero Katug

F. PAGTATAYA (Assessment) GAWAIN NG GURO

GAWAIN NG MAG-AARAL

Sabihin: “ Ngayon ay lubos na ninyong naunawaan ang ating araling. Kumuha ng ikaapat na bahagi ng papel at sagutin ang mga mga tanong ko at bawat tanong ay dawalang puntos,”.

(Ang lahat ng ma-aaral ay nagsipagkuha ng ikaapat na bahagi ng papel.)

Sabihin: “Number 1. Ang tawag sa isang tao na basta may pera ay bili lang ng bili na wala sa plano?” a). Impulse Buyer b). Pera C. Interest/dibidendo

(Ang lahat mag-aaral nagsinasagot ang ang tanong sa ikaapat na bahagi ng pape.l)

Sabihin: “Number 2. Ito ang ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao?” a). Pera

b). Ipon

C. Interest/Dibidindo

Sabihin. “Number 3. Ang tawag sa kita na ibinigay ng banko mula sa naipong pera na inilagak sa loob ng isang buwan. a). interest/Dibidindo b). Gamit

c). Pagkain

(Ang lahat mag-aaral nagsinasagot ang ang tanong sa ikaapat na bahagi ng papel.)

Sabihin: “Number 4. Dito inilagak ang perang hindi nagastos sa pagkonsumo o pangagailangan?” a). Banko b). Pera

c). Interest/Dibidindo

(Ang lahat mag-aaral nagsinasagot ang ang tanong sa ikaapat na bahagi ng papel.)

Sabihin: “Number 4. Ito ay tumutukoy sa kitang hindi na ginagamit sa pagkonsumo o hindi ginastos sa pangangailangan inilalagak na sa banko?” a). Banko b). saving/Ipon

c). Interest/Dibidindo

Sabihin: “Tapos o hindi tapos pakipasa ang papel sa harapan, sa bilang ng lima. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. OK”

(Ang lahat mag-aaral nagsinasagot ang ang tanong sa ikaapat na bahagi ng papel.) (Ang lahat mag-aaral lahat ng mag-aaral ay pinapasa ang ang kanilang papel sa harapan.)

Published By: Carlo Prospero Katug

V.

TAKDANG-ARALIN (assignment) 1. Basahin ang pahina 302-316 sa inyong aklat (Ekonomiks). Ibigay ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng implasyon.

Inihanda nila:

Carlo Prospero Katug

Sinuri ni:

Ethel Ruth C. Dignadice, Ed.D Kooperating Titser-Educ122

Published By: Carlo Prospero Katug...


Similar Free PDFs