Detailed Lesson plan Araling Panlipunan Grade 7 PDF

Title Detailed Lesson plan Araling Panlipunan Grade 7
Author Gecille Duco
Course Bsed Math
Institution Isabela State University
Pages 4
File Size 185.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 567
Total Views 1,033

Summary

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN(GRADE 7 QUARTER 2)I. LAYUNIN:Sa pagtapos ng aralin, ang mag aaral ay inaasahan na:a. Nasusuri ang kalagayang legal at tradisyon ng mga kababaihan sa ibat ibang uri ng pamumuhay: b. Nakakabuo ng masining na pagtatanghal na nagpapakita kalagayang legal at tradisyon...


Description

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN (GRADE 7 QUARTER 2) I. LAYUNIN: Sa pagtapos ng aralin, ang mag aaral ay inaasahan na: a. Nasusuri ang kalagayang legal at tradisyon ng mga kababaihan sa ibat ibang uri ng pamumuhay: b. Nakakabuo ng masining na pagtatanghal na nagpapakita kalagayang legal at tradisyon ng mga kababaihan sa ibat ibang uri ng pamumuhay; at c. Nabibigyang pagpapahalaga ang bahaging ginagampanan ng kababaihan sa pagtaguyod at pagpapanatili ng mga asyanong pagpapahalaga. II. PAKSANG ARALIN: a. b. c. d.

Paksa: paghubog ng Sinaunang Kabihasnan sa Asya. Sanggunian: AP7KSA-IIa-j-1, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba; pahina 116-126 Kagamitan: mga larawan , mapa ng asya, cartolina strip. Pagpapahalaga: pagpapahalaga ng komunidad at pamumuhay.

III. PAMAMARAAN: GAWAING GURO A. Panimulang Gawain ⮚ Pagbat

GAWAING MAG AARAL

Magandang umaga din po Guro Magandang umaga mga bata ⮚

Pag darasal

Tayo ay yumuko at manalangin ma, bantayan mo po ang iyong mga anak sa araw na ito ng kanilang pag-aaral. Ilayo mo po sila sa lahat ng panganib at sakuna upang maipagpatuloy nila ang kanilang mabubuting hangarin na matuto. Iligtas mo po sila sa mga pagsubok na kanilang makakasalamuha ngayong araw na ito. Maraming salamat, Amang banal, sa iyong mga biyaya. Amen. ⮚

Pag tsetsek ng mga lumiban

Mayroon bang lumiban ngayong araw? Wala po guro



Balik aral

Mag balik aral tayo tungkol sa huli nating tinalakay mr. Santos Mahusay! Ano ano ang mga wikang iyon? Faye Mahusay! ⮚ Pagganyak

Ang huli po nating pinag aralan ay ang mga ibat ibang wika sa asya.

Mandarin, Japanese, Korean, filipino, Bahasa.

Ngayon ay may ipapanuod akong video sa inyo tungkol sa pag unlad ng tao ayon sa sa kanilang pamumuhay at kagamitan

Ano ang masasabi o napapansin niyo sa video? Sheena tama!

Ma’am, ang pag unlad ng tao sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay at kagamitan. ⮚

Pag tatalakay

Ano ngaba ang TECHNO SAPIENS Pakibasa Jenissa

Ang Techno Sapiens ay Ang imbensiyong ito ay patunay na paglilinang ng tao ng kanyang kaalaman upang higit pang mapabuti ang kanyang buhay. Sa patuloy na pagdami ng tao, patuloy rin nilang ginamit ang kanilang talion at kasanayan sa pagtuklas ng mga kagamitang magagamit upang maiangkop ang sarili sa kanilang kapaligiran at tuloy masiguro ang pagtatagumpay na mamuhay sa daigdig.

Ang Sinaunang Panahon • - ayon sa mg

arkeologo na nag aaral ng sinaunang kasaysayan, ang sinaunang panahon ang kabihasnan ng tao ay tinatawag na Panahong Bato. Ito ay nahahati sa dalawang panahon ang: • Panahong Paleolithic o Panahon ng Lumang Bato • Panahong Neolithic o Panahon ng Bagong Bato ANG EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO Ang kasanayan ng tao sa paggamit ng mga kagamitang kanilang nilikha upang matugunan ang kanilang pangangailangan ay tinatawag na teknolohiya. Ang mga artifact na nahukay ay mga halimbawa ng teknolohiyang nagawa ng tao noong Panahong Prehistoric. Nakatulong nang Malaki sa paglalarawan ng kultura ng Panahong Prehistoric ang mga artifact na natuklasan ng mga arkeologo, kasama na ang mga buto ng mga sinaunang tao. PANAHONG PALEOLITHIC Ang mga tao sa Panahong ito ay gumamit ng mga kagamitang gawa sa matatalim na bato at graba, na agad namang itinatapon matapos na gamitin. Ang panahong ito ay naganap may dalawang milyong taon na ang nakaraan. Ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito ay ang pag gamit ng apoy. PANAHONG MESOLITHIC -Ang Mesolithic o middle stone age ay ang panahong nalinang sa pagitan ng Panahong Paleolithic at Panahong Neolithic. -Ang ilang kagamitang tuklas ng panahong ito ay ang mga blade, point, lunate, trapeze, craper, at arrowhead. -Karaniwan na rin ang mga kagamitang may kombinasyon ng kahoy o buto o di kaya’y balat ng hayop, pagpapalayok, at paggawa ng buslo. Ito ang dahilan kung bakit tinawag na kulturang material ang Panahong PANAHONG NEOLITHIC - Ang panahong Neolithic ang panahong nalinang sa pagitan ng Panahong Paleolithic at Panahong - Ang agrikultura ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito.



Paglalahat:

Ano ang TECHNO SAPIENS Edward

Tama! Ang sinaunang panahon ay nahahati sa dalawang panahon ano ito? Kimberly

Tama! ⮚

Paglalapat

Gumuhit ng mga kagamitan ng mga tao sa sinaunang panahon

Mahusay mga bata! IV. Pagtataya Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot ____1. ang panahong nalinang sa pagitan ng Panahong Paleolithic at Panahong ____2. isang biochemical na imbensiyon ng tao na nakagagawa at nakakakilos ng tulad sa totoong tao. ____3. . Ang panahong ito ay naganap may dalawang milyong taon na ang nakaraan. Ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito ay ang pag gamit ng apoy. ___4. agrikultura ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito. ___5. kasanayan ng tao sa paggamit ng mga kagamitang kanilang nilikha upang matugunan ang kanilang pangangailangan ay tinatawag na teknolohiya. V. TAKDANG ARALIN Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa asya.

Ang Techno Sapiens ay isang biochemical na imbensiyon ng tao na nakagagawa at nakakakilos ng tulad sa totoong tao.

Ito ay nahahati sa dalawang panahon ang: • Panahong Paleolithic o Panahon ng Lumang Bato • Panahong Neolithic o Panahon ng Bagong Bato...


Similar Free PDFs