Title | Lesson Plan in Araling Panlipunan 7 |
---|---|
Author | Mark Leo Hapitan |
Pages | 4 |
File Size | 322.7 KB |
File Type | |
Total Downloads | 178 |
Total Views | 890 |
Page 1 of 4 CORRECTED COPY Republic of the Philippines Inihanda ni: Bungsuan National High School MARK LEO D. HAPITAN Dumarao, Capiz Practice Teacher, CapSU Dumarao LESSON PLAN SA ARALING PANLIPUNAN 7 Hulyo 11, 2016 I. Layunin 1. Naitatala ang mga mahahalagang salitang may kinalaman sa pagtuklas sa ...
Page 1 of 4
CORRECTED COPY
Republic of the Philippines Bungsuan National High School Dumarao, Capiz
Inihanda ni: MARK LEO D. HAPITAN Practice Teacher, CapSU Dumarao
LESSON PLAN SA ARALING PANLIPUNAN 7 Hulyo 11, 2016 I.
II.
III.
Layunin 1. Naitatala ang mga mahahalagang salitang may kinalaman sa pagtuklas sa Katangiang Pisikal ng Asya. 2. Nakapagbubuo ng konsepto o kaisipan tungkol sa kahalagahan ng pagaaral ng heograpiya ng Asya. Nilalaman Paksa: “Panimula: Katangiang Pisikal ng Asya” Sanggunian: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Rosemarie C. Blando, et al., Eduresources Publishing, Inc., p. 11-12 Kagamitan: LCD monitor, smartphone, pentel pen, construction paper Pagpapahalaga: pagkakaisa at pagiging makakalikasan Tinatayang oras: 40 minuto Pamamaraan A. PANIMULANG GAWAIN 1. Balik-aral SIMPLE RECALL
GURO
MAG-AARAL
Sino ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas?
Jose Rizal
Sino ang inihalal na pangulo ng Pilipinas noong June 30, 2016?
Rodrigo Roa Duterte
2. Pagganyak Panuto: Mula sa krossita ay subukan mong hanapin, sa anumang direksyon, ang mga salitang may kinalaman sa pagtuklas ng mga Katangiang Pisikal ng Asya. Isulat ang mga ito sa papel. H I E K O R G I R K A S P O I S Y N A K N I
B L D A P A U S N W L E O N T B I N B A H U N U I S B T R O B A S
K T E K M A L P I N L I G I R A N I P K A B I L H G A S Y A T S A P U N B I A B I N E N T E P K H I U T R A S G I A O H U R O N A N G L B A G N A Y A N I P I S A S E L Y I T E S N S T Y A D O P S T A W E T R K Y O P E N
B. PAGLINANG NG ARALIN a. Paglalahad ng Paksa 1. Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral.
Page 2 of 4
CORRECTED COPY
2. Magtalaga ng lider sa bawat pangkat. 3. Isa-isang isusulat ng bawat grupo ang mga salitang kanilang naitala mula sa krossita sa ibinigay sa mga ginupit construction paper. 4. Ang guro ay magtatanong ng mga katanungang makikita sa inihandang monitor o TV screen. 5. Matapos basahin ang katanungan, ang bawat grupo ay bibigyan ng 20 segundo upang balasahin ang kanilang pinal sa sagot mula sa mga sinulatang parihabang papel. 6. Bibigyan ng 10 segundo ang mga pangkat upang ipaskil ang kanilang sagot sa pisara. 7. Sa paglabas ng salitang “Time is up!” sa monitor o TV screen, dapat ang lahat ng mga mag-aaral ang nakabalik na sa kani-kanilang pangkat. 8. Ang kasagutan ay lalabas sa monitor na umaayon sa pamamagitan ng wireless control na hawak ng guro. 9. Makakatanggap ng tatlong star ang pangkat na may tamang sagot, dalawang star sa nagpaskil ng sagot ngunit hindi naitama at isang star sa walang ipinaskil. 10. Ang pangkat na may pinakamaraming star ang syang idedeklarang panalo. GURO
MAG-AARAL
Bigkis o pagtutulungan para sa kapwa kapakinabangan
Ugnayan
Pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kaniyang kubuhayan at pagtugon sa pangangailangan
Kultura
Kalikasan, ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig
Kapaligiran
Maunlad na yugto ng kulturang panlipunan, moral at kultural
Kabihasnan
Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo
Heograpiya
Katutubo o tagapag-simula
Sinauna
Pag-unawa o paghanga sa sining, kaugalian, paniniwala, gawaing panlipunan, edukasyon, relihiyon at siyentipiko
Kultural
malaking masa ng lupain ng mundo
Kontinente
Ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon
Asya
Katangiang nakikita at nahahawakan
Pisikal
Page 3 of 4
CORRECTED COPY
b. Analisis GURO
May isang minuto ang bawat pangkat upang pagsunod-sunurin ang mga salitang nasa parihabang papel batay sa kahalagahan nito kung ang paguusapan ay ang kabihasnan ng mga Asyano. Iuulat ng bawat pangkat kung bakit ganoon ang kanilang naging sagot.
MAG-AARAL
Inaasahang pagkakasunodsunod ng limang pinakamahalagang salita: Heograpiya Asya Kabihasnan Kultura Kapaligiran
C. PANGWAKAS NA GAWAIN a. Paglalahat GURO
MAG-AARAL
Pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kaniyang kubuhayan at pagtugon sa pangangailangan
Kultura
Kalikasan, ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig
Kapaligiran
Maunlad na yugto ng kulturang panlipunan, moral at kultural
Kabihasnan
Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo
Heograpiya
Ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon
Asya
b. Paglalapat
IV.
GURO
MAG-AARAL
Bumuo ng konsepto o kaisipan tungkol sa kahalagahan ng pag- aaral ng heograpiya ng Asya sa pamamagitan ng pagtagpi-tagpi ng lima o higit pang salitang ipinaskil sa pisara.
Ang kontinente ng Asya ay ating tahanan. Bilang mamamayan nito, mahalaga ang pag-aaral ng heograpiya upang malinang ang ating kaalaman sa pisikal na aspeto ng ating kapaligiran, gayon din sa ating pang-araw-araw na kultura na syang hinubog ng ating mga ninuno sa yugto ng kanilang kabihasnan,
Pagtataya a. MULTIPLE CHOICE (5 pts.) Panuto: Isulat sa ¼ na papel ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pinakamalaking kontinente sa sukat at populasyon? a. pisikal c. Russia b. kontinente d. Asya (TAMANG SAGOT)
Page 4 of 4
CORRECTED COPY
2. Ito ay tawag sa pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo. a. heograpiya (TAMANG SAGOT) c. kabihasnan b. Asya d. Physics 3. Ito ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kaniyang kubuhayan at pagtugon sa pangangailangan. a. kultura (TAMANG SAGOT) c. negosyo b. kabihasnan d. kapaligiran 4. Tawag sa yugto ng kulturang panlipunan, moral at kultural. a. ugnayan c. kabihasnan (TAMANG SAGOT) b. pananakop ng mga Kastila d. kultural 5. Tumutukoy sa kalikasan o ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig. a. kapaligiran (TAMANG SAGOT) c. Asya b. kalawakan d. heograpiya b. FILL IN THE BLANKS (5 pts.)
Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat puwang ayon sa mga salitang ating napag-aralan. Ang kontinente ng 1. _______ (ASYA) ay ating tahanan. Bilang mamamayan nito, mahalaga ang pag-aaral ng 2. _______ (HEOGRAPIYA) upang malinang ang ating kaalaman sa pisikal na aspeto ng ating 3. _______ (KAPALIGIRAN), gayon din sa ating pang-araw-araw na 4. _______ (KULTURA), na syang hinubog ng ating mga ninuno sa yugto ng kanilang 5. _______ (KABIHASNAN).
V.
Kasunduan Gamit ang inyong cellular phone, kuhanan ng litrato ang magagandang tanawin sa inyong lugar katulad ng bundok at burol. Huwag humayo sa malayo at delikadong lugar. Sapat na ang isang litrato sa bawat pangkat.
Pinansin: Hulyo 11, 2016 ____________________________
ARNEL V. HINGUILLO (Guro sa Araling Panlipunan 7, BNHS)
NOTHING FOLLOWS • NOTHING FOLLOWS • NOTHING FOLLOWS • NOTHING FOLLOWS • NOTHING FOLLOWS • NOTHING FOLLOWS...